Chapter five

1532 Words
Nagising ako na parang may nakayakap mula sa likod ko kaya nagulat ako, at agad napabangon pero biglang pumintig ang sakit ng ulo ko kaya napabalik ulit ako sa pagkakahiga. Kinabahan ako ng may gumalaw sa tabi ko at braso ng isang lalaki ang nakita ko na nakayakap sa beywang ko. Naalala ko na nagpunta ako ng bar mag-isa kagabi at naglasing kaya parang gusto kong maiyak sa mga oras na ito. Lalo na at may lalaki na nakayakap sa akin, gumalaw pa ito at bahagyang umungol pero hindi naman nagising. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap nito sa akin at pigil ang hininga ko na hindi ito magising, nakahinga ako ng maluwag ng matanggal ko ang braso nito sa baywang ko at agad akong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Natigil lang ako ng maalala ko ang nangyari at pinakiramdaman ang sarili ko kung may kakaiba sa akin, para akong aatekihin sa kaba dahil baka naisuko ko na ang sarili ko dahil lang sa alak sa lalaking ito. Pero wala naman akong kakaibang nararamdaman sa maselang parte ng katawan ko, bukod sa sakit ng ulo at nahihilo ako ng kaunti ay wala na kaya nakahinga ako ng maluwag saka ko nilibot ang paningin ko sa paligid at kung wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon ay mamangha ako sa buong silid. "Tatalikod ka na lang ba at tatayo diyan na parang tuod?" Marahas akong napatingin sa likod ko dahil sa pamilyar nitong boses at ganon na lang ang gulat ko ng mamukhaan ko ang lalake. "Ikaw!?" May kalakasan ko na tanong dito paanong ito ang lalaking nakilala ko ilang araw na ang lumipas. "Surprise indeed." Wala sa loob nitong turan at tumayo pero naka pajama lang ito at walang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang ganda ng katawan nito. Napatingin siya sa akin at napangisi kaya napatalikod ulit ako. "Anong ginagawa ko dito bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko kung bakit ako nandito. "You drank too much last night woman, and i brought you here." Wala sa loob nito na sagot sa akin at sinundan ko siya ng tingin habang inaayos ang hinigaan namin. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang isang lalaki na nag-aayos ng tinutulugan niya. "Nandyan sa kaliwa ang banyo kung maghihilamos ka at may pambabae na damit diyan na binili ko kagabi." Sabi niya kaya napatingin ako sa isang pinto. Napahinga ako ng malalim dahil napakakaswal lang nito kung magsalita. Hindi ko alam kung paano ko tuloy ito tatanggapin sa sarili ko. Napakatanga ko talaga, bakit pa kasi ako uminom ss bar na iyon. Pero naisip ko pa rin na paano kung wala o hindi ako nakita ng lalaking ito doon? Baka kung ano pa ang nangyari sa akin. Pero kailangan ko pa rin na maging matatag lalo na at nahihiya ako ng husto sa lalaking kaharap ko na tila walang pakialam sa paligid niya. At isa pa ay isa itong college student, at kapag may nakaalam nito na nakikipagkita ako sa isang estudyante ay malalagot ako sa aking ama. "Uuwi na ako." Wala sa loob ko na turan dito kaya napatingin ito sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at napailing na lang. "Mamaya na ihahatid kita, pero kumain ka muna ng agahan." Sabi nito pero nahagip ko ang bag ko at nakahinga ako ng maluwag at kinuha ito. Pagkakuha ko nito ay akma na akong lalabas ng pinto ng bigla itong bumukas at isang matangkad na lalaki ang pumasok halata itong nagulat ng makita ako. "I bought breakfast." Sabi nito at itinaas ang isang paper bag na may logo ng isang fastfood restaurant. "Ilapag mo na muna diyan pare kakausapin ko lang si Miss Mataray." Nagsalita ang lalaki na nasa likod ko na pala kaya napigil ko ang hininga ko. Lumabas ulit ang lalaki at agad akong pumunta ng pinto pero nagulat ako ng makita ko ang braso niya na nakasandal na sa pader at nakulong ako sa kanya napasandal ako sa dibdib niya at hindi ako makapaniwala na mas matangkad pa pala ito sa akin. "Sinabi ko naman sa iyo na hindi ka muna aalis diba." Seryoso nitong turan malapit sa tenga ko ang mainit niyang hininga kaya kinilabutan ako. "Uuwi na nga ako wala ng dahilan pa para magtagal ako dito at salamat kasi dinala mo ako dito at ligtas ako masaya ka na?" Tuloy-tuloy ko na turan sa kanya pero napatawa lang ito ng mahina li-nock niya ang pinto at umalis na ito sa likod ko. "Bago ka umuwi, atlist change your clothes and maghilamos ka muna." Sabi nito kaya namula ng husto ang pisngi ko at napayuko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito at kinuha ang paper bag na may laman na damit at nagmamadali akong pumunta sa banyo. Ni-lock ko ito at mabilis na naghilamos at nilabas ang damit na binili nito. Isang white t-shirt at loose pants ang nandito kaya agad ko itong sinuot na sakto sa katawan ko. Saka na ako lumabas at nakita ko ang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Light ang pangalan, dahil ito ang pakilala nito nong nakaraan sa amin ni Kari. "Ihahatid na kita sa baba." Turan na lang nito kaya napatingin ako dito nakatalikod na siya sa akin at dito ko nakita ang tato niya na halos sakop ang buong likod nito. "Tara na?" Nakabihis na ito at nakalapit na sa akin ng hindi ko namamalayan dahil iniisip ko pa rin ang tatoo nito para bang pamilyar ito sa akin at hindi ko alam kung saan ko ito nakita. "Anong lugar ito?" Tanong ko sa kanya ng naglalakad na kami sa isang mahabang pasilyo. Ang nag-iisang pinto na kung saan kami lumabas lang ang pinto ng buong lugar na ito. "Bababa tayo take note nandito pa rin tayo sa bar nasa baba lang nitong second floor, pero hindi tayo doon bababa." Sabi nito habang nakapamulsa. Napasimangot na lang ako dahil dito ito nakatira napatigil ako ng huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Nakikitira lang ako dito kaya alisin mo sa isip mo yang iniisip mo." Napatingin ako dito habang nakangisi ito at napairap na lang ako. Kung tutuusin ay parang hindi siya twenty one years old kung mag-salita at kumilos base na nakikita ko sa kanya. Para siyang badboy na laging tambay sa mga bar at babaero. Napailing ako sa iniisip ko naglakad na ulit siya at sa gilid ng pinakadulo nitong hallway ay may elevator. Nang makababa kami ay diretso kami sa parking area nitong bar at nakita ko agad ang kotse ko. May mangilan-ngilan ng tao sa piligid at napailing na lang ako at kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ko na ang kotse ko. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" Napatingin ako sa dito. "Salamat Light." Mabilis ko na turan sa kanya saka ako pumasok sa kotse ko at nagulat ako ng nakadungaw na pala siya sa bintana ng nakabukas ko na kotse. "By the way Akisha, you are a good kisser when your drunk." Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi ko at hindi ko agad na proseso sa isip ko ang sinabi niya. Nakita ko na lang na naglalakad na ito pabalik sa elevator at saka lang ako natauhan at nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya. Napahilot ako ng ulo ko ng nararamdaman ko pa ang hangover ko kagabi at ang nakakinis na alaala ng lalaking makulit na iyon. Nakauwi ako kanina at dahil maraming trabaho sa opisina ay pumasok pa rin ako. Pero masakit pa rin ang ulo ko, kahit na uminom na ako ng gamot. "Kanina ka pa Akisha ano bang nangyari sa iyo?" Napatingin ako kay Kari na lumapit sa mesa ko. "Dahil ba iyan sa engagement party ng ate mo?" Tanong niya. Naalala ko ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nagbar at malasing ng mag-isa at nakita ko ulit ang lalaking antipatikong iyon. Napailing ako at napahawak sa ulo ko, napapitlag ako ng tapikin ni Kari ang lamesa ko. "Naglasing ka kagabi ano?" Nanlalaki niyang mata na tanong sa akin kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Wala talaga ako na maitatago sa kanya kahit anong gawin ko na pagtago. "Mag-isa kang uminom sa bar!?" Gulat niyang tanong ng sabihin ko sa kanya na naglasing ako. "Ikaw talaga paano kung napahamak ka? Hindi mo man lang ako tinawagan." Inis na turan niya sa akin. "Wala naman nangyaring masama sa akin Kari." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya na nakita ko ulit yong lalaki na nakilala namin sa restaurant. Sa huli ay nag-kwento na lang ako sa kanya at ng matapos ako ay nakangisi na siya kaya napailing na lang ako. "Tadhana na ang gumawa ng paraan dahil pinagtagpo kayo." Wala sa loob niya na turan kaya napailing na lang ako sa kanya. "Hindi na ulit kami magkikita ng lalaking iyon." Naiinis ko na turan sa kanya pero nagkibit balikat lang ito kaya lalo akong nainis. "Well, malay mo magkita ulit kayo." Sabi pa nito kaya lalo akong nainis dito. "Pwede ba tumigil ka na magtrabaho na lang tayo." Sabi ko dito kaya lalo lang itong napatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD