Jamie
Mukhang alam ko na ang feeling ng mga artista sa tuwing lalabas ang mga ito sa public. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit iwas na iwas ang mga ito sa maraming tao, pucha! literal na dinudumog pala sila! Oh my gosh! Di ko na papangaraping maging isang sikat na artista kung ganito lang naman!
Mukhang nawala lahat ng confidence ko habang naglalakad sa loob ng campus, papunta kasi kami ni Rose ngayon sa booth namin at shet lang na malagket! Kanina pa ako pinagtitinginan. May mangilan ngilan na babaeng nakataas ang mga kilay, halata ang pagka insecure sa mga mukha nila, mayroon ding mga lalaking manyakis na may pasipol sipol pa habang nakatingin sa legs at pwetan ko, ang iba naman ay namamangha na para bang nakakita sila ng isang magandang anghel. Okay, alam kong maganda ako ngayon pero ang awkward talaga sa feeling! Ayaw ko nito noh! My goodness.
" Tingnan mo baks! Ang dami nang nahuhumaling sa 'yo oh! Mukhang lalapain ka na ng mga kalalakihan dito sa school hihihi " bulong sa akin ng mahaderang si rose. Mukhang masaya pa ang Gaga! Kasalanan niya lahat ng 'to eh!
" Nyeta ka! Ikaw ang gagawin kong pa-in pag talaga ako nareyp! " inis kong sumbat dito.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa aming booth.
" Wooooow! Heto na ba si Jamie? Sheeeet! Ang ganda mo! " sabi ni Jennie, kasamahan rin namin sa maid cafè. Sinang-ayunan din ito ni Maribel at Chloe, mga kasamahan din namin.
" witiwew! " pasipol naman ng dalawang tibo na nasa loob. Sinamaan ko naman agad sila ng tingin. Hindi sila nakasuot ng maid outfit kasi sila 'yung gagawa ng orders, bale sa loob sila magtatrabaho.
Pito kami ang naka toka ngayon sa booth namin. Si Rose ang sa cashier at kumukuha ng orders habang kami namang apat ni Chloe, Jennie at Maribel sa pagse-serve. Gusto ko pa sanang ako na lang ang sa cashier pero ang punyetang Rose ay ayaw akong pagbigyan, kesyo daw baka nakawin ko ang benta namin. Bilhin ko pa buhay niya eh! Charot.
" Ready na tayo guys! Mago-open na tayo in three--two---one!! " sabay tanggal ni Rose ng kurtina.
Foc!
Literal na lumaki ang mata ko nang makita ang sobrang dami ng taong naka abang sa labas.
Powta?
Most of it ay mga kalalakihan, hinding hindi namin ma aacommodate ang ganito ka daming tao! Aabot ata ng one hundred to two-hundred ang estimated na tao sa labas! At ang capacity ng aming booth ay hanggang singkwenta katao lang! Shuta! Daig ko pa si Marian Rivera nang Mag-endorse ito ng TnT sa TV!
" Miss beautiful pa picture naman oh! "
" Girl! Totoo ba 'yan? Wala kang pinagawa sa fes mo?"
" Ano ang gamit mong beauty supplement teh? "
" Miss, pwede ka bang ligawan? "
" Shet, mukha kang Japanese p*rnstar! "
Iilan lamang 'yan sa mga naririnig kong sabi ng mga studyante sa labas. Buti na lang talaga at lumabas muna ang dalawang tomboy para awatin ang mga tao. Shutangina, magkakastampede pa ata dito eh!.
Di ako ready sa ganito!
" Tangina baks! Iba talaga ang ganda mo! Mukhang tiba tiba tayo ngayong araw ahh! " sabi ni Rose sa aking tabi. Ang sarap Bugbugin ng pandak na 'to! grrr!
" Punyeta ka! Mukhang malalaspag nga katawan natin dahil sa dami ng mga to! Gawan mo ng paraan gaga ka! " inis kong sabi sa kaniya. Hindi niya naman ako pinansin at pumunta doon sa harap ng maraming tao.
" HILU GUDMURNEEEENG! CHAROT. SO HETO PO, FIFTY LANG PO ANG CAPICITY NG AMING BOOTH KAYA KAILANGAN NIYO PONG PUMILA PARA MAKABILI, PERO WE ARE OPEN FOR TAKE-OUTS AS WELL KAYA OKAY LANG NA DI NA KAYO MAG STAY SA BOOTH, ALL WE NEED HERE IS YOUR COOPERATION KAYA SANA AY MAG FORM KAYO NG LINE PARA MAS MA ACOMMODATE KAYONG LAHAT! OKAY PO BA 'YON? " sigaw ni rose, pero mukhang wala atang narinig ang mga syudyante at nagkakagulo pa rin ang mga ito sa labas.
" ANG AYAW MAKINIG HINDI MAKAKAPAG PICTURE KAY MISS BEAUTIFUL! " ang sigaw nito ulit at sa isang iglap lang ay nagkaroon agad ng linya ang mga studyante.
PUNYETA! GINAWA PA AKONG PA-IN NG GAGA!
******************************************
"Baks, table 7"
" Jamie table 2"
" Girl table 4"
" Jamie nanghihingi ng tubig ang table 6 "
" Baks, pakilinisan ng table 3, may mga mauupo pa "
" Baks..."
"SANDALEEEEEEEE!" Inis kong singhal!
KANINA PA 'KO NAGTATRABAHO
DITO!
'Yung tatlong kasama ko sa pagse-serve ay tamang nagchichismisan lang! Mga punyeta! Ayaw kasi ng ibang mga customers na hindi ako ang magse-serve sa kanila. Halos tatlong oras na akong nagpapabalik balik sa kusina at sa mga tables, lunch lang ata yung break ko!
Pagod na rin akong ngumiti tuwing may magpapapicture sa akin, may extra tip kasi ang bawat pictures ko, diba? Sadyang ginawa akong bugaw ng walanghiyang Rose sa mga customers. Hindi rin kami nauubusan at mahaba pa rin ang pila sa labas! Punyeta! Ilang malilibog na lalaki ba ang nag-aaral dito?
" Miss beautiful, papicture naman "
" Ako muna tol, kanina pa'ko nakapila dito para magpapicture eh!"
" Mas mahal 'yung binili kong kape kaya ako muna ang mauna! "
" Mas malaki naman tip ko! "
sabi ng mga bastos na lalaking hila ng hila sa akin.
" PUNYETA AYOKO NAAAAA! " Inis kong sigaw na ikinagimbal nila.
Sino naman ang hindi magugulat eh nakasuot ako ng pambabae at mukhang babae na rin ako, pero ang marinig akong magsalita gamit ang, not so feminine voice ko? Ayon! Lumaki ang mga mata nila sa gulat!
***
Halos hindi na ako makalakad dahil sa sobrang pananakit ng aking paa. Nahubad ko na rin ang punyetang heels na suot ko at tumambad sa akin ang malaking sugat sa ibabaw ng aking sakong. Matindi rin ang pananakit ng aking binti, paa at talampakan. Nais ko mang murahin si Rose at ang tatlo kong kasama ay di ko na nagawa dahil sa sobrang pagod at pananakit ng aking katawan. Daig ko pa ang Japanese P*rn Star na ginangbang!
Alas otso na rin ng gabi at sa kabutihang palad ay wala na kaming customers. Naging konti na rin ang customers namin noong nalaman nilang isa pala akong binabae, na siyempre ay naging pabor sa akin kahit papaano.
Habang hinihimas ko ang aking mga binti at paa ay biglang umingay ang loob ng aming booth. Nang iangat ko ang aking mukha ay nakita kong nakapasok na pala ang iba naming miyembro sa soccer team na pinalaro kanina sa isang Friendly Match.
Napadako naman kaagad ang tingin ko kay Drake na kasalukuyang umiinom ng kaniyang tubig. Kita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple nito na tumutulo pa ang pawis habang lumalagok ng tubig.
Shet.
Ba't ang hot ng baby ko!
Nang mapadako naman ang tingin ko sa katabi niyang si Liam ay nakita ko itong matiim na nakatingin sa akin. Para bang inaanalisa nito ang aking mukha. Maya maya ay nagsalita ito.
" Teka? Nag-invite ba kayo ng tutulong dito sa booth natin? " tanong nito kay Rose.
Tiningnan ko naman ang paligid.
Huh? Sinong ininvite namin? Bakit hindi ko alam? Kanina pa 'ko nagtatrabaho dito tapos may kasama naman pala kaming isa pa? Aba'y napakabatugan naman non at di ko man lang nakita buong araw na tumulong dito booth!
" Wala po kuya, kami lang po, alam naman po kasi naming bawal himingi ng tulong sa ibang club " depensa naman ni Rose.
" Then, who is that beautiful lady out there? " tanong nito habang nakaturo sa akin.
huh? ako ba ang tinutukoy nito?
Itinuro ko naman ang sarili ko upang magtanong para makasiguradong ako ba talaga ang tinutukoy nito.
Napabaling na rin ang tingin ng lahat sa akin, kasama na si Drake.
Tiningnan ko naman ang sarili ko.
Wala namang bago sa akin ah.
Nakasuot lang ako ng pangpokpok na costume na 'to, tapos nakawig at saka naka make-up.
Wait.
Hindi ba ako nakikilala ng mga 'to?
Maya-maya paay narinig kong nagsalita si Leo. Nasa likuran lang pala ito at nakasunod sa kaniyang mga seniors.
" Jamie? " tanong nito habang nakatingin sa akin.
Lumapit naman ito sa kinalalagyan ko at biglang hinawakan ang aking mukha.
Nahiya naman ako dahil for sure ay sobrang hagard na ng face ko.
Pinipisil pisil naman nito ang aking mukha na nagpasimangot sa akin.
Tinampal ko naman ang kamay nito dahil nanggigigil na ito sa aking magkabilang pisngi.
" Ano ba! " inis kong sabi sa damuhong si leo.
" Ikaw nga 'yan Jamie! Wtf? Anong nangyari sa 'yo? s**t. " sabi nito sa akin, bakas sa mukha nito ang pagkamangha.
" Tanong mo diyan kay Rose, siya ang pasimuno ng lahat ng ito."sabi ko habang tinitingnan ng masama si Rose. Kanina pa kasi talaga ako nanggigigil sa bruhildang 'yan. Tinawanan naman ako nito, argh! Sarap talagang kurutin sa s**o, ay hindi, sa n****e pala, wala kasi itong s**o, tsk.
" Whaaaat? Really? Ikaw 'yan Jamie?? Shiiiit! Ang ganda mo! " eksaheradang sambit ni Liam. Sus! As if ngayon lang ako naging maganda. Dzuh! Kahit di ako magsuot nito ay likas pa rin ang ganda ko noh! Hmp!
Binaling ko naman ang tingin ko kay Leo.
" Bes, bilhan mo naman ako ng tubig at makakain oh, gutom na gutom at uhaw na uhaw na kasi ako, kanina pa'ko walang kain, pagod na rin akong tumayo, sobrang sakit na kasi ng mga paa ko , pleaaaase " pagpapa-awa ko dito, nag puppy eyes pa 'ko, at alam kong nagmukha akong tanga dahil sa ginawa ko, pero ang ipinagtataka ko ay nakatulala lamang ito sa akin.
" Uy! Bes, Leo uy! " pagtawa ko dito ulit at parang nahimasmasan namin ito kaagad at napakurap pa ng kaniyang mga mata.
" Ah- ah o-oo, w-wait lang " nauutal na sabi nito.
Bago pa man ito maka-alis ay nagsipag-sulputan kaagad sa aking harapan ang mga kamay na may hawak ng tubig at pagkain. Mga players ito at kasama na rin si Liam.
" Heto Jamie oh, hindi ko pa naiinuman 'yan. "
" Hetong sa akin na lang Jamie, isang litro 'to, hindi ko rin nainuman 'yan "
" May burger akong binili, saiyo na lang, hindi pa naman ako gutom "
Sabi ng nga lalaki habang nakalahad ang kanilang mga kamay sa akin.
" Don't accept their food, hetong sa akin na lang, kunin mo na " hindi rin nagpahuli si Liam habang inaabot nito sa akin ang isang bottled water at sandwich.
Tila nagningning naman ang aking mga mata dahil sa dami ng pagkaing nasa aking harapan. Dzuh! Patay gutom na kung patay gutom! Kanina pa'ko walang kain noh!
Aabutin ko na sana ang mga bigay nila nang marinig kong nagsalita ang isang lalaking may malalim na baritonong boses.
" Here, Take this. "
Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto kung sino ang nagsalita.
SHET.
FUDGE
HOLY PECHAY!
SHUTANGINA! TOTOO BA 'TO?
SI DRAKE ANG NAGSALITA HABANG INAABOT NITO SA AKIN ANG ISANG SUPOT NG PAGKAIN!
OH MY GOSH!
I KENNAT!
******************************************
" Pwede mo nang kunin, nakakangalay na sa kamay para malaman mo . " drake said impatiently that wake up my senses.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang pagkain mula sa kaniya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na binigyan ako ni Drake ng pagkain, like for real? Nabaliktad na ata ang sitwasyon, siya na ngayon ang nag-offer sa akin ng pagkain.
Mwehehehe.
Mukhang effective itong pagko-crossdress ko ha, may benefits din pala ang pagiging walang hiya ni rose. Hihi.
" S-salamat pala hehe, mukhang andami naman nito, mabubusog talaga ako dito, s-salamat ulit c-captain. " nauutal at nahihiya ko pang sabi at binigyan ito ng isang ngiti.
Kumunot naman ang noo nito at ang mga mata nito ay parang di makapaniwala na nakatingin sa akin.
Wait?
May mali ba akong sinabi?
Oh baka naman ayaw neto na pasalamatan siya?
" Para sa inyong lahat 'yan na nagtrabaho dito, huwag mong solohin, you've got a very slim body pero ang sugapa mo sa pagkain ,tsk. " ang sabi nito na nagpatanga sa akin.
Fowtangina
Kaya pala andami!
Okay.
Napahiya ako.
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at tenga dahil sa kahihiyan.
Nang makahupa sa kahihiyan ay nag-angat ako ng tingin dito at nagsalita.
" Haha, di ka naman mabiro captain, alam k-ko namang sa amin lahat ng 'to noh, hahaha, HOY KAYONG LAHAT! Pumunta na kayo dito, kainin natin ang bigay ni captain para sa ATING LAHAT! Di ko kayang ubusin 'to noh! " pagtawag ko sa kanila bago binaling ulit ang tingin kay drake at binigyan ito ng isang alanganing ngiti.
Gosh, lupa, pwede mo na akong lamunin!
" So how's the booth? Malaki ba ang nalikom sa first day? " tanong ni drake.
Magsasalita na sana ako at magbibida-bida nang naunahan ako ng lecheng si rose. Kanina pa talaga ang babaeng to! Ang sarap sarap ng sungalngalin!
" Ahhh! Of course captain! Sobrang dami po ng customers namin kanina, at sobrang laki po ng pera na nalikom namin para sa funds! Maganda po kasi akong kahera kaya di maikakaila na ako ang pinupuntahan ng mga customers natin, most especially ng mga kalalakihan, hihihi " Pagbibida nito kay Drake.
Punyeta 'tong babaeng ito ah? Pagkatapos akong malaspag dahil sa pabalik balik na pagseserve at pagpapapicture? Tapos siya ang magbibida bidahan kay Drake? Aba't ang sarap tirisin ng mga tigyawat nito sa mukha! Ginigigil na talaga ako ng babaeng to.
Inis akong napakagat sa burger na hawak ko.
" Naku, huwag kayong magpaniwala diyan kay Rose captain, dumami talaga ang naging customers namin dahil gusto ng mga ito ang makapagpicture kay Jamie, maraming kalalakihan ang nabihag nito kanina, kaya sobrang laki po talaga ng nabenta namin" ang sabi ni Jenni na sinang-ayunan naman ni maribel.
" Is that so? Good, just continue the good work. Magpahinga na rin kayo at gabi na, uuwi na rin kami to ready ourselves for the final game tomorrow, and... "
Tumigil muna ito sa pagsasalita at tiningnan ako bago nito pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
'You look really pretty by the way'
What the actual f*ck?
***
" Asus! Kinikilig ka na naman diyan, kanina ka pa tulala oy! " rinig kong sambit ni Leo sa aking tabi.
Hindi pa rin ako maka move on!
Shet na malagket!
DRAKE REALLY GAVE ME A FREAKIN' COMPLIMENT!
Nakalutang pa rin ang diwa ko, pilit inaabsorb ang sinabi nito sa akin kanina.
Waaaah! At last! Mukhang napapansin na ni Drake ang kagandahang taglay ko.
" Aray naman! Ba't ka ba namimitik ha? " inis kong usal sa damuhong si Leo, pitikin ba naman ang noo ko.
" Kanina ka pa tulala diyan! Alam kong di ka maka get-over sa sinabi ni captain, pero huwag kang umasa ng masiyado uy! Haha " pang-iinis naman nito sa akin habang nilalagyan ng band aid ang balat kong natuklap sa ibabaw ng aking sakong.
Inis ko namang kinurot ito sa braso. Antigas ha.
" Eh! Alam mo namang first time ako pinuri ni Drake diba? Gosh!kung alam mo lang ang feeling! Hohoho! " nakangiti kong sabi habang paulit-ulit na nagrereplay ang sinabi ni Drake kanina sa aking utak.
" You're hopeless, halika na, maghapunan muna tayo. " paanyaya nito sa akin.
" Busog pa 'ko sa snacks na binigay ng baby ko! Ikaw na lang, samahan na lang kita. " sabi ko naman dito.
" No, that is not even a meal, mahaba pa ang gabi at baka gutumin ka sa madaling araw. Let's go, bukas pa ang kainan sa harap ng school. " sabi nito ulit sa akin, at wala na akong nagawa ng hinila na ako nito. Buti na lang talaga at may dala akong tsinelas kaya hindi na nasasagi ang sugat ko sa paa.
Hay, pagod man ako ngayon , at least something happened beyond expected. Paano kaya kung imaintain ko na lang ang pagko-crossdress?
Gaga, bawal pala ang crossdressing sa school pag regular school days haha.
Mukhang hindi ako makakatulog mamaya dahil sa sobrang saya. OA na king OA, super crush ko 'yun eh!tapos pinuri ako! Oh my gosh lang talaga! Daig ko pa ang may pukelya dahil sinabihan ako ng maganda. This might be the start of our Love story. Hihihi.
Napahagikhik naman ako dahil sa kilig at hindi alintana na may katabi pala ako.
" Baliw " rinig ko pang sambit ni Leo.
" Che! " ismid ko naman habang pinagpapatuloy ang pagde-daydream.
Malapit na lang talaga, nahuhumaling na sa akin baby sweet cake baby loves apple pie ko sa akin. Konting tiis na lang jamie-beautiful at matitikman mo na rin ang makatas, I mean ang katas ng iyong pagsusumikap na abutin si Drake. hihihi!
***
Drake
" Mauuna na akong bumalik sa dorm, pre, I am really so fckin tired already." Pagpapaalam ni Liam bago umalis.
I am still here at the Lockers' Area. I just decided to take a shower before heading back to our dorm, para pag-uwi ko ay derecho tulog na lang ang gagawin ko.
After I get the towel and my clothes, I immediately took my way to the shower room that was intended for us soccer players.
I turned the shower on and let my body soaked with a hot water. Some says that it is bad to take a shower when you are tired, and that is not true, you just need to rest your self for at least 20-30 minutes then you can do a hot shower, it can relax your muscles and might even get rid of your tiredness.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkukuskos ng aking katawan when I remembered that Jamie in the booth.
I didn't even know why the hell did I said those words to him, it might boost his confidence and continue chasing after me. I also cannot understand myself why I saw him very attractive earlier.
Wait, what?
Did I just said that he is attractive?
What the hell?
No!
I am not attracted to him.
It is just that I find him looking very pretty with that cute outfit, and a light make-up.
Holy s**t,
Did I just complimented him again?
No, nagmukha lang kasi talaga itong babae kaya ganon.
Yes, I am just amazed that Jamie could turn into a beautiful lady.
Okay, I just praised him three times already.
Damn it.
Itutuloy...