Ako ang naunang pumasok sa bahay habang si Cassian ay tahimik lang na nakasunod sa akin. Napasamid ng kanyang inumin si Sage nung nakita niya kung sino ang kasama ko, ang iba kong kaklase ay nakita kong nagulat rin. Naging tahimik ang buong unit ko nung tuluyan na kaming nakapasok sa bahay pawang ang musika lang maririnig mo dito.
Isa isa kong tiningnan ang mga kaklase ko na mayroong namumuong tanong sakanilang mga mata.
"Uhh guys si Cassian nga pala makikikain." si George naman ang nasamid sakanyang inumin dahil sa sinabi ko. Kaya agad akong napatingin sakanya. Umubo pa ito ngunit pagkatapos nun ay nakita ko na siyang nag pipigil ng tawa. Sa dinami dami ng mga kaklase ko ngayon ay wala ni isa sakanila ang may nag tangkang mag salita. Para bang nahihiya sila kay Cassian o baka naman takot silang lahat sa lalaking ito. Kaya naman bago pa maging statue ang mga kaklase ko ay hinila ko na si Cassian papuntang dinning area.
"Sorry ito lang ang available, binili ng mga kaklase ko sa labas." sabi ko habang binibigyan siya ng plato.
Lechon manok, lumpia, tsaka bihon kasi ang pagkaing dala nila Sage. Lahat ay binili sa malapit na restaurant dito. Masarap naman ngunit hindi ako sigurado kung masasarapan ba si Cassian dahil sa hindi kilalang chef ito binili.
"Teka kukuha ako ng pizza dun" paalam ko bago tumungo sa living room kung saan nakalatag ang tatlong box ng pizza.
"Sasama ka pa ba samin mamaya?" bulong sakin ng isa ko pang kaklase habang tinutulungan niya akong iangat ang isang box ng pizza.
"Syempre naman!" with conviction kong sabi
"Eh paano ang bisita mo?"
"Baka uuwi siya pagkatapos niyang kumain. Wait lang ha, ibibigay ko lang ito sakanya." Paalam ko.
Nung nakabalik na ako sa dinning area nakita ko siyang nakaupo na para bang hinhintay na makabalik ang kanyang ina. Panay pa ang lingon niya sa paligid.
"Aalis kayo?" he curiously asked
"Yeah! Clubbing" sabi ko sabay lagay ng pizza sa harapan niya
"But it's already late." kunot noo niya akong tiningnan, I raised my brow and crossed my arms.
"Bakit? May nag cluclubbing ba habang tirik na tirik ang araw? Sana nag coffee na lang kayo pag ganun."
Sa totoo lang pinipigilan ko na lang ang sarili kong umirap. Naisip ko kasi na galing siyang meeting ngayon at sigurado akong pagod siya. I just wanted him to eat at peace. Atleast!
"Sino kasama mo?"
"Silang lahat" walang gana kong sabi. Hindi ko alam na may Q & A portion pala dito. Ito na ba ang pag hahanda ko para sa pageant?"
I saw him take a glanced at my classmates first before me.
"Anong isusuot mo?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. It was alarming for me. Kahit nung bata pa ako ni isang beses hindi kinwestion ni nanay o kaya ni tatay ang isusuot ko. Lalong lalo na si Xander. They even praised me with it.
"I'm just wondering" pag bawi niya nung napansin niya ang naging reaksyon ko.
He awkwardly stand up while I glare at him badly. Napakamot pa siya nang kanyang batok, hindi alam kung anong sasabihin sakin.
"I'm just worried Xyra, baka may mambastos sayo dun" he said calmly.
"You know what? Hindi ko gets kung bakit ka parati nag aalala sakin. Don't tell me just because we're friends cause I know you're not the type of person na nag aalala sa mga kaibigan." I am still glaring at him badly "Hindi naman kita boyfriend at lalong lalo na hindi naman kita tatay."
He sighed "I'm sorry. Hindi lang kasi ako sanay"
"Sanay na ano?" I cut him off "Bakit ako lang ba ang kakilala mo na ganito manamit? Na kaonting tela ang sinusuot?"
"Hindi naman sa ganun Xyra"
"And you know what? I'm tired of hearing you say i'm sorry. Ba't ka ba parating nag sosorry sakin?"
"Cause you're always mad at me"
Laglag ang panga ko tsaka wala sa oras kong tinuro ang sarili. "Ako?" hindi makapaniwala kong sabi.
"Xyra!" biglang tawag sakin ng isa kong kaklase kaya napalingon ako dun. "Tara na club"
At dahil sa sinabi ng kaklase ko ay bigla akong nataranta. Nataranta dahil nakikita ko na silang tumayo at handa nang umalis. Habang ako ay nakapang bahay pa. f**k!
"Teka! Mag bibihis lang ako. Mabilis lang to."
Hindi ko na inintindi si Cassian dahil tumakbo na ako papuntang kwarto para makapag bihis. Naka ready na ang susuotin ko para dito kaya mabilis lang to.
Halter black mini dress na criss cross yung nasa harapan, and black boots. Wala na akong sapat na oras na ayusin ang buhok ko kaya minessy bun ko na lang ito. Did my light make up ngunit pinili ko ang kulay na bloody red ang aking lipstick para kahit papano ay mag stand out parin ako sa crowd. Syempre kiss proof ang lipstick ko para alam niyo na. In case.
"Ang tagal" reklamo kaagad ni Sage nung lumabas na ako ng kwarto sabay tayo.
"Pa hawak nga" sabi ko hindi pinansin ang sinabi niya sabay abot ng clutch bag ko sakanya para suotin ang round earrings ko. "Nasaan na sila?" tanong ko nung ginala ko ang aking mata sa buong unit ko.
"Nauna na sa club." George "Saan ka sasabay? Samin o kay Cassian?"
Yeah you read it right Cassian is still here inside my unit. Masama ang tingin sa suot ko. I'm sure may masamang sasabihin na naman ito sa suot ko. Syempre kita kaya ang cleavage ko.
"Bakit ako sasama kay Cassian. He won't come with us. Pagod yan galing meeting kaya uuwi siya." sabay tingin sakanya "pagod ka. Hindi ba?" then I fakely smiled at him. I saw him clenched his teeth and took a deep breath. Halatang nag titimpi na naman ang isang Cassian.
Tulad ng sinabi ko kanina nakisakay ako sa kotse ni George kasama ni Sage at si Cassian ay umuwi nga. Inirapan ko pa siya bago ako tuluyang pumasok sa kotse ni George. Pano ba naman kasi hanggang sa dumating na kami ng basement ay nasa likuran ko siya sinasabayan ang hakbang ko. Hindi niya hinahayaan na makalayo ako sakanya.
He's very conservative type and it's giving me chills to my bones. He's not really exposed in these kind of stuff.
Nung makarating na kami sa club ay nawala na ang lahat ng inis ko kay Cassian. Napalitan ito ng excitement. LED lights at party music makes me happy. Kung minsan nga naiisip ko na baka pinag lihian ako ni nanay sa club o party eh.
"At dahil late kayo! Cheers!" bungad kaagad samin ni Travis pagkadating na pagkadating namin sa table na kinuha nila. Inabotan niya kaming tatlo ng tig iisang shot glass. Hindi ko alam kung ano ito pero walang pasabi ko yun ininom. I immediately made a face when I can felt the burn running through out my throat.
"Pucha Travis! Ano to?" George sabay punas ng kanyang bibig, hindi rin maipinta ang kanyang mukha.
Travis shrugged "I don't know the name of that drink dude. Pero ang sinabi ko sa bartender bigyan niya ako ng pinakamatapang na inumin. Yung isang shot pa lang derecho ER na kayo." Travis na halatang lasing na rin. Bukas na ang tatlong buttones ng suot niyang polo
"f**k you" malutong na mura ni George sakanya kaya hindi ko mapigilang mapatawa.
Nakisali na kami sa mga kaklase ko. Clicking our glasses, one shot at a time. I slowly raised my hand up as a sway my body. Enjoying the music.
Lahat kami dito lasing na kaya panay ang tawanan namin kahit na wala namang nakakatawa sa pinag uusapan namin. I've also seen a lot of familiar faces mga estudyante rin nang EHU.
"Calling out all the single ladies here tonight." DJ "Make some noise!"
At dahil single ako ngayon at wala pa akong nahanap na tipo kong lalaki ay sumigaw ako.
"I have a little game for you" aniya kaya muli kaming napasigaw "May I request all the single ladies to step forward."
May narinig akong kampana sa aking tenga. Mabilis kong inubos ang laman ng shot glass ko habang tinuro turo pa ang sarili. Time ko na ngayon na maipakita ang ganda ko.
Nung tumayo ako ay narinig kong pabirong sumigaw si Sage sakin "HOY XYRA! Mag tira ka naman dito oh."
Nilongon ko siya sabay flying kiss "Let's see" I winked at him before turning my back.
Madami kaming nandito ngayon nakatayo sa gitna ng dance floor. Puro babae walang lalaki. Bumaba ang DJ para lapitan kami.
"Alright ladies. Let me ask you a question." Aniya "are you sure na walang magagalit pagkatapos ng game na ito? Walang may masisirang relation?"
"WALAAA!" Sabay sabay naming sigaw tsaka tumawa.
"Sabi niyo yan ah. Walang sisihan." DJ "Oh sino naman dito ang mga single na lalaki!"
Napapikit ako ng mariin nung sumigaw na ang mga lalaki dito, idagdag mo pa ang ingay na nanggaling sa speakers. Baka mabingi na nga ako neto kinabukasan.
"Let's make this night a little bit spicy." DJ
"Woooohhhh!!"sigaw ko
Yan! Gusto ko yan! Sige Push natin to kuya DJ para hindi sayang ang kiss proof lipstick ko.
"Alright! I'll pick five lucky ladies here tonight." pag explain niya "at kung sino man ang napili ko, bibigyan ng pagkakataon na mag bodyshot sa lalaking gusto niyo dito sa club ngayo." at sa ikalawang pag kakataon ay parang mabibing ako sa sigawan at palakpakan ng mga kalalakihan dito. "Boys! Okay lang ba sainyo?"
"Syempre!"
"Oo naman!" Sabay sabay na sigaw nilang lahat.
"Alright! Let's get started."
Tahimik kaming isa isang pinagmasdan ng DJ. May hinila siyang isang babae. Maputi, makinis at hindi katangkaran pero maganda naman. She looks innocent wearing a pink spagetti strap dress.
Arghh! Hindi pa niya nangangalahating tingnan ang mga babae dito. Malas ko dahil sa pinakadulo ako tumayo, sana nakipagsiksikan ako kanina doon sa gitna kung alam kong ganito ang laro.
Dalawang babae pa ang nahila niya papalapit at unti unti ng bumagsak ang balikat ko. Mariin ko siyang tiningnan hoping to have an eye contact on him.
Fourth girl was chosen at may nasa sampung babae pa ang nasaunahan ko.
Wala na ito, talo na ako. Better luck next time ka na lang Xyra. Ready na dapat akong bumalik ng upuan ko nung biglang may naramdaman akong kamay sa aking palapulsuhan at hinila niya ako palapit sakanya.
"For the last lady." rinig ko ang hiyawan at sipol ng mga lalaki nung sumagaw ulit ang DJ. Agad akong napatakip ng bibig habang tinuturo ang sarili ko
"Ako" gulantang sabi ko.
"Let's give these five gorgeous ladies a round of applause." I giggled when everyone was cheering.
Isa isa nang bumalik sakanilang tables ang mga babaeng hindi napili. Habang kaming lima naman ay nanatili sa gitna. Wala akong kakilala ni isa sakanila, pero sigurado akong college students din sila na katulad ko.
"So ladies, you have the right to choose the guy who you'd like." DJ "And gentlemen, you have also the right to refuse. Kung mayroon na kayong girlfriends wag na kayong sumali."
Ako ang panghuling napili nung DJ kaya ako rin ang huling gagawa ng bodyshot.
When the first girl shyly stepped forward the crowd went wild.
"Shhh!" natatawang suway nung DJ sa mga kalalakihan. Kita ko rin ang pamumula ng babae ngunit iginala niya na ang kanyang mata sa paligid.
Tryind hard to search for someone. Ilang minuto ang nakaliapas, kahit anong ingay ng mga tao para piliin sila ay panay parin ang hanap niya dito.
"You're looking for someone?" DJ asked. She stretched her neck more to look for him but failed
"Sabi ng kaibigan ko nakita daw siya neto." the girl said, still searching.
"Okay lang bang malaman kung sino ang hinahanap mo? Baka makatulong ako."
"Uh.." she looks hesitant at first and tried to search for him for the last time. She went closer to him and whispered something "Cass...." at dahil sa mahinang pagbigkas neto at sa ingay ng paligid ay hindi ko marinig ang sinabi niya.
Tumango pa ang DJ bago hinarap ang audience. "May we call Cassian Dy, mayroon bang nag ngangalang Cassian Dy dito."
The audience went wild again nung nalaman kung sino ang hinahanap ng unang babae para sakanyang bodyshot. Habang ako naman ay agad na iginala ang buong club para hanapin siya. He won't be here right? It's impossible. He doesn't go to wild parties like this. I am sure he went home, he actually texted me that he's home earlier.
Yeah! Wala siya dito. Parang tanga akong tumango. Ngunit bigla akong napatingin sa banda kung saan parang may tinuturo sila. I blinked my eyes for a couple of times before confirming if that was indeed Cassian who they are pointing. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit siya nandito? I mean bakit sila nandito?
I saw Dana, Clint and Gavin with him, nakatayo sa railings sa second floor netong club. Actually they are the one who is pointing Cassian. Natatawa pa silang tatlo habang si Cassian ay walang pakealam sa paligid. Nanatiling saakin ang tingin. SA AKIN! Kailan pa siya nakatingin. Don't tell me nakita niya ang pag iba ng reaksyon ko nung akala ko hindi na ako mapipili sa larong ito.
He leaned closer to the railings. Nilagay pa niya ang dalawang siko niya dito habang nakatingin pa rin sa akin. He's still wearing his white dress shirt right now.
"Cassian?" DJ
Gavin whispered something on him but he immediately shooked his head. May sinabi pa siya sa mga kaibigan ngunit imbes na matakot sila dito ay mas lalo lang humalakhak si Dana sakanya.
"Cassian matanong kita bago natin umpisahan." biglang sabi ng DJ dahan dahang binaba ang music para siguro marinig ang kung ano man ang isasagot ni Cassian sakanila "Are you single?"
I don't know why but I found myself waiting for his answer while looking at him.
"No" walang gana niya sagot sa DJ kaya naman nag sihiyawan muli ang mga babae dito sumabay na rin ang mga bakla. Habang ako maman ay tumitili rin sa aking utak. Hindi ko gustong malaman niya na natuwa rin ako katulad nilang lahat dito sa sinagot niya.
Napaisip ako, kung wala nga talaga siyang girlfriend. What if may gusto pala siya sakin? What if ang pag sundo at punta niya sa unit ko ay nag papahiwatig na pala siya ng kanyang damdamin? Would I say yes to him?
He is a bit snob but I can't deny the fact that he's gentleman. And he is true to his words.
"Would you accept her body shot?" DJ
"No" he firmly said bago niya binalik sakin ang kanyang tingin. When our eyes locked with each other parang sasabog ang puso ko sa bilis ng pag t***k. Alam ko kung bakit at kahit anong tanggi ko dito sa nararamdaman ko ay na maitatago na may nararamdaman na nga ako sakanya. Ngunit hindi ko kahit kailan masasabi ito sakanya dahil alam ko rin na he is bound to marry someone.
Nung nagsalita ulit ang DJ ay dun ko lang iniwas ang aking tingin. Awkward na inayos ko ang takas kong buhok tsaka pilit na ngumiti dahil hindi ko namalayan nakapili na pala ang unang babae ng kanyang makakapares sa larong ito. The guys was also attractive.
"No" Cassian firmly decline the second girl.
Bali lahat daw muna kami dito pipili nang aming partner, pagkatapos ay may gaganapin pang introduce yourself.
Hanggang sa pang apat na babae ay si Cassian parin ang unang lalaki na pinili nila ngunit puro tanggi lang ang natatanggap.
"Save the best for last" ani ng DJ na naging dahilan kung bakit umingay muli ang crowd. "May I ask kung mayroon ka na bang gusto maging partner sa larong ito?"
"Wala pa...." I said while I scanning the whole club, looking for the guy who stands out the most.
Ngunit kahit anong gala ko ng aking tingin sa paligid ay bumabalik at bumabalik parin ang mga mata ko sa lalaking nasa second floor which is ang VIP portion dito.
Nag tama ang mga mata namin, hindi ko mapigilan na mapangiti dahil he looked so bored in amidst of this party. Na para bang napilitan lang siyang pumunta dito.
Kung yayain ko siya ngayon, ano kaya ang magiging reaksyon niya? I'm sure he'll decline me as how he decline the other girls but I just want to join the newly established club.
Samahan ng mga babaeng tinanggihan ni Cassian. Parang baliw akong tumatawa na mag isa habang iniisip yun.
I took a deep breath before facing the DJ.
"I want Cassian Dy also." napatawa siya sa sinabi ko
"Woaah!! five times straight" manghang saad pa neto.
Unti unti kong inangat ang aking tingin papunta sa kung nasaan si Cassian. He's elbows are still on the railings while looking at me.
"Cassian?" DJ waiting for his answer.
"Sure" preskong sagot niya sabay tayo ng maayos tsaka umalis sa pwesto para bumaba.
Parang mabibingi ako sa sigawan ng mga tao nung tuluyan na siyang bumaba at kasalukuyang minamartsa ang distansya namin. Laglag ang panga ko, hindi makagalaw or react man lang hindi katulad ng mga tao dito. Why did he agree to do this with me while he firmly decline the other girls.
Nung nasa harapan ko siya ay may nakikita akong mapaglarong ngiti sa mukha niya na kinainisan ko. Both of his hands are hidden on his pockets as he stand besides me.
"Ba't ka pumayag?" pasimpleng tanong ko habang busy silang lahat iprepare ang mga shots.
"Cause you asked me to do it with you." He said with his normal sarcastic voice
"Sana tumanggi ka, katulad sa kung pano ka tumanggi sa iba." inis na sabi ko.
"What?" natatawang sabi niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Sino ba naman kasi ang baliw na nag aya tapos kung sasangayon ay hindi rin pala gusto.
"Akala ko ba hindi ka sumasali sa ganito? Kaya ang lakas ng loob kong yayain ka dahil sigurado akong tatanggi ka. Ba't ka kasi umoo."
"You know I can't say no to you Xyra."
"Ibang usapan kaya 'to " he frowned "Do you even know this game?"
"I'm not a saint Xyra, of course I know this."
"Aba malay ko, have you ever tried this?" umiling ito as expected
"Have you?"
"Kailangan pa ba yan itanong?" taas noo kong sabi, kita ko kung paano kumunot ang noo niya and gritted his teeth. "Don't worry, i'll be gentle." biro ko sabay wink sakanya tsaka humarap sa DJ. nag uumpisa na pala ang laro.
Nasa kamay na ng babae ang shot glass na may lamang tequila. The guy is wearing a short sleeve polo shirt kaya kailangan niya ito iunbutton. She gently put some salt on his shoulder, pagkatapos ay iniumin ang hawak niyang alak ay dinilaan neto ang balikat nung lalaki.
I giggled and clapped my hand, nakisigaw na rin kasama nung iba.
"Wooh! First couple pa lang yan. Ano pa kaya ang second couple natin." DJ hyping the audience na sa tingin ko ay hindi na kailangan dahil sobrang hype na hype na ang mga tao dito.
I saw the guy putting his hand on the girl's waist as they leave the spotlight. Inabot naman ng DJ sa ikalawang babae ang isang shot glass na may laman ding tequila.
She is more on sophisticated look lady. Marami ding lalaki ang sumigaw para piliin sila ngunit ang napili niya ay medjo may pagka bad boy yugn image. May piercing sa mag kabilang tenga.
She poured her drink on his neck, na agad niyang dinilaan para hindi gaanong kumalat sa buong katawan nung lalaki.
I saw the guy smirked as a satisfaction.
"It's getting hot in here." DJ tsaka kunwari pa siyang pumaypay ng mukha gamit ang kanyang kamay.
The third and fourth lady did the same. Yung isa ay kumandong pa talaga sa lalaki bago ginawa yung kanya. Ang wild nun!
"I have high expectations with our last couple." DJ sabay baling samin ni Cassian.
"Saan mo gusto?" pahabol kong tanong habang papalapit sa kinatatayuan namin ni Cassian ang DJ.
"Anywhere you pleased Xyra. I'm fine with it." Cassian
"Are you sure about that?" I raised my brow as I looked at him. Tinaas niya ang kanyang balikat as if he is challenging me on to what extend I can do for this game.
He leaned foward until he reaches my ears "You own me Xyra" he whispered that gave me chills.
I immediately pushed his chest away from me, natatawa pa siya sa ginawa ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. He bit his lips to stop himself from smiling.
"mind if you take off your shirt?" pag hamon ko. Sumalubong kaagad ang dalawang kilay niya sa sinabi ko. I smirked while the audience gets wild again. Rinig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan niya sa taas. "You can't do it right? Don't worry I....."
Hindi ko matapos ang dapat kong sabihin ng bigla niyang hubarin ang suot niyang damit sa harapan ko. My eyes widen as I stepped backward. Hindi ko akalain na hindi pala ako handa sa ganito. Hindi ko akalain na gagawin niya ang gusto ko. At lalong lalo na hindi ko akalain na sobrang ganda pala ng katawan niya. He got this perfect abs and muscles placing on the right places
napalunok ako sa sarili kong laway ng wala sa oras. He pursed his lips kaya kita ang dimples niya. I can't deny the fact that he looks hot and manly right now.
He has this authoritative aura on him. Like a wolf, he's fierce, strong and unstoppable. An alpha.
"Taas kamay." I commanded and tried my best not to sound that i'm trembling inside.
He proudly put his hands behind his neck. His biceps flexed dahil sa ginawa niya. Bahagya pang makikita ang suot niya underwear. I didn't know that he can be this f*****g hot. Damn it!
Iginala ko muli ang mata ko sa katawan niya bago muling lumapit sakanya at unti unting binuhos ang laman ng shot glass ko sa abs niya at agad na dinilaan iyon. I saw how his abs firmed more because of what I did.
I wiped my lips as I stand up straight. He was still shocked on what I did. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Mula sa reaksyon niya na ipinakita ay halatang hindi niya talaga gawain ito. The wild kinda thing stuff. I smirked he's cute.
Rinig ko ang hiyawan ng mga tao na nasa paligid namin. May iba naman ay nahihinayang at naiinggit dahil pumayag si Cassian sa akin. Nanatiling saakin ang tingin niya hindi magawang alisin ito sa akin.
"And that was indeed f*****g hot. Let's give them a round of applause" DJ "Let's enjoy the rest of the night!" sigaw ng DJ atsaka tumakbo papunta sa stage kung saan ang pwesto niya kanina.
Habang kami ay naiwan dito sa gitna ng dancefloor.
"Thank you for joining." sabi ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nag sasalita. Akmang aalis na ako para makabalik sa mga classmates ko nung bigla kong naramdaman ang mainit niyang kamay sa braso ko.
"where do you think you're going?"He asked
"Babalik na ako dun kina Sage" sagot ko habang tinatanggal ang kamay niya ngunit mas lalo niya lang ito hinigpitan.
"And do you think i'll let you go after what you did?" his brow raised and gave me an amused smile.
"It's just a game and you agreed."
"Let's go home, you're drunk"
"No i'm not" singhal ko "And besides, pumunta ako dito kasama nina Sage kaya sakanila ako sasama pauwi."
"Lasing ka na."
"sabing hindi ...." hindi ko natapos ang dapat kong sabihin ng bigla niya akong hinalikan. I was caught off guard on his sudden move. Hindi ako makagalaw o kahit itulak man lang siya palayo sa akin. Habang siya naman ay nakapikit, patuloy na hinahalikan ako.
He stopped and slowly open his eyes. Ngunit magkalapit parin ang mukha namin "Part your lips, Let me taste you if you're really drunk" he said sexily before kissing me again.
But this time his kiss was deeper than before. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa halik niya. Unti unti akong pumikit at tumugon na rin sa mga halik niya. I felt his other hand at the back of my waist and pulled me closer to him.
I opened my mouth to give him an access. I can't explain the sensation that he is giving me through his kisses right now. It was new to me.
Humawak pa ako sa braso niya para kumuha ng lakas dahil ramdam ko na ang panghihina ng tuhod ko. He found my tounge and sucked it. My heart skip a beat when he did that. I sucked his lower lip to tease him more. Like I was knocking the doors of heaven when he slowly stopped kissing me.
Nung dumilat ako ay nagkatinignan kami. I know he is already handsome from a far but I didn't have the chance to see him this close. His creased like eyes, thick eyebrow, thin lips, perfect nose and a dimples on both of his cheeks. That he can be compared to an asian prince.
His mouth twitched "I'll drive you home" it was not a question it was like a command from him that I must obey.
Hindi ako makasagot o mag protesta man lang nung hinila niya ako palayo sa dancefloor.