Chapter 10

3038 Words
Jamie " Ano na naman 'yang suot mo ha? Palitan mo nga 'yan! " ani ni Leo sa suot ko ngayon. " Haleeeer! Alangan namang pagpajamahin mo 'ko eh maliligo tayo sa pool? Ayos ka lang ghorl? " dzuh! Maliligo kasi kami ngayon sa pool nila coach, opo, mayaman ang matandang hukluban at may pa-pool pa sa bahay niya. " Gusto mo na naman ata mangyari 'yung nangyari kagabi ah? Palitan mo na kasi 'yan! " pag-uulit nito. Ano bang masama sa suot ko ngayon? Eh nakasando lang naman ako at maikli na cycling shorts, alangan namang mag bestida ako maligo diba? " Huwag ka ngang O.A. bes! Hindi naman ikaw yung minolestya kagabi! At isa pa, maliligo tayo! Mas komportable akong maligo pag ganito ang susuotin ko. " pagpapaliwanag ko dito. " Ang sabihin mo, gustong gusto mong magsuot ng mga ganiyang damit! Akala mo naman kaakit-akit. " oang-iinis na naman nito sa akin. " Bakit ba kasi atat na atat kang papalitin ako ng damit ha? Don't tell me naaakit ka sa aking hinayupak ka? Oh my gosh! LEO! " eksaherada kong sambit dito bago ko tinakpan ang aking harapan gamit ng nga kamay ko. " Luh? Napaka-assuming mo! Bahala ka nga! Pag ikaw nabastos ulit huwag ka nang yayakap ulit sa akin paggabi ha! " sabi nito habang itinuturo-turo pa 'ko. " Wow ha! As far as I remembered, ikaw PO yung yumakap sa akin! Vaklang twoh! " balik ko naman sa kaniya. " baklang to, baklang to, halikan kita diyan eh. " pagmimimic pa nito sa boses ko. Inismiran ko naman ito at sumunod na sa kaniya papalabas ng room. Holaaa! Hohoho! Mukhang masusulyapan ko na naman ang magiting na katawan ng aking bebeloves mamaya, hay, sana di ako mag wet, charot! " Oh, huwag kang dugyot, mag shower ka muna doon sa shower area bago ka lumusong ng pool. " sambit ng delisyosong si Leo. Nahubad na nito ang sandong itim na suot niya kanina kaya bumungad sa akin ang mabato nitong katawan na may bubutil-butil pa ng tubig na tumutulo dito. Anuba! Eh ang hot ngayon ng bestfriend ko eh! Malanding bakla lang ako kaya hindi niyo ko masisisi, chos. " Oo na! Ba't kasi di mo pa 'ko sinabay! Akala mo naman bobosohan kita! " usal ko dito. " Bakit hindi ba? " asar naman nito sa akin habang nakangiti. " Che! " ismid ko naman dito bago ko tinungo 'yung shower area nila coach. Pagkarating ko doon ay may narinig akong kumakanta. " I wanna have more,more,more,more,more and more " rinig kong kanta nito. Wait, familiar yung boses ah? Teka? De ja vu ba itey? Saktong papalapit na sana ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Shet. Ang hot. Mukhang magkakanose-bleed ata ako. Bumungad lang naman sa akin ang papalicious na baby Drake ko. Shet. Naka swimming trunks lang ito! at bes, promise, aksidente lang talagang dumako yung mga mata ko sa pabukol ni mayor. Promise! Mamatay ka man. Bumalik lamang yung diwa ko nang magsalita ito. " Done checking me out? " sabi nito habang naka tingin sa akin. " Ahh- h-hindi ah, m-magshoshower lang a-ko captain hehe, excuse me. " nauutal at nahihiya kong sambit bago ako sumiksik sa gilid nito para makapasok sa banyo. Shet. Ang bango nyeta! " And you have the audacity to smell me? Are you that shameless? " inis naman nitong sambit sa akin at pinuna yung pag-amoy ko dito. Bakit ba! Eh ang bango eh! Nakakaadik! " H-hindi ah! B-ba't naman kita aamuyin? Excuse nga " hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para supladahan ito. My gooooh! Sobrang nataranta na 'ko eh! " Tch " he just clicked his tongue bago ito lumabas ng shower area. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog nito. Tengene! Ba't kasi ang sarap sarap ng baby, sweetipie, gummybear , cupcake ko? Ughh! *** Pagkatapos kong magshower ay agad na rin akong lumabas. Tinanggal ko na rin ang pagkakaman-bun ng buhok ko , cause you know naman! Ayaw kong bumaho buhok ko noh! Pagkarating ko doon ay kaniya kaniya na ang mga ito sa paglangoy sa pool. Nakita ko naman si Leo na nasa gitnang bahagi at nakikipaglaro kasama ng mga seniors namin. Hinanap naman ng mga mata ko ang kinaroroonan ni rose at mabilis ko rin naman itong nakita. Hahaha, ang gaga nasa gilid lang ng pool, halatang hindi marunong lumangoy, sad, wala pa namang kiddie pool si coach haha. " Oh! Rose? Ba't nasa gilid ka lang? Hindi ka marunong lumangoy noh? Haha! " pang-iinis ko dito. " Bruha kang bakla ka! Eh ano ngayon kung hindi ako marunong lumangoy? Bakit ikaw ba marunong? " panghahamon nito sa akin. Aba! Sinusubukan ata nito ang pagiging sirena ko. " Langoy lang ba? Huh! Tumabi ka dyan! " sabi ko dito. " Ha? Ba't ako tatabi eh nasa tabi na nga 'ko? " nagtatakang tanong nito sa akin. " Bakit ? Aangal ka? Tumabi ka at tatabi ako sa iyo! Kapit kapit lang ako diyan sa gutter at magaala-dyesebel. " natatawa kong sambit sa kaniya. Hahaha! OPO! HINDI RIN PO AKO MARUNONG LUMANGOY. Ganito naman kasi lagi role ko pag may swimming eh, nasa gilid lang ako, tamang kapit lang sa gutter para di malunod. Haha " Walangyah ka bakla! Akala ko pa naman marunong kang lumangoy! Sayang yung pagiging sirena mo! " sabi naman ng mahaderang si Rose. Mukhang narinig ng iba ang sinabi nito at naagaw nito ang atensiyon nila. " Oh? Hindi ka pala marunong lumangoy Jamie? " tanong ni coach sa akin. Punyetang Rose, ako na naman tuloy ang na hot-seat. " Ahh, h-hindi coach eh, ha-ha, huwag kayong mag-alala, okay naman ako dito kasama ang butete- este kasama si Rose kaya enjoy lang kayo diyan. Hehe " nahihiya ko namang sagot kay coach bago ko tiningnan ng masama si rose. " Naku! Alam mo bang si Drake ay nag champion sa swimming noong freshman siya? Akmang kukunin pa sana ito ng swimming club kung hindi ko lang 'to napilit " pagbibida naman ni coach sa pogi kong jowa, charot. Actually alam ko ang lahat ng yun noh! Number 1 admirer kaya ako ng baby loves ko. " Magpaturo ka kaya kay drake? Ayos lang naman siguro sa 'yo captain kung tuturuan mo itong napaka cute nating miyembro kung paano lumangoy diba? " sambit ni coach sa seryosong si Drake. " ahh, naku coach, promise okay lang po talaga ako dito , hehe, magpapaturo na lang po siguro ako mamaya kay Le--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong magsalita si Drake na labis kong ikinagulat. " Fine, I'll teach you " Shet! ****************************************** " You need to do bubbling first before you go swimming, that's the basic and first step you need to consider for you to be able to perform swimming. " " P-paano yung bubbling? Hehe " nagtataka kong tanong sa kaniya. Duh! Di kaya ako professional swimmer AND I skipped all of my practical examinations in P.E. kaya wala talaga akong alam sa swimming! " Really? You're unbelievable. Tch, just hold on to the gutter, you got to inhale first using your mouth then submerge your whole body including your head to the water then exhale, you are going to make bubbles when you perform that, repeat it 10 times. " pagtuturo naman nito sa akin. Nagmomoment kami ngayon. Nasa dulo kami ng pool at nakahawak lamang ako sa gutter, hindi ko kasi abot 'yung tiles. Si Drake naman ay prenteng lumulutang sa tubig, hay! Mapapa sana-all ka na lang talaga. " Kailangan ba talaga 'to? " hindi ko mapigilang bulas, like duh! Hindi ba pwedeng derecho na lang sa swimming? " You need that in order for you to have a longer breathing under water, AND PLEASE! Stop complaining, isa mo pang reklamo and I will leave you here. " seryosong sambit naman nito sa akin. Ang suplado talaga. " Heto na po " I just start performing what he said, ayaw ko namang mawala ang opportunity na 'to noh! After I performed the bubbling, hinihingal kong binrush-up yung buhok kong tumatakip sa maganda kong mukha. " I thought it will help me with my breathing? Ba't hinihi-- " I did not finished what I am going to say when he throw me a dangerous look. " Sabi ko nga, parang makaka-stay na 'ko for 1 hour sa tubig ng walang hingahan, hehe " I just smiled awkwardly, baka seryosohin nitong iwan ako dito. " Tsk, get your hands off of the gutter, and do the floating. Siguro naman ay marunong kang magback float? " " O-Of course, I can do that " dzuh! Nagfo-floating kaya ako sa kiddie pool minsan! Kahit na kinakabahan ay humugot muna ako ng isang malalim na paghinga bago ko binitawan ang gutter at patihayang lumutang sa pool. Noong una ay cool pa 'ko sa pag fo-floating, pero noong magsimula nang pumasok sa tenga at ilong ko ang tubig ay doon na ako nataranta ng husto. " Oh sh*t! Oh sh*t! Malulunod na ata ako! " I stutter. Holy crap! Kinakabahan na 'ko masiyado. I started panicking nang makainom na 'ko ng tubig galing sa pool, punyeta! Baka umihi pa ang mga hinayupak na kasama namin dito sa pool! Ew, so gross! Bago pa man ako maubusan ng hininga ay may mga kamay na pumalibot sa aking beywang at itinaas ako nito. Because of panic, I just snaked my arms around his neck like a monkey habang hinahabol ko ang aking hininga. When I opened my eyes, doon ko napagtanto kung gaano kalapit ang mukha namin ng kayakap ko ngayon. Just a wrong move and our lips will going to collide. Nanlalaki ang aking mga mata, same as his. I even saw him glancing at my lips? Perhaps? At hindi nakatakas sa paningin ko ang paggalaw ng adam's apple nito. Nang mahimasmasan ako ay ako na mismo ang lumayo dito, and wrong move! Mukhang malulunod na naman ako! Kaya I desperately grab his neck and pull him towards me para hindi ako tuluyang malunod. Punyeta! Bahala na kahit awkward! Magpapakawalanghiya muna ako ngayon. " Ahh, T-thank you p-pala captain " nauutal kong pagpapasalamat sa kaniya. Gosh! I felt like my cheeks are burning! " Y-You should j-just call me when you are about t-to sink! " wait? Did he just stuttered? Bago pa man sana ako makapagsalitang muli ay narinig ko na kaagad ang nakakapunyetang tili ng bruhang si Rose! " Ahhhh! SANA AAAAAALLLL! " Pinakyuhan ko naman ito gamit ng isa kong kamay habang nakakapit pa rin kay Drake. Agad naman kaming bumalik ni drake sa gutter nang umayos na 'yung paghinga naming dalawa. Malayo-layo rin pala 'yung inabot nang pagfo-floating ko kaya pala medyo natagalan pa 'yung tulong. Ba't kasi ang laki ng pool nitong si coach! " Do you still want to continue? " nakakunot noong tanong sa akin ni drake. " Su-sure, kung okay lang sa iyo, hehe " oh my gosh! Ba't ba sa tuwing kaharap ko itong baby loves ko ay nahihiya ang katawang lupa ko? My goodness! " Just don't pull that stunt again, huwag ka ring magkukunwaring nalulunod because I will not going to do the CPR to you, and I will just ask coach to do that instead of me, and that is If you want some old bald guy doing the mouth to mouth resucitation for you? " ang sama talaga nito! Hinampas ko tuloy ito sa braso, na mukhang maling move kasi mas lalong kumunot yung noo niya. " Hehe, sorry, nakasanayan lang " nag peace sign pa 'ko but he just clicked his tongue bago kami nagpatuloy sa aming swimming session. " Lift your feet, legs and butt up " Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tinuran nito, at kahit gaano pa ako kalandi ay dumistansiya ako sa kaniya. Oh my! Anong gagawin niya? " Wh-what are you going to do? H-huwag dito Drake, m-maraming tao. " namumula kong sambit. Oo na! Inaamin ko na! Malandi ako! " What the hell? What do you freakin have in that dirty mind of yours? Of course I will teach you another technique in swimming! " oh my gosh! Sobra na ang pagkakakunot ng noo nito. Akala ko kasi --- " Hehe gano'n ba captain? T-tara! Lets get it started whoooo! " I tried to brighten up the mood para mapagtakpan ang kawalanghiyaang dulot ng madumi kong pag-iisip. " tch! Just shut up and perform what I said to you already, you're wasting my time. " Agad ko namang ginawa ang sinabi nito, halatang galit na kasi si mayor. Nakakakapit pa rin ako sa gutter at itinaas na ang paa ko. " Now, ikampay mo ang mga binti at paa mo. You also need to know how to do a flutter kick. " utos nito sa akin. Agad din naman ako tumalima pero sa kasamaan palad ay hindi umaangat sa tubig ang mga paa ko at wala itong bubbles na nagagawa na ikinayamot ng aking guro. Huhu. Sorry senpai,ugh! " Lift you freakin' butt as high as you can! You need to level your freakin' back along side with your butt and feet for you to perform a freakin' flutter kick! " binilang ko talaga kung ilang freakin' yung sinabi niya. Pinilit ko namang ginawa ang pinag-uutos nito kahit na naiiyak na 'ko dahil sa pagsusungit nito. Huhuhu, kung alam ko lang na papagalitan lang ako nito lagi ay sana tumutol ako ng todo sa suhestiyon ni coach. Nang naitaas ko na ang pwetan at mga paa ko ay nagsimula na kong mag flutter kick. And I just smiled widely nang magawa ko na ito ng tama. I cheerfuly looked at Drake para tanungin ito kung talagang tama ba ang ginagawa ko, pero nakita ko lamang itong nakatulala. Nang tingnan ko ang line of sight nito ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong naka tingin ito sa aking pwetan. Agaran kong ibinaba ang aking katawan habang nakakapit ang isa kong kamay sa gutter at sinabuyan ko ng tubig ang walanghiyang baby manyakis ko! " P-perv! " gulat kong sigaw dito. Mukhang nahimasmasan naman ito at natatarantang tumingin sa akin. " I-it's not what you think it is, promise! It's just that, DAMN IT! " napasabunot naman ito sa kaniyang buhok bago ito umakyat paalis ng pool. " S-sandali, c-captain! Wait! " huhuhu! INIWAN BA NAMAN AKO NANG MAG-ISA! ****************************************** Totoo pala ang kasabihan na may kaakibat na Lungkot ang labis na kasiyahan, well sa case ko ngayon, hindi naman siya literally namalungkot, more on takot, kaba at dismaya. " You've been failing your quizzes and exams Mr. Lim, and your homeworks and seatworks can't even pull up your sinking grade! If you cannot make a 90 grade this end-term, I am afriad to tell you that you are going to retake my subject. " Ms Abrera scolded me. Dzuh! Kasalanan ko bang boring ang subject niya? Alam kong HRM student ako at kakailanganin naming pag-aralan ang marketing and business pero naman kasi! Ang daming kailangang imemorize! " Are you even listening to me Mr. Lim? Please don't take this as a joke. Kung saka-sakaling ma fail mo ang subject ko ay ikaw lang sa klase ninyo ang bagsak! Don't you know how embarrasing it is? " ito naman! Galit agad! Siyempre nakakahiya kaya ma fail ng mag-isa! Dapat kung fail ako, fail din lahat para fair! Charot. Together we stand, divided we fall! ganern dapat yon! " Y-yes miss. P-promise po, pagbubutihan ko na 'yung end-term. " pangako ko dito. Huhuhu. Ayaw ko rin kayang ma-fail! I am pretty sure na pagagalitan ako ni Mom at Dad! Baka sabihin ng mga 'to ay pabaya ako at naglalandi landi lamang sa school. 'Bakit hindi ba?' Sabi ng aking isipan. Okay! Lumalandi ako pero very light lang! " I have a proposal to you. And I think this might be a good help for your drowning grade. I am going to ask one of my student in the business administration course to be your tutor. Knowing you, you are not taking seriously my subject and I really hate that. " grabe naman! Hindi ba pwedeng ang boring lang talaga ng subject mo miss? At dagdag mo na rin ang mahina mong boses tuwing nagtuturo ka. Gosh! Para akong hinihele! " Si-sino naman po 'yung nag tu-tutor sa akin miss? " I asked her. Naku naman! sana pogi at hindi nerd, jusko! sa roommate ko pa lang na nerd ay kotang kota na 'ko, pero for sure, nerd talaga ito. haaaay ang saklap ng buhay ko, kahit sana isang poging nerd lang miss.hihi. " I have a person in mind na sa tingin ko ay makakatulong sa iyo. You'll be intimidated by his presence but I know that he will be able to teach you very well. " sabi naman nito sa akin habang nakakunot ang noo na parang nag-iisip. Kinabahan naman ako dahil sa sinabi nito. " Hindi po ba pwedeng ikaw na lang miss? Hehe " " Excuse me? I have a lot of things to do! And you are not just my only student here in school! Pasalamat ka nga at hinahanapan pa kita ng mag tututor sa 'yo! " singhal naman nito sa akin. Grabe! Ang highblood naman ni miss. Palibhasa matandang dalaga! Tuyot na ang dalagang bukid! " O-okay po miss, hehe suggestion lang naman. " in a brighter side ay okay na rin pala. Ayaw ko namang makatulog pag tinuru-an niya 'ko nang one on one. " You can go now! Pinapainit mo lang ang ulo ko, I will just call to inform you whose gonna be your tutor. " " Sige po miss, maraming salamat po. " pagpapaalam ko sa kaniya. I just sighed when I finally go out of the room. Gosh! Anong gagawin ko para maka 90 na grade sa kaniya? 75 pa nga lang ay halos lumuha na 'ko ng dugo! My goodness! Ba't ba kasi ang tamad kong mag-araaaaal! 'Yan tuloy, mahahati pa oras ko sa pagliwaliw at paglalandi kay Drake dahil dito! I don't know how I will be able to manage my time. Tuwing pagkatapos kasi ng klase ay pumupunta agad ako sa soccer field for our daily practice, tapos dadagdag pa itong tutorial keme ni miss! Hayyy! Hindi naman ako makapalag dito at baka sabihing hindi ko sineseryoso ang subject niya! Well, hindi ko naman talaga sineseryoso pero dzuh! Alangan namang tumanggi ako sa kaniya eh siya na nga itong nag offer? Baka ifail niya na 'ko ng tuluyan kung tumanggi ako. itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD