[12]

2715 Words
Monday ngayon at sa friday na gaganapin ang pageant night. Ang gown na susuotin ko sa pageant ay ang gawa ni tita Nikki. Hindi ko na matanggihan ang alok niya dahil magagalit na raw siya kapag tumanggi pa ako ulit katulad ng ginawa ko nung first pageant. Nag umpisa na rin pala kanina ang online voting. The most shared and reacted photo wins. Hindi lang ako sure kung ilang points ang makukuha mo kapag manalo ka sa online voting. "Xyra!" nung nilingon ko ito ay nakita kong tinatakbo ni Sage ang distansya namin. Hingal na hingal siya nung naabutan niya ako. "Sinong sumundo sayo nung sabado?" While catching up his breath Nga pala tutulong ang buong section ko ngayon para sa preparation. Ewan ko lang kung tutulong nga ba talaga sila o gusto lang nilang walang klase. Knowing Sage baka kung saan saan siya pupunta mamaya "Huh? Hindi ba kayo? Sino pa ba?" ngunit umiling siya, kunot noo akong tumingin sakanya. "Hindi ka na nakabalik pagkatapos ng laro niyo ni Cassian." "What?" gulatang na sabi ko. "We've been trying to call you pero walang sumasagot." Aniya "irereport ka na sana namin as missing. Mabuti na lang at nakita ko si Dana tsaka tinanong kung nandun ka. Ansabi wala rin daw si Cassian that time kaya inassume ko na na mag kasama kayo. Hindi ba?" Hindi ako makasagot dahil hindi ko matandaan kung sino ang nag hatid sakin sa bahay nung gabing yun. Ang huli kong natatandaan ay ang halik namin ni Cassian sa gitna ng dancefloor. Kahit umiikot na ang mundo ko nun ay ramdam na ramdam ko parin ang maiinit niyang labi. Para bang mas lalo akong nalasing nung nag kahalikan kami, at kahit anong ingay at dami ng mga taong nandun ay siya lang at siya ang nakikita ng aking mga mata. I love him It doesn't matter if he loves me too or not, dahil kahit kailan hindi ko ipagtatapat sakanya ang nararamdaman ko. And I won't never regret loving him. "Wait! Let's ask him.." aniya sabay angat ng kanyang kamay. Nung nilingon ko ito, nakita ko siyang palapit samin. "Mag isa ka lang? Nasaan sina Dana?" "Dana has a class, Clint and Gavin mamaya pa." sagot niya nung tuluyang nakalapit sa amin. He looked at me kaya napatayo ako ng tuwid. "Are you okay? Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong niya na may pag aalala sakanyang mukha. "I'm fine" ako "Hindi maalala ni Xyra kung papano siya nakauwi nung sabado. Ikaw ang nag hatid sakanya hindi ba?" sabay kaming nag salita ni Sage. His lips turned into thin line as he looked at Sage. Hinihintay ang kung may kasunod pa siyang sasabihin. "Hindi ka naman nirape ni Xyra, right?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. At mas lalong kumunot noo si Cassian. "She didn't kissed you right? Sa tuwing nalalasing kasi si Xyra nanghihi——-" Hindi ko na pinatapos ang dapat niyang sabihin nung tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig. Alam na alam ko kasi kung ano ang lalabas sa bibig niya. At ayaw kong malaman ni Cassian na totoo ang sinasabi niya. Fudge!!! I remember kissing Cassian at the bar. Ngunit ang ikinatakot ko ay ang pag labas namin ng bar baka narape ko nga siya. Malikot pa naman ako tuwing lasing. I fakely smiled at him when I caught him looking at me while i'm holding Sage. "Don't mind him." I said slowly letting go of Sage. " what do you mean?" Cassian talking to Sage. Hindi pinansin ang sinabi ko. "You know when you're in a club it's normal. Kissing someone you like among the crowd. At kinabukasan wala ka ng maaalala dahil sa alak." Tahimik na nakikinig si Cassian ngunit mas lalong nag dilim ang tingin niya. Na para bang malapit na siyang sumabog dahil sa galit. Kaya kinurot ko na tagiliran ni Sage bago pa mangyari yun. Ngunit bago ko pa nagawa yun ay nag salita na siya. "You know the hooked up thing. Araaay!" reklamo pa niya. Pinadilatan ko siya ng tingin. Nag babakasakali na tumahimik na. "Hooked up?" taas ang isang kilay niya nung mag tama ang mga mata namin. "At ginagawa mo yun tuwing nag paparty ka?" he said using his low voice. "Ye——-" "Sage akala ko ba pupunta ka ng classroom? Baka hinahanap ka na ni Huebert dun." Pinutol ko ang dapat niyang sabihin. May pag tataka sakanyang mukha nung tiningnan niya ako. "Kailangan mo na atang umalis, susunod ako." hindi ko na hinintay na sumagot pa siya nung tinulak ko siya papalayo. Rinig ko pa ang reklamo at pag munura niya, ngunit desperada na akong ilayo siya dito. Dahil baka kung ano pa ang idudugtong niya sa mga sinabi niya. Nung tuluyan nang makalayo si Sage sa kinatatayuan namin ay dun ko muling hinarap si Cassian na masama parin ang tingin sa akin. "Uhmm" "What was the last thing you remembered that night?" seryoso niya akong tiningnan derecho sa aking mga mata, hinihintay ang isasagot ko. Mag kasalubong ang kilay ko habang inaalala ang gabing yun. Ngunit wala talaga akong maalala pagkatapos niya akong hilain palayo sa dancefloor. "Sorry, may nagawa ba akong hindi maganda sayo?" I said, still trying to recall what happened that night. Ngumiti siyang napailing. Ngunit alam ko ang ngiting iyon hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil sa inis. Base sa naging reaksyon niya sigurado akong may nagawa nga akong hindi maganda sakanya. Ngunit ang pinagtataka ko lang ay kanina, hindi naman siya galit ah. Sa katunayan, kinamusta pa nga niya ako. So saan banda siya nagalit. As I tried to remember our little conversation here my eyes widened when I realize something. Napatakip ako sa aking bibig tsaka angat ng tingin ko sakanya. Naniningkit parin ang tingin niya sakin. "May nangyari ba?" I curiously asked. Yumuko siya ng kaonti para mag lebel ang aming mga mata. "Perhaps, I didn't raped you right?" Deretsang saad ko. Kahit na nauutal na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa Aba mabuti na at mag kaalaman na kami. Tutal wala naman akong maalala nung gabing yun. Mas mabuti nang manggaling sakanya ang nangyari kesa sa iba, hindi ba? Alam kong imposibleng ma rape ko si Cassian, ngunit kung ikukumpara mo kaming dalawa, nakakahiya mang aminin pero ako talaga ang may kayang gawin yun hindi siya "Aray!" Reklamo ko sabay himas ng nuo ko kung saan niya ako pinitik. "You might be hot that night Xyra, sorry to disappoint you but it didn't happend." aniya, nakahinga ako ng maluwag nung sinabi niya yun. At lungkot, lungkot dahil—— Agad akong umiling dahil sa iniisip ko. WTF Xyra! Are you really that disappointed dahil walang nangyari sainyo ni Cassian? "I respect you Xyra. I'll do everything that I can just to drive you home safetly." pahabol niya sabi na ikinagulat ko. I blinked my eyes for a couple of times, while he's staring at me intently. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hindi ako makahinga ng maayos atsaka parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang bilis neto. Napahawak ako sa aking dibdib sabay atras sa kinatatayuan ko. Hindi ko na kasi kaya na sobrang lapit namin sa isa't isa, kung hindi ko ginawa yun baka tuluyan na akong atakihin sa puso. Pekeng tumawa ako sa harapan niya "Alam kong walang nangyari. Nag bibiro lang ako no.. Ano ka ba?" I saw him raised his brow as he smirked "Really?" "Of course!" taas noo kong sabi tsaka mabilis na iginala ang aking paningin sa paligid. Trying to find an excuse to runaway from him. Nararamdaman ko na kasi na ipapahiya ko naman ang sarili ko sakanya. "Then why are you blushing?" aniya "Don't tell me, you're thinking —-" "Of course not!" singhal ko sakanya na ikinagulat niya. "Alis na ako. Madami pa akong gagawin." mabilis na paalam ko bago kumaripas na tumakbo palayo sakanya. Kaya hingal na hingal ako nung makarating sa dance studio ng department namin. "Saan ka sumali ng marathon?" Salubong kaagad ni Sage "Asan na si Cassian? Hindi sumama?" "Ewan ko" maikling sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaibigan. Bago pa niya ako kulitin ay inabala ko na ang aking sarili sa pag hahanda ng pageant. Sukat dito, sukat doon ang ginawa ko buong araw. Bukas mag kakaroon kami ng parade sa buong campus. Kung nung una ay wala akong naramdaman na kahit anong pressure, ngayon sobra sobra ang nararamdaman ko. "Xyra you need more hips." kumento ni Sage sa catwalk ko. Lumapit siya sakin "You need to look graceful and sophisticated in your walk Xyra." tumango ako bago tumakbo papunta sa starting point. Umayos ako ng pag kakatayo ko tsaka taas nuong nag simula ulit na rumampa. Focus akong nakatingin sa repleksyon ko sa malaking salamin na kaharap ko. Hindi inanintala ang mga kaklase kong nanunuod sa ensayo ko. I pause for a while to do a slow turn , then continue walking until I reached the center marking. "Better" puri ni Sage sabay palakpak. Makalipas ang ilang araw na pag eensayo at paghahanda ay dumating na ang araw kung saan gaganapin ang pageant, ngayon din ang dating ni nanay, ngunit dahil sa sobrang busy namin ni George ay hindi ko na magawang sunduin siya sa airport. Kaya sila tita Nikki na lang ang sumundo sakanya aa airport at sabay na sila pumunta dito sa university para manuod. Kasama niya rin pala sila tita Coleen at Patricia kaya naman abot hanggang langit ang kaba ko ngayon "Are you okay?" bungad sakin ni George. Nandito kami ngayon sa backstage, mag sisimula na kasi in a few minutes. "Kinakabahan" sabi ko. May naririnig akong pag drudrums ng mga estuyante sa labas, pakiramdam ko sumasabay sa tunog nito ang pag pintig ng puso ko. "Let's just enjoy the night. Win or loss, we did our best." George sabay tapik sa balikat ko. Tumangong ngumiti ako sakanya. The moment I stepped out the stage, I saw my mom shouting my name with her friends. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil halatang galing pa siya ng airport at derecho na siya kaagad dito. Kahit sobrang dami ng mga estudyanteng naunuod ngayon ay hindi mahirap hanapin ang mga nasa department namin ni George dahil may hawak silang lahat na kulay yellow na balloon. Tsaka ang mga ibang estudyante ay may mga hawak na tarpulin na may nakaprint na mukha namin ni George. Parang mabibingi ako dahil sa sobrang ingay ng pag checheer nila saamin nung nag pakilala na nga kami ng aming sarili ni George sa gitna pagkatapos ng production number. The pageant was so hectic. To the point na hinihingal ako sa kakatakbo sa backstage to have a quick change. From our sports attire, to our university PE uniform, to our evening gown. "Our miss Intrams for this year is contestant number." sigaw ng mc. Dalawa na lang kami ang natira ng taga business ad department na magkahawak ang kamay na nakatayo sa gitna. George won the crown sa male category, kaya parang mababaliw na ang mga estudyante na nasa department namin dahil may chance pa ako na makukuha ko rin ang crown. Mula dito sa entablado ay makikita ko na sobrang lapad ng ngiti ng aming department dean. "Contestant number 2!!!! Our ms Intrams for this year is Xyra Venice Villanueva." ani ng mc na ikinagulat ko. "Our first runner up for this year's ms Intrams is contestant number 4. Congratulations." Agad na lumapit sakin ang reigning queen para maipasa saakin ang corona, pagkatapos nun ay may isang judge na lumapit para maisabit sakin ang isang sash. Few photos were taken together with the reigning queen before calling out George. Para makuhaan rin ng litrato kasama ko. Nakangising aso si George nung papalapit siya sakin, na may suot ring corona. "Nangangamoy victory party" biro pa niya nung tuluyan na siyang nakalapit sakin "Game! Sinong kasama?" natatawang sabi ko "Hindi ko alam, tanungin natin mamaya sina Sage." Naudlot ang kaonting usapan namin ni George nung biglang kinuha ng taga journalism club ang atensyon namin pareho para makunan kami ng litrato. Pagkatapos nun ay with our beloved department dean naman. Mas lalo kaming natuwa ni George nung idiniklara samin ng dean na magkakaroon nga kami ng victory party sa buong department. Mag bibigay daw siya ng malaking budget para sa pagkain naming lahat. Syempre maliban sa libreng pagkain, ibig sabihin nun wala kaming klase sa araw na yun. "Congrats anak!" nanay sabay yakap sakin ng sobrang higpit nung pinayagan na ang mga audience na lumapit sa stage "Ang ganda ganda mo" puri pa nito. Kasunod niya ay sina tita Nikki,tita Patricia at tita Coleen. "Tita salamat nga po pala sa suot ko." sabay hug kay tita Nikki. She made me a color gold beaded mermaid cut gown. "I'm glad that you liked it hija." Nakangiting saad ni tita Nikki "Thank you for coming tita" sabi ko kila tita Patricia at tita Coleen tsaka hug din sakanila. "You did a great job Xyra" tita Patricia "Salamat po" "We didn't know you have a talent for pageantry Xyra." Tita Coleen "mabuti na lang at hindi ka kay Xyla nagmana." tita sabay sulyap kay nanay. "FYI Xyra got her looks from the Rodriguez." taas noong sabi ni nanay sa mga kaibigan kaya napailing ako ng wala sa oras. "Nay" suway ko, napatawa naman ang apat saakin. "Fine! Let's take a picture first anak. Ipapakita ko ito sa tatay mo. Para kapag nakita niya ay pagsisihan niya ang desisyon niyang hindi umuwi ngayon." Kami muna ni nanay ang kinunan ng litrato ni tita Coleen pagkatapos nun ay sina tita na ang lumapit. Nikka,Niel, Enzo, Ella and Dianne was also there kaya laking tuwa ko nung nalaman na nanuod pala silang lahat. After the photo opt with the family narinig ko pa ang pag aya sakanila ni nanay na doon na lang daw kumain sa bahay dahil nag pahanda daw siya dun ng pagkain kanina. At mag sisilbi na rin itong homecoming at despidida ni nanay sa mga kaibigan dahil sa sunday uuwi na daw siya ng France. Pagkatapos umalis nina nanay sa stage ay nag silapitan na sakin ang ibang estudyante para makipag selfie saakin. Kaliwa't kanan, hindi ko na alam kung saan ako titingin sa dami nila. Maliban sa nasisikipan ako ngayon ay nahihirapan na rin ako sa suot kong gown at heels, hindi pa maiiwasan na bahagya akong matulak ng ibang estudyante. Hindi naman ako makapag reklamo dahil alam kong hindi naman nila yun sinasadya. Napapikit ako ng mariin nung napasobra ang tulak saakin ng isang estudyante, ngunit imbes na malamig na sahig ang makuha ko ay mainit na dibdib ang sumalubong saakin. "Are you okay?" a familiar voice said. Unti unti kong minulat ang aking mga mata, ramdam ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking bewang para maalalayan niya ako. Kita ko ang pag aalala sa mga mata ni Cassian nung umayos ako ng tayo. "Thank you" I said while fixing my sash. "Stop pushing!" His voice thundered when some of the student started to push me again kaya muli akong napasubsob sa dibdib niya. His arms wraps around me to protect me from the students. "I said stop pushing!" He then groaned because he's uncomfortable from the amount of students near him. "Si Cassian!" kahit anong ingay ng mga estudyante na nandito ngayon ay rinig ko parin ang boses ni Dana. Napaayos ako nang tayo ng wala sa oras nung napansin ko na mas lalo atang naiinis si Cassian sa mga estudyante at akmang handa na siyang sumigaw ulit. Kaya agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. "Hayaan mo na sila, ayos lang ako." pagkatapos nun ay nginitian ko siya, to show him that i'm really fine with the chaos. "Teka gusto ata nilang mag papicture sakin." paalam ko bago ko hinarap ang isang estudyante na kumalabit sakin. Kahit ilang estudyante na ang lumapit sakin para makakuha ng litrato ay hindi parin hinahayaan ni Cassian na tuluyan akong makalayo sakanya. He really made sure na malapit ako sakanya, na kapag may mangyaring masama sakin ay mabilis niya akong ma proprotektahan. And i'm really thankful for that, na kahit na hindi siya kumportable sa maraming tao hindi parin siya umaalis, tahimik na hinihintay akong matapos dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD