Chapter 4

3378 Words
Jamie Nagising ako ng may mabigat na dinadala sa aking dibdib. Parang naubos 'yung energy ko kagabi noong mag-usap kami ni Drake at kahit ang pagtulog ay walang nagawa para bumalik ang sigla ko. Ikaw ba naman harap harapang e-reject? Siya lang yung taong paulit-ulit akong nirereject at ako naman si tangang biniyayaan ng makapal na mukha at talagang ayaw mag give up. Pinag-isipan ko ring mabuti kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghahabol kay drake at dahil nga sa likas akong tanga at marupok pagdating sa kaniya, gagawin kong paraan itong pananatili niya sa hacienda para mapalapit sa kaniya, baka sakaling mahulog siya sa akin.. hihihi. By just thinking about it, bigla akong na excite kung ano ang pwedeng gawin habang nandidito siya. Pababa ako ng hagdan nang maabutan ko si yaya na naghahanda ng almusal. Maaga kasi akong nagising, early bird ika nga. Niyakap ko si yaya at binati ito. " goodmorning ya, asan sila Mom? " tanong ko kay yaya belen. " Pumuntang tubohan iho, kasama nila ang bisita nyo, 'yung pogi? " naku ya! Lantod ha, akin na 'yang si drake, huwag ka ng sumawsaw pa hmpp. " Ahh ganon po ba? Tulungan na kita diyan ya"pagpepresinta ko, marami rin naman silang nagluluto pero nakagawian ko na atang tumulong sa mga gawain dito sa mansion. Mukhang maagang umalis si drake. Nakalimutan kong hindi pala bakasyon ang punta niya dito ahhaha. Siguro mamaya ko na lang siyang aayain na mag liwaliw sa villa. For sure sasang-ayon rin naman sila mom na aliwin ko ang bisita. Pagkatapos kong mag almusal ay pumunta muna ako ng rancho para paliguan si Bob. Pagkarating ko ay pinapaliguan na pala ito ni Terry, nakahubad ito at tanging pantalon na kupas lang ang suot. Nangingintab ang katawan nito sa pawis at tubig dulot ng pagpapaligo kay Bob. Actually hot rin naman 'tong si terry, ang kaso nga lang ay parang kapatid na ang turing ko sa kaniya, nakakatandang kuya na kaya akong ipagtanggol sa mga mang-aapi sa'kin. Pagkarating ko sa kinaroroonan niya ay binatukan ko ito kaagad. " Papaliguan ko sana 'yang si Bob e! Inunahan mo'ko, bonding na sana namin 'yang pagliligo.. " inis kong sabi sa kaniya. " hahaha sorry , nakasanayan ko lang na paligu-an si Bob tuwing umaga. Teka, nakakain ka na ba? May pagkain don sa mesa , tara samahan mo 'kong kumain, tapos na rin naman 'tong pagpapaligo ko sa alaga mo. " " tapos na 'kong kumain, samahan na lang kita, wala na rin naman akong gagawin. " at hinila na niya 'ko papuntang hapag. Kakain na sana ito ng bigla ko siyang sita-in. " Oh? Kakain ka ng nakahubad? Magsuot ka nga ng damit, " nababastusan kasi ako sa mga taong kumakain ng nakahubad. " heto na po, susuotin na. " sabay suot niya ng kaniyang sando. "Pagkatapos mo diyan maligo ka, samahan mo'ko sa bayan, may mga bibilhin lang ako." " Okay , pero mabilis lang tayo aa? May trabaho pa kasi ako mamaya, alam mo na, sabado " tumutulong kasi ito tuwing weekends sa rancho. Biniyayaan kasi ito ng taglay na kasipagan na tiyak ko ay namana niya sa kaniyang ama. Pagkatapos mag-ayos ni Terry ay agad kaming pumunta sa bayan. Bibilhan ko kasi ang bruhang si erica ng regalo, birthday na kasi nito sa lunes eh inaapura na ako kesyo dapat daw maganda ang ireregalo ko sa kaniya,kung pwede lang daw ay ilagay ko sa kahon 'yung mga paborito niyang kpop idols.. tsk. Pagkarating namin sa bayan ay nakita ko kaagad ang isang pares ng sandals. Maganda yung disensyo at mukhang high quality, tanyag kasi ang bayan namin sa paggawa ng nga sapatos, sandals, at tsinelas na magaganda ang disenyo at matitibay. " Kuha ka ng gusto mong bilhin Terry, sagot ko na " sabi ko kay terry. Mukha kasing natitipuhan niya 'yung isang tsinelas kaso may kamahalan ito, alam ko naman kasing nagtitipid ito kaya nagtitiis na lang ito sa butas butas niyang tsinelas. " n-naku, huwag na, wala naman akong natipuhan sa mga binibenta dito. " kung hindi ko pa talaga to kilala. Sus nahihiya lang to sa akin. Kaya dinampot ko 'yung isang pares ng tsinelas at pinasuot sa kaniya. " Oh , sukatin mo, baka magkasya yan sayo " " Naku, Jamjam huwag na, maayos pa naman 'tong tsinelas ko , di ko pa kakailanganin ng bago " pangangatwiran nito. " Terry pag ako mainis ha! Nakuu.. isusuot mo o kokonyotan kita ng malakas sa noo? " at wala na nga siyang nagawa at sinuot na niya ito. Binayaran ko na rin yung mga pinamili namin at saka umuwi na ng hacienda. " salamat pala dito Jamjam aa,di bale pag nagkapera na ako ay babayaran kita, " " Shut up na okay? Tinutulungan kita dahil kaibigan kita, di ako naghihintay ng kapalit, simpleng tsinelas lang yan naku! " at tumahimik na nga ito haha. Sa tagal na kasi naming magkakilala nitong si Terry ay alam ko kung gaano kahirap ang kanilang pamumuhay. Hindi naman ako mapagmata kaya kahit malayo ang estado ng aming pamumuhay ay kinaibigan ko pa rin ito. Sinasabi pa nga ng mga batang kalaro ko noon na baka daw pineperahan lang ako ni Terry , nagalit ako sa kanila kasi di naman nila kilala si Terry ng lubusan, kaya hindi na rin ako nakipagkaibigan sa kanila. Kahit isa lang ang maituturing kong kaibigan dito ay sapat na para sa akin 'yon basta ba't tunay na kaibigan. Nang makauwi na kami ay sinalubong ako kaagad nila Mom. " Jamjam, samahan mo nga itong si drake maglibot-libot sa villa, pumunta kayo sa mga mgagandang pasyalan dito, para at least bago man lang umuwi itong anak ni kumpare ay makakapag unwind muna siya dito sa atin. " OmO, ayan na nga, sinasabi ko na nga ba. Hahahah.. mukhang magkakaroon kami ng quality time ng soon to be boyfie ko aa.. " Sige po mom, " sabay flash ng sobrang laking ngiti. Wala na rin nagawa si drake at sumang-ayon na lang kay mudra marahil ay nahihiya ito. " Isama niyo na lang si terry kung gusto niyo " dagdag ni papa.. " naku tito, nakakahiya namn pong tumanggi pero tutulungan ko pa po kasi si tatay mamaya, baka di po ako makasama sa kanila " kaya bestfriend kami nitong si Terry e! Marunong makiramdam, chos! Hahaha " Okay lang dad, alam ko naman po ang pasikot-sikot dito sa villa, uuwi rin kami kaagad bago pa magdilim." Sabi ko kay dad na ikinatango niya lang. Chance ko na 'to para makapag moment moment kay baby Drake ko, kahit anong pilit mong pagtaboy sa akin ay babalik at babalik pa rin ako saiyo. Tadhana na ang naglalapit sa atin baby boy ko hihihihihi. ****************************************** " This is Bob, alaga kong kabayo, it was a gift from my parents when I was eight. " pagpapakilala ko kay drake sa alaga ko, tiningnan niya lang ito at saka tumingin sa akin. " You know how to ride a horse? " tanong nito sa'kin. Kahit ata ikaw kaya kong sakyan eh! " sabi ng malandi kong isipan hahha. " Y-yeah, Terry taught me, ikaw ba? Marunong kang kumabayo? " napakunot naman ang noo nito sa tanong ko. W-wait? Mukhang mali ata ang pagkakasabi ko kaya bigla akong nataranta, baka isipin neto minamanyak ko siya, well, most of the time, oo. " ah- wh-what I m-mean is marunong kang magpatakbo ng k-kabayo? Hehehe" I asked him awkwardly. " No, and I am not interested as well. " Sabay irap sa 'kin. Wow, taray! Talo pa 'ko ni koya sa pataasan ng kilay! Shookt ako mga besh!. " wh-what about,we use Bob para mamasyal sa villa? Mas masarap kasi pagnakasay sa kabayo habang namamasyal dito. " I told him na ipinagtataka ko nang kumunot bigla ang kaniyang noo. Wala naman ata akong sinabing masama or kamanyankan diba? " k-kung gusto mo lang naman hehe " pagpapatuloy ko sa sinabi ko kanina, baka kasi ayaw niya lang at mas trip niyang maglakad lakad. " Fine, pero huwag mo akong pagtangkaang manyakin, I will kick you out of the horse if you will do unecessary things to me, mark that! " paninigurado nitong usal sa akin. Huwaw naman baby! Alam kong manyak ako pagdating sa kaniya pero di pa ako baliw para chansingan siya no! Baka ikamatay ko pang mabugbog niya bago maging kami. At isa pa, siya kaya yung aangkas sa'kin , i mean aangkas sa likod ni Bob, ako naman ang magpapatakbo e so literally siya pa ata ang makakachansing sa akin. " O-ofcourse not! Hahah ano ka ba, gusto kita pero di naman ako manyak hehe " slight lang. Tiningnan lang ako nito ng may pagdududa. " You'll have a safe distance from me, malapad naman ang likod nitong kabayo, promise di tayo magsisiksikan. Gusto rin kasi kitang dalhin sa Falls, maganda yon at talaga namang relaxing." Pagpipilit ko pa dito. Nagpakawala lang ito ng isang malalim na buntong-hininga bago tumango. When I get the sign that he's comfortable to ride a horse with me, or maybe not, ay inilabas ko na si Bob sa kaniyang kuwadra at sumampa sa likod nito. Hindi naman kataasan si Bob at may tungtungan naman kaya madali rin akong naka-akyat. Sumunod naman na umakyat si drake at medyo hirap ito dahil siguro first time niya ring makasakay ng kabayo. I lend my hand to him para sana tulungan siyang umakyat pero tinapik niya lang ito. Okay maghirap kang umakyat diyan . I told myself. Ilang segundo pa ng pagpipinetensiya ay naka-akyat na rin ito at napasubsob pa sa likuran ko na agad ko namang ikinakilig, namumula pa ata ako dahil sa pagkakasubsob niya sa 'kin. " There! Everything happened according to your plan, as if I don't know" sabi nito ng makuha na ang tamang ayos ng pagkakaupo at binigyan ako ng matalim na tingin. Mukhang alam na alam nia na talaga ang mga galawan ko hahaha. " H-hindi keye " malandi kong usal! Hahaha.. kinikilig pa rin kasi talaga ako hanggang ngayon and I cannot supress the smile that was formed by my lips. " Whatever " pagsusuplado nito. *** I think we spent half an hour already sa paglilibot sa hancienda, and We decided, or should I say, I decided to bring him to the Falls. Tahimik lamang ito na nakasakay sa likod na sa tingin ko ay nagmumuni ito sa kaniyang kapaligiran. Maya-maya ay bigla itong nabuwal at napakapit sa akin. Marami kasing humps at kasama na rin ang pagsakay sa kabayo ay talagang mapapa swing swing ka na lang. Ayaw pa kasi nitong kumapit sa akin kanina kahit na pinipilit na lang nitong e-balance ang sarili niya. Natatawa na lang ako, Drake and his damn pride. Tsk. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Still the same falls na pinapaligu--an namin ni Terry noon, walang pinagbago, mas lalo lang atang luminis ang tubig at sobrang peaceful. Pagkababa namin sa kabayo ay agad kong itinali si bob sa may puno. Nang masulyapan ko si Drake ay kita ko ang labis na pagkamangha sa gwapong mukha nito. Malakas ang agos ng tubig mula sa itaas ng bukid pababa. Kitang kita rin ang mga naggagandang bulaklak na nagbibigay ganda at kulay sa kapaligiran. Sobrang linaw ng tubig, marami ring ibon ang naghuhunihan. I know, this place is enchanting! The beauty of nature really strucks me and I think kay Drake rin. This is new to him, i think. Malayo kasi ito sa mausok at overcrowded na syudad. Here, you will find peace and clarity na gugustuhin mo na lang na tumira dito habang buhay. Indeed God's creation is really amazing. " This place is GREAT! " Drake said after a few minutes of being mesmerized by the falls' beauty. Tila ba 'yun na lamang ang namutawing salita na lumabas sa kaniyang bibig. He cannot contain his awe by just looking around this place. " How did you know about this place? Is it still part of your villa? Baka kasi Government property ito at kasuhan tayo ng trespassing? " paninigurado nitong tanong sa akin. " Terry and I discovered this place before ako lumuwas ng maynila, maybe ten years ago? And it was a free spot here in our villa, no one owns it that is why I asked dad to take legal actions para mapa sa amin 'tong place na 'to, cause you know, there might be people that will took advantage of this beautiful creation kung hahayaan naming open ito sa lahat. And to clarify your doubts, yes, it is ours. " Mahaba kong litanya kay Drake. " Good to hear that, this is the first time I've seen this kind of beauty, yes I also went to different beaches but you know, it was all crowded and ito? This place brings me peace and calm." It is so overwhelming to have 'somehow' a nice conversation, a deep one with drake. And I am very happy on witnessing his handsome face filled with awe and joy. Gosh! I really fell hard for this man! Damn it! " Can I go and take a swim here? " pagtanong nito sa akin. " As much as I wanted and let you swim here, ay mukhang hindi pwede, wala kasi tayo dalang damit and it is difficult to ride Bob na basa tayo, at ayaw na ayaw niya talagang tumakbo ng basa. Hahaha." I explained to him. Ewan ko ba sa kabayong 'to ayaw tumakbo pag basa, noon kasing naligo rin kami dito ni Terry at sa kasamaang palad ay wala kaming dalang damit, ni-try naming sumakay kay bob ng basa, at ang punyetang kabayo, kulang na lang ay sipain kami maalis lang sa likod niya. Kaya naghintay muna kami ng ilang oras para matuyo. " Okay, pwede namang ako na lang ang maligo diba? " tanong ulit nito. Gosh? May pakabobo ba 'tong si Drake at di makaintindi? Kung di ko lang to loves nakuuuu! " Hindi nga kasi pwede, mababasa ka, wala ka namang dalang pamalit " pagpapaliwanag ko ulit dito. " Edi maghuhubad ako, you don't mind me being naked in front of you? Don't you? " sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Sabay taas ng kaniyang damit, bago niya pa ito mahubo ay tumalikod na ako, ayaw kong magkasala at baka ma rape ko siya dito at di na ako makalabas ng buhay. 'Gaga chance mo na makita ang super yummy niyang katawan bobita!tingnan mo dali! ' sabi ng malandi kong isipan. Walangya! Maya-maya ay narinig ko itong napapahighik at nasundan ng malakas na tawa. Dahan dahan naman akong lumingon dito. Nakabihis pa rin ito habang mamula mula na sa kakatawa. Huli ko ng napagtanto na ginu-good time lang pala ako nito! Pero hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon, matagal ko na siyang sinusundan, at matagal niya na rin akong admirer but I haven't heard him laugh this hard, kahit nga tapunan ako ng ngiti ay hindi nito magawa. Napapangiti na lang ako sa nasaksihan ko ngayon sa kaniya. Maya-maya ay tumigil ito sa kakatawa nang makita akong nakangiti sa kaniya, pinamulahan naman agad ito marahil ay dahil sa hiya. " Ehem " tumikhim pa ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. " Don't worry, hindi pa 'ko baliw para ipakita ang kahubadan ko sa 'yo, over my dead body, never! Hanggang pantasiya ka na lang" sabay talikod nito at pumunta sa falls para magtampisaw. Edi wow. Ako na ang umasa! As if naman di ko makikita at matitikman yan pag naging tayo na. Chos! Hahaha. Pumunta na rin ako sa kinalalagyan niya at nilublob ang paa ko sa tubig. Maybe, atleast I'll just enjoy this moment, minsan lang to kaya itotodo ko na. ****************************************** " Ingat ka don nak ha? Don't forget to send us a message pag nakabalik na kayo ng maynila " sabi ni mom bago ako nito binigyan ng isang mahigpit na yakap. " Ikaw na bahala sa unica ija namin Drake. " Dad said and give me a tight hug as well. Napagplanuhan kasi naming sabay na lang bumalik ng maynila para at least may makasama ako, di pa kasi ako binigyan nila mom ng sasakyan, at hindi ko rin gustong matuto, mabangga pa 'ko ei. Hahah Binigyan ko rin ng yakap si Yaya belen at nagpaalam na rin sa kaniya. Di kalaunan ay dumating na rin si terry para bigyan din ako ng mahigpit na yakap. Sinukli-an ko rin ito. Mamimiss ko na naman ang kumag na 'to. Di bale, isang taon na lang naman at maisasama ko na rin ito sa maynila. " Ma-mimiss kita Jamjam, dalasan mo naman kasi ang pasyal dito! " turan nito sa akin na ikinangiti ko na lang. " hahaha, 'nu ka ba. Okay, pag may chance na makakauwi ako ay uuwi talaga ako, bigyan na lang kita ng pasalubong..hahah sige na aalis na kami, ingat ka dito, alagaan mo si Bob ha! Pagnagkasakit 'yan nakuuu, pipingutin talaga kita. " sabi ko kay terry at niyakap siya ulit, niyakap niya rin ako nito ng pabalik. "Oh siya anak, umalis na kayo baka gabihin pa kayo sa daan, papahatid ko na lang kayo kay mang ben sa bayan " sabi ni Mom. Nasiraan kasi si drake on his way sa villa kaya iniwan niya 'yung sasakyan niya sa Bayan, sinundo lang siya nila Mom para makapunta dito. Maya-maya ay sumakay na kami sa likod ni drake. Magkatabi kami pero may konting espasyo lang sa gitna namin. Wala kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa bayan. " Thank you mang ben, see you soon po " pagpapaalam ko kay mang ben. Nagpasalamat din ito sa akin at umalis na. Sabay kaming pumunta ni drake sa pinaayos niyang sasakyan. Binayaran niya muna ang pagpapakumpuni nito bago pinalabas papuntang main road ang kaniyang sasakyan. Naghintay lamang ako sa labas ng kaniyang sasakyan habang naghihintay na pagbuksan ako nito. Pero knowing drake, wala ata sa bokabularyo nito ang pagiging gentleman at ako na lang ang nagbukas para sa sarili ko, oo alam ko, may kamay naman ako, tse! Nang maupo na ako ay di pa rin pinapaandar ni drake ang makina. Alam ko naman kung bakit. Di pa kasi ako nakasuot ng seatbelt. Plano ko talagang huwag suotin muna kunwari, para siya yung maglagay ng seatbelt ko..hihihi. hokage moves lang mga besh. " May hinihintay ka pa ba? " kunwaring tanong ko kay drake. Tiningnan niya lang ako ng masama bago ito nagsalita. " I know what you are up to, and I will not buy your drama, go and put your seatbelt on, alam kong alam mong gawin 'yan " bored na sabi nito bago tumingin sa harap. Watdapak? Psychic ba 'tong si drake at alam na alam niya 'yung iniisip ko? Gosh! Mukhang epic failed ang hokage moves ko kay baby huhu. Wala na akong nagawa at sinuot na ang seatblet ko, kahit kasi ata abutin pa kami ng siyam siyam ay hindi ito magaatubiling isuot sa akin ang lecheng seatbelt na 'to. Pagkatapos ko itong masuot ay agad niya nang binuhay ang makina at pinatakbo na ang sasakyan. Katulad kanina ay wala rin kaming imikan habang nagba-byahe, parang mapapanis na laway ko pag kasama ko 'tong si drake kaya na choice ako. Kundi mag open ng mga topic para lang meron kaming mapagkukwentuhan. Pero sadyang pipi ata tong si drake na kahit pag hum lang ay di niya magawa. Para tuloy akong baliw na salita ng salita dito at parang wala namang kausap. Nahinto na lang ako sa pagsasalita ng sinabi nitong 'can you just please shut up for a while? I can't focus on driving, pag tayo mabangga!" Kaya wala na akong nagawa at nag shut up na lang buong biyahe. Hay. Dahil nga sa di niya naman ako kinakausap ay pasimple ko siyang tinitingnan. Ang pogi niya sa serious look niya habang nag da -drive,di ko tuloy maiwasang mamangha sa perpekto niyang mukha. Walang ka pores pores mga besh, kitang kita ang katangusan ng ilong nito dahil naka side view..sarap din halikan ng mapupulang labi.. gooosh...namamanyak na naman ako. Natigil lang ako sa pagsulyap sa kaniya ng bigla itong nagsalita. " Stop staring at me, it makes me uncomfortable, isa pang titig mo sa akin then I'll kick you out of the car." Ang harsh talaga nito! May bayad ata kahit simpleng sulyap lang sa kaniya e. Dahil ayaw ni drake na tinitingnan ko siya habang nagmamaneho, at for sure, ayaw rin nitong kausapin ko siya ay minabuti ko na lang na mag soundtrip muna habang bumabyahe. Maya maya ay nakaramdam ako ng antok at nakatulog. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD