Isang malaking bahay ang hinintuan namin at naalala ko agad ang lugar na ito. Ang bahay na ito ay minsan ko nang napuntahan noong bata pa ako. So ito pala ang lugar kung saan tinago ni daddy ang ina at kapatid ni Light, i can't believe that after all this year may ganitong bagay na tinatago ang aking ama. This place is full of memories dito ko nakilala ang batang lalaki noon at minsan ko nang pinangarap na sana makita ko itong muli. Naalala ko na, hindi ang resthouse namin sa Batangas ang lugar na iyon. Kundi sa lugar ko na ito nakita ang batang lalaking iyon. Magkamukha kasi ang resthouse na ito sa Batangas kaya inakala ko noon sa lugar na iyon ko nakilala ang batang lalaki noon. Nakita ko si Yuki na kanina pa tila kabado kaya hinawakan ko ito sa braso kaya napatingin ito sa akin.

