Nagdesisyon kami na mag-honeymoon ni Light sa Japan. Gusto ko rin kasi na makita si Aunt Mariko, at sa Okinawa namin balak na mamalagi ni Light. Talagang pinaghandaan talaga nito ang lahat kaya wala akong masabi. Sabi nito ay mamamalagi kami doon atlist two weeks. Para na rin daw makapagpahinga ako kahit papano, gusto ko nga sana kahit one week lang pero hidni ito pumayag. While packing our things ay pumasok si Kari dito sa kwarto ko. "Ang bilis Akisha, Mrs. Davidson ka na." Sabi nito na tinulungan ako na magtupi ng damit na nilalagay ko sa maleta. "I never been this happy Kari, marrying Light is like my escape from my family." Bulong ko kaya natigilan ito at napapailing na lang. "I am so happy for uou my friend, pero paaano kapag nalaman ito ng mga magulang mo?" Tanong pa rin nito

