Nakauwi ako na wala sa loob at buti na lang ay wala si daddy o si Kari pagkauwi ko. Sabi ni manang ay nasa kwarto niya raw si daddy at nagpapahinga. Si Kari naman daw ay umalis kanina pa, kaya tumango lang kao dito at saka ako umupo sa sofa. "Gusto mo bang kumain hija? Nagluto ako ng carbonara." Sabi ni manang kaya napatingin ako dito at saka nag-isip kung kakain ba ako o hindi. "Mayamaya na lang po manang, kukuha na lang ako. Gusto ko lang po munang magpahinga saglit." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at saka na umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at unang bumungad na mensahe sa akin ay galing kay Light. Nangungumusta ito at nami-miss na raw ako nito, hinagis ko ang cellphone sa gilid at napahiga ng tuluyan dito sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, pagkagising ko ay

