- PRINCESS WENDYRELLA - "Why the hell are you here?!" He asked and he moved towards us. Halatang galing siya sa basketball practice nila dahil sa suot niya. Naka-jersey at basketball shoes siya. Hindi ko alam kung para kanino ang tanong na iyon. Una kasi siyang tumingin kay taytay, sunod sa akin. "Sorry for that." Narinig kong bulong sa akin ni taytay. Pero hindi iyon nakaligtas sa malakas na pandinig ni Peter Pan. "Why sorry? Because I'm rude? Nah, I think I'm not the one who's rude here. Nagdala ka pa talaga ng babae mo sa pamamahay na ito ah." "Peter!" I heard my taytay screamed. I felt my eyes well-up with tears and I furiously blinked. Hindi ko alam kung sa anong dahilan ako maiiyak. Sa paratang niya na babae raw ako ng taytay ko. O sa katotohanan na wala na kaming pag-asa ni

