Patuloy na nagpumiglas sa hawak ko si Akisha, pero hindi ko ito binigyan ng pagkakataon na makawala sa akin.
"Ano ba! Gusto ko pa ng alak! Ang kulit mo naman!" Sigaw niya ulit ng maibaba ko siya at napaupo ito sa kama pero lasing na lasing na talaga ito.
“I don't have wine here.“ Sabi ko dito pero napaungol lang ito at napapadyak pa sa sahig.
Tila ito bata habang nagkakamot ng ulo. Ilang baso lang ng alak ang ininom nito kanina dahil sinubaybayan ko na ito mula nong pumasok itong mag-isa dito sa club.
Napansin ko rin na medyo mahin ito sa alcohol, at tila hindi sanay uminom. Nagtataka ako kung ano ang problema nito.
She barely even open her eyes too, napailing na lang ako sa kakulitan nito.
"Mister, gusto ko pa nga ng alak." Muli itong nagsalita kaya napatingin ako sa kanya, pero nagulat ako ng bahagyang nakalantad sa akin ang pusod niya dahil sa suot nito na halos makita na ang kalahati ng katawan nito.
Wala ito sa sarili dahil lango na ito sa alak kaya napailing na lang ulitako.
"Hindi ka na pwedeng uminom." Sabi ko sa kanya pero sinimangutan lang ako nito ba bahagyang nakabukas ang mga mata.
"Boring dadalhin mo ako dito tapos walang alak." Irita niyang turan saka napatingin sa paligid tapos ay sa akin.
Napailing na lang ako at kumuha ng tubig sa ref at nilagay sa baso at muling bumalik sa kanya.
"Here drink it." Binigay ko sa kanya ang isang baso ng tubig at napatingin lang siya rito.
"Ano yan alak?" Wala sa loob niyang tanong kaya napailing na naman ako.
May naisip ako na paraan para uminom siya ng tubig kaya nilagok ko ito at lumapit sa kanya, at walang salita na hinalikan siya habang binibigay ko sa kanya ang tubig na nasa bibig ko.
Napaungol siya at napahawak sa balikat ko kaya kahit wala na ang tubig sa bibig ko ay nilaliman ko ang halik sa kanya.
This is the first time i kiss a woman, and Akisha is excempted for it. Why? I don't feel like kissing someone before.
But now, i am kissing this woman whom i just met. But this is Akisha afterall.
Pero nagulat ako at pareho pa kaming napatigil ng may kumatok sa pinto kaya pareho kaming humihingal na napatingin sa isa't isa.
Napangisi ako ng bigla siya mapahiga sa kama at pumunta na ako sa pinto para pag buksan ang istorbo.
Nakangisi na mukha ni Saeki ang tumambad sa akin kaya napasimangot ako.
"Bilis ha." Komento niya saka sumilip sa kwarto pero hinarangan ko siya.
"Ano ba kailangan mo?" Irita ko na tanong sa kanya pero nakangisi lang siya at tila may gustong sabihin.
"Natapos ko na pinapagawa mo naitapon ko palabas ng bar yong mga asungot at nasa ban list na rin sila." Sabi niya kaya napatango ako.
"Bumili ka ng damit na pangbabae at pagkain." Utos ko sa kanya saka siya napangisi ulit at akmang muling sisilip sa kwarto pero hinarangan ko ulit siya.
Tumawa na lang siya at pasipol-sipol na tumalikod saka nawala.
Bumalik ako sa silid at nakahiga pa rin ang babaeng masarap ang mga labi.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama at tinitigan siya.
Napangiti ako dahil nakatulala lang siya at nakahawak sa labi niya.
"First kiss ko iyon at para lang iyon kay Blue." Bulong niya pero nang marinig ko ang sinabi nito ay medyo nairita ako.
Kinubabawan ko na lang siya na ikinagulat niya, bahagya pa itong napalunok at malalim akong tinitigan.
"Ako na ang ngayon ang nagmamay-ari sa mga labi mo Akisha." Bulong ko sa kanya kasabay ng paghalik ko ulit sa kanya.
Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na mapigilan ako bagkus ay mas nilaliman ko pa ang halik sa kanya na ikinaungol niya, kasabay ng pagdala ko sa mga kamay niya sa ulunan niya habang ang isa kong kamay ay humimas sa beywang niya hanggang sa mga dibdib niya.
Ang mga sumunod na sandali ay hindi ko nakontrol pa, lalo na at nagsimula na rin siya na tumugon sa mga halik ko.
"Ang sarap..." Bulong niya kaya napangisi ako at hinalikan siya sa leeg niya pababa sa dibdib niya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa ulo ko at napapaungol pa siya sa masarap na ginagawa ko.
Unti-unti kong hinubad ang damit niya dahilan para tumambad sa akin ang kulay puti niyang panloob at sa loob nito ay ang mayaman niyang dibdib kaya napalunok ako.
Tuluyan ko ng hinubad ang panloob niya at tumambad sa akin ang maputi at tila kay lambot niyang mga dibdib, hindi ako makapaniwala na may ganito siya kayaman na hinaharap kaya lalo akong nag-init at sumubsob agad ako dito.
Napakabango, at napakalambot nga na halos hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito sa kanya.
Pero may biglang sumagi sa isip ko ang ngiti at tawa ng isang batang babae habang nakatingin sa akin kaya natauhan ako bigla at napatigil sa ginagawa ko.
Na-guilty ako sa ginagawa ko bigla kaya napasabunot ako sa buhok ko.
Tinignan ko siya habang humihingal at nakapikit agad ko siyang niyakap at napapikit.
Hindi pa ito ang tamang oras para gawin ko ito sa kanya muntik na akong magkasala dahil lang sa kapusukan ko.
"I'm sorry, mi amore." Bulong ko sa kanya ng muli ko siyang tingnan ay nakatulog na siya kaya napailing na lang ako.
Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya at kinumutan siya saka ako tumayo napahinga ng malalim.
Napaupo na lang ako sa upuan at tinitigan lang siya na mahimbing ng natutulog.
Ano ba itong nagawa ko! Hindi ako dapat magpadalos-dalos at isa pa ay hindi ko ito aangkinin habang lasing.
Mayamaya pa ay dumating na si Saeki at binigay sa akin ang damit na binili niya at ang pagkain na pinabili ko sa kanya.
Pinapasok ko na siya at tumingin siya sa akin at sa natutulog na si Akisha.
Binihisan ko ulit ito ng hinubad ko na damit nito kanina at kinumutan ko dahil nilalamig ito.
"Anong balak mo ngayong hawak kamay mo na siya?" Tanong niya habang inaayos ang pagkain sa lamesa dito sa kabilang kwarto.
Ang buong thirdfloor pala ay ang tinutuluyan naming dalawa ni Saeki mula noong dumating kami dito, at ang bar sa baba ay pagmamay-ari ng isa mga tauhan ko at kabilang sa organisasyon namin.
Dito namin napiling manatili dahil walang ingay at tahimik mula sa magulong lugar at maingay na lungsod.
"Gusto ko ng simulan ang mga plano ko pero mukhang masisira ito." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang siya.
Mukhang susunod na lang kami sa agos ng oras dahil ngayon ay halos hawak ko na ang isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ako sa lugar na ito.
“Just make sure na nasa plano pa rin ang lahat Light, i can't wait to see her father in the dept of despair.“ Sabi nito kaya napangisi lang ako at tumango dito.
“Bababa na ako tutulong ako baba, maraming kliyente ngayong gabi.“ Sabi nito kaya tumango na lang ako at saka na ito lumabas ng kwarto.
Napatitig ako kay Akisha na bahagyang kumilos at saka mahimbing ulit na nakatulog.
Nilabas ko ang pagkain na binili ni Saeki at saka nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay napatitig ako sa babaeng tuluyan nang nakatulog, napailing ako at tinapos ko na ang pagkain ko.
Nang matapos ay naligo ako at agad na kinuha ang laptop ko at nagsimulang magtrabaho.
Habang abala ako ay napapatingin pa ako sa magandang babae na natutulog sa kama ko.
Muntik ko na itong magalaw, buti na lang ay nagkaroon ako ng self restraint kung hindi baka masira pa ang plano ko
I need to be careful, pero sino ba naman ang hindi magkakaroon ng pagnanasa sa babaeng ito.
Napakasimple lang nito pero iba ang dating, nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko at napangisi ako nang makakuha pa ako ng mas maraming impormasyon tungkol sa mga De Luna.
Nang matapos ako eksaktong alas dos ng madaling araw, inabutan na ako ng antok na kanina ko pa pinipigilan.
Tumayo na ako sa sofa at tinabi ang laptop ko at lumapit sa kama at saka humiga sa tabi ni Akisha.
Hininaan ko ng kaunti ang aircon at saka ko niyakap si Akisha na napaungol pa, dito ko ito lalo pang niyakap at tuluyan na akong ginupo ng antok.
Nagising ako na umuungol si Akisha kaya agad akong bumangon.
She's having a nightmare, what in the hell what is happening to her?
Ito ang tanong ko sa sarili ko, when i remember something in Kyles report.
Dito ko napagtagpi-tagpi ang lahat. She's like a dog in his father's hand.
Lahat ng kilos at desisyon nito ay ang ama niya ang kumukontrol. Napamura ako at napatitig muli dito.
Agad ko itong niyakap dahil umiiyak na ito at katulad ng lagi kong ginagawa sa sarili kahit mag-isa lang ako ay niyakap ko ito ng mas mahigpit pa.
This woman is broken, and i feel it.
Paano ito nabubuhay sa araw-araw kung ganito ito! Anong klaseng ama o tao ba talaga si Sergio De Luna!?
Sa naisip ko ay lalo akong nagkaroon ng dahilan para mapabagsak ang hayop na taong iyon!