Wala kaming kibuan sa buong biyahe papuntang mansyon. Pareho kaming shocked sa mga nangyari. Ang daming revelations ang naganap at hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng natuklasan ko nang araw na iyon. Pagkarating namin sa mansyon ay dinala niya agad ako sa kanyang kuwarto at doon kami nagsimulang mag-usap. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?" Inumpisahan ko na ang interrogation. "Nilagyan ko ng tracking device ang cellphone na gamit mo." Itinuro niya ang cellphone na hawak ko. "Itong Bokia? Pa’no mo nalagyan, eh bagong bigay ni Nanay sa akin 'to?" pagtatakang ko. "Sa akin galing iyan. Inabot ko sa nanay mo at sinabi ko na galing sa company iyan. Sinabi ko rin na huwag ipaalam sa iyo na ako ang may bigay para hindi mo tanggihan," nakangiti niyang sabi. Nagdilim ang paningin ko

