Jamie
Dumirecho kaagad ako sa soccer field para sa aming practice pagkatapos ng pag-uusap namin ni Miss Abrera.
Pagkarating ko doon ay abala na ang lahat sa pag-e-ensayo.
" Bakit ngayon ka lang? "
" Dumating sa buhay koooo " dugtong ko sa sinabi niya. Nang lingunin ko ang nagsalita ay nagulat ako na si Drake pala ito at ang sama ng tingin sa akin.
" Ay! I-ikaw pala 'yan captain, hehe " ngingiti ngiti lang ako pero kinakabahan na ako mga beshies!
" Do 50 squats, NOW! " he commanded.
" Grabe? Diba pwedeng 30 na lang captain? " pagtatawad ko.
" Are you disobeying my order? " naniningkit ang mga mata nitong sambit.
" Charot lang po captain, hehe " at sinimulan ko na nga ang punyetang squat!
Sumakit ang paa at legs ko nang natapos ko ang singkwentang squats! Parang hindi na rin ako makatayo ng maayos pagkatapos kong gawin ang ipinagawa sa akin ng Baby monster Drake ko.
" Pumunta ka na do'n sa gitna. They already started their practice, it is your second offense already, baka nakakalimutan mo. Isa na lang talaga and I will kick you out of this club. "
" Luh? Grabe, akala ko ba limang absences captain? At valid po 'yung ngayon! Kinausap kasi ako ng teacher namin kaya na late ako. " pagdepensa ko naman dito.
" I am just exaggerating, stupid! Go now and practice! " sigaw naman nito sa akin.
Agad naman akong tumalima para hindi na ako nito mapagalitan pa.
" Oh? Ba't paika -ika ka? Don't tell me? Oh no! " gagong Leo to ah.
" Lul! Pinaka squat lang naman ako ni Baby loves Drake ko! Huhu ang sakit ng paa ko bes, hilutin mo namaaaan! " ngawa ko kay Leo nang bigyan kami ng labin-limang minutong pahinga.
" Tch, ayan kasi, magpa-late ka pa. Buti at hindi na fifty laps ang pinagawa sa 'yo " sabi naman nito sa akin habang marahan na pinipisil pisil ang aking paa at mga binti.
" Eh si Miss Abrera kasi eh, failed kasi ang prelim at midterm grades ko, kailangan ko daw makabawi kaya pinapatutor niya 'ko sa isang student niya sa business ad course. " paliwanag ko dito.
" Ayan, napakabatugan mo kasi, aral-aral din uy! Hindi puro pa cute kang, hindi ka pusa . " hinampas ko naman ito sa balikat. Ang sama talaga nito sa akin. Walang galang sa mas nakakatanda!
" Eh kasalanan ko bang boring siya magturo? " depense ko naman sa aking sarili.
" Kailan ba magsisimula 'yang tutor tutor na iyan? " tanong naman nito sa akin.
" Hindi ko alam, kokontakin lang daw niya ako kung kailan. Hay! Ubos na talaga ang oras ko! Paano na 'ko makakalandi nito? Ughh --" napaungol naman ako ng pisilin nito ng matindi ang aking binti.
" G-ganiyan nga bes, ang sarap ahhh " shet, ang sarap magmasahe nitong si Leo. Parang nawala ang lahat ng sakit ng paa at mga binti ko.
" Maka-ungol naman 'to ! Para kang inaano diyan! " sambit nito bago binitawan ang mga paa ko.
" Che! Papamasahe ulit ako sa 'yo ha! Ang galing mo. Ba't di ka kaya maging isang masseur? For sure maraming mag ha-hire sa iyo for take out! Charot! " hahah bawi ko naman kaagad. Naiilang kasi ito agad kapag inaasar ko siya ng ganon.
Agad kaming bumalik sa practice pagkatapos ng 15-minute break namin.
Pagkatapos naman ng practice ay sabay na kami ni Leo naghapunan at bumalik sa kapwa dormitories namin.
***
Kinabukasan ay pinatawag nga ako ni miss Abrera para sabihin kung sino ang magiging tutor ko.
" I am glad na nandito ka, buti at wala kang pasok ngayon. " sabi ni Miss sa akin. Actually may pasok naman talaga ako, tumambay lang ako sa cafeteria at hindi na pumasok sa first subject namin haha.
" Ipapakilala ko na sa iyo ang magiging tutor mo for my subject. Buti na lang at napilit ko ito despite of his busy schedule. Mukhang kilala mo rin ito because he is somehow 'well known' in this university. "
" Sino po ba 'yung magiging tutor ko? " nagtatakang tanong ko dito.
" Your tutor will be the captain of the soccer team, Mr. Montecillo. " ang sambit nito na nagpalutang sa akin.
Literal ata na nalaglag ang panga ko dahil sa gulat.
Shet.
Tadhana nga naman!
******************************************
" T-thank you pala captain at pumayag kang itutor ako. " nahihiya kong pagpapasalamat dito.
" Well, Ms. Abrera is my mother's sister and I am ashamed to turn down her request. At least it is you whom I will going to teach, don't get me wrong, it is just that it was quite convenient to include you in my schedule, anyways, why am I explaining to you nga ba? Tch. Let's just start and end this quickly."
Dito namin napiling mag-aral sa loob ng office niya. Airconditioned kasi ang lugar kaya mas presko mag-aral dito.
Kakatapos ko lang mag practice and I had waited for 2 long hours bago naman ito matapos sa kanilang practice with coach.
I still can't believe na ang baby ko pala ang magtuturo sa akin. Hohoho. Sobrang bait ko talaga at napakaganda para pagpalain ng ganito.
Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi habang nakatitig ako sa pogi nitong mukha. Medyo magkalapit din kami at amoy na amoy ko ang manly nitong pabango. I can even smell his fresh breath like mint.
I just brought back to my senses when he suddenly pricked my forehead.
" Aray " reklamo ko habang sapo-sapo ang noong pinitik nito.
" Are you even listening to me? Kasi kung hindi then let's stop this stupid tutor thing! " nakakunot noo nitong sambit sa akin.
" Ahh, s-sorry hehe, asan na pala tayo? " nahihiya kong tanong sa kaniya.
Shet.
Tama na kasi muna ang landi bakla! Study first! Books before boys! Ganern!
" As what I am saying, you need to know the formula in solving annuities, future worth and etcetera. Business is not just about memorizing, you also need to know basic solvings para kahit papaano ay alam mo ang mga inflows and outflows of your business, and it will have much transparency when you do your computations for your income or whatsoever. " dzuh! HRM student ako! Hindi accountancy or economics student! I don't need to know these things! Well for my baby drake ay sisikapin ko pa ring matuto. 'Gaga, babagsak ka kaya kailangan mo talagang matuto'
After 1 long hour of being mesmerized by drake's habdsomeness, charot. Pagkatapos ng isang oras ng pagtuturo ay naisipan na naming umuwi. Nang tingnan ko ang relo ko ay 8:15 na pala ng gabi. Kaya pala gutom na gutom na ako!
" ahh, t-thank you pala captain ha, g-gusto mo sumama ka na lang sa akin mag dinner, my treat, pasasalamat na rin sa pagturo mo sa akin. " nahihiya kong paanyaya sa kaniya.
Well! Para-paraan lang 'yan mga bakla!
" No thanks, I can buy myself a dinner. " bored na sambit nito habang inaayos ang mga papel at librong ginamit nito sa pagtuturo sa akin.
" S-sige. Hehe mauuna na 'ko captain " pagpapaalam ko dito. Gutom na gutom na kasi talaga ako.
Agad kong tinungo ang pintuan pero nang pinihit ko na ang seradura ay hindi ito mabuksan. I tried to twitch it as hard and fast as I can pero hindi pa rin ito mabuksan buksan.
Mukhang naagaw naman ng ingay gawa ng pagpihit ko ang atensiyon ni Drake at nagsalita ito.
" Are you trying to break that doorknob? " inis nitong sabi sa akin.
" H-hindi kasi mabuksan captain. " pagpapaliwanag ko naman.
" What? " agad naman itong pumunta sa pwesto ko at sinubukan ring buksan ang pinto.
" What the actual fvck? Why is it not opening? Damn it! " gigil na sambit nito habang pinipihit ng marahas ang punyetang doorknob.
" Fvck it! Hindi ko mabuksan! " sinipa nito ang pintuan bago bumalik sa kaniyang mesa at umupo sa swivel chair nito.
" Do you have your phone with you? Let's contact the other members, baka nilock ng Janitor ang pintuan not knowing na andito pa tayo sa loob. " nakapikit na sabi nito. Huhu gosh! Inis na inis na talaga ito mga besh! Promise.
" W-wala eh, naiwan ko kasi sa locker ko dahil nga mau practice tayo kanina. " ayaw kasi nito na may gamit kaming cellphone tuwing practice time.
" B-baka meron ka diyan captain. " I asked him.
" Do you think I will ask you if I bring my phone with me as well? Tsk stupid. " 'to naman! Galit agad! Hindi kaya ako bobo! Slight lang.
" Let's just wait for an angel to pass by here at pagbuksan tayo. " ang sambit nito bago inihilig ang ulo sa mesa.
Hinimas ko naman ang tiyan kong nagsisimula nang magreklamo.
" I'm really starving right now. " hindi ko mapigilang sambit. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko pero it's too late already dahil nagtaas na tingin si drake and just stared at me with bored look in his eyes.
He just clicked his tongue bago ito nagsimulang humalukay sa kaniyang bag.
" Here " dinig kong sambit nito bago itinapon sa akin ang isang biscuit, buti na lang at nasalo ko ito.
Oh gosh!
Seryoso ba 'to?
He handed me or should i say He throwed me a freaking food?
Gosh!
Pwede mo na 'kong kunin Lord! Charing! Hahah
" T-thank you captain. " naluluha kong sambit bago ko binuksan ang supot ng biscuit. Pero siyempre, charing lang yung naluluha.
Kung hindi lang talaga ako gutom ay baka itinago ko 'tong bigay ng baby loves ko at idisplay sa room. Haha.
Nang maubos ko ang isang supot ng biscuit ay agaran akong nakadama ng pagkauhaw, pagkauhaw sa pagmamahal chariiiiing! Haha
" Uhmm, C-captain? Hehe, m-may tubig ka ba diyan? Uhaw na uhaw na kasi ako. " my gosh! Magpapakawalanghiya na talaga ako! Duh! Kung magpapakipot pa 'ko ay baka mamamatay na lang ako sa uhaw.
" Tch, ang kapal, oh! " sabay lahad nito ng kaniyang tumbler. Agad ko naman itong inabot. Nang tingnan ko ay nangangalahati na ang laman nito.
" I don't have rabies, well, as far as I know you, I think you would like to lick that as well knowing na ininuman ko na 'yan. " he said arrogantly. Really? Hindi ako ganoon ka dugyot para dilaan 'to noh! Hindi kaya ako naniniwala sa indirect kiss! Promise!.
Dahil uhaw na uhaw na ako ay hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito at agarang ininom ang laman ng tumbler.
" You can give it back to me now, wala ng laman 'yan. " agad ko namang pinutol ang pagkakasugpong ng bibig ko sa tumbler nito at mahiya-hiyang inabot ito sa kaniya.
" Hehe, salamat captain, sorry pala at naubos ko. Uhaw na uhaw na kasi ako eh. " I told him. Hindi naman ako nito pinansin at inihilig muli ang ulo sa mesa.
" AHHHH! " napatili naman ako ng biglang namatay ang ilaw sa loob ng office.
" Oh my gosh, oh my gosh! Mommy huhuhu " kinakabahan kong usal habang kinakapa ang aking paligid.
" C-captain, D-drake asan ka? " uwaaaa! Maiiyak na ata ako sa takot. Huhuhu sobrang matatakutin kasi ako sa dilim. Feeling ko may masamang mangyayari sa akin sa dilim.
Agad akong napaupo sa sahig dahil sa takot.
I crawled my way up hanggang sa makapa ko ang pader at isiniksik ko ang sarili ko doon.
" Jamie where are you? " dinig kong tanong ni drake.
" I-im here. P-please don't leave me " I want to break down. This freakin phobia is killing me slowly.
Nangangatog ang buo kong katawan when I felt something that touched my hand na ikinasigaw ko.
" Hey! It's me " nang marinig ko ang boses ni Drake ay agad akong napayakap dito.
I did not bother the idea of me hugging my long time crush, it's the fear of darkness that is slowly taking up my senses and the warmth coming from the tight hug of Drake makes me feel comfortable and safe.
Umiiyak akong napayakap dito. I don't care kung O.A na ako masiyado, I just really fvcking hate darkness!
" You're safe now, I'm here, don't worry" he's giving me assurance while I am still hugging him tightly.
" T-thank you " I told him whole-heartedly.
I don't know why Drake's hug was giving me a cozy feeling that makes me drowsy and the next thing I knew was me, slowly fall asleep at the arms of the man of my dream.
******************************************
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng pananakit ng likuran. Medyo malamig din ang paligid, buti na lang at yakap-yakap ko ang teddybear ko at kahit papaano
ay naiibsan nito ang lamig na nararamdaman ko.
Teka.
Ba't parang tumigas ata 'tong teddy bear ko? As far as I know, fluffy pa ito noong nabili ko ah?
Kinapa-kapa ko naman ito at medyo mainit nga si tom-tom (pangalan ng teddy bear). Wala na rin ang furry nitong katawan. Nang ibinaba ko pa ang aking kamay ay may naramdaman akong sobrang matigas na bagay. Piniga ko naman ito at laking gulat ko ng umungol si tom-tom.
" Ughh "
Hala!
Minumulto ba 'ko?
Nang imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko ng tumambad sa akin ang nakalukot na mukha ni Drake.
" Ahhhhhhh! " napasigaw naman ako dahil sa sobrang magkalapit ang aming mga mukha.
" G-get you're hands off of my d-d!ck you freakin' pervert gay! " sabi nito na namimilipit na sa sakit.
When my gaze averted to my sinful hands, doon ko lang napagtanto na I AM GROPING MY CRUSH'S D!CK!
Ramdam ko ang pagtaas ng lahat ng dugo ko sa katawan at agad akong pinamulahan.
Agaran ko namang inalis ang pagkakahawak ko sa matigas nitong sandata bago ako dali-daling lumayo dito at tumayo.
Pero kung minamalas ka nga naman, medyo nakaramdam ako ng sandaling pagkahilo nang biglain ko ang pagtayo kaya ang ending ay hindi ko na balanse ang aking katawan at natumba sa taong kanina pa ako parang kakainin ng buhay.
" Ughh "
" O-ouuch! "
Sabay naming daing.
Holy sh!t
Sobrang lapit na naman ng mga mukha namin!
Gosh!
Ano? Tutukain ko na ba 'to?
Nasa ganoon kaming pwesto nang biglang bumukas ang pintuan at nang lingunin namin iyon ay bumalandra sa aming mga harapan ang nakanga-nga at nanlalaking mata ng aming coach at sa tabi nito ay si Liam na halos nakalaglag din ang panga.
Bunalikwas naman kami ng tayo and smiled awkwardly to the persons who had entered the room.
" I-its not what you think it is. W-we are just, you know, h-he just slipped and that! That happened! " nauutal na paliwanag ni Drake at tanging pagtango lamang ang aking nagawa.
" Kaya pala di ka nakauwi kagabi sa dorm, dito niyo pa talaga nagawang magmilagro ha " Liam said while giving us a malicious grin.
" As$h0le! We did not do it! We just frakin' slept here because we were freakin Locked by the janitor! " nanggagalaiting sambit ni drake. Namumula na rin ito. Dzuh! Kahit ako ay parang lalagnatin na dahil sa tindi ng pamumula ko. Punyetang Liam kasi napaka-alaskador!
" Is it true Jamie? Alam niyo naman sigurong bawal gawin 'yan dito sa loob ng school, and you might get an expulsion kung faculty ang nakakita sa inyo. " naniningkit matang sambit ni coach sa amin. Nang tingnan ko si Drake ay nakapikit na ito at tila kinocompose ang kaniyang sarili at makapgtimpi. Bago pa man ito sumabog ay ako na lamang ang nagsalita.
" Ahhh, g-gustuhin ko mang may mangyari sa amin-- este gustuhin man naming lumabas coach pero hindi po talaga mabuksan ang pinto kagabi, we don't have our cellphones with us as well kaya hindi rin naman kayo na contact. And totoo pong natulog lang kami dito. What you saw earlier was just an accident. I accidentaly out-balanced myself kaya nakapatong po ako sa kaniya kanina. " mahaba kong paliwanag dito.
Tila hindi pa rin kumbinsido si coach at tiningnan lang kami nito ng isang hindi makapaniwalang tingin.
" Okay, umalis na kayo at baka ma-late pa kayo sa mga subjects niyo. Hay, mga kabataan nga talaga ngayon. Ang wa-wild! Tsk tsk tsk."
Nahihiyang nagpaalam naman ako sa kanila, gayon din si Drake at laking gulat ko na lang ng sabayan ako nitong maglakad palabas.
" Nasobrahan ka ata pre ah! Tingnan mo, di na masiyadong makalakad ng maayos si Jamie hahaha! " pahabol na pang-iinis ni Liam. I just glared at him habang tinaasan naman siya ng gitnang daliri ni Drake.
Namali kasi ang bagsak ko kanina kaya sumakit ang balakang ko kaya paika-ika akong maglakad ngayon.
" Ahh, s-sorry pala captain at naabutan tayo nila coach at Liam kanina sa ganoong posisyon. " I said after a very long silence simula nang maglakad kami papuntang locker Area.
" Tsk, gustong gusto mo naman " sabi naman nito sabay irap.
Duh!
Anong gustong gusto?
Di pwedeng slight lang?
" Kung may halikan siguro captain ay baka gugustuhin ko talaga. " pabulong kong sabi pero tila nadinig ito ni Drake at nakakunot noong tumingin ito sa akin.
" What did you say? Tch! Asa ka pa " supladong sabi nito bago ibinaling muli ang kaniyang paningin sa daanan.
" Ahh, b-biro lang 'yon captain hehe, ito naman! " pabiro ko namang hinampas ang matigas at mamasel na braso nito na agad ko ring pinagsisihan nang tingnan ako nito ng masama.
" Isang hampas mo pa sa akin and I will kill you! " Grabe! Ang harsh! Papatayin agad? Di pwedeng papatayin muna sa sarap? Charot!
" Ahh, t-thank you pala kagabi captain, kung hindi mo 'ko nilapitan non ay baka nabaliw na 'ko dahil sa takot. Haha " pagpapasalamat ko sa ginawa nito kagabi.
Ang sarap lang kasi sa feeling na parang iniligtas ako ng baby loves ko sa kapahamakan. Anudaw? Haha
" Tch, I almost choked when you hugged me tightly last night! You really owe me a lot, starting from being a tutor for you and saving your ass afterwards." Walang emosyong sambit nito. Napangiti naman ako ng patago dahil sa naging sagot nito.
" Uhm, g-ganito na lang captain, since you don't want to have a meal with me, ipagluluto na lang kita. What is your favorite dish by the way? " tanong ko sa kaniya. Ayaw kasi nitong paunlakan ang panlilibre ko dito kaya baka ipagluto ko na lamang ito.
" Would you really do that? Hmmm, let me think of it. " sagot naman nito at sandaling nag-isip kung ano ang pwedeng ipaluto nito sa akin.
" Huwag naman 'yung masiyadong mahirap, second year pa lang ako captain haha " sambit ko naman dito.
" Shut up, I'm thinking. " ayan baks! Shut up daw.
" Okay, are you free this saturday? " napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong nito.
" Ha? Bakit naman? Mag-de-date ba tayo? Charot! " gosh! Sobrang kapal ko na talaga hahah.
" You wish! I'll just invite you to our dorm and cook food for me, sakto wala si Liam 'cause he'll be going home, and maybe i think we can continue our tutoring class on saturday because I cannot meet you tomorrow. What do you think? Well at least don't think, wala ka na rin namang magagawa at umo-o na lang. "
A-ano daw?
Tama ba ang pagkakarinig ko?
" See you on friday fag. " dinig ko pang sambit nito bago umalis.
Holy hard rod of Drake!
Itutuloy...