Kabanata 6

1988 Words
Nanginig bigla ang buong katawan ko kasabay ng pag atras ko. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil sa pag atras ko. Namutla ako sa sobrang takot, napahawak ako sa kamay ko ng mahigpit. I don't know what to do, I can't able to speak. "I-I'm s-sorry." hinging paumanhin ko. Para akong naiiyak kahit wala namang sapat na dahilan, para akong inaway ng buong tao sa mundo, ganon yung nararamdaman ko. "Oh God!" rinig kong singhap ni Ash. Napahawak nalang ako sa pisngi ko ng nay naramdaman akong luha doon. Naiyak na pala ako? Dali dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sakanila. "You're crying!" agad akong dinaluhan ng dalawa. Kinurap kurap ko ang mata ko para maiwasang muli ang pagpatak ng luha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang bilis kong umiyak, nakaka bwesit kasi hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Hindi naman ako dati ganito. Hays. "Wag kanang umiyak Stella. He didn't mean it." bulong sakin ni Ems. Napabuntong hininga ako bago tumango. "Tss." rinig kong sabi ni KED. Siya yung kapatid ni Lord Corwin, siya yung lalaking sobrang cold at walang ka rea-reaksyon. Literal naman talaga na masama ang ugali niya. No doubt. Kaya naiinis ako kung bakit ako naiiyak ng ganito. Para kasing sobrang naging big deal sakin ang salita nito kahit alam kung masama talaga ang ugali niya! Dapat sinasagot ko siya pero parang may naguutos sakin na hindi ko kaya. I sighed. "Pasok na tayo Ems." aya ko sa kanilang dalawa kahit ramdam ko parin ang paninitig nila sakin. Agad namang tumango ang dalawa saka ako hinila papasok. Basta nalang ako nagpahila pero nagawa ko paring lungunin ang mga lalaki na may naawang ekspresyon sakin. Mas lalo akong nagulat ng mapadako ang tingin ko sakanya, malamig itong nakatitig sakin at matigas ang reaksyon. Nakatagis din ang perpektong panga nito habang mas lalong nadepina ang brownish nitong mata. I sighed. He's damned perfect... Ilang oras ang lumipas at napakabagal matapos ng klase, ngayon ay uwian na. Sabi nga nila, kung kelan ka masaya saka mabilis ang oras, eh kaso ngayon baliktad. Kung kelan ka malungkot saka mabagal yung oras. Psh! "Stella, okay kalang?" mahinang tanong sakin ni Ems, habang pasimpleng sumulyap sakin. Tumango ako dito, medyo okay nako. Natakot lang talaga ako sa lalaking iyon, para bang sobrang laki ng kasalanan ko dito, bakas na bakas kasi sa expresyon nito ang inis sakin. "Ganon talaga iyon si Ked, masasanay karin sakanya." Tumango nalang ako at hindi na umimik pa. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa may bintana. Huminga ako ng malalim bago tumayo, "Miss, can I go out?" tanong ko. Agad namang tumango ang prof namin kaya tumayo na agad ako. Nakakuha rin ako ng atensyon pati sila Ash at Ems nakatingin sakin, hindi ko nalang iyon pinansin pa at nagpatuloy sa paglabas. Naging mas mapagmatyag na ako sa paligid ko, kahit na mangilan ngilan lang naman ang tao dito sa hallway, yung mga students na nasa break nila or yung mga mamayang hapon pa. Hindi ako dumiretso sa powder room kundi sa garden nila na nakita ko nung papunta kami sa classroom. I need some air, naninibago pa kasi ako sa ambiance ng lugar na ito, miski rin sa mga tao dito. You know what I mean... Alam mo yung feeling na kahit anong gawin ko hindi ako mabibilang sa lugar na ito? Ganon, basta I felt different. Umupo ako malapit sa isang bench doon, this place was awesome. Puno ng matatayog na puno at naggagandahang roses, nakakatuwa silang pagmasdan. I really love rose's kahit may torn ang mga ito. Still maganda parin sila, mahirap nga lang silang patubuin. Malamig ang simoy ng hangin dito at talaga nga namang nakakarelax, bukod sa tago ito. Tska may mini lake din dito kaya mas lalong nakadagdag ng appeal sa lugar. Ipinikit ko ang aking mata para ipahinga muna ito saglit, mabibigat ang paghinga ko dala narin siguro ng encounter kanina. Gusto ko ng bumalik sa dati kong school, kahit na mag trabaho pa ako, okay lang...I just don't want to be here... Nag-angat ako ng tingin sa punong nasa may gilid ko, balak ko sanang matulog mua kahit saglit. Kaya agad akong tumayo sa may bench saka walang pasabing tinalon ang sanga nito, agad kong ikinapit ang paa ko sa katawan ng puno. This is good...tska habit ko talaga ang pagakyat sa mga puno, it makes me feel relax and happy. Sa isang mabilis na galaw ay nasa itaas na ako ng sanga nito, no sweat. Sinandal ko likod ko sa katawan nito at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman... Napakislot ako ng may maramdaman akong nakapatong sa lap ko. "AAAAAHHH~!" nagkandarapa ako sa pagtaboy ng nilalang na nasa lap ko. Oh my gee! Si Garfield! Hanggang sa— "WAAAAA~" mabilis ang naging pagbagsak ko sa lupa, napahiyaw ako sa tindi ng impact noon. Napasapo ako sa balakang ko, dahan dahan akong tumayo pero napaigik akong muli sa sugat na nasa wrist ko, actually hindi siya sugat. DUGO! Goodness! Bakit ngayon pa?! ARGH! Buti nalang lagi akong may dalang panyo, kinuha ko agad iyon sa bulsa ko at itinapal sa wrist ko. Literal na umaagos ang dugo, na dali siguro ng matulis na parte ng puno at medyo malalim. Agad kong hinanap ang pesteng Garfield nayun sa paligid, pero it's nowhere to be found at iyon ang kinainis ko! Bwesit talaga oh! Gawin ko kayang siopao ang pusang iyon?! Nakakabanas! Hindi ko naman hate ang mga pusa its just nagulat lang ako, tska haler! Sino ba namang hindi magugulat sa pusang iyon, Garfield na Garfield pero yung kulay niya hindi! Kulay abo na may pagka blackish. Tska kulay golden yellow yung mga mata niya! Haay! Ang weird ng pusang iyon! I sighed. Dahan dahan akong tumayo, kahit na masakit parin yung balakang ko. Kung minamalas ka nga naman oh! Pinagpagan ko ang uniform ko saka tumuwid ng tayo, I need to go home. Tska... "Madilim narin pala." Bulong ko habang nakatingala sa langit. Grabe halos apat na oras akong tulog? Oh...kay? Naglakad nako palabas ng garden, sana hindi ako maligaw. Madilim na kasi eh... Patuloy lang ako sa paglalakad ng— "HAA~" mabilis pa sa alas kwatro akong umatras ng may magtangkang humawak sa braso ko pero wala ring silbi iyon dahil nahawakan parin ako nito. Napalunok ako sa sobrang kaba, kulang nalang ay lumabas na ang puso ko sa rib cage ko. Nanginig bigla ang katawan ko sa takot, sino ba namang hindi?! Pinakatitigan kong maigi kung sino iyon ng— "W-what are doing here?" halos hindi ko maitanong ang bagay na iyon. Mas lalong nanginig ang katawan ko sa tingin na ipinukol nito sakin, nakakapanghina ng laman laman, napayuko ako sa kakaibang nararamdaman ko. Mas lalong bumilis ang paghinga ko, I can't even breath properly. Para akong nagkukulang sa oxygen. This is intoxicating... I was about to speak ng basta nalang ako nitong kaladlarin. Halos madapa ako sa way ng pagkakahila niya sakin, mas lalong nanakit ang sugat sa wrist ko. Napapikit ako sa hapding nararamdaman ko. "K-ked..." that was the only thing I can utter, calling his name. Pero para itong bingi dahil nagpatuloy lang ito at parang walang naririnig. Iniyuko nalang ang ulo ko at nagpahila dito, no use kung aalma ako besides I can't do that. I just can't... "Ked, why did you bring her here?" iyon ang naging cue ko para mag-angat ng tingin, nahigit ko ang hininga ko ng makita ko si Lord Corwin na may nagbabantang tingin pero may ngisi sa labi. Is it even possible na dalawang expresyon ang kaya niyang i-portray? Hindi ko magawang sumagot, the man in front of us is too intimidating and scary. Yung tipong kapag sumagot ka sakanya paniguradong may kalalagyan kang hindi maganda. Tumaas ang kilay nito saka pinasadahan ako ng tingin bago dumako sa wrist ko na may sugat, he devilishly smirk at me. Yung ngising kaiinisan mo, ganoon... "It's not of your business, Salem." At muli na naman ako nitong hinila papalayo doon pero hindi nakatakas sakin ang nakakakilabot na halakhak nito na umecho sa buong mansion. Mabilis naming nilakad ang kabilang staircase ng mansion, hindi ko maalis ang tingin kay Lord Corwin na ngayo'y walang emosyong nakatingin samin. Literal na tumaas ang balahibo ko sa buong katawan ko, shiz! It gives me shiver down to my spine! Darn this people! They are scary to death! "Aw f*****g s**t~" mura ko ng madapa ako sa hagdan. Lumagapak ako sa malamig na sahig ng mansion, lahat ng mura sa isip ko ay nasabi ko na lalo pa't ang may sugat kong wrist ang naipangdiin ko. Darn! "Your words, woman." Malamig na turan niya sakin. Napalunok naman ako bago dahan dahang tumayo, itinago ko ang isa kong kamay sa likod ko bago umatras. Nakayuko parin ako dahil natatakot akong makita ang galit na expresyon nito sakin. It makes me feel unwanted. "I-I'm s-sorry...I-I'll g-go home, L-lord K-ked..." my whole body is trembling in fear, pain, hurt and unknown feelings. I don't know...I just felt it that way. Tuluyan na akong umatras at pumihit para tumakbo papalabas roon. Ayoko na...gusto ko ng umuwi... Mabilis kong nilisan ang nasabing mansion pero hindi pako nakakaalis sa vicinity ng nasabing lugar ay may bumuhat na sakin na parang sako... "AAAAAHHH~PUT ME DOWN~" panay ang kawag ko pero its useless, dahil hindi man lang natinag ang matipunong katawan ni L-lord Ked, I know na siya ang may buhat buhat sakin ngayon, nalaman ko dahil sa natural scent niya at ang pinaghalong perfume nito. Ipinikit ko ang mata ko dahil umakyat na ang dugo sa ulo ko kaya nahihilo na ako, at kapag hindi pako binaba talagang susuka nako. I tried to calm my senses para hindi narin masuka. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang pagsarado ng pinto at ang paglapat ng likod ko sa malambot na bagay. Awtomatiko akong napadilat at sa ginawa kong iyon ay talaga namang pinagsisisihan ko. He's face is only few inches from me, halos hindi ko magawang huminga sa sobrang lapit nito sakin, dahan dahan akong lumunok at nagiwas ng tingin, he's golden eyes piercing on mine. Para siyang naka contact lenses sa hitsura ng mata niya. Those long and thick eyelashes were really captivating. Tumikhim ito bago tuluyang lumayo mula sakin. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagkailang sa sitwasyon namin, parang kanina lang ng sungitan ako nito tapos ngayon ay nasa kwarto na ako nito. Hindi ko parin magawang mai-angat ang tingin ko. "Give me your hand." Mas lalo kong itinago ang kamay ko mula sa likod. His voice echoed the entire room. Kanina pako nanginginig sa takot at kaba, para akong nasa hawla ng leon na sa ano mang oras ay gagawing pagkain nito. Sa totoo lang simula ng dumating ako dito napuno na ako ng takot dala ng mga taong nakapaligid sakin. This is insane! "I said give me your hand." may bawat diing untag nito. Wala sa sarili kong iniabot ang kamay ko, pagkahawak niya ng kamay ko ay agad akong napapikit. May kung anong inilapat ito sa kamay ko. Napakislot ako, tsk! Katangahan ko naman kasi! Bahagya nitong idiniin ang bulak kaya mabilis kong hinila ang kamay ko. "A-ako nalang. I c-can manage it." Inilahad ko ang kamay ko pero imbis na ibigay ang bulak ay tinabig ito ang kamay ko na siyang kinagulat ko. Nanlisik bigla ang mata niya, nagiba rin ang kulay ng mata nito na siyang kinapagtaka ko, naging reddish iyon. Napalunok ako sa takot, tumayo agad ako at lumayo sakanya. Kumalma ang hitsura nito sa ginawa ko. "I'm s-sorry..." mahinang usal nito. Napalunok ako, ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga tanong sa isip ko. "U-uwi na ako, salamat..." sabi ko pa. "Ihahatid  kita." he answered back. I can't put anything I just stayed silent and let this passed. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD