Chapter 9

3105 Words
Jamie Labis na excitement ngayon ang nararamdaman ko habang naliligo sa banyo. Nilinis ko ang bawat kasuluksulukan ng aking katawan at baka may mangyari mamaya sa amin ng Baby Drake ko, hihi charot lang! Pero at least diba, ready ako sa ano mang circumstances na mangyayari haha. Pagkatapos kong maligo ay nagpahid muna ako ng lotion, vanilla flavor, pagkatapos ay nagsuot na ako ng isang white fitted sando at isang denim na jacket pantapal sa exposed kong braso at balikat pagkatapos ay isang maong shorts saka converse. Nag spray din ako ng perfume, vanilla scent, hindi naman halatang mahilig ako sa vanilla right? 8:45 na nang matapos akong mag-ayos. Nagdala na rin ako ng ilang pamalit dahil mago-over night kami sa bahay ni coach, wala pa kasi itong asawa at siya lang mag-isa ang nakatira sa bahay nito, kasama ang dalawang katulong, 'yon ang sabi niya sa amin. Nagpaalam naman agad ako sa dormmate ko at lumabas na ng dorm. Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Leo na nakasandal sa pader, ang pogi rin nito kahit na simpleng white v-neck shirt at shorts lamang ang suot nito,naka tsinelas pa nga ito eh, nahihiya tuloy ako kasi todo ayos ako ngayon. " Oh? Mag-iinuman lang tayo sa bahay ni coach, at hindi mag ba-bar hopping. " pang-aasar agad nito sa akin nang makita nito ang ayos ko. " Tse! Punyeta ka! Alis na nga tayo! " kunwari inis kong sambit dito at sinuklib ang braso ko sa matigas na braso nito at bumaba na kami. Buti na lang talaga at may car itong si Leo kaya di na namin kailangang mag commute dahil gabi na rin. Well, perks of having a rich Friend. Pagkarating namin doon ay agad kaming sinalubong ni coach at pinapasok na kami nito sa bahay niya. Malaki rin ang bahay ni coach, dalawang palapag ang kaniyang bahay at malawak din ang espasyo ng kaniyang sala. Nakalatag na sa sahig sa sala ang mga inumin pagkarating namin doon. May maraming pulutan. Nandoon na rin ang ibang kasama namin sa soccer team, mga pito ata ang andidito ngayon at mga seniors namin iyon. Hinanap ko kaagad si Drake pero imbes na mukha ni baby drake ang sumalubong sa akin-- " Waaah! Baklaaaa! Buti nakasama ka! " sigaw ni Rose habang niyayakap ako nito ng mahigpit. " Gaga! Bitaw! Hindi ako makahinga! "Eksaherada kasi, kanina lang ay magkasama naman kami ah! Hinila niya naman ako sa gilid, nagpaalam naman ako kay Leo na sasama muna kay Rose. " mukhang ayos na ayos ka ah? Hmmm, may binabalak ka mamaya noh? " naniningkit ang mga mata nitong nagtatanong sa akin. " Bruha ka! Wala noh! " namumula ko namang sabi dito. " asus! Huwag kang mag-alala, tutulungan kita mamaya, nakahanda na ang betchin ko dito, lalagay mo na lang sa inumin ni captain haha " " Hoy! Hindi ako ganoon noh! " pagtanggi ko dito, dzuuuh! Hindi ako ganoon kasama at ka obssesed kay Drake noh para pikutin siya. " Asuuus! Kunwari ka pa bakla! " nagdududa namang sambit nito. " Asan na ba ang betchin mo? Ajinomoto ba yan? " ismid kong sabi sa kaniya at matawa-tawa pa. " Gaga! Kakagat ka rin naman pala, oh! " sabay abot naman nito sa akin ng betchin. Agad ko itong itinago sa bulsa ko, ano ba! Kung hindi madadaan sa santong dasalan ay idadaan na lang sa santong paspasan! " Pero girl, wala pa ba si Baby drake? Hindi ko pa siya kasi nakikita eh. " tanong ko kay Rose, kanina ko pa kasi nililibot ang aking paningin at kahit anino ni Drake ay hindi ko mahagilap. " Wala pa nga eh, baka alam niya yung binabalak mo bakla kaya hindi na dito tumuloy-aray! " hinila ko naman ang buhok nito na nagpa-aray sa kaniya. " Walanghiya ka, ikaw kaya nagsuggest nito! " " Heto naman, di na mabiro, baka na traffic lang, wala pa nga rin yung gwapong kasama ni captain eh, Liam ba 'yon? Oo tama liam nga yon. Akin na pala yung kalahati ng betchin bakla, lalagay ko kay Liam oh di kaya sa bestfriend mong si Leo, pogi rin non eh, hihihi " malanding sabi nito sa akin kaya hinampas ko ito sa flat nitong s**o. " Walanghiya kang bruha ka! Huwag si Leo animal ka! " *** Tinawag na kami ni Coach para daw makapagsimula na kami sa aming inuman. Bale pitong seniors ang andidito ngayon, si Leo, Rose, ang dalawang tomboy, at Ako. Buti naman at hindi kami masyadong marami. Ilang minuto pa ay nakarinig na kami ng doorbell at agad na tumayo si coach para pagbuksan ang nasa labas ng pinto. " Buti at nakarating kayo! Ba't naman kayo natagalang dalawa ha? " rinig kong tanong ni coach sa dumating. Tumalikod naman ako para tingnan kung sino ang mga iyon at laking tuwa ko na lang at ang baby ko na pala ang dumating, kasama nito si Liam. " Oh, huwag ipahalata na sobrang saya mo, napaghahalataang malandi. " rinig kong sambit ni Rose sa aking tabi kaya agad ko naman itong kinurot. Pinagigitnaan kasi ako ni Rose at saka Leo, hindi ko naman pwedeng pagtabihin itong dalawa at baka molestiyahin pa nitong si Rose si Leo, ako lang pwedeng gumawa non noh! Charot. Umupo naman sa tabi ni Coach si Drake habang si Liam naman ay tumabi sa kaniya. Kung sinusuwerte ka nga naman ay magkaharap kami ng aking pangarap ngayon hihihi, naka pabilog kasi kami at hindi naman masiyadong magkakalayo ang bawat isa. Sampung bote ng alfonso at tatlong case ng red horse ang inihandang inumin ni coach, mukhang magpapakalasing talaga kami ngayong gabi! Ang unang tagay ay para sa lahat. " Para sa pagkapanalo natin sa Friendly game! CHEERS! " sigaw ni coach. " CHEERS! " Muling naglagay ng alak sa baso ng bawat isa bago muling nagsalita si coach. " Para sa pagkapanalo ng Maid Cafè booth, CHEERS!" " Cheers!" Pagkatapos ng dalawang shot ay nagsimula na ang ikot ng tagay. Hindi naman kami na Out-of-Place na mga newbies dahil sinasali naman kami sa usapan ng mga seniors. Mas lalo pa nga naming nakilala ang bawat isa. Minsan ko rin marinig na magsalita si Drake, hindi kasi talaga ito palasalita o palakwento kaibahan sa kaniyang kaibigan na si Liam. " Diba Jamie, ikaw 'yung nagbihis babae? " rinig kong sabi ni kuya Joseph, isang senior namin. " Ahh, oo hehe " namumula kong sabi, nahihiya pa rin kasi ako dahil sa pag ko-crossdress na 'yon. " Sus, pabebe " rinig ko pang bulong ng punyetang si rose kaya palihim ko naman itong kinurot. " Ang ganda mo don Jamie " " Oo nga eh, hindi ka nga namin nakilala " " nagkaboyfriend ka na ba Jamie? " " Kung naging babae ka lang ay baka niligawan na kita " Rinig kong sabi ng mga kasama namin sa inuman. I just smiled awkwardly. " So Drake, how do you find Jamie noong nagsuot ito ng damit pambabae? " sambit ni Liam na nagpakaba sa akin. Gago talaga 'tong bestfriend niya! Ang daldal talaga. " He just looked nice, but it doesn't change the fact that he is still a man " bored naan nitong sabi. Huh! Hindi ko kaya nakalimutan ang sinabi mong I looked pretty! Pakipot pa itong baby Drake ko eh, ayaw pang aminin na maganda ako. " Pero seryoso Jamie, kung naging babae ka lang ay baka ligawan talaga kita " ang sabi ni Liam habang nakatingin ito sa akin. Pogi itong si liam pero hindi talaga ako kinikilig eh. " Hehe, buti na lang pala at naging lalaki ako, edi hindi mo ako pwedeng ligawan" I just said and gave him my most beautiful smile. Hahaha wala trip ko lang asarin ang kumag na Liam eh, kanina pa kasi ito nagdadadaldal. Pinuno naman ng kantiyaw ito ng kaniyang kaibigan. Nakita ko ring napangisi si Drake dahil sa tinuran ko. Oh my gosh, napasaya ko ang baby Drake ko, happy pill mo na ba ako nito? Ess. *** Nagpatuloy lang ang pag-ikot ng tagay at medyo nakakarami na rin kami. Nauna nang matulog sa itaas ang dalawang tomboy kasama si Rose, ang baba kasi ng alcohol tolerance ng mga ito. Medyo namumula na rin ako at nahihilo na dahil sa dami nang nainom ko. " Are you okay? Kaya mo pa ba? " rinig kong sabi ni Leo sa tabi ko habang hawak ko pa rin ang baso ng alak. " S-siyempre naman *hik " at agad kong ininom ang laman ng baso. Naghiyawan naman ang mga lalaki at umikot na naman ulit ang tagay. Shet. Mukhang lasing na ata ako. Umiikot na yung paningin ko at naiinitan na rin ako. Hinubad ko na yung suot kong denim na jacket kaya naka sando na puti na lamang ako, hapit na hapit din ito sa aking katawan. " Ba't ka naghuhubad? " sita ni Leo sa akin habang ibinabalik nito ang hinubad kong jacket. " Ano ba, mainit nga kasi! " inis ko namang sabi dito kaya wala na rin itong nagawa at hinayaan na lamang ako. " C-Cr lang ako. " pagpapaalam ko sa kanila. " Samahan na kita " rinig ko ulit na sabi ni Leo. " Kaya ko pa okay? Relax ka lang diyan " hindi ko alam kung tuwid pa ba yung dila ko habang sinasabi iyon. Kahit pa nahihilo ako ay pinilit ko pa ring tumayo at lumakad papuntang CR nila coach. ( Attempted Rape Ahead - Read at your own risk ) Pagpasok ko ay agad akong nagbawas ng tubig sa katawan at naghugas ng kamay. Lalabas na sana ako ng may humila sa aking kamay at isinandal ako sa pader ng CR. " Ughh " ungol ko nang makaramdam ng sakit dahil sa marahas na pagtulak sa akin sa pader. " K-kuya Joseph? " gulat kong sabi nang mapagtanto ko kung sino ang humila sa akin. Mapupula na rin ang mata nito at amoy ko ang alak sa hininga nito. Halatang lasing na lasing na. " T*angina, ang sarap mong bakla " sabi nito na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Dinidilaan pa nito ang kaniyang labi habang pinapasadahan ng tingin ang exposed kong balikat. " K-kuya, huwag po " 'yon na lamang ang nasabi ko nang bigla nitong amuyin ang aking leeg. Pilit ko itong tinutulak pero dahil sa kalasingan ay parang nawawalan ako ng lakas. " K-kuya ano ba, huwag p-please " naiiyak kong sabi nang maramdaman kong hinahalikhalikan na nito ang aking leeg at mga balikat. Akmang itataas na sana nito ang aking suot na sando ng bigla itong bumulagta sa sahig at nawalan ng malay. Dahil sa takot ay bigla ko na lang niyakap ang taong tumulong sa akin. " S-salamat D-drake " ****************************************** Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon, and I am freakin sober right now, salamat sa ginawa ni kuya Joseph sa akin kanina, marked the sarcasm. He almost raped me, HE F*CKIN' ALMOST RAPED ME! Nandito ako ngayon sa isang guest room nila coach kasama ko si Leo, Liam at saka ang baby loves and my knight in shining armour na si Drake. Wala dito sa captain dahil sinamahan niya si kuya Joseph sa pag-uwi. Lasing na lasing kasi ito at ayaw na ayaw ko talaga itong makita muna. That was the first time I was molested and touched by a guy, buti na lang at di niya nahalikan itong precious lips ko, para lang ito sa bebeloves ko noh! " You still want water? I'll get you downstairs " Leo asked me. " Bubuntisin mo ba 'ko sa tubig ha? Ilang baso na ang napainom mo sa akin, kung di ko lang alam na concern ka ay baka akalain kong pinagtitrippan mo lang pala ako. " Punyeta kasi, dalawang litro na ata ng tubig ang nainom ko! " Adik talaga 'yung si Joseph, hindi ko aakalaing papatol 'yun sa'yo, not in a bad way ha, ang alam ko kasi ay straight iyang si Joseph and he f****d countless of women already. " di makapaniwalang sambit ni Liam. " Iba kasi talaga ang nagagawa ng alak, dapat kasi sa tiyan 'yan inilalagay, hindi sa utak " sagot naman ni Leo sa tabi ko. " I think you are fine already, can we go now? " Dinig kong sabi ni Drake, bakas na rin ang antok sa boses nito. Binilinan kasi sila ni coach na bantayan muna ako habang hindi pa ito dumarating baka daw kasi mag freak out ako, ang sabi ko naman ay huwag na at andito naman si Leo, pero sadyang mapilit si coach kaya um-oo na lang ako. Sa baba rin matutulog ang mga ito. Maglalatag lang sila ng foam, hindi pa sana ipapagamit ni coach itong guest room ang kaso lang ay nangyari ang hindi inaasahan kanina kaya gamitin ko na lang daw itong room, magpapasama na rin ako kay Leo dahil medyo matatakutin ako. " T-thank you pala ulit c-captain " pagpapasalamat ko ulit dito. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka tuluyan na akong na-sibak ni kuya Joseph! Dzuuh! Kahit na malandi ako ng slight ay hindi ako basta-basta papakana sa mga lalaki noh! I have my morality as well, nawawala nga lang pagdating kay baby Drake, chos! " You've thanked me a lot of times already, nakakarindi na. We'll go now, take care of him Leo. " asuuuus! As if! Concern ka din sa akin eh ayaw mo pa umamin. " Bye Jamie! Don't overthink too much, sleep well okay? See you tomorrow! " pagpapaalam pa ni Liam bago sila lumabas ni Drake sa kwarto. " Oy! Ikaw! Samahan mo 'ko dito ha! Ayaw kong matulog ng mag-isa! " I told Leo. " Bakit? Takot ka sa multo? Baka nga mas matakot pa 'yung multo sa iyo " pang-aasar naman nito sa akin, nakatanggap tuloy ito ng signatured kurot sa tagiliran galing sa akin. " A-aray naman! " he hissed. " Ikaw ha! Namumuro ka na nang pang-aasar sa akin! Galangin mo 'ko dahil mas matanda pa rin ako sa 'yo! " singhal ko dito. Kinuha naman nito ang kamay ko at nagmano. " Opo Lola " aba't! Mapang-asar talaga. Tinampal ko tuloy ito sa noo. Maya-maya lang ay naramdaman kong maiihi na naman ako. " Punyeta, diyan ka lang ha, huwag mo 'kong iwan, CR lang ako, kasalanan mo 'to eh! Andami mong pinainom sa akin na tubig! " sabi ko sa tumatawang si Leo at dali-daling pumasok ng CR sa loob ng kwarto. Yayamanin 'tong si coach eh. Paglabas ko ng CR ay nakita kong naglalatag ng kumot at unan si Leo sa sahig. " Anong ginagawa mo? " tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito ng isang hindi makapaniwalang tingin. " Really? Na trauma ka talaga sa ginawa ni Kuya Joseph sa 'yo at di mo na alam ngayon ang ginagawa ko? Obviously ay inihahanda ko na PO ang aking mahihigahan, PO! " punyeta talaga 'tong si Leo! Iniinis ako masiyado! Ughh! " Ikaw! Inis na inis na talaga ako sa iyo! Isa mo pang pagpipilosopo sa akin, makikita mo! " banta ko dito. " Patingin nga ng mukha ng inis na inis? " natatawang sambit nito sa akin. Napapikit na lang ako dahil ayaw ko nang patulan ang pagiging isip bata nito. " Stop that, dito ka sa kama matulog, tabihan mo 'ko " inaantok kong sabi dito. My gosh! Kanina pa 'ko inaantok, dagdag mo pa ang hilong-hilo ko nang diwa. Gusto ko nang matulog! " Oh my, akala ko ba bestfriends na tayo Jamie? H-hindi pa ako handa, I'm sorry " sambit ng ulupong na si Leo habang may patakip-takip pa ito sa katawan. " Huwag kang assuming! Hindi ka si Drake para pagsamantalahan ko--- " saktong-sakto ang pagkakasabi ko non nang biglang pumasok ang bebeloves ko. Shet. Sana sound-proofed'tong guest room . Nakakahiya! " I was just asked by coach through the phone to tell you to sleep already, baka matatagalan pa ito makauwi kaya huwag niyo na siyang hintayin. " Drake said in a bored tone. Sabi kasi ni coach ay hintayin ko daw siya at pag-uusapan pa namin ang nangyari about kanina, maybe tomorrow will do. Sasagot na sana ako kay Drake nang bigla ulit itong nagsalita. " And please, stop dreaming of me molesting you or vise versa, that will not going to happen, for sure." Sabi nito bago umalis at padabog na sinara ang pintuan. Napapikit naman ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang pagkakapahiya. Narinig ko namang napabungisngis ang damuhong si Leo at maya-maya pa ay tumawa na ito ng malakas. " Hahahah! Ayan kasi! Napaka-assumera! Hahahahah" natatawa nitong patuntiyada sa akin. " Punyeta ka! Arghhh! " inis ko namang hinahampas ito ng unan. Gagong 'to! Ilang mintuo pang pang-aasar nito sa akin bago kami kapwa nahiga na sa kama. Naglagay din ako ng compartment sa gitna namin, baka asarin naman ako nito na nanghihipo pag-nakatulog na 'ko, ako pa naman 'yung tipo ng taong nag-a-acrobatic pag natutulog. Nakatalikod ako sa kaniya habang nagbibilang ng mga tupa baka sakaling makatulog ako ng mabilis. " Tulog ka na? " rinig kong sabi ni Leo sa tabi ko. " Oo tulog na 'ko kaya tumahimik ka na diyan " sagot ko naman dito. He just chuckled bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. " Are you still afraid of what happened to you earlier? " tanong ulit nito sa akin, well, dinig ko rin naman ang concern sa boses nito kaya sinagot ko na ito ng seryoso. " I-I'm just a little bit traumatized about the incident happened between me and kuya Joseph, but I can manage, thank you for your concern by the way. " sagot ko dito. Maya-maya lang ay naramdaman ko inalis nito ang unan sa gitna naming dalawa. Napaharap naman ako dito. " Anong ginagawa mo? - I mean ba't mo tinatanggal ang unan? " pag-uulit ko, baka kasi pilosopohin ako nito ulit. Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong hapitin papalapit sa kaniya and enclosed me with his arms. " L-leo " I cannot find some words to utter, tanging Leo na lamang ang nasabi ko dahil sa pagkakagulat. " let's just stay like this for tonight, I know you're still frightened about what happened earlier, hayaan mo 'kong pawiin 'yang takot mo, half of the fault was mine, kung sana sinamahan na lang kita kanina. " rinig kong sabi nito. Na touch naman ako sa inaasta nito at napayakap na lang din sa kaniya. Libreng chansing din sa mabatong katawan ng bestfriend ko noh! Haha. " Ano ka ba, walang may gusto sa nangyari kanina kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, but I really appreciate what you are doing right now, thank you Leo. " sabi ko dito at isiniksik ang mukha ko sa matipunong dibdib nito. Amoy na amoy ko ang manly musk nito na hinalu-an ng pabango at singaw ng alak na ininom namin kanina. " Goodnight Jamie, libreng chansing ka ngayon sa akin kaya enjoyin mo na, haha " pang-aasar pa nito bago hinigpitan ang pagkakayakap nito sa akin. " Ang kapal mo talaga! " kinurot ko naman ito sa kaniyang tiyan. Shet, abs! " Goodnigh, Leo " huling sabi ko bago ako pumikit at nakatulog. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD