Jamie
Sabado na ngayon and this is D-Day! Magde-date na kami ni baby loves sweetcake Drake ko sa kanilang dorm hoho!
Nang tingnan ko ang relo ay alas otso pa lang pala ng umaga and ang sabi ni Drake ay we'll just meet at the convenient store near the school at 11 am. Masiyado ata akong na-excite at mas nauna akong nagising kaysa sa alarm clock ko.
Nagscroll-scroll muna ako sa sss, Twitter at i********: bago ko naisipang bumangon na at nag-ready.
Kumain muna ako ng breakfast at saka naligo. Pagkalabas ko ng kwarto ay todo bihis na 'ko. Tamang shorts na dirty white lang at isang v-neck na gray sweatshirt at tamang tsinelas lang ako. Dzuh! Kahit pambasahan lang ang susuotin ko ay maganda pa rin ako! Charot only!
" Aalis ka? " tanong ng dormmate ko.
Hindi, hindi ako aalis, naligo lang ako at todo porma at pabango pero dito lang talaga ako at mag-aaral! Dzuh! Obvious ba?
" Ahh, oo eh, hehe may date kasi ako. Chos! Babalik naman ako kaagad. " sabi ko naman dito at tinanguan lang ako nito.
When I checked my phone, it's already 10:45 am. Hala! Sobrang tagal ko palang mag-ayos!
Nang makalabas na ako sa pintuan ay laking gulat ko nang bumungad sa aking harapan ang pogi at yummy kong bestfriend na si Leo. Naka sandong itim lang ito at shorts, at infairness, may pabukol si mayor. Di po ako maniac ha! Sadyang napupunta lang talaga ang paningin ko sa bakat ng mga lalaki 'pag cotton ang suot na shorts ng mga ito! Hindi po ako malandi promise! Slight lang! Hahaha.
" Oh? May lakad ka? " isa rin itong si Leo eh! Hindi ba halata?!
" May date ako ngayon besh eh! Teka, ano pala ang sadya mo dito? " tanong ko naman sa kaniya. Curious lang, mukhang kakagaling lang din nito sa gym eh at basang basa pa ang sando nito, nakabakat kasi ang malapad na dibdib nito sa basang sando na suot. Punyeta! Namamanyak na talaga ako! Ba't kasi napakasarap nitong beshie ko! Isa lang po akong marupok na bakla, patawd po.
" Aw, aayain sana kitang mag-lunch eh, saan ba ang lakad mo? Sama mo naman ako! " kapal talaga ng mukha netong si Leo.
" Gagi! Magde-date kami ni Baby loves Drake ko. Hihihi! Kaya it's a no muna sa 'yo, sorry Leo, don't worry mahal pa rin naman kita " nakangisi kong sagot sa kaniya.
" Weh? Di nga? Date ba talaga? Huwag ako ang lokohin mo Jamie. " hayop to ah? Ayaw maniwala?
" Oo na! Mag-aaral kami sa dorm niya, wala kasi itong kasama. You know naman? Gusto lang ako nitong makasama for a day. Hihihi " kinikilig kong sagot sa kaniya.
" Asus! Hindi talaga gentleman 'yang si Captain. Ikaw pa talaga ang papapuntahin niya sa Dorm niya, tsk pambihira. Oh sige, sa susunod na lang, ingat ka don, ay teka. Hatid na lang kita, saan ba kayo magkikita? " ayieee. Love na love talaga ako ng mokong na 'to.
Iba kasi ang dorm nila Drake. Bale mas mahal 'yung sa kanila at kilalang elite yung families na nagse-stay sa dorm nila. So parang condo-type yung dormmitories nila. Sosyal diba?
" Doon sa convenient store, sa tapat. Tara na! Mag e-eleven na oh! " ang sabi ko bago ko hinila si Leo.
Pagkarating namin doon ay sakto andoon na si Drake, nakaupo sa isang mesa at nakakunot na ang noo nito.
" Alis na 'ko, ayan na jowa mo, bye! " pagpapaalam naman ni Leo.
" Sige besh, thank you sa paghatid. " at nginitian ko ito.
Nang makaalis na si Leo ay agad kong pinuntahan ang pwesto ni Drake.
Gosh! Nakakunot na ang noo neto. Nang tingnan ko ang relo ay shet! Late ako ng fifteen minutes! Si Leo kasi eh, chinika pa 'ko!
" Hanggang dito ba naman ay late ka? Tch! Follow me. " inis nitong sambit. Nag sorry naman ako kaagad dito at sinundan na ito sa paglalakad.
***
" Hindi ganiyan ang tamang paghawak ng kutsilyo, you should bend it upward at ang tuktok ng kutsilyo ang dapat na sa ilalim, hindi ka makakahiwa nang mabuti kung level lang ang position ng kutsilyo. " I told Drake.
" Am I doing it right now? " He asked me.
" Hmmm, that's right. Huwag mo masiyadong lakihan ang hiwa, manipis lang dapat. " nakita ko kasing anlalaki ng hiwa niya ng sibuyas.
" Like this? " tanong niya na agad ko namang ikinatango.
Kasalukuyan kaming naghahanda para sa magiging pananghali-an naming dalawa. And he asked me to teach him how to cook, plano ko kasing magluto ng buttered shrimp at itong baby loves ko ay gustong magkamoment sa akin kaya gustong gusto nitong turuan ko siyang magluto. Charot!
" Fvck! My eyes are burning! What the hell! " sigaw nito habang marahang kinukusot ang kaniyang mga mata.
" 'Wag mong kusutin, mas lalong hahapdi 'yan! Haha teka! "
Agad ko naman itong inalalayan papuntang lababo at ako na mismo ang naghugas ng kaniyang mata.
" Dapat kasi hindi ka humihinga sa ilong 'pag naghihiwa ka ng sibuyas. Kapag kasi maaamoy mo 'yung sibuyas ay talagang maluluha ka. " pangangaral ko naman dito.
" I did not freakin know! And well thank you, your warning is too late already. " sarcastic nitong sabi.
Agad naman akong nagpaumanhin dito at nagpatuloy na kami sa pagluluto.
" Have you checked the rice already? Luto na ba? " tanong ko sa kaniya.
He just clicked his tongue and immediately look for the rice kung luto na ba ito.
" It's on warm na, I think it's cooked. " sagot naman nito sa akin. Conyo mo babes ha? Haha
" Okay, ihanda mo na lang ang mesa, malapit na rin itong matapos. "
" Stop ordering me! I am not your freakin slave. " ay huwaw naman! Ma attitude talaga 'tong baby patotie ko.
" Okay po, mahal na senyorito, pwede niyo na po bang ihanda ang ating hapag-kainan sapagkat malapit nang maluto itong ating ulam. Hehe " gosh! Saan kaya ako humuhugot ng lakas para sagot-sagutin si Drake?
" Are you mocking me? "
" Heto naman! Charot lang po 'yon captain haha. "
Napa tsk naman ito pero agad ding sinunod ang ipinagutos ko.
***
" Hmmm, it's delicious, well, big factor siguro ang pagtulong ko that's why the outcome of the dish is very delectable. " Wow yabang! Hanggang paghihiwa na nga lang ito ng sibuyas eh. Tumigil ito noong naluha-luha na. Salamat naman sa napakalaking tulong babe!
" Hehe, parang ganoon nga, you know two heads are better than one, ' and your other head is the best ' " pabulong ko namang sambit yung huli.
" What did you say? " nakakunot noong tanong nito sa akin.
" Wala po, ang sabi ko ay bilisan nating kumain para makapag-start na tayo sa pagtuturo mo sa akin. Hehe " nakangiti kong sambit sa kaniya at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Nakakahiya naman kasi 'pag inutos ko pa kay Drake, ako na nga itong nagluto alangan namang siya pa ang pagpapahugasin ko.
" After you finish washing the dishes ay pumasok ka na kaagad sa kwarto so that we can start early at makarami tayo. "
What?
Holy cow!
Sandaliiiiiii! HINDI PA AKO READY SA GANITO!
" D-drake? Pa-paanong makakarami? Hala! Teka, di pa 'ko ready! Pero kung ipipilit mo naman at nag comply ka ay pwede naman nating pag-usapan. " mahina kong sambit pero sapat na para marinig ito ni Drake.
" What the actual fvck? You should have made that dirty mind of yours cleaned already! Masiyado na itong nilulumot at napaka-green na! Pagkatapos mo diyan ay pumasok ka sa kwarto at doon tayo mag-aaral! Tch! " singhal naman nito sa akin bago padabog na sinarado ang pintuan ng kanilang kwarto.
'Bayan! Ba't kasi napakadumi na netong utak ko! Hay!
Nang matapos ako sa paghuhugas ay agad naman akong tumalima at pumasok na sa kaniyang kwarto.
Bumungad sa akin ang dalawang kama, for sure ay kay liam yung isa, habang si Drake naman ay nakaupo sa kaniyang kama at nanghahalukay sa kaniyang bag.
" Just sit there for a while at hinahanap ko pa ang libro na gagamitin ko sa pagtuturo. " sabi nito sa akin. Akmang uupo na sana ako sa higaan ni Liam nang magsalita ito.
" Don't sit there, Liam won't allowed other people, even me, to sleep or sit at his bed. Doon ka sa study table ko, I'll follow you after I find the book. "
Ay grabe naman itong si Liam! Wala naman kaming rashes or anything ah!
Agad naman akong umupo sa kaniyang study table at parang mahihimatay ata ako sa hilo dahil sa dami ng librong naka-pile sa kaniyang mesa.
Hindi nagtagal ay tumabi na rin si Drake sa akin at sinimulan na nito ang pagtuturo.
Sinet-aside ko muna ang pagiging malandi ko at nag focus sa itinuturo ni Drake. May quiz kasi kami sa lunes at kailangan ko itong maipasa.
Halos tatlong oras straight ata ang pagtuturo nito sa akin bago ako nakaramdam ng antok at huli ko nang napagtanto na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa pader.
***
Naalimpungatan lamang ako ng makarinig ako ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Minasahe ko ang sumasakit kong leeg dahil suguro sa matagal na pagkakadukdok sa mesa.
Nang tingnan ko ang oras sa aking relo ay nanlaki ang aking mga mata nang makita kong 8:45 na! Punyeta! Hanggang 9:00 pm lang ang dorm! Shet!
Agad akong lumabas sa kwarto para hanapin si Drake at makapagpaalam na dito.
" Drake! Ba't di mo naman ako ginising! Curfew na namin, kailangan ko nang umuwi " I told him. Prenteng nakupo naman ito sa mesa habang nilalantakan ang isang box ng hawaiian pizza.
" Kasalanan ko pa? Ikaw 'tong nakatulog in the middle of tutorial class! Tsk. At mukhang hindi ka makakaalis, sobrang lakas ng ulan, may bagyo ata " sagot naman nito sa akin.
" Hala? Paano na 'ko makakauwi nito? " I asked him hopelessly.
" You can sleep here. "
Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito.
Huwaaaaat?
******************************************
" Ha? P-pwede ba talaga captain? " paninigurado ko. Baka kasi iba ang pagkakadinig ko sa sinabi nito.
" Tsk, oo! It's raining outside, do you think I will let you go out? Cargo kita kasi pinapunta kita dito. " suplado naman nito! Ayaw pa amining gusto akong makasama sa malamig na gabi. Hihihi landi!
Ngiti-ngiti naman akong bumalik at lumapit sa kaniya na kasalukuyang kumakain ng pizza. Natakam naman ako at nakaramdam agad ng gutom nang maamoy ko ang bango ng baby loves ko, I mean ng pizza.
" Pahingi naman captain oh. " walang hiyang sambit ko sa kaniya.
" Tch! You are really shameless, don't you know that? " nakakunot noong sabi nito sa akin pero agad naman nitong inilapit sa akin ang pizza.
" Yey! Thank you captain. " pagpapasalamat ko naman dito.
Maya-maya ay tumayo ito at pumunta sa ref. May kukunin ata.
" Do you drink whiskeys? " nagulat naman ako sa biglang pagtanong nito sa akin.
" Ahh, oo naman captain. " dzuh! Whiskey rin kaya 'yung ininom natin sa bahay ni coach.
" Good, samahan mo 'kong uminom " hala? Seryoso ba 'to?
" Ikaw captain ha! Alam mo naman siguro ang kasabihang 'pag may alak may balak? Charot! Hahah " gooosh! Ang feeling close ko na talaga haha.
" Lul, baka ako pa nga ang gapangin mo eh, at least I am giving you now a chance to make me drunk and molest me when I am asleep. " luh? Binibigyan mo ako ng hint sa kung anong pwede kong gawin sa 'yo ha. Pwes! Chos!
" But on the second thought, I am not easily get drunk by whiskeys kaya I am sorry for bringing your hopes down. " He said while smirking. Abat!
" As if naman gagawin ko 'yun captain! Butihing anak kaya ako! At hindi ako mapansamantala! Well, depende sa situation. " sagot ko naman sa kaniya na ikina-iling niya na lang.
" Ahh, bago tayo mag-inuman captain, pwede ba 'kong makiligo muna dito? Hindi kasi ako makakatulog 'pag hindi nakaligo tuwing gabi. " nahihiya kong tanong sa kaniya. Nanlalagkit na kasi ako at hindi talaga ako sanay na hindi nakakaligo tuwing gabi.
Napa tsk naman ito bago tumayo at pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Maya-maya ay lumabas din ito dala-dala ang isang tuwalya. Agad ko naman itong kinuha nang iabot niya at lalakad na sana ako papuntang CR nila nang maalala kong wala pala akong dalang damit!
" Ahh, captain, h-huwag na lang pala,nakalimutan ko kasing magdala ng damit. Hehe, maghihilamos na lang a-- " hindi na ako nito pinatapos at bigla ulit itong pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Pagkalabas nito ay may bitbit na itong toothbrush, isang t-shirt na sa kaniya pa ata, at isang boxer shorts.
" There, don't worry, hindi ko pa nasuot 'yang boxers at ang shirt naman ay bagong bili, same with the toothbrush." tsk! Sayang naman! Gusto ko pa naman sana 'yung gamit na niya! Charot.
Agad naman akong nagpasalamat dito at agad na tinungo ang banyo at naligo. Nag toothbrush na din ako habang naliligo.
Agad naman akong nagbihis pagkatapos kong maligo at voila! Masyadong malaki 'tong t-shirt at hanggang tuhod ko na ata. Well, malaking tao kasi itong baby loves ko eh.
Tinupi ko muna ang mga damit ko bago ito sinilid sa isang plastic at saka ako lumabas.
Nang tinungo ko ang pwesto ni drake ay naglabas na ito ng dalawang baso na may ice at isang pineapple chaser para daw sa 'kin. Asus! Love na love talaga ako nito.
" Let's start, oh, ikaw na mauna " sabay bigay nito sa akin ng basong may alak.
" Aaaack! Ang pait! " daing ko nang maubos ko ang laman ng basong itinagay sa akin ni Drake.
" May balak ka atang lasingin ako captain eh! " maktol ko naman sa kaniya. Aba't! Halos mapuno niya ang isang baso ng tagay! Anong akala niya sa akin? Lasinggero?
" Tch, weak, may chaser ka na nga oh! " sagot naman nito sa akin bago niya ininom ng isahan ang laman ng kaniyang baso. Hard drinker talaga 'tong baby boy ko. Hay! Sana malasing ka! Charot.
Tila dumaan naman ang diwata ng katahimikan at walang na imik sa amin ni drake sa loob ng sampung minuto ata.
" Is it hard to be like that? " nagulat naman ako sa biglang pagtanong nito.
" Ha? " hakdog.
" You being a gay, is it hard? " pag-uulit nito.
Ininom ko muna ang laman ng aking baso bago ko sinagot ang tanong nito.
Gusto ata ni Drake ng deep talk.
" Well, when I was in elementary and even in highschool, nakakatanggap din ako ng pangungutya, like me being a gay is salot daw sa lipunan. Na I will be condemned in hell 'pag pinatuloy ko ang pagiging bakla ko. I even cried a lot when people are mocking me because of my gender preference. Like, I did no wrong to them but still they can't accept me for who and what I am. Pero I manage to stand of what I believe is right. I don't care about others opinion, ang importante ay tanggap ako ng mga magulang ko at mga malalapit sa akin, and I found care and love with them. " nakangiti kong sagot sa kaniya.
Tumatango - tango naman ito bago nagsalita.
" You know what? I am not really against with the LGBT community, I was quite guilty dahil minsan ay naaasiwa ako sa 'yo, but don't worry, hindi na nitong mga nakaraang araw. I am also amazed by the thought of you being criticized by other people and yet you stand firm and don't give a hell of a damn to those haters. And that makes you extraordinary. " hala? Si Drake ba 'tong nagsasalita? Gosh! Agad naman akong pinamulahan dahil sa sinabi nito.
" Naku naman! Na flatter naman ako captain. Haha. Pero alam mo captain? Somehow, napag-isip-isip ko rin na what if naging babae na lang ako? Mamahalin at tatanggapin siguro ako ng karamihan? Pero on the other way around ay mas gusto ko rin palang ganito na lang ako, at least alam ko kung sino 'yung totoong tanggap ako at ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. " Yeah, sometimes I felt so insecure sa mga babae na hindi naman dapat kailangan. Sabi nga ni lady gaga. I'm on the right track baby, I was born this way. Hahaha
" You are lucky to have a supportive and understanding parents. You know, my parents doesn't even care about my decisions, and it is their decisions that really matters. I really don't like this course, I want to be an engineer pero hindi nila ako pinayagan. Paano ko daw mahahandle ang family business namin if I will choose a course that is far from our families track? They don't even care about what I really wanted to do in life. I am like a puppet, na sunod sunuran sa gusto ng aking mga magulang, and I don't have a choice either. I need to make them proud, I should not disappoint them, I need to fulfill their expectations for me kahit na nahihirapan na 'ko. " nagulat naman ako sa pag open up nito sa akin. Sa tingin ko ay tinamaan na rin ito ng alak kasi medyo mahilo hilo na rin ako eh.
Hinayaan ko na lamang ito sa pagsasalita muna at hindi ako sumabat.
" Siguro ang iba ay masaya sa tuwing nakakausap nila ang kanilang mga magulang sa telepono, well not in my case tho' , they just call para paalalahanan akong dapat kong galingan at dapat hindi ako malamangan ng iba, na I should study hard to graduate with flying colors, na dapat hindi ko sila ma disappoint. And it's fvcking suffocating on my part! I was pressured to hell na minsan ay hindi ko na kilala ang sarili ko. " gosh! Parang maiiyak naman ako sa pag-o-open nito sa akin.
I don't know what to say. Hindi kasi ako mahilig sa advice advice churvaness ek ek na 'yan.
" Damn, I talk a lot. I'm sorry " pagpapaumanhin naman nito sa akin bago nilagok ang laman ng kaniyang baso.
" O-okay lang, ahm, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. S-sorry. " gosh! Nakakahiya ka bakla.
" That's fine, ang pakikinig mo pa lang ay sapat na. I don't actually need an advice. All I need is someone who can listen to me. Masiyado na rin kasing mabigat. Haha . Come on, let's drink till our hearts content! Cheers ! " sabi nito sabay angat ng kaniyang baso.
" Cheers! "
itutuloy...