Pagkalipas ng ilang buwan ay unti unti na ring natuto si selena na maging mabuti ang pakikitungo kay Sebastian. Hindi lang dahil sa kasunduan nila kundi dahil unti-unti niya na ring niyan nakasanayan na an'dyan ang lalaki sa tabi niya kahit saan siya magpunta!
Pinayagan na rin siya ng kanyang ama na magpatuloy sa pag momodelo. Kayat lalo siyang nagpasalamat sa lalaki dahil don'.
Nagkaroon agad siya ng bagong project galing kay Derek Bobby.
"Sebastian," agaw pansin ng dalaga sa bodyguard habang nagmamaneho eto.
"Ano po 'yon senyorita?" sagot lang din ng lalaki.
"Prepare your things dahil next week pupunta tayo'ng Ilocos, my photo shoot ako para sa isang cover ng magazine, summer outfit kasi 'yon kaya sa beach, at sa Ilocos ang napili ni Derek na location dahil Ilocano yong designer." pagbigay alam ng dalaga.
" Ok po senyorita, no problem basta't ikaw nanginginig pa! makapunta na rin akong Ilocos sa wakas, wow nangangamoy beach!" masayang sambit ng lalaki.
" Why? you never been there before?" nkataas kilay na tanong ng dalaga dahil sa reaksyon ng lalaki na sobrang tuwa!
"Never in my whole life senyorita' at one fourth life pala!" turan ng pa nito!
"Anong one fourth life?" kunot noong tanong ng dalaga.
"Eh kasi po senyorita ganito yan, 24 palang po ako at sa lahi namin mahahaba ang buhay ang lola ko nga na nanay ng nanay ko 108 bago namatay kaya siguro ako mga 90to100 yrs akong mabubuhay kaya ang edad ko ngayon one fourth palang! THat's what i call the mathematics of life..." pilyong sagot ng binata pero napangiti naman si Selena at nakita yon ni Baste mula sa Center mirror.
"Ganyan, lang senyorita ngumiti kayo parati mas bagay po sa inyo nakangiti kasi nagmumukha kayong anghel!" hirit pa ng binata na kinasimangot ng dalaga!
"Just drive! dami mong alam ang corny naman ng mga banat mo!" angil pa ng dalaga!
Napakamot naman sa ulo si Baste at hindi na nagsalita baka tupakin na naman ang amo niya pag kinulit pa niya! Hanggang nakarating na sila sa Opisina nila Selena.
Si Selena kasi ang Assistant CEO ng kanilang kumpanya ngayon. Siya ang katuwang ng mommy niya sa pagpapatakbo ng kanilang Fishing company. Ang isa sa pinakamalaking fishing company sa bansa kong saan nasa ibang bansa nakalayag ang kanilang mg fishing vessel.
Mayron sa Dubai, Indonesia at Malaysia at Vietnam. Maliban diyan mayron din silang Pag mamay aring private school kong saan nagbibigay ng schoolarship sa mga mahihirap. Isa yan sa proyekto ng kanyang amang senador kaya malakas ito sa mga tao lalo na sa mahihirap. Kung tutuusin 'di na kailangan ni Selena mag modelo dahil my lugar n siya sa negosyo ng pamilya niya pero fashion na niya ang pag momodelo kaya pinagbigyan nalang siya ng kanyang ama basta lang ay di niya mapabayaan ang negosyo nila.
Malaki rin ang tiwala ng senador kay Baste na kaya nito protektahan ang kanyang anak. At bilang dagdag proteksyon ay inissuehan niya si Baste ng baril na magagamit niya sa pagtatanggol sa amo kong sakali!
Mabilis na pumasok si Selena sa building kasunod di Sebastian ng my namataan siya sa isang tabi na lalaking naka sombrero at naka leader jacket at tila ibang kinikilos nito ng biglang siyang hinapit ni Baste sa Baywang sabay hatak papunta sa gilid ng pader kasabay noon ang isang putok ng baril at sigawan ng mga tao sa entrace ng building! Nakita din pala ni Baste ang naturang lalaki at may kasama pa ito, at yun ang bumaril kay Selena!
Agad namang hinugot ni Baste ang kanyang baril at sinundan ang lalaking bumaril! ngunit dahil nag panic na ang mga tao ay di na nakita ni Baste kong saan pumunta ang bumaril kay Selena dahil nakisiksik ito sa mga nagsitakbuhang tao!
Nag ikot na rin ang mga gwardiya pero tila palos na hindi na nakitaan ng palatandaan ang dalawang nilalang na 'yon!
Tulalang binalikan ni Baste si Selena ma hindi na nakaalis sa kinatayuan!
"Senyorita ayos lang ho ba kayo?" nag aalalang tanong ng binata.
"Look at me mukha ba akong maayos?" taas kilay niyang tanong kay baste habang pinapagpagan ang kanyang damit, paano ba naman kasi dahil sa bilis ng pangyayari kanina hinablot siya ni Baste ay para lang itong naghablot ng bag na nakasabit sa ding ding at walang anu-anong nilagay sa kanyang baywang, napaupo tuloy ang dalaga sa malaking paso ng indoor plants!
"Pasensya na po senyorita biglaan po at ang tanging iniisip ko lang kanina ay maging ligtas kayo!" paghinging paumanhin ng binata!
" Whatever!!" sagot ng dalaga at agad na itong umalis paakyat sa 22th floor sa office ng mommy niya.
Umiling iling nalang din ang binata at sumunod.