Chapter three

1562 Words
Isang lumang pier ang kung saan huminto ang kotse ni Light Davidson, at napatingin sa kanya ang bodygurad niya. "Boss, nasa loob na sina Kyle." Sabi nito kaya inayos na niya ang kanyang coat at dala ang briefcase na may lamang pera. Isang pambihirang araw na naman ito at mukhang magkakaroon na naman ng magandang resulta ang misyon na ito. Nang matapos ang misyon namin ay agad akong umuwi sa bahay at naabutan ko na si Saeki ang kaibigan ko, at may hawak itong brown envelope. "Magbibihis lang ako." Sabi ko dito na pinakita ang ilang talsik ng dugo sa coat ko kaya tumango lang ito. Napatingin ako sa kaibigan ko ng tapikin niya ako sa balikat habang nakaupo na ako dito sa labas ng terrace ng mansyon namin. "Nakita ko na siya." Kinabahan ako sa sinabi nito kaya tumayo ako at kinuha ang isang brown folder na inabot nito sa akin. "Nandyan lahat ng impormasyon na gusto mong malaman tungkol sa kanya." Sabi nito kaya napatango ako at napahinga ng malalim. "I'm going back to my room, kung may kailangan ka nasa taas lang ako." Sabi nito kaya napatingin ako dito at tumango. Umalis na ito kaya napaupo ulit ako at magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. At wakas makalipas ang ilang taon ay hawak ko na ang impormasyon na matagal ko nang hinihintay. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang larawan ng isang babae, dalaga na pala ito at napakaganda nito lalo hindi ako makapaniwala na siya na ito labing limang taon na ang nakakaraan ng makilala ko ito. Walong taong gulang lang ito noon ng makilala ko ito, ang iyakin pero napakagandang bata na bumihag sa batang puso ko. Napangiti ako dahil lumaki siyang masayahin at maraming kaibigan, nawala nga lang ang ngiti sa labi ko ng makita ko sa larawan ang mga magulang nito. Ang mga tao na dahilan kung bakit namatay ang aking ina at ang kapatid ko. Ang pamilyang ito ay dahilan kung bakit nawala ang pamilya ko, pamilya ang kinuha nila sa akin, kaya pamilya rin ang kapalit nito. Nilukot ko ang ilan sa litrato at galit na napatingin sa mga larawan ng pamilya ko na nakakabit sa harap ng lamesa ko. Magbabayad silang lahat sa mga ginawa nila sa pamilya ko, at sisimulan ko ito sa pagbuo ng plano ko. Sisimulan ko ang paglapit sa kanilang prinsesa kay Akisha De Luna, ito ang magiging susi ko sa kanyang mga magulang. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng mga ilegal nilang gawain ay natatakpan nila ito sa pamamagitan ng pagiging matulungin nila at maganda ang imahe nila sa publiko dahil dito. Ito ang ikinayaman nila ang kumitil ng buhay ng mga tao na walang kalaban-laban sa kanila. Nakabuo ako ng plano kung paano ako magsisimula sa mga plano ko at ang pagkuha sa babaeng pinakamamahal ko. Isa lang ang ikinatatakot ko ito ang malaman ni Akisha ang totoo kong pagkatao. Napatingin akong muli sa litrato nito paanong sa ganitong paraan ko pa muling makikita ang dalaga. Kahit sandali ko lang itong nakita noon ay inalam ko talaga kung sino ang pamilya nito. Ang batang babae na napadpad noon sa resthouse namin at ang bumihag sa bata kong puso. Pero ang pamilya nito ang dahilan kung bakit nawalan ako ng pamilya kaya mukhang magkakaroon pa ako ng problema. "Magpapanggap kang college student?" Gulat na tanong ni Kyle matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko. "Oo mukha naman akong hindi thirty years old diba?" Tanong ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas kaya tinutukan ko agad siya ng baril kaya napatigil ito. "Hey! Relaks boss ano ka ba hindi ka na mabiro." May kaba na turan niya kaya binaba ko na ang baril ko. "Pupunta tayo ng Pilipinas, at magpapanggap na mga estudyante at para walang makaalam sa pagkatao natin." Sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming bumuo ng plano. Nagpagawa na rin ako ng pekeng birth certificate at pangalan ginamit ko ang Light Davidson, na kinuha ko sa pangalan ko na Elijah at ang apelyido ko ay basta ko lang naisip. But Davidson was my mother, surname before she was adopted in Rosenthal Clan. Pati ang kaarawan ko at edad ay binago ko rin at wala akong sinayang na oras at hinanda ko na ang lahat para sa pagpunta sa Pilipinas. Sa wakas makalipas ang ilang taon ay babalik ako sa lugar kung saan binawi sa akin ang pamilya ko. "Hindi mo ba pupuntahan ang master bago ka umalis?" Napatingin ako sa butler namin si Mr. Iwai isang hapon na ang pamilya nila ay matagal ng naninilbihan sa pamilya namin. Matanda na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan anak niya si Saeki ang personal bodyguard ko at kaibigan ko mula nong pagkabata. "Wala naman magbabago hindi naman niya ako maririnig." Wala sa loob ko na turan sa kanya. "Ilang buwan kang mawawala kaya pakiusap, young master." Nakayukod pa rin niyang pakiusap kaya napahinga ako ng malalim. Bago nagdesisyon na pagbigyan ang kahilingan niya kaya napatango na lang ako at sinukbit ko ang bag ko at lumabas ng silid ko. Saka ako dumiretso sa isang silid sa thirdfloor at binuksan ang fingerprint scanner at saka ito bumukas. Rinig na rinig ko ang mahinang pintig ng makina sa buong silid at sa gitna ay ang kama kung saan nakahiga ang aking ama. Ilang taon na ba ang nakakalipas ng maratay siya dito, at hindi na nagising mula noong araw na iyon. Kahit maraming beses na siyang muntik na mapahamak ay hindi ko siya sinukuan dahil hindi ko pa siya kayang bitawan. Kaya ito isang makina na lang ang nagdudugtong sa buhay niya salamat sa pinsan ni daddy, na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin sa akin at sa organisasyon na naiwan ng aking ama na ngayon ay ako na ang namumuno. "Kaunting hintay lang dad, malapit na natin makuha ang hustisyang matagal sa atin na pinagkait." Bulong ko habang nakatingin sa natutulog ko na ama. Ilang sandali pa ay tuluyan na akong lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Ngayon na handa na ako sa gagawin kong palabas ay alam ko na ito na ang simula ng unti-unti kong pagsingil ng utang ng mga taong dahilan kung bakit ako nawalan ng pamilya. "Hindi ako makakasama pare, Anton need me right now." Sabi ni Kyle kaya napatingin ako dito at tinapik lang ito sa balikat. "It's okay Kyle, Saeki will accompany me. Anton need you more than me." Sabi ko dito kaya tumango ito at saka na nagpaalam sa akin. Napatitig ako sa kalangitan at may bahagyang ulap na nagbigay ng lilim sa mainit na panahon. When i was young i use to love this kind of scenery, but now i hate now. Ito ang nagpapaalala bg nakaraan sa akin. Kung paano nila kinuha sa akin ang aking ina at kapatid na walang kinalaman sa lahat ng ito. Napabalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ako Saeki sa balikat, habang nandito ako sa labas ng bar na kung na saan ang babaeng iyon. "Pumasok ka na nalalasing na siya at may mga nagsisimula ng lumapit sa kanya." Sabi niya kaya sunod-sunod kong hinithit ang sigarilyo ko at saka ko ito tinapon sa paanan ko at tinapakan ito. Magkasunod kaming pumasok sa bar at hinanap si Akisha, na naglalasing kasama ang kaibigan niya. Dalawang araw na ang nakararaan ng makilala ko siya sa wakas dahil nagpanggap akong isa sa mga varsity player at syempre isang college student. Napakaganda talaga niya lalo na sa malapitan kaya hindi ko napigilan na lumapit sa kanya. At ngayon nga nakikita ko na lasing na lasing siya at may akma na lalapit kaya dali-dali akong lumapit dito. "Don't you dare touch her or else you will see hell!" Banta ko sa lalaki kaya marahas ito na napatingin sa akin. "Nauna ako sa kanya pare." Lasing nitong sagot kaya nainis ako kaya napatingin ako kay Saeki napatango lang siya at ito na ang humila sa lalaki palabas ng bar. Agad ko nang kinarga si Akisha kaya nagulat ito pero inakyat ko siya sa taas at pumunta ako sa isa sa mga pribadong silid dito sa taas. Habang mahimbing ang tulog ng babae ay hindi ko maiwasan na hindi mapailing. Nang makita ko ito sa isang fastfood restaurant nong nakaraan ay, nakita ko agad ang pagkasungit nito. Her beauty is no match in any other woman I've met before. Pero hindi yon ang nakakuha ng atensyon ko dito, nagbago ang mga mata nito. Tila napakalungkot nito at tila may pinagdadaanan. Yong litrato na nasa envelope na binigay sa akin ni Kyle nong nakaraan, ibang-ibang sa itsura nito ngayon. Nakapagtataka kung bakit, pero kahapon nalaman ko kung ano ang dahilan ng pagbabago nito. At napangisi ako, hinaplos ko ang pisngi nito habang natutulog. Ngayon na hawak ko na ito wala nang dahilan pa para hindi ko gawin ang matagal kong plinano. Iisa-isahin ko ang mga ito at walang ititira sa pamilya nito, syempre magsisimula ako sa kung paano ko mapapabagsak ang kumpanya ng ama nito. Akala ko ay tuluyan na itong makakatulog pero agad rin na nagising. Lasing na lasing ito kaya tumayo ako at napatingin ito sa paligid. "I need more wine! Give me more!" Lasing nitong utos kaya napailing na lang ako. Agad ko itong nilapitan nang akma itong tatayo pero nagpumiglas ito sa hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD