Bahagya itong lumayo sakin, pero hindi sapat para makahinga ako ng maayos. Napatakip ako ng bibig sa sobrang bilis mg t***k ng puso ko.
"W-why do you--kiss me?!"
Nanginginig yung boses ko sa kaba, napa atras ako ng ilang beses sa takot na muli niya akong halikan.
"Because I like too."
His expression became dark as he stared back at me. Wala akong mabasang kahit ano mula sakanya kaya mas lalo akong kinabahan. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko na akala mo ay lalabas na sa ribcage ko.
Kahit kinakabahan ako ay humugot ako ng lakas ng loob para lapitan ito. Walang pumapasok na kahit ano sa isip ko, ang tanging naiisip ko lang ay tumigil yung pagbilis ng t***k ng puso ko! This is new to me, hindi ko alam kung paano ko 'to iha-handle! Nakakatakot yung ganitong pakiramdam!
Mabilis na umangat ang kamay ko para sampalin ito.
Ngunit lalagapak palang ang kamay ko sa mukha nito pero agad din niyang napigilan yung kamay ko.
Mariin ako nitong tinitigan, his directly looking to my soul like his looking for something he can read to me, sa bawat segundong nakatingin ito sakin ay nanghihina na ako, nangangatog yung tuhod ko sa paraan palang ng pagkakatitig nito.
Dahan dahan niyang inilapit yung mukha niya sakin, dahil alam ko na muli ang gagawin niya kaya pilit kong hinihila yung kamay ko na hawak niya pero wala ring nangyari dahil sa mariin na pagkakahawak niya sa kamay ko.
Iniangat niya yung baba ko bago tuluyang tumigil muli ang mundo ko..sa ikalawang pagkakataon.
Napapikit ako sa kakaibang sensasyon na muli kong naramdaman.
Damn this feeling...
He ended the kiss and moved two steps backward with a smile on his lips.
"I never been addicted to a kiss."
He murmured something, hindi ko naintindihan yung una pero ang tanging narinig ko ay yung dulo. Kiss...
Kaya nangunot yung noo ko. Ano daw yun?!
Anong kiss?
"The first time we met you're fuckin' rude and mean, now you kiss me like I'm you're girl were in I'm not! What's with you?!"
Nangagalaiti kong tanong dito! Nakakainis ano ba ako laruan dito? Tau-tauhan sa kwentong 'to?!
Nakakatakot sila oo! Pero wag naman sanang ganito yung mangyari sakin dahil tao padin naman ako kahit mahirap! Wala naman silang karapatang ganituhin nalang ako basta basta!
"You made me angry. I hate you, you do hear me? I hate you so much.."
Padarag akong tumalikod at iniwan sa kinatatayuan niya. Walang kahit anong merong expresyon sa mukha niya.
Ni hindi ko na inintindi pa kung anong mangyayari sakin bukas o kung mapapaalis ako dito sa school na 'to.
Naiiyak ako dahil hindi naman kasi talaga nakakatuwa na basta kana lang hahalikan ng walang rason. Hindi ako laruan na kung ano yung gusto niya magagawa niya sakin.
Tska hindi ko maintindihan kung bakit naghuhurumentado yung puso ko ngayon.
**
Nakarating ako sa labas ng school, ganon kalayo ang nilakad ko maiwala lang yung kakaiba kong nararamdaman.
Nasa labas na ako ng gate kaya minabuti kong tumawid sa kabilang daan. Ayoko muna umuwi sa dorm dahil tyak na uusisain ako nila Ems at Ash.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa isang liblib na gubat, hindi naman siguro ako maliligaw dito.
Isang oras nakong nagpabalik balik dito sa pwesto ko pero ganon padin.
"Aish! Bakit ba kasi ako pumasok dito!" sinabunutan ko yung sarili ko sa inis. Bakit ba kasi...
Naalala ko na naman yung lintek na halik nayun! Oo attractive talaga siya hindi ako tatanggi doon pero naman! Walang halikan!
Inilibot ko yung paningin ko sa gubat na 'to, matatayog na puno na halos yung sanga ay abot hanggang tuhod ko ang taas. Para siyang enchanted forest kung titignan.
Maihalintulad ko ito sa ibang dimension sa ganda, ni walang kahit anong kaluskos na maririnig tanging huni ng ibon lang.
Totoo naman eh. Hindi siya yung gubat na kakatakutan mo kundi yung gubat na mamangha ka sa ganda.
I mesmerized to the beauty of this place, cold wind brushes to my face as I stare to the sky. I wonder how my life would be here.
I close my eyes and feel the cold breeze of the wind. It makes me shiver.
Gusto kong damhin ang katahimikan ng gabi, mararamdaman mo 'to kapag nasa isang lugar ka na sobrang tahimik yung nagkakaroon ng malaking guwang sa sikmura mo sa sobrang katahimikan. Na malinaw ang isip mo dahil walang kahit anong ingay kang naririnig. Kadalasan kasi nararamdaman ko 'to pag madaling araw, yung feeling na sobrang tahimik.
Nakakabingi pero magaan sa pakiramdam.
Isinandal ko ang aking ulo sa punong hindi ko alam ang pangalan pero ang hula ko ay ilang daang taong gulang na ang tanda nito. Para atang kasabayan pa 'to ng lola at lolo ko eh. Pero masaya ako kasi may mga puno pang saksi sa unang panahon.
Nakakalungkot lang naman kasi ni isa walang taong nakita na kung ano yung pinaka unang nangyari sa mundo. Kung meron lang sana ay maitatanong ko na sakanya yung mga gusto kong tanungin pa noon. Masasagot na sana yung mga katangunan sa isip ko.
Ked's face flash to my mind.
Hindi ko talaga mawari kung ano ba ang naisip ng lalaking iyon na halikan ako. Napahawak ako sa aking labi. His soft lips.
Tumingala ako sa kalangitan, ganito ba talaga kalupit yung diyos sakin para mapunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ko siya sinisisi pero sana man lamg makaranas naman ako ng kaginhawaan.
I sighed. Napaisip ako kung ano ba ang meron sa lalaking iyon.
Masungit, isnabero, gwapo, at mayabang? Mukha kasi siyang mayabang. Well, kung base sa looks maaring Oo. Parang nagsusumigaw kasi yung aura niya na hari ako dito at susunod kayo sakin. Ganon!
Oh edi siya na yung mayaman. Jusko! Nasa kanya na kasi lahat pwera nalang sa magandang ugali. Baka ganon kasi talaga ang anak mayaman. Sampalin ko siya ng pera niya eh. Kainis!
Ayokong maglalalapit sakanya baka may biglang umaway sakin na girlfriend niya katulad sa mga libro. Diba laging may ganon? Kaya iwas iwas muna ako noh. Ayokong ma bully noh! Pero kung mapapansin mo, malabo yun mangyari kay Ash palang wala na silang panama eh.
Napangiti ako bahagya. Buti nalang may naging kaibigan ako dito.
Napalingon ako ng may marinig akong kaluskos mula sa kung saan.
Dali akong napatayo sa kinauupuan ko.
Gosh! Sino yun? O baka nakalimutan kong kakahuyan ito at may mga ligaw na hayup dito!
Muli akong nakarinig ng kaluskos kaya mabilis ako pumihit patakbo palalayo doon.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang napaka gandang sapa? o ilog? Aish! Basta lamang tubig! Lintek!
"Paano ako tatawid dito? Paano nalang kung may engkanto dito?!"
Nanginig bigla yung katawan ko sa naisip ko! Ano ba IU! Wala kana bang ibang magandang maisip?! Grr!
Lalanguyin ko ito? Hah! Hindi ako marunong lumangoy! Paking--tape! Nagpabalik balik yung tingin ko sa sapa--ilog tska sa tinakbuhan ko kanina. Butil butil ng tumutulo yung pawis ko.
"Paano ako aalis dito?!! May maligno ba dito? diwende? Kapre? Manananggal?! o kaya asawang?!"
Napayakap ako sa aking sarili! Badtrip na utak 'to kung kelan kailangan ko ng matinong pagiisip saka pa nananakot!
Muling may kumaluskos sa kung saan.
"Haah! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!" takot na takot nako! Goodness gracious!
BLAG!
"Aaaahhh!"
Natumba na ako sa kinakatayuan ko at tuluyan ng lumagapak sa sapa--ilog.
Nanuot sa buong katawan ko ang mala yelong lamig ng sapa--ilog na kinahulugan ko. Hindi ko na nakita pa yung mukha ng taong dumating. Tanging anino lang niya ang naaninag ko na papalapit sa kinaroroonan ko.
Unti unti nakong bumulusok palalim, hindi ko alam na malalim din pala ito. Wala nakong maaninang na kahit ano. Nakakainom nako ng tubig...
Papikit na sana ako ng makita ko kung sino ang lumitaw sa harapan ko.
"Ked.." I muttered.
Kahit nasa ilalim ako ng tubig ay nagawa kong sambitin ang pangalan niya.
I felt relieve seeing him right now. Napapikit nako ng tuluyan..
**
May mainit na kamay ang humaplos sa aking psingi. Napadilat ako ng bahagya, inilibot ko ang paningin kung nasaan ako.
Dahan dahan akong umupo sa higaan. Inalalayan ako nitong umupo.
"Nasaan ako?" I asked.
"Nasa bahay ko." tugon niya.
Muli kong pinagmasdan ang kwarto kung nasaan ako, puro kahoy ang mwebles. Modern Wooden House. Nakaka mangha sa ganda.
Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakaka manghang pag masdan 'tong lugar, sobrang nakaka relax na kahit ata dito nako tumira ay hindi ako magsasawa.
I looked at him. Paano niya kaya ako nasundan? So siya yung narinig kong kaluskos?
"Paano mo ako natagpuan? B-bakit mo ko niligtas?" I wonder kung bakit, pagkatapos kong sabihing hate ko siya kanina.
Napayuko ako sa kahihiyan.
"Why you ran away?" his voice is calm as he asks me. Nilingon ko ito saglit.
I looked down, hindi ko siya kayang tignan dahil naghuhurumintado na naman yung puso ko.
Napitlag ako ng iniangat nito ang aking baba sapat para magpantay ang aming paningin.
"Do you really hate me?"
He asks me like his life is depending on what I'm going to respond. I smiled a bit.
"No, I don't hate you. You kiss me without permission, natural magagalit ako. Who wouldn't be? Tska hindi kita boyfriend para matuwa ako!" I explained. Iniwas ko ang tingin ko sa gwapo nitong mukha.
"I can be your boyfriend. I'll court you. Do you want that? Or we can proceed to be boyfriend--girlfriend relationship?" Napatingin ako sakanya ng wala sa oras, pinanglakihan ko ito ng mata.
"Oy, teka anong boyfriend--girlfriend yang sinasabi mo?! Nababaliw kana ba?! Pumayag naba ako? Tska bakit ba tayo andito? Hinahanap na ako nila Ems at Ash." wala sa sarili kong sambit. Aish! Napaka walang hiya talaga ng lalaki na ito eh. Masdong straight forward kung magsalita!
"You told me you'll be happy if you're boyfriend will kiss you. Then I can be you're boyfriend. I don't want any boy to kiss you, I will kill them." tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.
May sira na ata talaga itong lalaking ito. Kung ano ano yung sinasabi! Kairita!
"Magtigil ka nga dyn! Anong kill you kill you ka dyn! Ayaw kitang maging boyfriend. Masdo kang gwapo..." halos pabulong kong sinabi yung huling salita.
"Should I make myself ugly just to be you're boyfriend?"
Halos mabilaukan ako sa sagot nito sakin. Seryoso talaga siya?!
Nakatayo na ito sa harapan ko habang naka pang meywang. Seryoso niya akong tinignan.
"M-matutulog m-muna ako.." I fake my yawned. Kinusot kusot ko yung mata ko para kunwari inaantok pero ang totoo ay gising na gising ang diwa ko sa mga pinagsasabi nitong lalaking ito.
Muli akong humiga sa kama at tumagilid. Ayoko munang kausapin ito. Baka bigla akong pumayag sa sinasabi nitong--oh s**t! Ano ba itong sinasabi ko?!
I bit my lip so hard. Gusto ko sanang batukan yung sarili ko sa mga naiisip ko. Gosh! Kailangan kong bumalik sa ulirat ko kung hindi baka tuluyan na akong mahulog sa patibong ng lalaking ito.
"Will talk tomorrow. Goodnight."
Ipinikit ko ang dalawang mata ko ng maramdaman kong inayos niya yung kumot ko. Shiiiizz!
Kung pwede ko lang talian etong naghuhurumintado kong puso! Grrr!
I heard the click of the door. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Mabilis akong napaupo saka bumuga ng hangin. Ilang segundo ko bang pinigilang huminga?
"Aaaaiish! Tama na heart. Wag kang ano dyn." napahawak ako sa aking dibdib. I closed my eyes and calm myself.
Wala lang iyon. Wag kang assumera. Wala siyang gusto sayo at pinag tri-tripan kalang niya.
Tumango tango ako. Tama yun. Trip niya lang ako.
Pabagsak akong humiga sa kama, pinagmasdan ko ang kisame kahit wala naman talaga kong mapapala doon.
Baka sakaling dalawin ako ng antok.
"Ked...what do you want from me?" I muttered.
Ano nga kayang kailangan mo sakin. Bakit ganito ang pakikitungo mo sakin?
I wonder why...
To be continued...