Chapter Six

2185 Words
Chapter Six Cards A G A P E NATULALA AKO habang pinagmamasdan ang maliit na puting card sa kanang palad ko. Tinrace ng daliri ko ang dilaw na logo ng kalapati at araw na naka-imprenta rito. Tapos na ang exam at nakalabas na rin ako ng exam room pero hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung anong nangyari. Grabe, first time ko lang maka-experience ng ganoong klaseng examination! Ganoon ba talaga sa eskwulehan ng mga mayayaman? May mga mental simul...simulation na nagaganap? Parang totoo talaga ang mga nangyari, ang kawalan ng hangin ng baga ko dahil sa pagkalunod, iyong kabang naramdaman ko... pero lahat pala ng iyon ay maihahalintulad lang sa panagip dahil ayon kay Miss Mikaela, kontrolado raw nila ang mga stimulus na nandoon sa panaginip na iyon. Medyo komplilado pero ang astig! Pero may isanh bagay pa rin ang hindi pa malinaw sa akin hanggang ngayon, etong card na hawak ko. Para saan ba ito? Inikot ko ang card para tingan kung anong nasa likod. Kumunot at noo ko nang may mapansin sa bandang baba nito, parang--ano bang tawag dito--ah! Barcode! Teka, barcode? Mangha ko itong pinagmasdan. Kamukha niya iyong mga barcode sa mga atm cards na nakikita ko. Tanda ko na nagkaroon si tatay ng ganoong klaseng card ng minsang nagtrabaho siya rito sa Maynila. "Hmm," patuloy kong inalisa ang card habang naglalakad sa hallway nitong building. Kung tutuusin, ng texture at tigas ng card na ito ay maihahalintulad din sa isang atm card. Pero... para saan ba talaga ito? Naalala ko na nabanggit ni miss Mikaela kanina na ayon sa resulta ng exam ko, kabilang na raw ako sa Reconcilers. Reconcilers. Iyon din ang salitang nababasa ko sa ibaba ng dilaw na logo sa card pero hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin nito. Naputol ako sa pag-iisip nang bigla akong mabunggo sa isang pader kaya nawalan ako ng balanse at nahulog sa sahig. Nabitawan ko tuloy ang card na hawak ko kaya dali-dali ko ulit iyong dinampot bago nag-desisyong tumayo. Ano ba iyan, sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namamalayan kung nasaan na ba ako. Napakapa tuloy ako sa ilong ko kung dumugo ba ito sa pagkakauntog at mukhang hindi naman. Pero may kutob ako na namula ito, naku naman! Ibinulsa ko muna ang puting card sa aking palda bago nilingon ang kaliwa kung saan nagpapatuloy ang hallway. Hindi ko nga alam kung ito ba ang tamang daan palabas, eh. Masyado kasi akong natulala sa loob ng exam room kanina kaya noong nakalabas ako, wala na palang tao. Mahina pa man din ako sa direksyon, hindi ko na maalala kung saan ako dumaan kanina. Nilinga ko muna ang paligid bago nag-desisyon na ipagpatuloy ang paglalakad sa kaliwang direksyon. Pero habang tumatagal ang paglalakd ko sa parteng ito, parang nagsisimula na ako magsisi sa mga desisyon ko sa buhay. Mukhang hindi naman kasi ito ang dinaanan ko kanina noong papunta palang kami. Wala sa sarili ko ulit nginatngat ang kuko ng hinlalaki ko habang nililingon ang bawat dinadaanan ko. May mga nadadaanan akong pinto pero napahinto ako nang may isang kakaibang pinto ang pumukaw sa atensyon ko. Napakunot pa ang noo ko dahil kakaiba iyon sa mga pinto na nadaanam ko kanina, iyong mga kanina kasi ay mga pintong gawa sa kahoy pero itong napansin ko ay mukhang gawa sa bakal. Nangangalawang na kasi at halatang luma na dahil sa itsura nito. Hindi ko alam pero may kakaibang pwersa na nagtutulak sa akin para buksan iyon. Wala sa sarili akong lumapit palapit sa pinto para mas mapagmasdan iyon nang maigi. Nangangalawang na rin ang doorknob na may kupas na gintong kulay taliwas sa kulay silver na kabuuang kulay ng pinto. Mukha talagang luma na ang pintong ito, ah. Siguro isa lang ito sa mga lumang kwarto rito, hula ko ay ginagamit nalang ito bilang stock room o kung ano man. Nang mabuo ang konklusyon na iyon sa utak ko ay nagpasya na akong tumalikod at bumalik sa paglalakad pero hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay may isang kakaiba akong tunog na narinig. Para bang may kumalabog sa mula roon sa loob. Mabilis akong napalingon ulit sa pinto at pinagmasdan iyon. May tao ba rito? Naulit ulit ang tunog na para bang may mabigat na bagay na bumagsak mula sa loob, sinundan pa iyon ng isa nanamang kakaibang tunog na nagpataas ng balahibo ko. Para bang isang tunog ng metal na kinakaladkad sa sahig. Parang kahawig niya ang mga bakal na nagngingitngitan. Nakakatayo ng balahibo at nakakapanlambot ng ngipin. Lalo kong ngingatngat ang kuko ng makaramdan ulit ng kakaibang kaba dahil sa mga tunog na naririnig. Mas lalo pang tumindi ang kaba ko nang parang mas lumakas pa ata iyong mga tunog na narinig ko, mas lalong lumakas ang kalabog at iyong nakakapangilabot na tunog ng bakal. Nagkaroon ako ng kakaibang kutob, parang may hindi magandang nangyayari sa loob ng kwartong ito. Ang akala ko ay baka bodega lang ito? Pero kung bodega lang ito, bakit naman magkakaroon ng ganitong klaseng mga tunog? Huminga ako ng malalim at tuluyan nang pinangunahan ng kutob. Dahan-dahan kong aabutin na sana ang doorknob para subukang buksan iyon... "Agape?" Natigil ako sa akmang pagbubukas ng kwarto nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Nilingon ko siya at nakita ang nagtatakhang mukha ni Sygmund, napansin ko rin na nakahawak pala siya sa balikat ko. "S-Sygmund, ikaw pala," alam kong hindi nama dapat pero bigla akong kinabahan sa bigla niyang presensya. Pakiramdam ko ay may nagawa akong mali. Kumunot ang noo niya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Aniya, saglit pang dumapo ang paningin niya sa pintong sinusubukan kong buksan kanina bago binalik ang titig sa akin. "A-Ah, pasensya na. Naliligaw kasi ata ako, hindi ko maalala kung saan ako dumaan kanina," nahihiya ko sagot dahil totoo namang mahina talaga ako sa direksyon. Kaya noon pa man ay dapat lagi akong may kasama sa tuwing aalis nang hindi ako maligaw. Ang kaninang kunot-noong ekspresyon ni Sygmund ay napalitan ng isang ngiti--at medyo natatawa pa. "Naliligaw?" Medyo natawa pa siya. "Sabagay, medyo marami nga namang pasikot-sikot ang building na ito. Pasensya na, dapat inalalayan kita kanina. Sorry at naging missing in action pa ako, I should be guiding transferrees like you," sabi niya habang nakangiti. Umiling-iling naman ako sa kahihiyan habang iminuwestra kamay sa ere, "Naku, hindi! Hindi mo naman obligasyon iyon, 'no. Medyo mahina lang talaga ako sa direksyon," nahihiya kong pag-amin. Mas lalo naman siyang natawa sa pag-amin ko sa isa sa mga kahinaan ko. "Is that so? Kung ganoon, mas lalo pala kita kailangan alalayan niyan," aniya. "Let's go and I'll show you the way out here," natatawa pa ulit niyang anyaya. Nag-init ata ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan habang sinusundan si Sygmund na itinuturo ang palabas ng building. Nilingon ko ulit sa huling pagkakataong nangangalawang na pintong nakita ko kanina, at doon ko napagtanto na tumigil na ang mga kakaibang tunog na narinig ko mula roon kanina. -- MATAPOS akong maihatid sa labas ni Sygmund ay nagpaalam na siya na kailangan niya nang pumunta sa kanilang office kaya nagpasalamat ako sa tulong niya. Nakakahiya pa rin talaga na kailangan niya pa akong samahan nang ganoon. Bakit ba kasi napakahina ko sa direksyon? Bumuntong-hininga nalang ako at nagdesisyon na tingnan ang kulay itim na building na may kalakihan na napagalaman ko bilang Administrator's building dahil sa signage na nakalagay rito. May malaking orasan ang nakalagay sa tuktok nito at doon ko napag-alaman na mahigit dalawang oras pala ang ginugol ko sa exam. Grabe, hindi ko halos namalayan ang oras! Sabagay, medyo weird talaga ang lugar na iyon, hindi na nakapagtataka. Kung ganoon, na-missed ko na nga ang remaining period ni Miss Bing kanina at siguradong ma-m-missed ko rin ang subject na sumunod doon kahit na magmadali pa akong bunalik sa classroom. At ayon na nga, dahil habang naglalakad ako ay narinig kong tumunog ang bell--medyo hindi siya kasing lakas gaya ng nakasanayan kong tunog ng golden bell na nakakabingi. At na-realized ko agad kung bakit ganoon, base kasi sa schedule na nakita ko kanina, breaktime na namin sa mga oras na ito. Hmm, kung ganoon, ang medyo mahina bell na narinig ko ngayon-ngayon lang ay sumisimbolo kapag recess. Ah, siguro naririnig lang ang golden bell kapag may fix schedule o oras, gaya ng pagtatapos ng isang subject o lunch break? Ah, basta bahala na. Medyo nakakaramdam na rin ako ng senyales ng pagkagutom kaya napagdesisyunan ko nang pumunta sa cafeteria pero napahinto ako sa paglalalakad nang biglang mapaisip... Teka, saan nga ulit ang daan papunta roon? Nasa kalagitnaan ako ng pagp-plano kung susunod nalang ba ako sa agos ng ilang mga estudyante nang biglang mahagip ng mata ko si Denisa na naglalakad palapit sa akin. Umawang ang bibig ko na nauwi rin sa isang ngiti. "Denisa!" Maligayang bati ko sa kanya. Kinunutan naman niya ako ng noo. "'Wag ka ngang sumigaw." Iritado niyang suway sa akin pero hindi napawi ang ngiti ko. Kahapon ko lang nakilala si Denisa pero alam ko na may pagka-masungit siya pero kahit na ganoon, halata naman na meron siyang kabaitang taglay. Nakabulsa ang kanang kamay niya sa palda habang nakabaling ang ulo sa mga estudyanteng tinititigan ko rin kanina. "Mukhang tapos ka na sa exam, tara na. 20 minutes lang ang breaktime," niya sa isang animo'y bored na tono bago siya walang pasabing naglalad palayo. "Hala, teka lang naman!" Hinabol ko ang mabilis niyang paglalakad. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko kasi sinadya niya pang pumunta rito para sunduin ako. Bago ako nag-transfer sa school, ang gusto ko lang ay makapag-aral nang mabuti pero sa loob-loob ko, hinihiling ko na makahanap ng mga tunay na kaibigan na makakaunawa sa akin. At kahit saglit ko palang na nakikilala si Denisa, magaan na agad ang loob ko sa kanya. Saka isa pa, ang cool talaga niya! "Para kang sira, maglakad ka nga nang maayos," sita niya sa akin nang pangatlong beses ko nang may nabanggang estudyante. Nahihiya naman akong napangiti. "Hehe, pasensya na." "Tsk..." Sa pagkakataong ito, tinandaan ko na talaga nang maigi ang direksyon papunta sa cafeteria. Medyo malawak talaga ang area ng Academy kaya nakakaligaw pero sa tingin ko naman, basta makabisado ko lang ang bawat kulay ng mga building at kung ano-ano ang magkakatabi, hindi na ako maliligaw. Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami ng cafeteria. Hindi naman sobrang punuan gaya ng inaasahan ko pero may karamihan din kahit papaano. Hindi pare-pareho ang breaktime ng lahat ng klase sa eskwelahan na ito kaya mas maayos ang flow ng mga estudyante. Luminga-linga si Denisa sa paligid ng bakanteng table. "Nakuha mo na naman siguro ang card mo," biglang nagsalita si Denisa. Kung hindi ako ang kasama niya aakalain kong hindi ako ang kausap niya dahil hindi naman siya sa akin nakatingin. "Ha? Anong card?" Lito kong tanong. Napahinto si Denisa sa paghahanap ng bakanteng table at kunot-noong bumaling sa akin. "Iyong card na ibibigay sa iyo matapos ang exam," aniya sa parang nagtitimping tono. Napaawang ang bibig ko at parang may bumbilyang umilaw sa tuktok ng ulo ko. "Ah! Eto ba?" Dinukot ko anh card mula sa bulsa ng palda at pinakita sa kanya. Nag-relflect sa liwanag ang dilaw na logo ng kalapati at araw habang pinapakita iyon kay Denisa. Saglit na tinitigan iyon ni Denisa bago binalik ang atensyon sa paghahanap ng mesa. "Reconcilers," dinig kong bulong niya. "Oo nga pala, ano ba ang ibig sabi--" "May bakanteng table doon, tara," sabi ni Denisa bago walang pasabing naglakad doon sa lugar na tinuturo niya. "Teka naman!" Bakit ba lagi nalang siya naglalakad nang walang pasabi at parang laging may lakad? Kung sabagay, istrikto nga pala talaga sa oras ang ekwelahan na ito. Binalibag ni Denisa ang backpack niya sa mesa. Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang backpack. Nakakapagtaka nga eh dahil recess palang naman at hindi pa uwian. Sabagay, baka ginagamit niyang props ito para hindi maagawan ng table. Kahapon kasi noong kumain kami medyo mabilis lang kaming nakakuha ng lamesang mauupuan dahil ang iba hindi naman nag-hapunan at ang iba may mga baon pa siguro. Hindi gaya ngayon na dagsaan ang dami ng estudyante, kahit na kung tutuusin ay dapat kalahati lang ito ng populasyon ng school dahil hindi naman sabay-sabay ang breaktime. Naglakad na si Denisa papunta sa counter kaya sinundad ko siya pero hindi pa man kami nakakalapit ay huminto siya saglit at nilingon ako. "May ideya ka ba kung paano gamitin iyan?" Iyong card ata ang tinutukoy niya. "Ito?" Tinaas ko ang puting card na hawak ko. "Bakit ano ba talaga 'to?" Nagtataka kong tanong. Tinitigan naman niya ako na para bang hindi siya makapaniwala. "Seryoso kang hindi mo alam?" Hala, galit na ba siya niyan? "H-Hindi, eh. Sorry, para saan ba ito?" Nahihiya ko nang tanong bago binaba ang kamay na may hawak ng card. Huminga nang malalim si Denisa. "Iyang card na iyan ang magsisilbi mong debit card sa mga susunod monh buwan dito sa Academy," -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD