Wala sa loob na humigop ako ng ice tea na nasa harap ko at napahilot ng noo. "If ever na wala talagang kasalanan ang ama mo, ngayon pa lang pipigilan ko na si Light sa mga binabalak niyang gawin Akisha." Bulong nito kaya kinabahan ako at napatitig dito. "Is he the reason why our company has bankruptcy?" Lakas loob ko na tanong dito kaya napatitig rin siya sa akin. Sa mga mata pa lang ni Yuki ay alam ko na ang sagot, lalo akong nanlambot at nanginig pa lalo ang mga kamay ko. "It's already late Akisha, you need to go home now." Sabi nito kaya tumango lang ako at tumayo na. Naghiwalay kami ni Yuki na gulong-gulo rin ito sa mga sinabi ko. “Call me again Akisha, i want to know the truth too.“ Sabi nito kaya tumango ako at hinintay muna ako nitong makasakay ng kotse bago na rin ito sumakay

