Pag amin

1113 Words
Matapos nilang kumain ay wala na uling imik si Selena at ngayon ay tinatahak na nila ang daan pabalik ng maynila. Mula sa center mirror ng sasakyan ay sinusulyapan ng binata ang dalaga at kitang kita nito na tila ang lalim ng iniisip ng amo kayat napag disisyunan niyang kausapin. " Se-senyorita," pag basag niya ng katahimikan. Napaangat ng tingin ang amo at deretsong tumingin sa kanya na tanaw niya mula sa driver set. " Yes? " mahina at tipid na tanong nito. "Ang galing niyo po kanina, diko po akalaing ganon' kayo kaliksi kumilos at kaya niyong makipaglaban ng ganoon, napatumba niyo pa ang dalawa sa mga kalaban niyo." papuri ng binata sa amo pero tila wala itong narinig dahil tinitingnan lang siya nito mula sa center mirror. Napakamot nalang ng ulo ang binata dahil napahiya siya sa kanyang sarili. " Ayan kasi Baste feeling close ka agad," bulong niya sa sarili. Isang buntong hininga ang binitawan ni Selena bago nagsalita. "Sebastian' you know.. when i was in high school ay nag aral din ako ng martial arts sa kagustuhan ni dad' and he said for self defense daw and now ko narealize na may silbi din 'yon even that napilitan lang ako." pahayag ng dalaga pero bakas sa mukha ang pag aalala. " Eh senyorita may ideya po ba kayo kong sino ang mga 'yon?" kuryosong tanong ng binata. Tumingin si Selena sa gilid ng kalsada bago nag salita. "Can you stop the car for a while? hanap ka muna ng pwede natin tigilan." Utos ng dalaga kaya naman di na nagtanong ang binata at agad naghanap ng pwede nila tigilan at ng makatigil na.... "I'm sorry Sebastian!" sabi ng dalaga na nag patulala naman kay Baste! nilingon niya ang amo sa backset bago nagtanong, " bakit ma'am, may kasalanan po ba kayo sa akin?" tanong nito. "I don't know those guys personally but my friend did, dahil siya ang inutusan ko na maghanap ng tao para gawin 'yon, ang harangan tayo at bugbugin ka, but i didn't tell na patayin ka the worst is pinagtangkahan nila ako ng lingid sa kaalaman nila that im the one who pay them! I just want them to hurt you para pag naisip mong mapanganib ang maging body guard ko ay mag reresign kana! Pero nagkamali ako I know its all my fault and i accept it! So please forgive me Baste!" Sa pagkakataong ito ay napanganga ang binata at di alam ang sasabihin. First time niya pang narinig na tinawag siya ng dalaga sa palayaw niya. Ngunit alam niyang gusto ng dalaga na mawala siya sa landas nito pero di niya naisip na kaya ng dalaga na gawin ang gano'ng bagay! "Kaya ayaw ko na habulin mo sila dahil mas malaking gulo pag nalaman ng daddy ang nangyari. Kaya mas minabuti kong walang makakaalam sa nangyari kundi tayo lang! I know that you promise into my dad' to protect me and you did it! Kong muntik man tayo napahamak ay ako na ang may kasalanan kaya sana mangako ka na hindi na ito makakrating kay dad' please Baste." mahabang pagpapaliwanag ni Selena na medyo nauunawaan naman ni Sebastian pero kahit anung gawin niya ay mali parin ang ginawa ng dalaga! Kaya nag isip muna siya bago nagsalita! "Ok senyorita dahil may kasalanan kayo sakin kailangan niyo pagbayaran 'yon, hindi ko irereport da daddy 'nyo ang nangyari pero, sa pagkakataong ito kailangan niyo ng maging mabait sa akin at hindi niyo na ako gagawing alila para lamang mapalayas!" turan niya na nakangisi sa dalaga at kumunot naman ang noo ng dalaga! " What? do you think pwede mo akong pangunahan at susunod ako sa gusto mo, ako ang amo mo?" salubong na kilay na pagprotesta ng dalaga at bumalik na naman ang kamalditahan nito! "Yan' ganyan lang senyorita at pagdating natin ipapaalam ko ito sa daddy 'nyo at una niyang malalaman ang plate number ng sasakyan ng mga 'yon sigurado madali lang ma trace ang mga 'yon senyorita tama ba?" Kampanting saad ng binata na kinatahimik saglit ng dalaga, alam kasi niyang sa koneksyon ng kanyang ama ay madali lang iyon at pag nagkataon na mahuli ang mga iyon ay malalaman na siya ang may kagagawan at baka ipatapon na talaga siya ng daddy niya sa Amerika. "Fine' sege na, ok na Sebastian... hindi na ako magsusungit... so please deal na tayo?" pagpapacute pa na turan ng dalaga kaya hindi naman mahindian ng binata. Tila nakakahipnotize ang mga ngiti nito at ang kislap ng mata na nakakatulala. Pero napangisi si Sebastian dahil balak niyang bigyan ng leksyon ang dalaga at sa pagkakataong ito siguradong magtaagumpay siyang baguhin ang magaspang na pag uugali nito! Nang magkasundo ang dalawa ay muli na pinaandar ni Baste ang makina ng sasakyan at tinahak nila ang daan pauwi ng maynila. Tahimik si Selena ng nagsalita si Baste, "senyorita..." panimula nito pero tiningnan siya ni Selena buhat sa likod na nagsasalubong na naman ang kilay! "What? can you please just drive and don't talk to me! pagtataray ng dalaga. " Ayan ganyan lang senyorita.." madiing sabi ng binata kaya't biglang nagbago ang awra nito na tila ang amo na naman tingnan. " Anu ba kasi yon?" may sasabihin ka ba? tanong ulit nito sa malumanay ng boses pero halatang inis! " May mga kondisyon ako sayo!" tugon ng binata! "Ano! at anu naman yan?" walang ganang sagot ng dalaga. " Una pag mag kasama tayo bawas bawasan mo yang pag eenglish mo!" "Huh ? whatever...." sagot ng dalaga. "Ikalawa , pag tinatanong kita dapat sagutin mo ako ng hindi nagagalit o hindi naaasar ang boses! Pangatlo wag ka ng magtataray sa akin at matoto kang gumalang sa mga tao sa paligid mo mayaman man o mahirap." " Ok..." tanging sagot ng dalaga kaya hindi nalang din nagsalita pa ang binata dahil baka magtalo na naman sila. Hanggang nakarating na sila sa mansyon at alas 4 palang ng hapon kaya ginarahe muna ni baste ang sasakyan bago ito nilinis. Saktong naglilinis siya ng bumaba si Selena at pinuntahan siya sa garahe. Basa ng pawis si Baste at ng tilamsik ng tubig kaya kitang kita ang mala adonis na katawan nito na nakabakat sa sando niyang kulay puti dahil hinubad niya ang kanyang polo. Natigilan ang dalaga sa nakita.. "Infearness ha maganda ang tindig and wow my 6 packs abs nakakagutom, napakagat siya ng labi ng mapansin ni Baste na nasa harapan pala siya! "Senyorita may kailangan po kayo?" tanong ng lalaki na nakangisi dahil nahalata niya na pinagmamasdan siya ng dalaga! "Ahmmm, No- no.. i just want to say.. ahhhh... sasabihin ko, lang na.. pwede ka ng umuwi at magpapahinga na ako wala na tayog lakad!" nauutal na sabi ng dalaga at tumalikod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD