Iyak ako ng iyak habang naglalakad at nang may humintong kotse sa likod ko ay natakot ako. Nagmadali pa ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung paano kung may mangyaring masama sa akin. Pero hindi talaga huminto ang sasakyan sa likod ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko, pero dahil sa taranta ko ay hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko sa mga sandaling ito. Binalik ko na lang sa bag ko ang cellphone ko. “Are you okay hija?“ Narinig ko ang tanong ng isang babae kaya napatingin ako dito. Napahinto ako at nagtataka na nakatingin sa babae. Huminto ang kotse nito at bumaba ang isang babae na kasing-tanda lang marahil ni mommy. “Halika sumakay ka at mainit na ang sikat ng araw.“ Sabi nito na inalalayan ako na makapasok sa kotse nito. Wala na akong nagawa dahil iyak p

