"Anak, may bisita ka!" sigaw ni Nanay habang ako naman ay naglilinis sa kuwarto ko. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Manang Patring. "Manang Patring? Napadalaw po kayo. Pinapunta po ba kayo ni Bernard dito?" nagtataka kong tanong. Siyempre hoping pa rin. "Hindi, naisipan ko lang na dalawin ka at kumustahin. Parang tunay na anak ko na si Bernard at siyempre parang apo ko na rin ang batang dinadala mo," nakangiting tugon niya. "Mabuti naman po kami ng bata. Mag-aapat na buwan na ang tiyan ko. Hindi pa halata pero malakas na akong kumain," nakangiting wika ko. "Mabuti naman kung ganoon," sabay hinawakan niya ang tiyan ko. "Maupo po kayo. Kumusta na po sa mansyon?" Sabay kaming umupo sa sofa habang si Nanay naman ay dumiretso na ng kusina para maghanda ng inumin. "Masyadong naging m

