Maghapon naging abala kami ni Kari dahil patapos na naman ang taon, tatlong buwan mula ngayon ay mas marami na kaming trabaho.
Christmas is approaching again, napakabilis ng panahon pero wala pa rin pinagbago ang buhay ko.
Tumatawag si mommy pero hindi ko ito kayang sagutin, alam ko na sesermonan na naman ako nito.
Saka ko na ito sasagutin kapag hindi na ako abala sa ginagawa ko.
Dumadagdag pa ang mga katrabaho ko na matitigas ang ulo at hindi ginagawa ng maayos ang mga trabaho nila.
"Kain tayo mamaya may masarap na resto malapit lang dito at sigurado ako na magugustuhan mo ang mga pagkain nila." Napatingin ako kay Kari, na mukhang excited sa sinabi nito kaya napatango na lang ako.
Basta pagkain, lagi itong nangunguna. Buti na lang hindi kami tabain kaya nasasabayan ko ito sa mga foodtrip nito.
Salitan naman kami, ililibre niya ako ngayon bukas ako naman sa kanya.
Nakabukas ang telebisyon dito sa opisina ko kaya nakita ko ang balita na ikakasal na si Ate Alicia at Blue kaya halos gusto kong batuhin ang screen.
Tila perpekto silang magkasintahan sa harap ng kamera, pero napaismid ako dahil alam ko na hindi naman iyon totoo.
"Hindi ako makapaniwala na mabilis ang engagement nila kahit mag-aapat na buwan pa lang." Komento ni Kari kaya napatingin ako sa kanya.
Oo nga pala hindi ko pa naikukwento sa kany ang nangyari sa bahay.
"Buntis si ate, kaya minamadali nila ang kasal." Bigla na lang itong lumabas sa bibig ko na nakapagpalaki ng mga mata ni Kari at lumapit sa akin.
"Talaga?" Tanong niya na hindi makapaniwala tsismosa talaga ang baklang ito.
"Si daddy ang nagdesisyon kaya wala silang nagawa at yan ginawan na nga nila ng paraan." Wala sa loob ko na turan.
Tatlong araw lang ang nakakaraan ay nagkagulo sa mansyon ng dahil sa sinabi ni ate sa mga magulang namin at ito ay buntis at si Blue ang ama.
Nasaktan ako ng sobra, pero after ko malaman na ayaw niyang panagutan ang anak ni ate, ay nawalan ako ng amor sa kanya dahil hindi siya lalaki sa pag-tangi niya sa anak niya.
He even told to our parent's that he is not the father, nakita ko kung paano masaktan ang mukha ni ate.
I saw her crying while begging to our dad, and now they put it on public.
Wala na ngang kawala si Blue, malaki na rin ang pinagbago ng lalaking iyon.
So parang ganon lang, matapos niyang magpasarap kay ate ay wala itong balak na panagutan ang nabuo nila.
Sa loob ng ilang taon ay hinangaan ko ito ng husto, minahal ko rin kung totoo nga talaga ang damdamin kong iyon pero nong malaman ko ang totoo nitong ugali. Nawala ang lahat ng respeto at paghanga ko dito sa isang iglap lang.
Hindi ko nakita ang lalaking hinangaan ko ng ilang taon dito, bagkus ay nag-iba talaga ito ng ugali.
Mga magulang ko at mga magulang ni Blue, ang nag-desisyon mismo na ipakasal sila ni ate sa lalong madaling panahon.
Dahil ito sa emahe na iniingatan ng bawat pamilya, at isa pa ay ayaw ng mga ito na makarating ito sa media.
Lalo na sa posisyon ng mga magulang ko na iniingatan ang maganda nilang reputasyon.
Naglasing ako kagabi hindi dahil sa engagement nila kundi sa sinabi ni ate sa akin.
Nag-alala pa naman ako dito pero nawala iyon ng parang bula nang sabihin nito ang bagay na kung bakit hindi natuloy ang panlilugaw daw kuno sa akin ni Blue.
Alam nito na may gusto ako kay Blue, and Blue has the same feelings as mine.
But Ate Alicia is like the antagonist in the novels that i read, she did everything she can to take Blue away from me.
Ayaw niya na mapunta sa akin si Blue, kaya ginawa niya ang lahat para hindi kami mabigyan ng tyansa bagay na muntik ko na itong maingudngod sa pader.
Buti na lang nakita ko agad ang mga ugali nilang nakakadiri kaya napakalma ko ang sarili ko.
Well, both of them are sick people.
Baka kung hindi ako nakapagpigil ay baka nasaktan ko si ate.
Buti na lang naisip ko na buntis ito at baka may mangyaring masama sa dinadal nito, maging kasalanan ko pa.
Bigla na lang sumagi sa akin ang mukha ng lalaking nakasama ko kagabi, at kaya napabuntong hininga na lang ako.
Malaki ang pasasalamat ko dahil wala itong ginawang masama sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Light is mysterious man, may kakaiba dito na hindi ko maipaliwanag.
But i am kinda attracted to him, ang bagay na ito ay hindi ko maiwasan na hindi maramdaman sa lalaking iyon.
Hindi ko alam kung bakit malakas ang dating ng lalaking iyon sa akin, kaya ako naiinis sa sarili ko, nakapagtataka na hindi ko ito naramdaman kay Blue.
Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumatawag at nakita ko ang number ni Blue, nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ito o hindi pero sa huli ay sinagot ko na lang.
Pinatay ko na ang tawag, pero nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.
Pero nang muling tumunog ang cellphone ay inis ko na lang itong sinagot.
"Sino kausap mo?" Nagulat ako ng tapikin ako ni Kari kaya napailing na lang ako.
"Blue want to talk to me." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang rin siya.
"Makikipagkita ka ba?" Tanong nito ulit kaya napabuntong hininga na lang ako.
"One last time siguro, para may closure na kami sa isa't isa." Sabi ko na lang dito.
"Eh, sigurado ka ba na handa kang harapin yang lalaking iyan? Baka maging isyu na naman yan sa kapatid mo." Paalala nito na ayaw akong papuntahin kaya napatitig ako dito.
"Pupunta ako Kari, para makausap ko na rin siya." Sabi ko pa rin sa kanya kaya napatango na lang siya.
"Gusto mo samahan kita?" Sabi na lang niya.
Pero umiling lang ako at sinabi na kaya ko naman sandali man lang iyon kaya napapayag ko na rin siya.
"Hindi na, kakausapin ko lang naman siya. Tapos uuwi ba rin ako." Sabi ko dito kaya tumango na lang ulit ito.
"Basta kapag may problema tawagan mo ako ah, at saka mag-ingat ka baka may galamay ang kapatid mo." Sabi pa nito kaya napangiti ako at tumango dito.
Pagkatapos ng office work namin ay nagpaalam na ako kay Kari na aalis na ako kaya tumango na lang siya at sabay kami na bumaba ng opisina.
Blue texted me the location where we met, sumakay ako sa kotse ko at saka napahinga ng malalim.
Pumunta na ako sa lugar kung saan makikipagkita si Blue, at hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin ng lalaking iyon.
Nakita ko agad ito na nakaupo habang nasa cellphone ang tingin pero binaba niya ito ng makita ako.
"Mabuti naman dumating ka." Nakangiti niyang turan kakaiba ang itsura nito, at alam ko na nakainom ito kaya napailing na lang ako.
"Mabilis lang ito ano ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Akisha i love you, at hindi ko gustong magpakasal sa ate mo napilitan lang ako." Bigla nitong sabi kung hindi ko pa nakikita ang totoo niyang ugali ay baka kinilig na ako ng sobra pero napailing ako ng lihim.
"Panagutan mo si ate, dahil nakabuo kayo ng bata at saka maging responsable kang lalaki." Nasabi ko na lang sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako.
"No! Hindi sa akin ang batang iyon promise." Tila desperado niyang turan kaya napatayo ako at iwinaksi ang kamay ko na hawak niya pa rin.
"Let go of me Blue, please you're drunk okay." Pinipilit ko na bawiin ang kamay ko pero hindi niya binibitiwan kaya nainis ako sa kanya.
"No! Akisha ikaw ang gusto ko please makinig ka sa akin sumama ka sa akin tatakas tayo." Desperado niyang turan kaya lalo akong nainis sa kanya.
"Let me go now!" Medyo tumaas na ang boses ko at nakakakuha na kami ng atensyon sa ilang costumer dito sa cafe.
Dahil natakot ako sa paraan ng pag-approach ni Blue. Hindi ko agad naisip na nasa pampubliko kaming lugar.
"Diba sinabi niya na bitiwan mo siya?" Nagulat ako ng may magsalita na lalaki sa likod ko at pamilyar ito sa akin.
Agad niya akong hinawakan at sinuntok bigla si Blue ng magmura ito dahilan para mabitawan nito ang braso ko dito ako nakahinga ng maluwag.
Hindi na ito nakabangon dahil mukhang nakatulog na.
Inutusan ni Light ang mga waiter ng cafe na dalhin sa prisinto ang lalaki.
Hinila na ako ni Light at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nakahinga ako ng maluwag dahil niligtas niya ako mula kay Blue.
Pero natakot ako dahil baka may kumuha ng litrato o video. At sigurado ako na kapag nakarating ito kina mommy ay lagot talaga ako.
Pero saka ko na iyon iisipin, ang mahalaga ay nakalayo ako sa lalaking iyon. At ang gwapong lalaki na nasa tabi ko ngayon ang nagligtas na naman sa akin.