Chapter 5

3086 Words
Drake I busied myself in driving the car and keep my eyes off the road at hindi pinapansin ang pagsasalita ng aking katabi. Naririndi kasi ako pag masiyadong madaldal ang kasama ko. I can't stand to be with a noisy person. I prefer reading than talking to people. I just open my mouth when I needed to, at ang makipagkwentuhan dito sa kasama ko? Nah, it's just purely non-sense ang unknowledgeable. Tumahimik din naman ito ng sinabihan kong tumahimik na, but later he was looking at me na para bang hinuhubaran na 'ko, I knew to my self that I am not homophobic but when it comes to this gay, goodness! Tumitindig ang balahibo ko everytime he talks or stares at me. It makes me very uncomfortable, I can't deny that I am a good looking person but staring at me like I'm a delicious meal? Man! That is rude. Ayaw ko mang sumabay dito sa baklang 'to, that happened to be my stalker as well and that is also creeping the hell out of me, ay wala na akong nagawa dahil pinakiusapan ako nila Tita na isama ko na lang siya sa biyahe. Also, this might be my compensation for touring me out of their villa, and bringing me to that beautiful place. Afterall, this gay brought something that is new to me, and I am just happy because of that. Hindi pa ako nagpapasalamat dito sa pagdala sa akin sa falls but I think driving him back to manila is enough already. Quits na rin kami sa tingin ko. Nang mapasulyap ako sa side mirror ng kotse ay nakita kong nakatulog na rin ito. Napatingin ako sa mukha niya ng mabilis at saka binalik ang tingin ko sa kalsada. ' Well, you look cute when you are asleep ' pabulong kong sabi. ****************************************** Jamie " Pucha? Seryoso yan besh? Magkasama kayo ni drake sa kotse? Aba't sinabi ko na noon pa sa 'yo na masama ang panggagayuma! Bakit mo pa rin tinuloy? " eksaheradang sambit ng walangya kong beshie na si erica, pagkatapos kong bigyan ng sandals? Aba, walanghiyang to ! Wala man lang utang na loob! Palihim kasi akong kumuha ng litrato namin ni drake habang nag da-drive ito, buti na lang at di niya napansin haha. " Hoy gaga! Hindi ko siya ginayuma ano, ganda lang puhunan ko diyan besh!hihi" sabi ko sa kaniya. Niloloko ko kasi ito na nag date kami ni drake, hindi ko sinabi na sinabay lang ako nito pabalik ng maynila..hahaha " lokohin mo neknek ko! 'Yung totoo? Eh never ka namang pinansin non? " aray naman. Di talaga supportive 'tong gagang to sa lovelife ko. " Oo na! Sinabay lang ako pabalik ng maynila, mukhang magiging business partners kasi mga parens namin at siya 'yung pinaasikaso ng mga papeles. Don rin siya natulog sa mansion." Pagpapaliwanag ko dito. " Di mo naman siya siguro ginapang besh no? " may pagdududang tanong nito. " Gaga! Malandi lang ako pero hindi ko siya pinagsamantalahan no, baka mabugbog ako or worse ay baka sipain ako ni mom at dad palabas" naisip ko rin namang gapangin siya habang natutulog pero may konsensiya pa naman ako,kaya baka next time na lang.chos..hahahha " Oh? Ngayon bakla? Sabihin mo sa akin? May improvement na ba sa relasyon niyo? You know, from being stalker ay naging friend ka na ba niya? " tanong nito sa akin. " 'yon na nga friend, Ganon pa rin ang pakikitungo sa akin, cold pa siya sa north pole, ayaw naman akong gamitin pampainit, hayyy!" Dismayado kong sagot sa kaniya. Wala naman kasing pinagbago sa ugali niya noong andon kami sa villa,masungit pa rin ito sa akin at parang nandidiri. Gosh! Sobrang ganda at sexy kong bakla para pandirihan ano! Ewan ko, di talaga gumagana ang taglay kong ganda sa straight na si Drake. " Okay lang 'yan baks, marami pa namang time, at least nagka-moment naman kayo kaya okay nang panimula 'yon" pampalaks loob niyang sambit sa akin, naikuwento ko rin kasi 'yung nangyari sa falls. " Hay, sana nga. " ang nasabi ko na lang. Pagka-time ay sabay na rin kaming pumasok ni erica para sa susunod naming subject. *** Shit. Dali dali akong lumabas ng room noong makita kong 5:30 na ng hapon. Papunta ako ngayon sa soccer field para sa gaganaping practice at late na ako ng tatlumpong minuto! Nyeta kasing guro namin, sa dinami rami ng kaniyang studyante ay sa akin pa humingi ng tulong para sa ginagawa niyang power point presentation, buti sana kung may plus sa grades pero wala! Parang mauubusan ako ng hininga nang marating ko ang kinaroroonan ng soccer team. Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa at malamlam na tumingin sa akin. Pero isang pares ng mga mata lamang naka tuon ang atensiyon ko. Mababanaag ang disgusto sa nagbabagang mata nito. Patay. Ayaw na ayaw niya pa naman sa mga late. Di rin valid ang reason ko kasi pwede naman akong humindi doon sa guro para sabihing may practice kami. Gooooosh! Mukhang galit na galit ang bebequoh.. Takot na takot akong humakbang papunta sa captain namin habang nakayuko. Noong makarating na ako sa puwesto niya ay nagsalita ito kaagad. " Sa tingin mo anong oras na? " tanong nito sa akin. Nanginginig kong tiningnan ang aking relo at sinabi ang oras ngayon. " F-Five forty. " pautal kong sagot sa kaniya. " Anong oras ang practice natin? " tanong ulit nito gamit ang mababa at malamig na boses. " F-Five p-po ng hapon c-Captain " sagot ko naman dito ng nakayuko. " Alam na alam niyong galit ako sa mga batugan at late sa practice, siguro naman ay may rason ka kung bakit ka na late ngayon? " " T-tinulungan ko po kasi Si Miss Diones sa k-kaniyang ppt kaya po ako na -late, sorry po captain. " huhuhuhu..parang maiiyak na 'ko, nakakahiya kayang pagalitan sa harap ng maraming tao. " Since this was your first offense at ikaw pa ang naunang gumawa nito ay bibigyan kita ng sanction, ke bago bago mo pa lang sa team ay naglakas loob ka ng magpa-late. Go change your clothes and give me 50 laps, huwag kang titigil hanggat hindi mo natatapos ang 50 laps, get that? " sabi nito sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot. " GET THAT? " may kalakasan nitong sabi na tila hindi ata nagustuhan ang pagtango ko kanina. " Y-yes captain " utal kong sabi bago ito tumalikod sa akin at pinagpatuloy na nila ang kaning page-ensayo. Ako kasi ang unang na late sa mga newbie kaya sobrang bad impression ito kay drake. Nanlulumo akong pumunta sa locker area at kumuha ng damit pamalit sa uniform na suot ko. Kahit na naiiyak na ako dahil sa pagpakakapahiya sa akin kanina ay pinigilan ko talaga..ayaw kong magmukhang kinagat ang mata ko ng bubuyog ano! Masira pa ang beauty ko. Naghilamos na rin muna ako at sinuot ang shorts at jersey namin sa soccer at tinali ko na rin nang pa bun ang buhok ko. Napatingin ako sa salamin at shet. Ang cute ko talaga. Nagawang pagalitan ni Drake ang cute na nilalang na ito? Gooosh! Pagkatapos mo magbihis at magpaganda para at least masabi kong 'Heto pala ang pinagalitan mo kanina baby Drake' ay pumunta na ako sa field pars simulan ang 50 laps. My goooooosh! Sa tingin ko di ko kakayanin ang singkwenta! Sampu nga lang pinapagawa sa amin ay parang malalagutan na ako ng hininga? Fifty pa kaya? Ang laki pa maman ng perimeter nitong field. Huhuhuhu. Please guide me my guardian angel. Maya-maya ay tinawag ni drake si Liam pars siya muna ang titingin sa mga nag pa-practice at siya 'yung magbabantay sa aking pagtakbo. Kikiligin na sana ako dahil gusto niya mag focus sa akin pero knowing drake. Jusko! Sisiguraduhin niya talagang singkwenta ang magagawa ko! Balak ko pa naman sanang dayain ang pagbibilang. Tiningnan muna ako nito habang napapalunok ng laway. Uhaw ba 'tong si Drake? 'Tatakbo na nga lang, magpapacute pa' May sinabi ito pero sa sobrang hina ay di ko na narinig. " I'm gonna watch you finish the 50 laps, drink your water dahil di kita bibigyan ng break pagkatakbo mo." Sabi nito. Huhuhu .. ang harsh talaga nito sa akin. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay sinimulan ko na ang pagtakbo. Noong una ay okay pa ang pakiramdam ko, nagawa ko naman ng maayos ang unang sampung laps. 20 laps na ang naitatakbo ko ng maramdaman ko na ang panginginig ng aking nga tuhod. Pero sige pa rin ako sa pagtakbo, ayaw ko namang sabihing batugan ako at di ko sineseryoso ang soccer. 25 laps ay parang mawawalan na 'ko hininga at sandaling tumigil sa pagtakbo. " Who told you to stop? " tanong ni drake sa gilid ko " B-break po m-muna c-captain, di ko na k-kaya " hinihingal kong sabi dito sabay sapo sa magkabila kong tuhod. Parang di ko na talaga kayang tumakbo pa. Sobrang nanghihina na ako. Pero di ako susuko. Tatakbo na sana ako ulit ng may magsalita. " Captain ako na po ang tatapos sa natitirang laps ni Jamie, mukhang di niya na po kasi kaya at baka mahimatay na po siya. " si Leo pala ang nagsalita. Tiningnan naman ako ni Drake at parang naawa na rin ito sa kalagayan ko bago bumaling ulit kay leo. " Okay, but you need to do 50 laps again , is that okay with you? " sabi ni drake kay Leo. My gooosh!grabe.. walang patawad talaga tong si Drake..huhuhuhu. " N-naku Leo okay lang, k-kaya ko pa nam. " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumakbo na si Leo para simulan ang 50 laps. Napangiti na lang ako, at least may kaibigan akong caring. " Have your 5 minutes break, tapos sumunod ka na sa mga nag pa-practice, may bago akong ituturo. " sambit ni drake bago umalis. ****************************************** " Thank you for saving me earlier Leo, i really appreciate it. " pagpapasalamat ko kay Leo dahil sa pagtulong niya sa akin kanina sa sanction ni Drake. " No big deal, I think a dinner will do " sabi nito habang nakangiti. I am really thankful that Leo was there earlier to save my ass,baka kasi kung tinapos ko 'yung fifty laps ay baka paglamayan na ako ngayon. Pero siya? Nagawa niya ito ng mabilis, hinihingal rin naman ito but with an athletic body, I know he can sustain a long time running. Sabay kaming papalabas na ng locker area pagkatapos naming magbihis. Siyempre, because of gratitude at talagang na overwhelm naman ako sa pagtulong niya kanina sa akin ay umo-o na lang ako sa panlilibre dito. *** Pauwi na ako sa dorm nang maisipan kong pumunta muna ng convenient store para bumili ng icecream, ewan ko ba't nag ke-crave ako ng icecream ngayon, baka buntis ako, chos. Pagpasok ko ng store ay may naispottan kaagad ako. Biglang nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang isang napakakinang na bituin. Hampooooogiii talaga ni Drake gooosh!. Ang hot nitong tingnan sa suot nitong eyeglasses at shet mga besh! Fowtaaaa. Naka itim na sando lang si mayor! Kitang kita ko ang bilugan nitong nga braso at bakat din ang kaniyang dibdib dahil sa suot nitong hapit sando. Shet. Naglalaway na ata ako. Literal! Naramdaman ko kasing may tumutulo sa gilid ng labi ko, kaagad ko rin naman itong pinunasan. My gosh! Where are your manners bakla! Charot. Nakaupo lang si Drake sa isa sa mga stall dito sa loob habang nagbabasa ng kaniyang libro. May vitamilk din itong nasa tabi na sa tingin ko ay kaniyang iniinom. SIYEMPRE! Dahil sa dakilang malandi ako ay hinding hindi ko sasayangin 'tong pagkakataon para makasam ang bebequoh, tutal at nine pa naman ang curfew at mag e-eight pa lang naman ng gabi kaya mananatili muna ako dito sa loob. Bumili na kaagad ako ng icecream, yung sa cone lang at binayaran na ito sa cashier. Buti na lang talaga at kokonti lang ang stall dito, at kung sinuswerte ka nga naman! Sa pwesto na lang ni drake ang may vacant seat, bale two chairs kada table at magkaharap ito. Wala nang pakundangang umupo ako sa tapat niya. Hindi man lang ito nag angat ng tingin, baka di ako naramdamang umupo sa tapat niya. " Ahmm, pwede po bang makiupo dito? Wala na kasing vacant na table except for this one. " sabi ko kay drake na kaagad niya namang ikinaangat ng ulo pagkarinig niya ng boses ko. Nakakunot naman ang noo nitong napatingin sa akin. Naniningkit din ang mga mata nito na tila ba'y ayaw niya akong makasama sa iisang table ngayon, pero sorry na lang siya, makulit pa ako sa batang three years old kaya di ako masisindak ng patingin tingin niyang ganiyan. Hindi man lang ito nagsalita bagkus ibinalik nito ang kaniyang tingin sa librong binabasa. Holy cow! Ang sarap niya talaga pagmasdan! Shet, ang lalaki ng mga braso, iniimagine ko na na hinihigaan ko ito pagkatapos naming magsalo sa iisang kama. Hihihi. Amoy na amoy ko rin ang pabango nito na talaga namang manly ang scent. Hindi ko tuloy maiwasang amuyin ito ng amuyin. Nakatitig lang ako sa kaniya habang dinidilaan ang icecream na binili ko. Mukhang maganda rin pala ang ideya ng pagbili ko nitong icecream at parang nangseseduce ako pag kinakain ko ito. Ma try nga kay Drake.. hihihi. Operation seducing Drake Montecillo.. hohoho. Tumikhim muna ako para makuha ang atensiyon niya , pero parang bingi ata ito at di man lang ako tiningnan. Tumikhim ulit ako, mas malakas kaysa noong una, likewise, di pa rin ito tumitingin. Kaya mas lalo ko pang nilakasan ang pagkakatikhim ko at imbes na si Drake ang pumansin sa akin, ay ang guard pa ng convenient store ang pumunta sa aking tabi. " Sir? Okay lang po ba kayo? Bawal po kasi ang may virus dito sa loob, kanina pa kasi kayo tikhim ng tikhim, ayaw po naming mahawaan at pati na rin ang mga customers, kanina pa kasi sila nag rereklamo. " sabi ni manong guard at inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at kitang kita ko ang mga tao sa loob na nagsitakip ng kanilang mga ilong habang nakatingin ng masama sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit! Hawaan ko pa kayo ng ganda eh! At ABAA! EXCUSE ME! WALA AKONG CORONA ANO! Pero gosh mga beshieeee! Pa fierce fierce lang ako sa inyo pero... NAKAKAHIYAAAA!! Kanina pa pala ako pinagtitinginan dito sa loob. Humarap naman kagaad ako kay manong guard at saka binigyan ito ng napakatamis na ngiti bago ako nagsalita. " He-he, sorry po manong guard, nabilaukan lang po ako sa pagkain ng icecream, don't worry, wala po akong sakit, sakit sa puso lang po meron, charot,okay lang po talaga ako hihi...balik ka na po doon. " turan ko dito, bakas sa himig ko ang sobrang hiya. Agad namang umalis si manong guard at bumalik na sa pwesto niya. Pagbaling ko kay Drake ay nagpipigil ito ng tawa. PINAGTATAWANAN BA AKO NITO? GOSH! EDI MAS LALO AKONG NAKARAMDAM NG HIYAAAAA! Huhuhu!! Kasalanan niya to e, ayaw kasi akong pansinin eh mas maganda naman ako sa librong binabasa niya!. Dahil sa inis ay nilamon ko ng buo ang natitirang icecream ko sa cone. " Haaaaaaah! " ang tanging nasambit ko na lang habang pinapaypay ang bunganga kong lumamon ng malamig na icecream. PUNYETA! ANG LAMIIIIIG! SHET! Nangilo ng todo ang ngipin ko sa sobrang lamig ng icecream, napahawak din ako sa sentido ko dahil sa sobrang pagka brain freeze. Wala naman akong choice kundi lunukin ang icecream na nasa bunganga ko, ang dugyot ko naman ata pag niluwa ko pa dito noh! Pero may mangilan ngilan pang tumutulo sa gilid ng bibig ko kaya okay, tanggap ko na ring nagpapakadugyot ako ngayon! At ang walangyang Drake! Di na kinaya ang pagpipigil at tumawa na ito ng todo. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang hiya. Wala na akong choice, Dali dali na akong umalis sa convenient store na 'yon habang talukbong ang aking mukha. Mukhang epic fail na naman ang operation seduce Drake Montecillo ko ! MY GOSH! DI NA AKO ULIT KAKAIN NG ICECREAM! Yung kay Drake na lang! CHAROT! ****************************************** " Jamie sige naaaa! Pumayag ka na please? Para naman 'to sa club natin eh, alam mo namang tayo ang inaasahan ng mga seniors para sa darating na Foundation Week diba?kaya sige na! " pagpupumilit ni Rose, kasama siya namin sa soccer team at newbie rin siya katulad ko, and siya ang naatasang mag facilitate ng aming booth this coming Foundation Week. Ang mga baguhan sa soccer team talaga ang pinagpa-facilitate nitong aming booth, kasama na rin daw ito sa initiation ng team. " Eh? Ayaw ko ng theme! Hindi ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit! Like, okay, I admit, I AM GAY but I don't do Crossdressing! Kayo na lang kasi! " kanina pa kasi ito nagpupumilit na isali ako as one of the waitresses para sa booth namin, it was inspired by the Japanese anime ' Maid Cafè ' . Like duh? I know that I am cute and irresistable but I cannot deny the fact that I am still a man! And I am not comfortable of wearing Feminine outfits for God sake!! " Jamie naman eh! Alam mo namang lima lang kaming babae sa soccer team diba? Ayaw pa sumali ng tatlo kasi mga tibo! Kahit anong pilit ko sa mga 'yon ay ayaw talaga sumali, you are my last resort jamie! We are doomed pag di ito natuloy. " pagmamakaawa pa ni Rose sa akin, naiiyak na rin ito dahil sa pressure na inihabilin sa kaniya. " Bakit ba kasi ito yung napili niyon concept eh alam niyo namang kulang na kulang tayo sa babae? " inis kong tanong dito. Pwede namang kissing booth? Or photo booth? Marami namang good looking sa team so magiging mabenta talaga ang mga ganoong pakulo. " Actually I suggested already a lot of themes to our seniors, pero dahil daw parang common na lang 'yung mga recommendations ko ay sila ang pumili ng magiging theme ng ating booth, and they have decided to do a Cafè booth, marami kasing mahilig mag kape na estudyante, and they put some twist and that is to reinact the anime series ' Maid Cafè ' by wearing cute maid outfits, hindi na rin ako nakipagtalo kasi nginitian ako ni captain at napa oo na lang ako. " Ay ganun! Nadala pala sa landi ang gaga kaya wala nang nagawa. PWES! Ibahin niya ako, kahit pa si Drake mismo ang pumilit sa akin ay di ko pa rin ito gagawin. " Any problem in here? " Rinig kong sambit ng isang baritonong boses. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD