Si Bogart

959 Words
Pagkarating at pagkarating palang ni Selena sa labas ng office ng mommy niya at bumungad na dito si Seleste, ang mommy ni Selena. "Hija' ok ka lang ba? wala bang masakit sa'yo?" bungad ng ina nito habang pinapaikot ang dalaga na tila isa-isang tinitingnan ang parte ng katawan nito kong may gasgas ba o bakas ng nangyari! "I saw what happened downthere from the footage na kuha sa cctv na senend agad ng security sakin. Ipinadala ko na rin 'yon sa daddy mo at siya na daw ang bahalang magpaimbistiga." Dagdag pa ng mommy nito. " Its okay mom' no worries i'm fine. " maikling sagot ni Selena sabay halik sa pisngi ng ina. "Thanks to Sebastian my dear!" sabi ng mommy niya sabay sulyap kay Sebastian na nasa isang tabi lang nakatayo para magbantay sa amo. "Sebastian, thank you! you saved my daughter's life." baling ng senyora kay Baste. "No problem maam, ginagawa ko lang po ang trabaho ko," sagot ni Baste na kinataas naman ng kilay ng dalaga na tila lumabas na naman ang katarayan! "Yeah' trabaho mo, trabaho mo pati pag bagsak sakin sa pot of flower at ipahalik ang pang upo ko sa lupa!" banat pa ng dalaga! "Hija' hindi naman sinasdya ni Sebastian 'yon, kahit sinu naman pag nabigla ay hindi na makaprepare diba, Sebastian?" pagtatanggol ng ginang sa binata. "Duh' ako kaya ang nasaktan mom' bakit siya pa ang kinakampihan mo?" maktol ng dalaga! "No, my dear, wala akong kinakampihan sinasabi ko lang ang opinyon ko sa reaksyon mo, at base sa nakita ko sa cctv at walang kasalanan ang bodyguard mo. Dapat nga thankful ka sa kanya dahil kong hindi ka niya kinabig baka natamaan ka ng bala!" paliwanag pa ng ginang kaya tumahimik nalang ang dalaga. "Ok mom' pupunta na ako sa office ko!" turan ng dalaga sabay taas ng dalawang kamay na tila ay suko na sa ina. Paano ba naman kasi ang ina nito ay ayaw talaga siyang e spoiled kaya pag mali ay mali talaga para kay Senyora Seleste. Hindi pa nakalabas ng office ng kanyang mommy ay sinalubong na agad siya ng kanyang pinsan na kakapasok palang sa pinto ng opisina, si Bogart! "Cousin' are you okay? wala ka bang tama? walang masakit sayo? kilala mo ba kong sino ang may gawa no'n sayo cous?" sunod sunod na tanong ni Bogart habang ang mata at palipat lipat sa kanila ni Baste! "I'm fine cous' thank you tanging sagot ni Selena na walang kagana gana. Hindi kasi sila magkasundo ng pinsan niyang ito, anak ito ng tito niya na half brother naman ng mommy niya. Kasalukuyang nakakulong ang ama nito dahil pinkulong ni Senator Inriquez dahil sa mga nahuling anumalyang ginagawa niton sa negosyo nila na siya ang namamahala dati! Nasa amerika si Bogart noon dahil doon siya pinag aral ng kanyang ama pagkat ambisyon din nitong maging isa sa kilalang tao sa bansa. Kaya ginawa niya ang lahat dahil ang anak niya ang nakikita niyang pag asa! Lingid sa kaalaman ng ina ni Selena na ang kapatid na pinamahala niya sa kanilang fishing company ay may ibang ginagawang negosyo at ginagamit niya ang mga fishing vessel para magpuslit ng droga sa bansa. Nang malaman 'yon ng mama ni Selena ay agad siyang naghanap ng ebedensiya kayat naipakulong ni Senator ng kanyang kapatid! Nang nasa kulungn na ang kapatid ay siya namang pag uwi ng pamangkin niya dito sa pilipinas. Dahil sa iniisip ng kanyang ina na iba namn ang ugali ng pamangkin nito sa kanyang kapatid ay pinatuloy parin niya sa bahay nila si Bogart at binigyan ng posisyon sa kompanya! Ngayon ay isa siya sa member of the board na may shares sa kompanya at umalis na rin siya sa bahay nila Selena at nakatira na sa sarili nitong condo ng higit isang taon! Ayaw ni Selena sa pinsan niyang ito dahil bukod sa iba ang kutob niya dito ay nababastusan din siya minsan sa ugali nito! Isa sa hindi niya makalimutan ay noong nasa bahay pa nila ito at nahuli niyang pumasok sa kanyng kwarto ng akala nito ay tulog na siya. Parati din itong nakatingin sa kanya na tila hinuhubaran siya nito kaya naaasiwa siya! "Paano mo nalaman ng nangyari sakin?" deretsang tanong ng dalaga sa kanya! Kadarating ko lang cous at narinig ko ang usap usapan sa baba, at dahil may police kaya nagtanong ako. Agad kitang hinanap to make sure you're fine. Buti naman pala at may bodyguard ka," sabi niya sabay tingin nito kay Baste ng makahulugan! Nakipag sukatan din ng tingin si Baste sa kanya at tila nababasa na rin ni Baste ang kakaibang anyo nito! "Mag ingat ka sa susunod cous dahil hindi mo alam sinong kalaban mo," turan pa ni Bogart bago ito nauna na ulit at lumabas sa pinto, pero bago pa siya tuluyang lumabas ay sinulyapan pa niya si Baste. "Mag ingat ka rin' baka madamay ka sa may galit sa amo mo!" mahina pero madiin niyang sabi kay Baste at tiningnan lang siya ng masakit ng lalaki kaya tuluyan na rin siyang lumabas! "Are you akay hija?" tinig ni senyora Seleste na pumukaw sa atensiyon ni Selena. "Mom' bakit mo pa binigyan ng pwesto yong Bogart na 'yon dito? mukha palang noon hindi na mapagkakatiwalaan eh, t'saka di ba kayo nadala' sa ginawa ng ama niya?" tanong ng dalaga sa ina nito. "Hija, lets give him a chance, pinsan mo parin siya at kadugo natin. Sa nangyari sa daddy niya, siguro na man ay hindi niya nanaising maging katulad ng ama niya na nasa kulungan na ngayon diba?" turan ng ginang kaya natahimik saglit ang dalaga. "Masyado kang mabait mommy!" sabi ng dalaga bago tuluyan na itong lumabas ng pinto at sumunod naman agad si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD