Alam kong madilim ang hitsura ko habang papunta ako sa kinaroroonan ni Princess. Kasama niya si Chikito at iba naming kaklase sa open field. Wala siyang update na binigay sa akin kagabi. Usapan namin na tatawagan niya ako kapag nakauwi na siya ng bahay. Kung sa bahay nga ba ang uwi niya? Pakshet! Naninikip ang dibdib ko habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya. Baka nga hindi pa ako makahinga kapag narinig ko na ang sasabihin niya sa akin mamaya. Halos hindi ako nakatulog ng magdamag kakaisip sa nakita ko. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog. Kung hindi pa siguro ako pinuntahan ni Manang Sally sa kuwarto ko, baka hindi ako nakapasok ngayon. Hindi ako agad nagsalita nang makalapit ako sa kanila. Kung hindi pa siguro ako napansin ng isa naming kaklase ay hindi map

