Finally nalaman ko rin ang totoo dahil kay daddy mismo nanggaling ang katotohanan. I felt like i am gonna outburst in tears, pero pinigilan ko ito. "Mahal na mahal kita hija kaya ayokong mawala ka sa akin kaya mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan mo noon." Bulong nito kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Pero ako ang dahilan kung bakit nawala ang ina at kapatid ni Elijah daddy." Bulong ko kaya napailing ito. "I ask their forgiveness hija buhay pa sila nang dalhin namin sila sa hospital, pero ang mommy mo ang nagsabi sa reporter noon na dead on arrival silang mag-ina, maging ang kasama pa nila na babae." Sabi ni daddy kaya hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito at napalunok. "They are still alive hija they are not dead at ako ang kumupkop sa kanilang mag-ina." Napakal

