- PETER PAN - “Anong tinatawa-tawa mo riyan? Lumabas ka na. Alis.” Alam kong gustong-gusto niyang sumigaw kaya dinadaan na lang niya sa panggigigil ang reaksiyon niya. Tinulak niya ako. Mabuti na lang hindi ako nadulas sa ginawa niya. Agad niyang sinara ang shower curtain. “Isusumbong kita kanila Naynay at Taytay kapag nagbalak ka pa ng masama riyan.” “Eh ‘di isumbong mo. Hindi ako natatakot. Saka, FYI lang. Quits na tayo ‘no.” “Anong quits ang sinasabi mo riyan?” “Nakalimutan mo na agad? Sinilipan mo rin ako noon sa locker room sa covered court, ‘di ba? Nakita mo na ang kaluluwa ko. Quits na nga tayo. Nagkakitaan na tayo ng mga kaluluwa.” Nagpipigil lang ako sa pagtawa. Natatawa kasi ako sa sinasabi ko eh. “Letse ka! Lumabas ka na sabi eh!” “Sige, sumigaw ka lang diyan. Para maabut

