Maaga akong nagising dahil papasok ako ngayon sa opisina kahit sabado. Kailangan ko talaga ng doble kayod dahil kailangan kong makakuha ng atlist five investors. Nakita ko ang mensahe ni Aunt Mariko kaya napangiti ako, nasabi ko na dito ang kalagayan ngayon ng pamilya namin. Even though alam ko na hindi basta-basta na mapapalambot ang puso nito ay kailangan pa rin nitong malaman ang tungkol kay daddy. I told her that my dad is doing better now, may therapist ito na linguhan kung bumisita. Hindi na rin matigas ang ulo nito na pinipilit ako na bumalik na ito sa trabaho. Napangiti ako nang mag-reply ito nang maayos, masaya ito sa nagiging pagbabago kay daddy. Nang matapos kaming magpalitan ng mensahe ay naligo na ako, at nang matapos ako ay saka na ako bumaba. Maaga na naman na nagisi

