Nag-aalala na ako dahil hindi pa tumatawag si Light mula nong nakaraan, hindi ko alam pero masama ang kutob ko. Napatingin ako kay aunty na lumapit sa akin at saka ako inabutan ng hiniwa nitong mansanas. "Hindi pa ba tumatawag ang asawa mo?" Tanong nito kaya umiling lang ako. "I am sure na tatawag rin iyon, baka abala lang diba sabi mo ay gising na ang ama niya?" Sabi nito kaya muli ajong tumango. Like what Yuki said yesterday, maayos na raw ang kalagayan ng ama nito. Binalita ito ng ama niya at medyo nagtaka rin si Yuki dahil hindi gaanong nagbigay ng anuman na komento ang ama. "Oo nga pala tumawag si Kari, nakahanap na raw sila ni Crissy ng apartment at malapit lang dito." Pag-iiba na ng usapan ni aunty kaya napangiti na lang ako. Matapos ang tanghalian ay tumawag si Kari na iniim

