- PRINCESS WENDYRELLA - "Dati," mahina kong bulong sa kaniya. "Dati? Pero ngayon ay hindi na?" pabulong din niyang tanong. Simpleng tango lang ang ginawa ko. Nahihiya akong sumulyap kay naynay na titig na titig sa aming dalawa ni Caleb. Nasa living room kami. Nasa tapat namin si naynay at magkatabi naman kami ni Caleb. "Sa totoo lang po, nay, gusto ko rin po ang anak niyo. Kung pahihintulutan niyo po ako, nais ko po sanang ligawan ang anak niyo." "Sinong manliligaw sa anak ko?" Muling sumulpot sa likuran namin si taytay. Kakuwentuhan na namin siya kanina pero nagbanyo lang. At heto nga ang nadatnan niyang pag-uusap namin. "Sir Patrick, ako po. Gusto ko pong pormal na ipaalam sa inyo ang nais ko po na ligawan ang anak niyo." Magalang siyang tumayo nang humarap sa amin si taytay. Sine

