Chapter two

1556 Words
“By the way my name is Light, nagpakilala na ako sa kaibigan mo." Sabi nito kaya napatingin sa akin si Kari. "My name is Kari and this is my bestfriend Akisha." Pakilala rin ni Kari dito na sinabi niya talaga ang pangalan ko. "Mataray ang kaibigan mo." Komento ng lalaki kaya napatawa si Kari kaya tinapik ko ito sa binti. "May ginagawa kami mister kaya pwede ba bumalik ka na sa mga kaibigan mo." Sabi ko sa dito na seryoso itong tinignan pero nagkamali ako dahil nakatingin rin pala ito at ang lakas ng t***k ng puso ko ay dumoble. Ano bang problema ng lalaking ito napakakulit. "Pasensya ka na dito sa kaibigan ko." Narinig ko na turan ni Kari sa lalake natawa lang ito ng irapan ko siya. "Saan ang university niyo?" Tanong nito bigla kaya napatingin ako dito iniisip ba nito na mga college student pa lang kami. "Oh no! Light, two years ago when we graduate in college." Natatawa na sabi dito ni Kari kaya gulat itong napatingin sa akin saka napatawa ng malakas. "Akala ko talaga college student lang kayo." Sabay tawa pa rin nito at napamura pa ng mahina kaya napangisi ako. "So dapat tumigil ka na sa pagpapa cute mo mister dahil matanda ako ng dalawang taon sa'yo." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. "Mas maganda nga dahil pwede kitang ligawan." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito. Seriously this man gosh! Napailing na lang ako at parang gusto kong maasar kay Kari dahil tumawa lang ito. At tila kinikilig pa sa tabi ko. "Excuse me may boyfriend na ako." Bigla kong sabi dito kaya natigil ito at napatitig siya sa akin. "Then i will get you out of him try me." Seryoso niyang turan kaya kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya, kahit si Kari ay napatingin dito at halatang nagulat. "My god! Nanonood ba ako ng korean novela?" Hinampas ko si Kari sa balikat at agad akong tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng fastfood chain at diretso sa sasakyan ko. Nang makapasok ako ay saka lang ako huminga ng maluwag at napahawak ako sa dibdib ko. Ano bang problema ng lalaking iyon at ganun ito magsalita samantalang hindi ko naman siya kilala at hindi ako makapaniwala na makakatagpo ako ng ganung kahambog na lalaki. For my twenty-two years of my life, ngayon lang ako nakatagpo ng ganon na lalaki. Kakaiba rin ang pakiramdam ko dito kaya lalo akong naiinis sa sarili ko. Nagulat ako ng may kumatok sa bintana at nakita ko si Kari kaya binuksan ko ang driver side para makapasok siya. "Anong ibig sabihin ng pag walkout mo?" Nakangisi niyang tanong kaya inirapan ko siya. "Ang hangin ng lalaking iyon kaya hindi ko matiis." Mataray ko na turan sa kanya pero tumawa lang siya ng malakas. "Well, ganon talaga mga kabataan ngayon. Medyo aggressive pero mukha naman na mabait yon." Sabi nito kaya napatawa ako dito at napailing na lang. Sabay kaming mapatingin sa harap ng kainan, at lumabas doon yong mga kasamahan ng mahangin na lalaki at nagtatawanan pa sila. Nakasunod lang dito ang tingin ko at napalunok ako ng lumapit ito sa isang bigbike at nagsuot ng itim na jacket at kinuha ang itim rin na helmet. "Wow! Ang gwapo talaga niya." Napatingin ako kay Kari na nakangisi sa akin kaya inirapan ko siya. "Anong silbi ng Blue Samañiego mo kung may Light ka?" Pagpaparinig niya kaya inirapan ko lang siya saka ko pinaandar ang kotse ko. Hindi na ako nagsalita pa dahil patuloy lang ako na aasarin ng kaibigan ko na makulit. Pumasok kami ng opisina kahit malapit ng mag-tanghalian wala naman iyong problema dahil alam naman sa opisina na mala-late kami. Maghapon ay nasa opisina lang kami ni Kari at maraming paperworks pero nakaya pa rin namin ang trabaho. Palibhasa ay marami kaming kailangan na tapusin, mag-holiday na kaya naman maraming trabaho. Dumating ang hapon at nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy, sabi nito ay umuwi ako at may dinner sa bahay kaya wala akong nagawa kundi ang umoo na lang. Nakabalik na pala sila dito, so it means mahalaga ang gaganapin na dinner dahil maaga silang umuwi. "Uuwi ka?" Napatingin ako kay Kari ng magtanong ulit siya sa pangatlong beses kaya napahinga ako ng malalim. "Oo nga ang kulit mo talaga." Sabi ko sa kanya. "Ilang buwan na kasi mula ng umuwi ka kaya nakapagtataka lang, ano kaya ang trip ng parents mo." Sabi niya kaya napahilot na lang ako ng noo ko. Naghiwalay kami ni Kari at tumuloy na ako sa kotse ko at nag-drive ng almost thirty-two munites pauwi sa bahay namin. Medyo malayo pero hindi ko ito halintana dahil after a months ay makakauwi rin ako. Lagi naman kasing wala dito sa bansa ang mga magulang ko kaya pabor ito sa akin. Mula nong nasa third year ako ng college, tumira na ako sa condo ko at nagsarili na. My parents was against it but i prefer my inner piece and dad approve it, but there is an condition. Pero yong kondisyon nito ay madali lang naman, kaya naging pabor ito sa akin. Nang makarating ako sa mansyon ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan kaya kinabahan ako. Nandito na siya ang lalaking gusto ko, pero nakapagtataka kung bakit ito nandito. Blue is my childhood crush ever since i was in highschool. Kaya hinanda ko ang sarili ko para kapag makaharap ko ito ay hindi awkward. "Magandang hapon po señorita nasa lanai po sila." Sabi ng isa sa mga katulong na sumalubong sa akin kaya tumango lang ako. Binigay ko dito ang cake na binili ko bago ako umuwi, at saka ako nagpakad papunta sa lanai. Wala naman gaanong nagbago sa bahay kaya hindi ko ito pinagtuunan pa ng pansin. Nasa bungad pa lang ako ay naririnig ko na ang tawanan nila pero nawalan ako ng gana ng marinig ko ang nakakairita na boses ng kapatid ko. "Akisha my baby your here already." Sinalubong ako ni mommy, kaya napangiti pa rin ako my super sweet mother, pero minsan lang naman ito. Kapag may kaharap kami, she was good at pretending kaya nasanay na ako dito. At isa pa ay nandito kasi si daddy kaya nagbago na naman ang turing nito sa akin. Sumabay na rin si daddy na hinalikan ako ng mariin sa noo kagaya ng lagi niyang ginagawa kaya napangiti na lang ako lalo. "Akisha, long time no see." Napatingin ako sa boses ng lalaki na matagal kong hindi narinig pero nawala ito ng makita ko na magkahawak kamay sila ni Ate Alicia. I really can't believe it what is happening right now, nakakainis at parang gusto kong magwala dahil sa sama ng loob. At ikakasal na rin ang dalawa, in three months they will get married. Tuwang-tuwa syempre ang ina namin, and my dad is just civil for it. Lagi naman itong ganito, kaya nasanay na ako. All he want care is his business. "You will our bridesmaid Akisha." Sabi ni ate habang nakangiti, napatingin ako dito at napatango lang. Si Ate Alicia ay okay naman, hindi ito bully pero hindi rin naman kami magkasundo. Lumaki kami na maraming pagkakaiba, when i first met Blue they are classmate. At alam ko na may lihim na silang relasyon noon pa man, dangan nga lang ay sikat na modelo na noon si ate kaya tago ang kanilang relasyon. "Akisha?" Tawag ni ate sa akin kaya napatitig ako dito, she was giving me a warning look so i smiled a bit. "Kailan ang balik niyo sa Amerika?" Si mommy na naramdaman ang awkwardness sa paligid ay nagsalita at nagtanong kay ate. "I am staying here mom, me and Blue dahil aayusin namin ang kasal namin dito." Sabi ni ate na nakangiti at saka tinignan si daddy na walang imik, kumakain lang ito ng magana. Natapos na ang napaka awkward namin na hapunan, matapos nilang ibalita sa akin na may relasyon na si ate at si Blue kaya wala akong gana sa buong durasyon ng hapunan. Bago ako umakyat ay na-corner ako ni ate na masamang nakatingin sa akin. "I don't like you attitude Akisha, Blue will be my husband soon." Sabi nito kaya napakunot ako ng noo. "I know, Ate Alicia. You don't need to tell me a many time's." Sabi ko dito saka ako umakyat sa taas at hindi pinansin ang pagtawag nito sa akin. Nakahiga na ako dito sa kwarto ko dahil ayaw akong pauwiin ni mommy, sa condo ko kaya napilitan na lang ako na dito matulog. Uuwi rin ako mamayang madaling araw dahil hindi ko naman kakayanin pa na manatili dito. Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ko na may nag- friend request sa akin sa social media. Light Davidson, napabangon ako dahil hindi ako makapaniwala na mahahanap niya ang account ko. Hanggang sa naalala ko kung sino ang posible na nagbigay nito sa lalaking iyon. Humanda talaga sa akin bukas si Kari makukurot ko iyon sa singit. Wala sa loob na tinignan ko ang profile ng lalaki at puro litrato lang nito ang naka post at ilang mga kotse at bigbike. Nakita ko kung gaano ito ka famous dahil sa dami ng mga likes at comment nito. Hindi ko sinasadya na mapindot ang accept button kaya napahiyaw na lang ako sa unan ko dahil sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD