Chapter 8

3008 Words
Jamie Naging maayos naman ang takbo ng Foundation week namin, pero hindi ko ito totally na enjoy. Paano ba naman kasi, naburo na ako sa booth namin, ni hindi ako maka-alis don kahit sandali lang para enjoyin ang ibang booths. Araw-araw din akong pagod dahil sa kakatrabaho. Last day na ngayon at mago-open pa rin kami ng Cafè booth. Nine-thirty nang makarating ako sa school at dumirecho muna ako sa Locker Area para kunin ang costume namin. Nasanay na rin akong sinusuot ito, hindi na rin ako nagpapa-makeup kay Rose at tamang lipbalm at pulbo na lang ang gamit ko. Pagkakuha ko ng costume ay agad na akong pumunta sa shower area para magpalit. Pagkarating ko doon ay may narinig akong pagbuhos ng shower sa isang cubicle. Marahil ay may gumamit na soccer player. Nakapagtataka lang, wala naman kaming practice, at wala na ring laro ang aming team, nanalo kasi sila noong nakaraang araw, siyempre, ibayong saya rin ang naramdaman namin, at mas lalo pa nga naming pinag-igihan ang pagtatrabaho sa aming booth, may prize din kasi ang booth na may maraming malilikom na pera, of course hindi pwedeng dayain, mayroong inihandang liquidation ng mga expenses at saka profit namin. Papasok na sana ako sa isang cubicle ng makitang out of order ito, pumunta naman ulit ako sa katabi nitong cubicle at punyeta! Katulad ng isa ay out of order din ito, kung minamalas ka nga naman, ginagamit pa yung isang cubicle ng kung sinong damuhong nasa loob non, hindi naman pwedeng hintayin ko itong maligo, baka magtatagal pa ito sa banyo at di ko alam kung anong oras ito matatapos, for sure kung hihintayin ko ito ay baka ma late na ako sa pag-open ng aming booth, sayang din kaya ang benta 'pag nalate kami ng pagbukas kahit ilang minuto lang. Gusto ko sanang katukin ito at tanungin kung malapit na ba itong matapos kaso ay parang hindi naman ako maririnig nito dahil sa lakas ng kaniyang pinapatugtog. Take note ha, k-pop pa 'yung music, sieyempre mahilig din ako sa k-pop kaya alam kong 'Fancy' ng Twice 'yung pinapatugtog niya, sumasabay din ito sa kanta at medyo impit yung boses niya at medyo familiar din ang boses niya sa akin. Well mukhang isang fanboy ang naliligo ah haha. Wala na rin akong nagawa, nilock ko na lang 'yung main door at saka doon na ako mismo sa labas ng mga cubicle nagbihis. Bale para itong isang comfort room na may mga cubicles, pinapanalangin ko lang na sana ay di muna lumabas ang taong nasa cubicle. Agad kong hinubad ang suot kong T-shirt at sinunod ko na 'yung pants ko. Naka fitted na maikling boxer brief lang ako ngayon. Aabutin ko na sana ang susuotin kong costume nang marinig kong namatay ang music at shower kasabay noon ang pagbukas ng isang cubicle. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nanggaling sa loob non. Fowtangina! Si Drake yung lumabas at nakatapis lamang ito ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito.! Ewan ko o sadyang malandi lang talaga ako na ang una ko talagang nakita ay ang bato-bato nitong katawan, na marahan pang tumutulo ang iilang butil ng tubig dito. Maumbok ang kaniyang dibdib, may walong pandesal din ito sa tiyan, at ang mas nakakaakit ang ay karug nito sa ilalim ng pusod. Shet. Nanunuyo ang aking lalamunan, para bang tutulo na rin ang dugo sa aking ilong. Napalunok ako ng laway bago tingnan ang mukha nitong gulat na gulat. Nanlalaki rin ang dalawang mata nito habang nakatigin sa akin. Mas lalong lumaki ang aking mga mata at literal na nalaglag ang aking panga ng mahulog ang suot nitong tuwalya. " Ahhhhhhhhh! " napasigaw ako ng makita ko ang angry bird nito. Baka akalain niyang manyakis ako kaya agad akong tumalikod dito at kung sinuswerte nga naman si bakla, MAY MALAKING SALAMIN SA LOOB NG SHOWER ROOM! at kitang kita ng naglalakihan kong mga mata ang pagpulot nito ng tuwalyang nalaglag at agad na itinapis sa kaniyang beywang. Agad ko ring tinakpan ang aking mga mata, pero yung may agwat lang ang mga daliri para kita pa rin si drake, hihi charot siyempre tinakpan ko talaga all way through noh! Hindi ako manyakis, slight lang. Pero mga besh. Shet. Ang laki. Napaigtad ako nang marinig ko itong magsalita. " What the fvck are you doing here? " medyo may kalakasan nitong sambit na nagpagitla sa akin. " Ahh, a-ano kasi, m-magpapalit k-kasi ako ng damit c-captain, eh w-walang available n-na ibang cubicle k-kaya di-dito ako sa l-labas nagbihis. " nauutal kong sabi,hindi ko pa rin ito nililingon at nakapikit pa rin ang dalawa kong mga mata matapos kong ibaba ang kamay kong nakatakip dito kanina. " Maraming comfort room sa loob ng school, bakit dito mo talaga naisip na magbihis? Binobosohan mo ba 'ko? " tanong nito sa akin habang nakakunot ang kaniyang dalawang kilay. Agad akong napabaling sa kaniya at nagsalita. " Oo- ahh what I mean is, hindi! Hindi kita b-binobosohan promise, mamatay man si rose captain, Mas malapit kasi ito sa Locker Area natin, k-kaya dito ko n-na lang naisipang magbihis. Promise, wala akong nakita, di ko nakita y-yung birdie mong malaki, peksman! Di rin kita narinig na kumakanta ng K-Pop, iisipin ko na lang na multo 'yun, maniwala ka c-captain. " mahaba kong paliwanag sa kaniya. " What the fvck! " sigaw nito na nakapagpapikit sa akin, huhuuu , pulang-pula na kasi ito dahil sa galit. Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid. Hindi na rin ito nagsalita pero naririnig ko ang paghakbang nito, nang imulat ko ang aking nga mata ay naglalakad na pala ito papalapit sa akin. Napa-atras naman ako at sa kasamaang palad ay sink na pala itong nasasandalan ko. Papalapit ng papalapit pa rin ito sa akin habang mataman ako nitong tinitingnan. Napalunok naman ako ng laway bago magsalita. " D-drake, i mean c-captain, p-promise, w-wala akong pagsasabihan na mahilig ka sa k-pop at fanboy ka ng twice, just, just please s-spare me " pagmamakaawa kong pakiusap sa kaniya, huhuhu baka kasi suntukin ako nito dahil akala niya ay binobosohan ko siya. Kung alam ko lang na siya pala 'yung nasa loob ng banyo ay sana vinideohan ko ito habang naliligo! Charot!. " Hey faggot, listen to me, I- I am not a fan of T-twice or whatsoever! , naka shuffle k-kasi ang spotify ko kaya nagulat rin ako na iyon din ang napatugtog, just forget what you've heard and saw. " nauutal na paliwanag nito sa akin ng makalapit na ito sa pwesto ko, pero may gap din kami, like mga isang dipa siguro. Bakas din ang pamumula sa mukha nitk. Gusto ko mang matawa ay pinigilan ko baka kasi sapakin ako nito ng di oras. Sus, hindi daw fan ng Twice pero kabisado ang kantang 'Fancy' . " O-opo, promise captain kakalimutan ko! Hindi ko ipagsasabi, hehe. " sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi dahil my gosh! Amoy na amoy ko dito ang mabango nitong katawan! At take note ha! Hindi pa rin ito naka bihis at tanging tuwalya lamang ang takip nito sa kaniyang kaselanan. " Good, u-use the cubicle, a-ako na ang magbibihis dito sa labas. " sabi nito at napaiwas ng tingin sa akin. Nang tingnan ko ang aking sarili ay napasinghap na lang ako. Punyeta! Hindi pa pala ako nakakapag-bihis mula kanina! Fuuudge! Mabilis na nag-init ang aking mukha. Agad kong dinampot ang costume na susuotin ko at dali-daling kumaripas ng takbo papuntang cubicle. Bago pa man ako makapasok sa loob ay narinig ko itong nagsalita na nagpapula lalo ng aking mukha. " Nice ass by the way " " B-BASTOS! " ****************************************** " Guys! Hanggang twelve noon na lang pala tayo mag-oopen ng booth dahil last day na, iko-comopute na rin kasi ang mga profit na nakuha ng kada clubs, at by four pm ay malalaman na kung sino ang mananalo as the best booth, kailangan nating pag-igihan sa last two hours, kaya kung kailangang halikan mo ang bawat costumers, jamie ay walang atubiling halikan mo ang mga ito, Okay?! Let's go bitches! Let's win this fight! AJA AJA! " Baliw na sambit ni Rose. At ang gagang to, gagawin pa atang live porn itong cafè booth namin, ginawa pa 'kong pa-in! Well what's new, ako naman kasi lagi ang nahaharap sa mga costumers kaya dumarami ang aming benta kada araw. Kahit fresh pa sa utak ko ang nangyari kanina sa shower room ay kailangan ko muna itong iwaksi sa aking isipan, pero gosh! American sausage talaga ang meron si baby Drake eh! Kakayanin ko kaya 'yon? Charot! Mabilis na nagdagsaan ang mga estudyante sa aming booth. Mas marami ata ito compare noong unang day namin. Kailangan naming icut-off sa 300 ang orders dahil binigyan lang kami ng dalawang oras. Marami ang nadismaya kaya nag presinta na lang ako na magpapicture sa mga hindi makakabili, but of course may talent fee noh! Tutal nagkakapera naman itong booth namin dahil sa taglay kong 'ehem' kagandahan ay lulubos-lubosin ko na. Ang dalawang oras na pagtrabaho namin ay parang katumbas ng dalawang araw na pagtatrabaho sa cafè, parang malulumpo na ako dahil sa pabalik balik na lakad, halos mabinat na rin ang aking bibig dahil sa kakangiti, at feeling ko ay isang pitsel na ng pawis ang inilabas ng katawan ko. Nang makahuma kami at nakapagclose na ay agad akong uminom ng isang litrong tubig. Punyeta! Feeling ko sa-id na sa-id na talaga ang lahat ng liquid sa katawan ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi na ako nakapag-breakfast kanina dahil sa pagmamadali. " GOOD JOB GUYS! " paunang salita ni Rose na agad dinigtungan ng mga babae naming kasama. " Guys lang? " " Okay! GOOD JOB GUYS, GIRLS AND GAY! " sinamaan ko naman ito ng tingin nang tingnan ako nito nong banggitin niya ang salitang gays. Gagang to ah, ipanalandakan ba naman ang kabaklaan ko. " Naging mabuti ang takbo ng ating booth! Marami tayong nabihag na mga costumers, siyempre ay dahil 'yon sa taglay kong ganda hihi. " napaismid naman kami ng sabihin niya 'yon. " mukhang hindi naman " " hindi ka nga pansinin dito sa loob eh " " luh, assumera ka dai? " " Si Jamie kaya yung binabalikbalikan dito " " Ganda ka gurl? " Iilan lang yan sa mga komento ng aking mga kasamahan, napatawa naman ako dahil sa mga violent reactions ng mga ito. " Leche! Oo na! Dahil kay JAMIE ay naging mabenta itong booth natin, and for sure ay tiyak na mananalo tayo mamaya, malaking cash prize din ang naghihintay sa atin, makakatulong ito sa ating club at I am very sure na magiging proud sa atin si Coach, si Captain at ang mga seniors natin! GOODJOB EVERYONE! MAGPARTY-PARTY TAYO PAGKATAPOS NITO WHOOOO! " masayang sambit ni Rose. Kahit pa na pagod kaming lahat ay nagawa pa rin naming ngumiti sa kadahilanang mukhang naging successful ang aming booth. Sabay na kaming lahat na kumain ng tanghali-an. Hindi rin namin nahagilap ang ibang miyembro ng soccer team, marahil ay nagliliwaliw ito dahil last day na nga ng foundation week. Hindi ko rin alam kung saang lupalop ng school naroon si Leo. Hindi ko na rin ito tinext dahil pagod din ako, parang nawalan ako ng lakas dahil sa pagtatrabaho sa booth kanina. Ala una ng hapon nang umuwi muna ako sa dorm para magpahinga muna. Nag set ako ng alarm at 3 pm at natulog muna ako. Pagkagising ko ay agad akong naligo ulit at nagsuot ng isang plain white v-neck shirt at saka fitted na black pants at converse. Nagspray din ako ng favorite kong perfume, vanilla scent perfume, hmmm feeling ko ang tamis tamis ko na, Haha. Mag aalas kwatro na nang dumating ako sa school, dumirecho agad ako sa booth namin dahil doon kami magkikita-kita nang mga kasama ko. Pagkarating ko doon ay sabay na kaming pumunta sa open field dahil doon i-aannounce ang mga nanalo sa bawat patimpalak. Mabuti na lang at hindi mainit sa mga oras na ito, natatakpan din kasi ng ulap ang sinag ng araw kaya okay lang na mag stay kami sa gitna ng open field. Pagkaraan ng ilang minuto ay nag start na ang paga-announce ng mga panalo sa lahat ng contests. Nang tatawagin na ang panalo sa Best Booth ay labis na kaba ang nararamdaman namin ng aking mga kasamahan, naghahawak kamay din kami, siyempre pasimuno ito ni Rose, para daw kunwari ay may drama effect pag tinawag na kami as winners. " And for the winner of the Best Booth award is... Booth 12! Maid Cafè booth! Congratulations! " Agad kaming napatalon at napasigaw dahil sa tuwa nang marinig na kami ang panalo. Tho mukhang expected na rin namin pero iba pa rin talaga yung feeling na marinig mo itong iaannounce, worth it ang lahat ng pagod namin since day one. Masaya kaming bumalik sa booth namin, hawak hawak ko ang trophie habang nasa kay Rose naman ang cash prize na twenty-five thousand pesos. Pagkarating namin doon ay laking gulat na lang namin dahil nakarinig kami ng isang masigabong palakpakan na nagmumula sa mga players na naglaro sa friendly game noong nakaraang araw. Andoon din si Leo na sobrang saya at nag thumbs-up pa sa akin, nakangiti din si coach maging si baby Drake ko. Gosh makalaglag panty talaga 'tong ngiti niya! Hihi. " Great Job everyone! NICE WORK! panalo ang team natin noong nakaraang araw sa isang friendly match sa iilang mga schools, ngayon ay nanalo naman tayo bilang best booth ngayong foundation week, malaki-laking pera din ang na acummulate dahil sa pagkapanalo natin sa bawat categories. Malaki din ang nalikom ng Cafè booth pandagdag sa funds ng ating Club, all in all ay isang SUCCESS at WORTH IT ang lahat paghihirap natin! THIS SUCCESS CALLS FOR A CELEBRATION! LAHAT NG NANDIDITO NGAYON AY INVITED SA BAHAY KO MAMAYANG 9 PM PARA SA ISANG INUMAN! MAGENJOY TAYO BUONG GABI! " Mahaba at masiglang sambit ni coach Doug. Nagbunyi naman kaming lahat dahil sa magaganap na celebration mamayang gabi. Tuwang-tuwa ang lahat, maging ako ay labis na natutuwa dahil tanggap na tanggap kaming lahat dito sa soccer team, mukhang may mabuting maidudulot din pala itong pagiging malandi ko kay baby Drake, I've met such good friends and great memories dahil sa pagsali ko ng soccer team. And I am beyond grateful dahil sa mga extraordinary na mga bagay na nararanasan ko dito sa team. And that really put a special place here in my heart. Pagkatapos naming magsaya ay agad na lumapit sa akin si Leo. " Hoy! Hindi kita nakita buong araw ah, san ka naman nagtungo ha? " singhal ko sa katabi kong si Leo. " Haha, ito naman namiss kaagad ako " sabi nito kaya kinurot ko naman ito sa tagiliran. Feeling masiyado eh! Pero sige na nga, namiss ko nga siya, charot! " Aray! Haha, sadista ka talaga, pinuntahan kita kanina sa booth niyo, kaso ay sobrang busy niyo at hindi na kita nagawang gambalain pa, bumalik ako doon noong lunch para sana ayain kang kumain, ang kaso ay walang tao doon maliban sa dalawang lesbian kaya kumain na lang ako mag-isa, ikaw kaya itong hindi tumatawag, " mahabang paliwanag nito. Abat! Ako pa ang sinisisi ng damuhong 'to. Kurutin ko kaya u***g mo! " Eh , hindi ka rin naman tumawag ah? "Singhal kong pabalik sa kaniya. " kasi nga nagpapamiss ako, hehe..biro lang " sabi nito kaagad ng akmang kukurutin ko na naman ito sa tagiliran. " By the way, pupunta ka ba mamaya sa celebration party ni coach doug? " tanong ni Leo sa akin. " Siyempre naman! Dzuh! Makakasama rin kaya si Drake! Perfect opportunity na rin ito noh! Baka malasing siya , tapos malasing din ako, tapos maghahalikan kami, tapos pupunta kaming kwarto, tapos mag jujugjugan-- " hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng takpan nito ang aking bibig. " Oh please stop! Ayaw ko nang marinig ang kadugtong " simbit naman nito. Kinagat ko naman ang palad nitong nakatakip sa aking bunganga na agad niyang ikina-aray. " Ang alat ah! " sabi ko habang dumudura dura. Tang-ines! Kakawiwi lang ata nito, lasang tit! pa eh! de joke lang! wholesome po tayo dito. " Ikaw ba? Sasama ka rin mamaya? " tanong ko naman sa kaniya. " Of course! Minsan lang 'to kaya sasama talaga ako. " Sagot naman nito. " Baka pagalitan ka ng mommy mo? " natatawa kong panunudyo dito na agad namang ikinakunot ng kaniyang noo. uh-oh. Mukhang may mapipikon, hahaha. " Malaki na 'ko, ano tingin mo sa akin? Highschool na pinapagalitan ng nanay kapag late na umuwi? " inis naman nitong atungal sa akin na aking ikinatawa. Pikon!! " Bakit? Baby ka pa naman ah? Naku, bawal pa uminom ng alak ang baby, sabi ni mommy" natatawa kong pang-aasar dito. Haha. Ang sarap talaga asarin nitong si Leo, pikon masiyado eh. " Stop calling me a baby! " inis naman nitong balik sa akin. HAHAHA , ayan na naiinis na siya! " Baby , baby, heres your milk na baby,. " patuloy ko pa ring pang-aasar sa kaniya. Todo simangot pa 'rin ito habang nakatingin sa akin. " Baby Leo, Yes papa? Eating Sugar? Hahahhaa " " Isa mo pang baby ay talagang bubuntisin kita, baka hindi mo alam na ang baby na 'to ay marunong ding gumawa ng baby. " balik niyang sambit sa akin na ikinalaki ng aking mga mata at pag-usok ng aking ilong. Gagong to ahh! Ang bastos ng bunganga! " Manyak! Argh! " bago ko pa man ma kurot at mahampas ito ay mabilis na itong tumakbo papalayo sa akin, hinabol ko naman ito, at kapwa na kami naghahabulan sa loob ng school. " Bumalik ka ditong manyak ka! Pag ikaw nahuli ko ay lagot ka talaga sa akin!" Sigaw ko dito, pero sahil sadyang mahahaba ang biyas nito kumpara sa akin ay hindi ko talaga ito mahabol. Napapadyak na lang ako sa inis dahil ako rin pala 'yung napikon sa huli. " Humanda ka talaga sa akin pagnahuli kita!!! " Sigaw ko na ikinatawa niya lang! " Bleee " Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD