Kalahating oras na pala akong naglalakad. Wala naman kasi masyadong taxi na dumaraan dito sa area na ito. Buti na lang ay medyo kabisado ko na ang mga pasikot-sikot at paliko-liko sa lugar na ito kaya puro sa shortcut na lang ako dumaraan instead na sa main road para makabalik sa bayan. Napagod na rin ako sa kaiiyak. Naisip kong kailangan ko na sigurong tanggapin na wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa kami ni Bernard. Hindi ko na rin nagawang sabihin sa kanya na magiging tatay na siya. Wala akong lakas ng loob. Sa ngayon ay mag-isa kong haharapin ang pagsubok na ito. Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay napansin ko na parang may mga matang nakatingin at nagmamasid sa akin kaya medyo kinabahan ako at naglakad nang mabilis. "Paksyet, walang masyadong tao sa paligid. Puro eski

