Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ang malaman ko na hindi ako totoong anak ni mommy ay isa nang malaking rebelasyon sa akin. Pero ngayon nang sabihin ni daddy na hindi ko totoong kapatid si Ate Alicia, lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. "Anak huwag kang mag-isip pa, ang mahalaga ngayon ay nasabi ko na ang totoo sa'yo." Sabi ni daddy na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Napatitig ako dito at tumango. Dalawang araw mula nang malaman ko ang katotohanan kay daddy, isang tawag mula sa Amerika ang natangap namin. At ito ay ang tungkol kay Ate Alicia, ang kaibigan nito ang tumawag at hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. "Please help me Akisha, ikaw na lang ang alam ko na makakatulong sa ate mo." Pakiusap nito mula sa kabilang linya, si daddy na nasa harap ko ngayon ay nakiki

