53 ❤️

1688 Words

- PRINCESS WENDYRELLA - "Oo, masuwerte na rin kahit papano. Pero sa ating dalawa, mas masuwerte ka kasi buo na ang pamilya mo." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. "Hay naku, masyado pang maaga para mag-emote. Pumasok ka na nga sa classroom mo," pagtataboy ko sa kaniya bago pa bumaha ng luha sa kinatatayuan namin. Bago pa man kami maghiwalay ng landas ni Kringle ay may grupo ng mga babae ang lumapit sa amin. "Hello, Princess Wendyrella!" sabay nilang bati sa akin. "He ─ hello." Hind ako sanay na tinatawag ako sa buong pangalan ko. Kinikilabutan ako. "Can we talk to you in private?" maarteng tanong ng isa sa kanila. Nagkatinginan kami ni Kringle. "Sige, Ella. Pasok na ako sa classroom. Sabay tayo mag-lunch break mamaya ah." "Sure." At iniwan na nga kami ni Kringle. Muli kong bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD