Kabanata 9

1560 Words
Nakailang ikot na ako sa kama pero hindi talaga ako makatulog. Marahas akong umupo dahil hindi talaga ako mapakali. Para bang may kung ano akong gustong gawin dito sa loob. Tumambling? Mag cartwheel? Mag yoga? Mag yoga?! Ano ba Stella saan mo nakuha yan?! Minsan itong utak ko hindi nakikisama, kung ano anong naiisip. I sighed. "Ang hirap ng ganito." nakabusangot kong reklamo. Napag pasyahan kong tumayo sa kama, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Nagpabalik balik ako ng lakad. Nagiisip kung ano bang magandang gawin. Kasi naman noh! Hindi ko kayang matulog na kasama si KED sa iisang bahay. Para bang may something na darating? Tao? Napasapo ako sa ulo ko, malamang self tao ala namang maligno. Grrr. Gigil talaga ako ng utak ko eh. Umupo ako sa sofa katapat ang malaking bintana. Tinanaw ko ang labas na walang ibang makita kung hindi kakahuyan. Wala kasi talagang ibang makita eh, tska madilim na kaya talagang tanging puno nalang ang makikita. "Sabi niya kanina bahay niya ito. Sa gitna ng kagubatan?" Wala namang imposible kung magpagawa si Ked ng bahay sa gitna ng kagubatan kasi hindi naman sila tao. Tumayo ako para libutin ang kabuuan ng bahay, sa palagay ko ay tulog na iyon ngayon. Kung talaga bang natutulog iyon. Isinilip ko ang ulo ko sa pinto, tahimik na pasilyo ang nakita ko. Kaya dahan dahan akong lumabas ng walang nagagawang kahit anong ingay. Narating ko ang salas, nakakamangha talaga ang loob. Halata mong mamahalin ang mga mwebles may fire place pa. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng sala. Nakakainis sa ganda, samantalang yung bahay nila tiya akala mo kulungan sa dungis, dito mahihiya yung alikabok na tumambay. Papalapit na ako sa veranda ng may maaninang akong dalawang bulto ng tao sa kalayuan na sigurado akong naguusap. Kita naman sa bawat kibot ng labi nilang dalawa. Sinasabi ko na nga ba...Sinipat kong maigi yung kausap ni Ked, mula ng dumating ako dito ngayon ko lang ito nakita. Oh, well malamang pangatlong araw ko palang dito. Hindi na nakakapag taka na madami pakong hindi nakikilala. Seryoso silang naguusap at walang pakialam sa paligid nila. Napatago ako bigla ng balingan ako ng lalaki, kinabahan kagad ako. Nakuuu. Lagot ka Stella, chismosa ka kasi. Ikinubli ko ang sarili ko sa poste ng bahay, niyuko ko yung ulo ko para bumalik na ng kwarto ng biglang— "Aray!" Automatikong umangat yung tingin ko sakanya. Alam ko naman na kung sino ang nabangga ko, wala ng iba kung hindi siya. Pinakiramdaman kong maigi ang paligid, pinokus ko ang isip ko sa hinala ko. "Bakit gising kapa?" tanong niya sakin. Umiwas ako ng tingin,"Hindi ako makatulog." sagot ko. Kung sa ibang pagkakataon ito ay malamang umiwas nako pero iba talaga ang kutob ko sa nangyayari. "You want to drink?" I noded bago tumingin ng diretso sakanya. Nakatitig itong maigi sakin, bago tumalikod papuntang kusina. Matagal na talaga itong bumabagabag sa aking isip, hindi sila normal na tao. Sigurado na ako doon, mas lalong tumibay ang pagdududa ko sa nangyari ngayon. Sumunod ako papuntang kusina, hindi talaga imposible ang nasa isip ko. Umiiling akong umupo sa wooden table, nakatalikod ito sakin habang naglalagay ng kape sa mug. "Kelan ba tayo uuwi? Hindi ba tayo hahanapin sa school? Baka mapagalitan tayo." Pag aalis ko ng awkwardness saming dalawa. Kung totoo man ang nasa isip ko, kailangan ko mismo iyon mapatunayan, kailangan ko mismong makita. Kahit abot abot ang tahip ng puso ko at halos mabuwal ako sa pagkakaupo, pinanatili ko ang sarili kong nasa ayos. How is it possible? Sa libro lang yung mga bampira hindi sa totoong buhay. Yun ang mga nasa isip ko nung una pero hindi na ngayon. Pinagtagpi tagpi ko ang mga naranasan ko dito sa ilang araw palang na pagdating ko. "We will leave here around five thirty." saka niya binigay sakin yung mug na may timpla ng kape. Nahigit ko ang hininga ko sa kaba nung bigla siyang kumilos. Hindi ko maiangat yung tingin ko sakanya kahit na alam ko yung paninitig niya. Kinakabahan talaga ako, kung totoo man ang hinala ko ay nasa panganib ako. "What's your problem?" Pagkatanong niya sakin ay sabay din akong tumayo at kinuha ang maliit na kutsilyo na nasa may tabi ko para itututok sakanya. "Y-you're a Vampire! K-kaya mo ba ako niligtas para inumin yung dugo ko ngayon?!" Kahit na takot ay nagawa ko pading mapanatiling nakatutok ung kutsilyo sakanya. "Y-yang kape naba yan ay may lamang pampatulog para magawa mo na yung paginom sa dugo k-ko?!" Sobra na yung takot ko na pati binti ko hindi na nakikisama sa kaba. Hindi nako mapagisip ng tama, basta ang nasa isip ko lang ay makatakas sa bahay nito. Mariin ko siyang tinitigan, ni wala man lang itong naging reaksyon mula sa sinabi ko. Literal na wala kaya mas lalo akong kinabahan ng sobra sobra. Dahil wala akong makuhang kahit anong reaksyon dito ay nagpasya na kong gawin ang bagay na alam kong ikakapahamak ko ng lubusan. "Argh~" Sinugatan ko ang aking palad gamit ang kutsilyo na hawak ko. Napapikit ako sa hapdi na naramdaman ko ni halos mamanhid ang kamay ko sa tindi ng hapdi. Mabilis na umagos ang napaka raming dugo sa palad ko, rinig na rinig ko ang mahinang ungol kay Ked kaya automatiko akong nag angat ako tingin sakanya, nagbago ang kulay ng mata nito mula sa kulay kulay brown ay naging matingkad na dark red na may itim na linya sa gitna. Mas lalo akong nanginig sa takot ng masaksihan ko mismo ang pagbabago ng kulay ng mata niya, bukod doon ay wala pa namang ibang nagbago. Tanging kulay lang ng mata niya ang nagbago, sa anyo ay normal padin. Confirm na isa siyang bampira. Damn.. "Do you think I don't have control? I will drink your blood? You gotta be kidding me." Sa isang iglap ay nagbago ang kulay ng mga mata nito. Bumalik na sa normal na kulay na light brown, umiiling itong umalis sa harap ko. Napasalampak ako sahig sa sobrang kaba ko, hawak hawak ko padin ang palad kong duguan. Hindi ko na kinaya ang panghihina. Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko sa kaba. Napitlag ako sa gulat ng may humawak sa kamay ko, hihilain ko sa ito ng sa isang iglap ay nasa may sala na kami. Parang hangin kaming nawala, ganon ang naramdaman ko sa bilis ng naging kilos niya. Magkaharap kaming dalawa, ni hindi man lang ito na apektuhan sa dugong nasa palad ko. Para bang isang normal na bagay lang ito para sakanya. "Don't you ever pull that stunt again. I may not be able to control myself." He murmured as he damps the cotton to my wound. Hindi ko nagawang umimik sa sinabi niya, ang tangi ko lang nagawa ay pagmasdan ang kamay niyang ginagamot ang sugat ko. Hindi ko alam pero may kung ano akong kakaibang naramdaman sa aking dibdib, para bang sobrang kaba at saya. Para bang sobrang safe ako ngayong nasa tabi ko siya, kung kanina ay sobra akong natatakot ngayon parang bulang biglang nawala ng hindi ko maintindihan kung bakit. Posible ba yun? Na bigla nalang nawala yung kaba at takot kong nararamdaman. "I'm not a vampire or werewolf. I'm more than that." He leans closer to me. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Muling bumilis yung t***k ng puso ko na kinabahala ko kagad. What's happening to me? "Tell me how and when you discover." He said and frowned. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot. "Hindi naman ako tanga para hindi ko mahalata, the way you move. Yung bilis na sa isang iglap nasa harap na kagad kita. Nung hinatid mo ako sa dorm, nung una nating pagkikita. Yung sa likod ng gymnasium alam kong ikaw yung Nakita ko nung humangin ng malakas, ung pagkahulog ko sa tubig. Tapos yung kausap mo kaninang lalaki, yung pagsulpot mo sa harap ko ilang segundo akong makita nung kausap mo. Lahat yun, pinag connect connect ko. Sila Ems at Ash, nung tinanong ko kung ilang taon na siya ay iba ang sinagot niya sakin." Pagpapaliwanag ko. Totoo naman nung una ayaw ko pang maniwala, pero kung titignan mong maigi ung kilos at mga sinasabi nila. Kanina ko lang din ito napagtanto nung naupo ako sa bintana ng kwarto. Inisip ko kung ano ba ang kakaiba sa mga tao dito lalo na kay Ked. Tska kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ako hinalikan...nung una naisip ko na baka kaya niya ako hinalikan ay gusto niyang malaman kung masarap ba ang dugo ko, pero napagtanto kong hindi naman pala nalalaman yung lasa ng dugo sa pamamagitan ng paghalik. Ang bobo ko sa part na 'to. "You just concluded that I'm a vampire." He stated. Sumandal siya sa sofa bago pumikit ng mariin. Pinagmasdan ko talaga ng maigi ang bawat kilos niya ngayon, feeling ko kasi may dapat pakong malaman. Kung hindi siya bampira, anong klaseng, oh-kay, hindi siya tao. Anong klase siya? "What kind are you?" tumitig ako sa mata niya, kung hindi siya bampira ano siya? "Better to rest now. We will leave early in the morning." Saka ito parang bulang nawala sa paningin ko. Napa tingin ako sa kawalan, ayaw niyang malaman kung anong klase siya. Napapikit ako sa hapdi ng kamay ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD