Chapter Twenty Nine

1847 Words
Chapter Twenty Nine NAPAAWANG ANG labi ko nang marinig ang sagot ni Denisa. "S-Si--" "Oo, si Sygmund ang leader ng mga  Trailblazers," putol niya sa akin, nagulat ako sa panibagong rebalasyong ito.  Bumuntong-hininga si Denisa habang nakatitig pa rin sa kisame. "Malaki ang impluwesnya niya hindi lang sa mga myembro ng Trailblazers clique, kagaya ko, pati na rin sa iba pang mga estudyante,"  Nanlalaki ang tulala kong mga mata habang nakikinig sa kanya. "Siguro tingin mo sinisiraan ko siya sa iyo nitong nakaraang araw pero hindi gano'n," nilingon ako ni Denisa habang nakasandal pa rin ang ulo sa upuan niya. "Sadyang mahirap lang madikit sa taong kagaya niya. Ma-impluwensya at makapangyarihan sa corny'ng paaralang 'to," dugtong pa niya. Nanatilinpa rin akong tulala ng Ilang segundo, tingin ko ay sasabog na ang ulo ko dahil sa dumaraming tanong sa isipan ko. Parang mas lalo akong nangapa ng sagot para rito, gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong na pilit gumugulo sa isipan ko. "K-Kung g-ganoon... I-iyon ba ang dahilan k-kung bakit i-iba ang kulay ng suot nilang uniporme kumpara sa atin?" Lito kong tanong. "Tch," napangisi at tawa si Denisa pero parang tunog sarkastiko iyon. "Oo at hindi ang sagot diyan,"  Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko alam kung mawawala pa ba ang mga tanong sa isipan ko, dahil sa bawat sagot din ni Denisa sa akin ay panibagong tanong ang nabubuo sa isipan ko. "Hayy," tamad ulit na bumuntong-hininga si Denisa at tinitigan ang kisame, para bang pinag-iisipan niya kung paano sasagutin ang tanong ko. "Marami kasing ma-corny-han ang school na 'to..." Panimula niya habang nakasandal pa rin sa upuan at nakatitig sa kisame. "Naalala mo ba na nabanggit kong may siyam Clique dito? Pero pamilyar ka palang sa anim hindi ba?" Saglit niya akong binalingan. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "O-Oo, ang Trailblazers, Contrivers, Rectifiers, Devisers, Reconcilers, Beautifiers, at Indulgers... Tama ba?" "Oo, pero meron pang isa at the tinatawag silang Actualizers," sagot ni Denisa. Puno ng kaseryosohan ang ekspresyon niya ngayon. Actualizers... Kung ganoon... "Iilan lang ang mga estudyante na kabilang sa mga Actualizers at sila iyong mga nakikita mong naka-uniporme," saglit niya akong binalingan na para bang tinatantya ang reaksyon ko. "Isa na nga ro'n si Sygmund," Nanatili akong tahimik at pilit na pino-proseso ang bagong kaalaman na ito tungkol sa eskwelahan. "Itong mga Actualizers na ito, kabilang din sila sa ibang mga Cliques na nabanggit mo kanina pero sadyang mas mataas lang ang ranggo nila kumpara sa atin kaya binuo ng eskwelahan ang hiwalay at special na clique para sa kanila," mahabang paliwanag ulit ni Denisa gamit ang inaantok na boses. Mula sa tingin kong nakapako sa sahig ay bigla akong napabaling ako sa kanya. "R-Ranggo?" Takha at gulat kong tanong. Nakapikit na ang mga mata ni Denisa at mukhang inaantok na pero napadilat ang isa niyang mata nang mapansin na parang nagulat ako sa sinabi niya. "Oo..." Aniya sa pagitan ng paghihikab. "...'wag mong sabihing pati 'yon ay hindi mo alam?" Dinilat niya ang isa niya pang mata at tinitigan ako nang seryoso. "U-Uhh... h-hindi, eh," nahihiya kong sagot bago bumagsak ulit ang tingin sa sahig. "Anak ng..." Dinig kong bulong ni Denisa kaya nilingon ko siya. Napatuwid siya ng upo at parang nagising ang diwa. "Mamatay ata ako sa kunsumisyon dito..." Parang may binulong pa siyang kung ano pero hindi ko na gaanong naintindihan. Bumuntong-hininga si Denisa. "Oo, may ranggo ang mga estudyante rito na nakabase sa c-points na pwede mong makuha. 'Lam mo na naman siguro kung saan nanggagaling ang mga puntos na sinasabi ko at paano natin iyon napapakinabangan?" Ani ni Denisa habang nakapako abg seryosong tingin sa akin, maayos na ngayon ang upo niya kaya parang nakakatakot ang aura niya. "O-Oo! U-Uhm, makukuha ang mga p-points mula sa academic g-grades natin at kung magagawa natin nang maayos ang weekly at monthly tasks. N-Nagagamit din natin ang mga points na ito na p-pambili ng mga pangangailangan natin sa school," sabi ko, pilit na inalala ang nabanggit ni Sandra noong Clique Assembly. "Tama..." Sagot ni Denisa na parang nasiyahan naman sa naging sagot ko. Tamad na sumandal na ulit siya sa upuan. "Ang points at rank system ang dahilan kung bakit karamihan sa mga estudyante rito ay nagsisikap. Sa kasalukuyan, ang Clique na may pinakamataas na rank ay--syempre ang mga Actualizers na sinundan ng Trailblazers," ani niya. "Ang Clique niyo ang sumunod na pinakamataas?" Namangha naman ako roon. "Hay, oo. Siguro dahil na rin sa impluwesnya ni Sygmund," aniya. Nanatili akong nakatitig kay Denisa at hinintay kung may idadagdag siya sa sinabi pero mukhang wala kaya nagpasya akong magtanong nalang ulit. Sana lang ay hindi siya mairita sa akin dahil sa dami kong mga tanong. "S-Sino-sino pa ang ibang Actualizers maliban kay Sygmund?" Tanong ko, sana ay masagot niya. Kahit na nakita ko na ang iba noong orientation ay hindi ko pa rin sila lubusang kilala. Sa pagkakatanda ko ay siyam silang nakaputing uniporme noon at anim na ang nakikilala ko sa kanila: sila Sygmund, Carter, Khalil, Fyruz, President Geneva, at Sandra. May natitira pang dalawa ang hindi ko nakikilala. Kumunot naman ang noo ni Denisa. "Tinatamad akong alalahanin ang mga pangalan nila. Basta kadalasan ay tinatawag sila gamit ang mga pausong codenames. Sila kappa, Iota, Theta, Eta, Zeta, Epsilon, Delta, Gamma, Beta, at ang Alpha na walang iba kundi ai Sygmund Monte Cristo--ang estudyanteng may pinakamataas na posisyon sa school na 'to. Ang corny," Hindi ko na gaanong napansin ang pagngiwi ni Denisa dahil sa disgusto sa mga nabanggit niyang codenames. Dahil natulala na lamang ulit ako sa sahig nang marinig na si Sygmund ang may pinakamataas na posisyon sa eskwelahan na ito. Alpha... Kaya pala lagi kong naririnig ang salitang iyon mula sa ibang mga estudyante pati na rin 'kila Victoria at Tiffany noong nagkausap kami. "Kaya naiintindihan mo ba, Agape?" Bumalik na ulit sa seryosong boses si Denisa. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "Kakaiba talaga ang kayang gawin ng mga Actualizers dito. Mas mataas pa sila sa Student Government at maging ang takbo ng faculty ay pwede nilang impluwesyahan dahil pinapaboran sila ng mismong school director. Kaya maraming tangang estudyanteng nagpapasipsip sa kanila. Pero kapag mas lalo kang napapalapit sa kanila, mas lalo ka rin mapapalapit sa gulo, tandaan mo iyan," punong-puno ng kaseryosohan ang boses ni Denisa. Napaawang ang labi ko habang pilit na iniisip ang mga bagay na sinabi ni Denisa ngayon-ngayon lang. Kahit na isang linggo palang akong nag-aaral dito, pakiramdam ko ay mahabang panahon na ang lumipas dahil sa mga nangyari. Akala ko ay marami na akong nalaman sa nakalipas na isang linggo--pero mukhang mali ako dahil marami pa yata akong hindi maunawaan sa lugar na ito. Ganito ba talaga ang eskwelahan ng mga mayayaman? Medyo komplikado? Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan bago binalingan si Denisa na may seryoso pa ring ekspresyon. Hindi ko na namalayang kagat-kagat ko na pala ang labi ko. "H-Hindi ko naman intensyon na mapalapit sa k-kanila," sabi ko bago iniyuko ang ulo. Tama, nandito lang naman ako para mag-aral, para 'kila nanay, tatay, at sa mga kapatid ko. Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago ko narinig ang buntong-hininga ni Denisa. Napadaki ang tingin ko sa kanya at napansing nag-uunat na siya ng braso. "Hindi kita pinipigilan sa mga gusto mo, basta alamin mo lang kung anong klaseng gulo ang papasukin mo kung sakali," aniya bago tamad na sinipa sa gilid ng double deck ang kanyang sapatos. Parang nakakataba ng puso dahil kahit na hindi niya sabihin, alam ko na may parte sa kanyang nag-aalala sa akin. Magaan na talaga ang loob ko kay Denisa sa unang araw palang ng klase pero mas lalo ko lang nakita ngayon ang maaalahanin niyang ugali--mukha lang siyang masungit pero sa totoo lang ay mabuti siyang tao. Bumuntong-hininga ako at pilit nalang winaksi sa isipan ang mga bagay na nalaman ko ngayon. Mataas ang estado ni Sygmund at ng mga kaibigan niya sa eskwelahan na ito. Nagpapasalamat ako at nalaman ko ang impormasyong iyon pero bukod doon ay may isang bagay nalang akong dapat gawin, ang mag-focus sa pag-aaral ko. Dahil gaya nga ng sinabi ni Denisa, maraming mga estudyante ang gustong makipagkaibigan sa kanila at hindi ko na kailangan dumagdag pa roon saka isa pa, tingin ko naman ay hindi ako karapat-dapat. Nagpasya ako na tanggalin nalang din ang sapatos para makapagpahinga sa higaan. Hinubad ko na rin ang sarili kong i.d. at ipinatong saglit sa gilid ng higaa bago ako yumuko para ayusin saglit ang sapatos na nasa sahig. Nang maayos na iyon ay inangat ko na ang ulo ko at medyo magulat ako nang makita si Denisa na nakatayo na sa harapan ko. Seryoso ang kanyang ekspresyon habang nakatingin sa gilid ng higaan ko. Napakurap-kurap ako saglit habang pinagmamasdan siya na parang estatwang matikas na nakatayo sa harapan ko habang nakapako ang tingin sa gilid ko. Sinundan ko ang tingin niya at napansin parang doon siya sa i.d. ko nakatitig? "U-uh, De-Denisa? A-Ayos ka lang ba?" Naguguluhan kong tanong.  Napatikhim naman siya bago humalukipkip. Ang singkit niyang mga matang nakatitig sa i.d. ko ay nalipat sa akin. "Cristobal ang apelyido mo?" Hindi ko inaasaha ang biglaan niyang tanong sa akin. Medyo naguluhan ako kung bakit niya ako tinatanong nito ngayon. Ngayon niya lang ba nalaman ang apelyido ko matapos ng isang linggong klase? "O-Oo. Iyan ang apelyido ko," sagot ko naman, hindi pa rin sigurado kung bakit niya ako tinatanong. Napabaling ulit sa i.d. ko ang tingin niya tapos ay sa akin, tapos ay sa i.d. ulit. Napakurap-kurap ako dahil sa biglaan niyang inaakto. May mali ba sa i.d. ko kaya palipat-lipat ang tingin niya? Dinampot ko ang i.d. sa gilid at ipinakita sa kanya. "May nakita ka bang mali rito?" Nababahalang tanong ko sa kanya. Baka mamaya kasi ay may mali nanaman akong nagawa nang hindi ko nalalaman. Mas lalong dumiin ang pagtitig ni Denisa sa i.d. kong nakalahad sa kanya. Umawang ang labi niya at parang may biglang sasabihin ulit nang biglang padabog na bumukas ang pinto ng kwarto. Napabaling ako roon at nakita sila Tiffany at Victoria na papasok ng kwarto. Lukot pa rin at tila hindi maganda ang timpla ni Victoria napabaling agad ang iritado niyang mata sa aming dalawa ni Denisa. Napansin kong saglit siyang napatigil at pinagmasdan ang i.d. kong kasalukayang nakalahad kay Denisa. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero parang saglit siyang napako sa kinatatayuan niya habang tinititigan iyon. Hindi ako sigurado dahil nagawa niyang umirap agad pagkatapos no'n tapos ay dumiretso na siya sa higaan nila. Inaasahan kong makakarinig pa ulit ako ng mga masasakit na salita mula sa kanya pero nanatili lang siyang humiga sa kama niya at nag-cellphone, wala ring kibo si Tiffany sa gilid niya. Hindi ko alam pero naging sobrang tahimik ng hapon na iyon para sa aming lahat. Wala nang nagsalita at napuno ng katahimikan ang lahat. Kung tutuusin, dapat ay matuwa ako pero hindi ko maipaliwanag ang kung bakit parang mas lalo akong naging hindi kumportable sa katahimikang ito. -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD