"Buntis? Paano ka nabuntis? Sino’ng nakabuntis sa iyo?" gulat na tanong ni Nanay. Nanlaki ang mga mata niya. "Sabihin mo sa amin kung sino ang lalaking nakadisgrasya sa iyo! Si Dexter ba? Akala ko ba wala na kayo? O baka naman iyong lalaking naghahatid sa iyo rito sa bahay si Jer... Jer... Jerjer ba iyon?" tiim-bagang na sita ni Tatay. "Jerry po, ‘Nay. Kaibigan ko lang po iyon at wala po kaming relasyon. Wala na talaga rin po kami ni Dexter kaya imposibleng may mangyari sa amin," pagtatanggol ko sa kanila. "Kung ganoon, sino? Iharap mo siya sa amin nang makausap nang masinsinan. Kailangan niyang panagutan ang dinadala mo!" nanlilisik ang mata na sinabi ‘yon ni Tatay. "Ano po kasi... complicated po ang lahat... aksidente lang kasi ang nangyari," nakatungong sabi ko sa kanila. "Aksident

