"What happened Sebastian?" bulalas ni Selena ng buamalik si Sebastian sa table nila.
"Mga asong ulol lang po iyon senyorita hayaan niyo na po iyon at okay na rin po ang lahat." Turan ni baste at muli ng pumagilid.
" Sebastian come here," tawag ni Senator Inriquez sa kaniya.
"Yes po Sen' may kailangan po kayo? "
"Kumain kana, halika dito, ikuwento mo ang nangyari habang kumakain" sagot ng senator sabay itinuro ang upuan na katabi ng upuan ni Selena.
"Ay 'wag na po sir, mamaya na lang po kami kakain kasabay ng mga bodyguard po ninyo."
"No, they have already eaten and I think it's okay, the police have all taken the criminals. That's why we're safe so set down and eat." Utos ni ng senator kaya umupo na lang si Baste sa tabi ni Selena at kinuha ang isang bakanteng plato.
"You know Sebastian you're so good, my husband didn't make a mistake in accepting you as our daughter's bodyguard. I know she's safe as long as you're there. Thank you so much for protecting us." Sabi ng ina ni Selena.
"Trabaho ko po iyon maam at sinasahuran po ninyo ako para po bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ni senyorita Selena pati na rin po kayo," sagot ni Baste bago sumubo ng pagkain.
Nakatingin lang si Selena sa kaniya at walang ekspresyon ang mukha dahil ayaw niyang ipakita na natutuwa siya o masaya na nariyan ang binata.
Isinalaysay rin ni Sebastian kong paano niya napansin ang kakaibang kilos ng dalawang lalaking nahuli niya at nagpasalamat ang senador sa kaniya.
Pagkatapos nilang mananghalian ay bumalik na si senator Inriquez sa opisina nito dahil aasikasuhin daw niya agad ang pag papa-imbistiga sa mga taong nagtangkang magtanim ng bomba sa restaurant.
Si Selena naman ay naisipang mag shopping ng mga gagamitin niya para sa pictorial sa Ilocos sa susunod na araw.
"Baste, sa mall tayo, may bibilhin ako."
"Okay po maam, saang mall po?"
"Sa parati natin pinpuntahan sa Ortigas," sagot nito bago naglagay ng head phone.
Habang nasa byahe ay napapansin ni Baste na panay tingin ni Selena sa kaniya mula sa front mirror ng kotse. Sa lilod kasi ito nakaupo. Hinayaan na lang ito ng binata dahil ang tahimik ng dalaga kaya mas makabubuti ito sa kaniya kaysa magtaray pa ito.
Pagkapasok nila ng mall ay dumeretso ang dalaga sa mga jewelry at may biniling hikaw tapos pumili ito sa men watches.
"Sebastian isukat mo," utos niya kay Baste sabay angat ng relong hawak hawak niya.
Walang tanong-tanong ay sinunod naman siya ng lalaki.
" Wow it fits you, parang sinukat lang, kunin mo na iyan."
"Po, para sa akin po senyorita?" tanong ni baste habang tinitingnan ang presyo, kaya agad niyang ibanaba ito sa lagayan na nakapatong sa taas ng display table.
"Oh, bakit?"
" Hindi ko po kayang bayaran 'yan senyorita! Ang mahal-mahal po, eigthy thousand, apat na buwan ko po na sahod iyan!"
"And who said you would pay? I'll give it to you to thank you for your service, it's my bonus to you, so accept it if you don't want to make me angry!" matigas na sabi ng babae kaya hindi na uamayaw si Baste.
"Maam ilagay niyo na po muna sa box, saka ko na lang po gagamitin 'yan." Sabi ni baste sa sales lady na nag assist sa kanila.
Hindi na rin kumibo si Selena at binayaran na ito sa counter pagkatapos ay dumeretso na sila sa swimwear section.
Nanlaki ng mg mata ni Baste ng makakita ng mga sari-saring suot panligo lalo na ang two piece, napalunok siya ng laway lalo ng makita niya si Selena na kinuha ang dalawang set ng bikini red at dark blue.
Napansin naman ito ng dalaga kaya napatawa ito ng bahagya sa kaniya.
"Ikaw, ayaw mong bumili ng pangligo? You need it dahil dagat ang pupuntahan natin." Sabi nito sabay abot kay baste ng dalawang trunks.
"Senyorita 'di po ba ang sagwa ata nito?" sambit niya sabay tingin sa trunks at binitin pa pataas.
Lalong napatawa si Selena. "Badoy mo talaga sayang gwapo ka pa naman sana at maganda ang katawan."
" Talaga po senyorita? Ganoon ang tingin niyo sa akin?" pilyong tanong ni Baste na nakangisi kaya naman napatakip ng bibig si Selena bago tumalikod!
"Don't act like a child there take that and I'll include it in my stuff so i can pay!" sabi nito sa mataray na paraan kaya napakamot na lang ng ulo ang binata.
Pagkatapos mag shopping ni Selena ay niyaya na niya ang binata na umuwi na.
Hindi na rin naghinatay ang dalaga sa entrance ng mall kong saan nakagawian nito na doon na maghintay kapag kinukuha ni Baste ang sasakyan sa parking.
Nasa second floor ang parking nasa second floor din sila hindi kalayuan sa parking kaya sumabay na si Selena sa lalaki.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila gusto niyang maranasan kong papaano ang buhay na naglalakad ng malayo. Kagaya ng ginagawa ni Baste.
Pagkarating nila ng sasakyan ay hindi na rin niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng kotse sa halip ay kusa siyang nagbukas nito at pumasok.
Hinayaan na lang din siya ng lalaki at kahit nagtataka man sa mga kinikilos ng amo ay hindi na siya nag abalang magtanong pa dahil baka masira lang ang mood nito.
Habang nasa kahabaan na sila ng hi-way ay may nadaanan silang nagtitinda sa sidewalk ng mga street food.
"Sebastian, stop the car!" bulalas ni Selena kaya napatigil naman agad ang binata.
"Ahmmmm, can you let me try that those?" sabi niya na nakaturo sa nagtitinda ng barbeque at isaw.
"Senyorita, segurado ho kayo kakain kayo ng ganiyan?" paniniguro ng lalaki.
"Did you hear me naman 'di ba, I want to try so lets buy some." Mataray nitong sabi sabay bumaba ng kotse at tinungo na ang nagtitinda ng fried isaw at barbeque.
Dali-dali na mang bumaba ng kotse ang lalaki at sinundan ang amo nito.
"Magandang araw po maam, ano po'ng sa inyo?" bati ng tendero.
"Pabili po ako niyan, t'saka iyan tapos ito." Turo ng dalaga sa fried isaw, 'yong isaw na may harina at pinrito. Tapos kwek-kwek at fish ball.
"Tig iilan po?"
"Apat each lang I wanna try lang naman," sagot niya habang nakatingin sa nagtitinda ng buko juice.
Tinitingnan ni Baste ang mga paninda at malinis na man pati ang mantika na ginamit pag prito ay malinis.
"Sebastian you want some?" tanong niya kay Baste kaya napakamot sa batok na lumapit ang lalaki.
"Paborito ko kaya ito senyorita," sagot ng lalaki sabay kuha ng isaw at sinawsaw deretso sa garapong may lamang sauce.
"Is that the right way to eat this?" kuryusong tanong ng dalaga at isinawsaw din 'yong hawak niyang isaw bago tinikman.
"Mhmmmm... it's delicious naman pala?"
"Senyorita iuuwi na lang ho natin ito at sa bahay na po ninyo kainin." wika ni baste habang iniikot ang mata sa paligid.
Nakaramdam kasi siya ng panganib dahil maraming mata na ang nakatingin sa kanila at tila napansin ng mga ito na mayaman si Selena.
Nakuha rin naman agad ng dalaga ang nais ipahiwatig ng lalaki kaya agad din itong sumang-ayon.
"Manong how much?" tanong niya sa vendor na nasa mga kwarenta ang edad.
"Otsenta lang po lahat maam."
Agad dumukot ng isang daan si Baste at binigay sa vendor, binitbit din niya agad ang nakabalot ng pagkain na may sauce at hinawakan sa kamay ang amo bago hinila pabalik sa kotse at agad binuksan ang pinto bago pinapasok ang amo.
"Hey! What's wrong with you? Bakit ka nanghihila?" mataray na tanong nito pero imbis na sagutin ay agad pinaandar ni Baste ang kotse at pinaharurot ng takbo palayo sa lugar!
"Don't question me I protect you only maybe you make hold up and get harashment if I let you stay there!"
Mali-maling english ni Baste kaya imbis na mainis ay napatawa na lang ang dalaga at nagtawanan silang dalawa.