Si Kari ay tinabihan ako ng upo dito sa veranda dahil hindi pa ako pumasok. "Bakit hindi mo pa binabati ang asawa mo?" Tanong nito kaya napatingin ako dito. "Medyo mahirap pa sa ngayon Kari." Bulong ko kaya napatawa itong mahina at napailing lang. "May problema ka ba na hindi sinasabi sa akin?" Tanong na naman nito kaya natigilan ako at napayuko. "I don't have Kari, medyo marami lang akong iniisip sa trabaho at hindi ko pa naa-adjust ang sarili ko." Sabi ko dito kaya tumango lang ito. Napaisip ako kung sasabihin ko ba dito ang natuklasan ko tungkol kay Light, pero sa huli ay kailangan ko na muna itong sarilinin. "Kung may problema ka sabihin ko lang sa akin, huwag mong sarilinin yan okay." Sabi nito kaya napangiti ako at umusog dito at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito. "Salama

