Pumasok n si Selena sa sarili nitong opisina. Naupo sa swaying chair at nilaro laro lang ang ballpen nito. Habang si Sebastian ay nakatayo lamang sa gilid malapit sa pinto na parang guard sa entrance ng mall!
"Sebastian," tawag pansin ng dalaga sa kanya!
"Yes po' senyorita?" tanong niya sa amo sabay lapit at nakatayo ng tuwid!
"Body guard kita at hindi ka security guard para magbantay diyan sabpinto! maupo ka nga diyan sa sofa!" Utos ng dalaga sa kanya kaya agad na man niyan sinunod.
"You see that bastard man?" tanong ng dalaga sa kanya, tila napandin siya nito dahil wala itong makausap!
"Sino po yong Bogart na pinsan ninyo?" paniniguro ng lalaki!
"yes," sabi ng babae sa kanya.
"I don't trust him! kahit pa pinsan ko siya!" dagdag pa ng dalaga.
Tumango tano lang si Sebastian dahil ang totoo maging siya ay hindi maganda ang pakuramdam sa lalaking yon yung tipong mukha palang mapanganib na!
May pinirmahan lang si Selena na iilang mga papeles na pinasa sa kanya ng mommy niya dahil may meeting daw ito at siya ang pina review sa mga papeles na pepermahan. Maliban kasi sa mommy niya ay authorized din si Selena sa pag release ng mga funds kong may kailangang gastusan. Mga projects at iba pa.
Nang nagtanghali na ay nas office parin si Selena dahil wala pa ang mommy niya. Nang biglang dumating ang daddy niya at pinuntahan siya nito sa office niya.
"How are you Hija?" tanong ng daddy niya.
"I'm fine dad' why are you here? may meeting pa si mom." sagot niy s daddy niya.
"Ikaw ang pinunta ko dito hindi ang mommy mo!" sabi ng daddy niya sabay tingin sa kanyang kabuoan!
"Mabuti nalang at walang nangyari sayong masama kong hindi ako mismo ang papatay sa may gawa noon sayo! Dagdg pa nito!
"Okay lang ako dad, kaya wag ka ng mag alala." sabi ng dalaga sabay yakap sa ama nito!
"Salamat Sebastian." baling ng Senador kay Baste na nakatayo lang sa isng tabi.
"No problem sir' ginagawa ko lang po ang trabaho ko."Sagot ng binata sabay yuko!
Maya maya ay dumating na si Senyora Seleste kaya nagdisisyon silang kumain nga magkasama, ang saya ni Selena sa mga uras na yon dahil minsan lang sila magkakasamang kumain.
Pumunta sila sa isang Restaurant. Dala parin ni Selena ang sarili niyang sasakyan kasama si Baste dahil hindi na siya babalik sa office mamaya pagkatagkikita sila ng manager niya para pag usapan ang pagpunta nilng ilocos para sa pictorial nito.
Habang nasa restaurant ang buong pamilya nakatayo lang sa baste sa tabi kasama ang dalawa ding body guard ni senador ng may namataan si Baste na dalawang lalaking pumasok na mukhang kahina hinala at nakatingin sa pamilya ng amo niya.
Agad siya naging alisto at sinenyasan ang dalawang body guard ni senador na magbantay. Nagpaalam siya na pupunta ng comfort room pero ang totoo sinundan niya ang isang lalaki na nakita niyang patungo sa daan papunta ng comfort room. Pinihit niya ang pinto ng cr pero naka lock ito kaya kinatok niya.
"May tao ba diyan? Jijingle lang ako," sabi niya sabay sipa sa pinto at napasobsob pa ang lalaking nasa loob sa inidoro.
Hindi agad naka tayo ang lalaki kaya kinuha niya ang pagkakataon para tuluyan na ang lalaki lalot pa at may nakita siyang kong anong binubutingting nito na mga wire.
"T*ng-ina mo! magtatanim ka pa ng bomba hayop ka? Sabi niya at sinuntok pa ulit ang lalaki sa tagiliran kaya namilipit ito sa sakit na pilit sanang babngon pero tinadyakan niya naman ito at tinamaan sa sikmura kaya nawalan ng malay.
Agad niyang tinanggal ang kaniyang sinturon at itinali sa mga kamay ng lalaki bago tumawag ng police.
"Hay*p na 'to buti at hindi oa napaandar ang bomba at hindi pa naman ako marunong mag detonate!" Sambit niya habang hinihila ng lalaking tulog pa rin at dinala sa labas ng cubicle.
May nakita siyang tattoo sa leeg ng lalaki at kapansin pansin ito dahil pamilyar ito sa kaniya pero hindi lang niya maalala kong saan niya ito nakita.
Tumawag siya ng gwardiya na malapit sa comfort room at pinabantayan ang tao para hanapin ang isa pang kasama nito! Sinabihan niya ang guard na isa siyang police at hintayin na ang mga kasamanniyanna huhuli dito kaya 'di na rin nagtanong pa ang guwardiya.
Tatalikod na sana siya ng biglang may nagring na cellphone mula s bulasa ng walang malay na tao. Dinukot niya ito at sinagot ang tawag pero hindi siya nagsalita agad.
" Hello, body okay kana ba diyan? Batsi na tayo bago pa tayo masama sa pagsabog ng bombang itinanim mo!" boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
" Nasaan ka ba?"tanong ni Baste sa kaniya.
" Anak ng tinapa! Saan ba ako e di nandito sa dining area at binabantayan ko ko ang target!" sagot nito kaya nagmadaling lumabas si Baste bitbit ang cellphone ng itinumba niyang tao.
Pagkapasok ni Baste sa pintuan ng dining area ay sinipat niya ang kaniyang mga mata at natanawan na agad niya ang isang lalaki na nakaupo 'di kalayuan s table ng pamilya ni Selena.
Tinawagan niya ang number na kakatawag bago pa lang at nakita niya ang taong sinagot ang cellphone nito kaya nakumperma niyang ito na ang pakay niya.
Pinatay niya ang cellphone at nilapitan ang taong tila alerto rin sa paligid dahil ang likot ng mga mata nito na parang tigreng naghahanap ng lalapain.
Umikot siya sa bandang likuran ng lalaki bago binunot ang kaniyang kwarentay singkong baril at tinago sa kaniyang jacket sabay pasimpleng tinabihan ang lalaki at tinutukan ito.
"Tapos na ba ang trabaho niyo? Kong hindi pa tapusin na natin!" bungad niya sa lalaki at nagulat ito kaya tatayo sana pero pinakita niya ang dulo ng baril!
"Saan ka sa tingin mo pupunta? Subukan mong gumawa ng maling hakbang at mabubutas 'yang ulo mo!" banta niya sa lalaki bago kaya hindi ito nagpatuloy sa pagtayo.
Agad naman niyang sinipa ang lalaki ng makita niyang may mga pulis ng pumasok sa entrance ng restaurant. Natumba ang lalaki mula sa kinauupuan at napahiga sa sahig na namimilipit sa sahig kaya napukaw ang atensiyon ng iba pang kumakain!
Nagsigawan at nagsitayuan ang iba pero ng may sumigaw na isang pulis ay hindi na sila nakagawa ng ibang galaw!
"Manatili ang lahat sa kinauupuan nila! May huhulihin lang kaming tao pero maayos pa rin ang lahat kaya huwag kayong matakot!" sigaw ng isang police bago lumapit ang isa sa kinaroroonan ni Baste at agad na dinampot ang nakahiga sa sahig na lalaking sinipa nito na hawak hawak ang tiyan.
"Sir nasa cr po 'yong isa binabantayan ng guard at nandoon din ang bomba!"
"Salamat Sebastian," sabat ng mukhang nangunguna sa grupo ng mga pulis na siyang tinawagan ni Baste at kakilala siya nito.