CHAPTER 8 PART 2

2024 Words
Seems like, every single one of us in the family’s the same. I mean, for guys, we kinda need some sort of heroine before we reach a divine enlightenment or something. Kaya lang, the thought again as always is such a loss, I have mine. No, let me rephrase that, I had mine but she’s far away now, beyond my reach. But I’m still seeing through it, the day I will meet her again. I know, I will. I hang up at pagkatapos noon. Mabigat kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa conference room. Iniwan ko na ang coat ko sa office ko. Masyado akong galit at masyadong preoccupied ang isipan ko tungkol sa bagay na nagpapagalit sa akin para isipan pa ang tungkol sa coat ko. Pagdating ko sa conference room, aapat pa lang ang nanduon. They are my respectful and trusted followers.  Iyong iba hindi ko alam kung saang lupalop pa kumekembot at wala pa din dito. Umupo na ako sa may spot ko at sabay noon, tumayo ang mga naroon ng board of directors saka sila nagbow sa akin. sumenyas ako na paupuin na sila. Hindi ko maiwasang mapatingin sa Rolex watch ko. May three minutes pa bago maubos ang thirty minutes na binigay ko sa kanlang palugit. Hindi ko maitanggi sa sarili ko ang pagkayamot at pagkabagot. Ayaw ko pa naman sa lahat Iyong pag-iintayin ako. Sa tuwing nag-aantay ako, parang mauubos na ang lahat ng mura sa mundo. Kahit di ko ibukambibig ang mga salitang iyon, sa isip ko, makailang ulet ko na binibigkas iyon. Mas lalo lang uminit ulo ko sa galit, nadagdagan pa ng inis. Makalipas ang tatlong minute, isa isang patakbong pumasok ang mga boards at habang napasok sila, nakatungo lang sila kase alam nilang nasa loob na ako. bago sila umupo isa isa ay nagbabow muna sila sa akin. sa dalawampu’t dalwang directors, isa nalang ang hindi pa dumadating, si Director Nestor. Ang walang hiyang iyon! Bawat isa sa kanla ay may dala dalang brown folder. Alam kong laman ng mga iyon ang bawat reports nila. Pero hindi iyon ang rason kung bakit ko sila pinatawag. Tahimik lang silang nakatingin sa akin. ang mga mata nila ay cautious sa ano man ang pwedeng mangyari, ramdam ko din ang takot sa bawat titig nila. Makaraan ang ilang minuteo ay saka pa dumating ang gagong si Director Nestor. Sa lahat siya lang ang hindi naka office suit.  Nakanavy blue maong shorts siya at nakalacoste collared shirt na sky blue. May dala dala pa siyang golf club. “Good day, Sir,” masaya niyang bati sa akin. Nakangiti pa siya habang sinasabi niya iyon. Walang mudo, ang pekeng tao. Sinubukan ko lang na kontrolin ang galit ko. Baka kase kung magwala ako dito, magamit ko pa ang golf club niya na ipanghampas sa kaniya eh. I remain my frowning expression at nakatitig lang ako sa kaniya. When he realized that I am not in the mood and that I’m not giving anything away, napahilaw niya ang kanina’y maliwanag niyang ngiti. Umupo siya sa upuan niya at gaya ng iba, mataimtim na nakatingin lang sa akin. Muling umusbong ang katahimikan. Tinignan ko sila isa isa at habang nakatingin ako sa kanla, hindi ko maiwasang makita ang paglunok nila. That means, they’re shaking. Hindi ko na pinatagal pa at sinabi ko na ang purpose kung bakit ko sila pinatawag. Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita. “The purpose of this meeting is…” habang pinutol ko ang dapat na sanay sasabihin ko. Hindi maitanggi sa expression ng mga mukha ng mga tao sa harap ko ang halong kaba at takot sa maari kong sunod na sabihin. Muli ko silang tinignan isa isa hanggang sa ilock ko ang pagkakatingin ko sa direksyon ni Director Nestor. Napalunok siya nung mismong isinide ko ang ulo ko para igesture na may ginawa siyang masama. Kinuha ko Iyong kopya ng kontrata na minail sa akin ni Halter. Binuklat ko ito at pinakita sa lahat. Alam kong hindi nila kita ang laman noon, gusto ko lang iassume nila na isa Iyong document na hindi ko gusto. Bawat isa, tinry nilang palakihin ang mata nila makita lag ang laman ng documenting hawak ko pero mapapansin mo sa mga mukha nila na wala silang kahit anong iseya sa maaring content noon. Finally, muli kong tinitigan ng masama si Director Nestor, sa pagkakatingin kong iyon, Iyong ibang director ay napatingin din sa direksyon niya. Iyong iba naman, patuloy pa din sa pakikipaglakihan ng mata mabasa lang Iyong dokumento. “ Director Nestor,” putol ko. “do you by any chance, have any idea about this matter?” Iyong ibang kanina pa nakatingin sa kaniya, ay mas lalo pa nilang diniinan ang pagkakatitig sa kaniya. Napakunot ni Director Nestor and forehead habang critical na sinusuri Iyong document mula sa malayo. Tinatry niya sa sarili niya kung narirecognize niya ba Iyong documentong iyon. Pero as soon as he retires, inayos niya ang pagkakaupo niya at sinagot niya ang tanong ko. “No. I don’t think so, Sir,” at ease at padeclare niyang pagkakasabi. Hindi ko maitago ang pagkainis ko kaya naman. Muli akong nagsalita. “Right then, please have a closer look,” sabi ko. Sumenyas ako kay Paige na nasa di kalayuan na ibigay kay Director Nestor ang document na iyon. Agad niya naman itong kinuha sa akin at binigay niya ito kay Director Nestor. As soon as narecognize niya na ang nasabing document. Mula sa kinauupuan ko, kita ko ang sunod sunod niyang paglunok at biglang pagdaloy ng malalaking pawis niya. halos mabasa na ang mga buhok sa gilid ng mukha niya sa pagpapawis. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ko na ang totoo. “As you can see, Director Nestor, you have your name at the bottom of the page under your signature. My name as well as my signature is there too, though I don’t recognize that I’ve signed such kind of contract. It says that, with my consent and will, I’m going to sell Saphire Enterprises and Holding to the European bidders. And Oh! The OIC has his signature as well. Now, do you still think so that you don’t recognize that conspirative  contract?” I said those with much sarcasm that I could manage. Pansin ko ang nanginginig niyang hawak sa kontrata na pinabigay ko sa kaniya. Lahat din ng ibang directors sa gawi niya na nakatingin. Iyong iba napalingiw nalang, Iyong iba naman nagbubulungan. Hindi ko na sila sinaway, gusto kong iparamdam sa pekeng taong ito kung gaano kasama at kahiya hiya ang ginawa niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa sinuman sa amin. Nakatitig lang siya sa kontrata habang patuloy ang pagdaloy ng mg pawis niya sa namumula niyang mukha. “Before I forget, the what and whom and where are already covered. The when on the other hand still needs to be said,” nagpause muna ako, gusto kong makuha lahat ng atensyon nila. Nung halos lahat sila ay nakatingin na sa akin, muli kong pinagpatuloy ang pagsasalita ko. “ I believe, you and OIC Robert are planning to sell my company on the month before next.” Nung sabihin ko iyon, napapikit ng mata si Director Nestor at madiin niya itong ginawa. Nakakaawa man siya pero wala akong planong palipasin lang ang ginawa niya. That company means a lot to me. Its name implies how much it does. Sa sinabi kong iyon, sumabog na ang bulungan sa loob ng conference room. Nakacross-arm alng ako sa upuan kong tinitignan siyang kinukutya ng ibang board Directors. Habang busyng busy sila sa bulungan and passing shameful judgments to him, tinawag ko si Paige at sinabi sa kanyang tawagan si Zoren at sabihin sa kaniya lahat. Alam na ni Zoren ang gagawin niya. We’ve been through the same scenario as before. Patuloy pa din ang pag-iingay nila. Para silang mga bubuyog, mga malalaking bubuyog na pinagtutulungan ang isang mabahong bulaklak. Wala na akong ibang maisip gawin para mapatigil sila laya naman, hinampas ko ang kamay ko sa mesa at sing bilis ng liwanag at kidlat, natahimik sila at nawala na ang mga maiingay na tunog. Nakatungo ang ilan sa kanla habang Iyong iba naman, cautious na patingin tingin sa direksyon ko. Inaantay nila ang sasabihin ko. Since alam na nila lahat ang conspiracy na kinasasangkutan ni Director Nestor gusto ko ding ipaalam sa kanla ang susunod na mangyari. “Mr. Nestor, you’re fired. All of your assets and other liabilities will be freeze as worth fit punitive damages of your action. I will still grant you of your claim for your salary and other retirement benefits; however, appropriate lawsuit will be charge on you. This applies to OIC Roberts as well.” Napanganga Iyong ibang board of directors sa sinabi ko. Kitang kita ko din ang lines na nakaguhit sa ilalim ng mata ni Mr. Nestor. At mas lalo niya pang diniinan ang pagpikit niya sa mga mata niya. I’m really f*****g pissed. Akala ko matatanggal na ang galit ko pagka nasabi ko na ‘tong lahat, hindi pa pala. Habang patuloy ako sa pagsasalita, patuloy din ang pagtindi ng galit ko. Tumayo na siya mula sa upuan niya na nakatungo lang. Hindi ko lubos maisip na magagawa ng matandang ito na saksakin ako mula sa likod. Isa pa naman siya sa board members na pinagklakatiwalaan ko. Bago siya makaalis mula sa conference room, may pahabol na mga salita pa akong sinabi sa kaniya. “Clear your office, and I want you out before lunch. And don’t you ever make me see your face again,” pagkatapos kong sabihin iyon. Dirediretso na siyang lumabas at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Nung maglaho na siya sa paningin naming lahat, muli ang atensyon ng board ay nakatuon na sa akin. Mataimtim silang nakatingin sa akin. Iyong iba, hindi ko alam kung guilty din o hindi. Tinignan ko muna sila isa isa bago muling nagsalita. “May this serve as a lesson to you all. Don’t you ever strike me as a fool. Don’t you ever stab me on the back. I see all and I know all. At least inside my company, I do. If you think that you can conceal anything from me, you’re mistaken,” ayoko ng patagalin pa ang meeting na ito. Mas lalo lang akong madidepress. Tumayo na ako mula sa upuan ko at muli akong nagsalita. “This meeting is over. You’re dismissed.” At pagkatapos noon, nauna na akong lumabas sa conference room. Papunta na ako sa office ko at gaya ng dati, nagbabow pdin sa akin ang mga employees ko. Hindi ko sila pinansin since hindi lang dahil sa wala akong sa mood, ayaw ko din na intindihin pa sila. Baka lang sa kala ko mabuhos ang galit ko. Nung nasa may b****a na ako ng office ko, agad kong napansin si Paige na hawak ang cappuccino coffee ko. This time, hindi siya nakangiti. Cautious din siya, she’s not letting her guard down. Bago ako pumasok sa office ko,  nagpause muna ako at nilingon siya. Nakatingin lang siya sa akin at sa loob loob ko, alam kong nanginginig na siya sa titig ko. “Process the retirement of Director Nestor. Freeze his assets and liabilities. Also get my lawyers, schedule us a meeting the day after tomorrow. Cancell all my other schedules for the rest of the day, I’m tired. I want to rest and take a long breath will all this depression and anxiety,” pagkatapos kong sabihin iyon agad naman siyang sumagot ng ‘yes sir’ kaya ayun, nagpatuloy na ako sa pagpasok. Nung nasa loob na ako, agad naman akong napabagsak ng upo sa white leather chair ko. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pahiga akong umupo. Dahan dahan ko ding pinikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD