[13]

3436 Words
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon papunta sa aming classroom. Tapos na kasi ang intrams kaya back to normal na ang lahat ng klase. Bago umuwi si nanay sa France last sunday binilhan niya pa ako ng bagong sasakyan, na hindi naman sana kailangan dahil nasanay na ako sa pag cocommute. Ngunit ang sabi niya hindi mapapanatag ang sarili niya kapag hindi pa niya ako mabibilhan ng sasakyan. Alam niya kasi kung gaano kahirap sumakay ng PUJ dito sa Pilipinas. Kaya ayun sa huli ay napapayag niya rin ako. "Ay pucha!" napapikit ako ng mariin sabay hawak sa dibdib ko, pinapakalma ang sarili dahil sa gulat. "Sage ano ba!" inis na sabi ko sakanya sabay hampas ng braso niya nung nalaman ko na si Sage pala ang mokong nang gulat na naman saakin. Ngunit imbes na sagutin niya ako ay bigla niya hinila ang braso ko "Sage anong problema? Pwede ba, bitawan mo ako." suway ko, kay aga aga nanghihila na. Patuloy ang pag hihila niya ng braso ko hanggang sa makarating na kami sa ilalim ng isang puno kung saan wala masyadong estudyante na dumadaan. "I've been quiet these past few days, dahil alam kong busy ka sa pageant at hindi ko gusto masira ang focus mo dahil dito" aniya "You're dating him right?" deretsang saad niya sabay bitaw ng braso ko. Kunot noo ko siyang tiningnan habang hinimas ang banda ng braso ko kung saan niya ako hinila kanina "Sino?" nanatili ang tingin niya saakin, hinihintay ang isasagot ko. "Ako?" sabay turo ng sarili ko Umayos siya ng tayo sabay krus ng kanyang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib "You're dating Cassian. Am I right?" Laglag ang panga at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya "Of course not!" mariin na sabi ko sabay iling. "I saw what you did last time Xyra, at nakita ko rin kung papano ka sumama kay Cassian palayo." his eyes narrowed as he is trying to interrogate me. "Ay yun ba?" I paused for a second trying to find an excuse. "It was a normal thing, don't worry." I really tried my best to sound as normal as possible. Dahil alam kong mahuhuli at mahuhuli niya ako na nag sisinungaling sa oras na mapansin niya may kakaiba sa kinikilos ko. At baka mapaamin niya ako sa totoo kong nararamdaman para kay Cassian ng wala sa oras. "What do you mean a normal thing?" "You know, hooked up? Hindi ba't yan ang sinabi mo nung isang linggo kay Cassian?" Bigla siyang tumawa na ikinagulat ko, ang tawa niya kasing yun ay nag papahiwatig sakin na isang malaking joke ang sinabi ko sakanya. Na hindi kapanipaniwala ang lumalabas sa bibig ko "Mas mapapaniwalaan ko pa kapag sinabi mong you're in relationship with him, than hooking up with him Xyra." Sage "At bakit mo naman nasabi yan?" tinangka kung labanan ang titig na binibigay ni Sage sakin ngunit ilang segundo pa lang ang nakalipas ay agad ko na itong iniiwas. "First, we both know that Cassian is not the type of guy who are into that kind of stuff, remember he will inherit the largest hotel chains in the country. Small scandals from him would lead to their empire's downfall. Second, you are also not the type of girl, your making out would be only made inside the club premises not outside. Ilang buwan na tayong magkaibigan at never kang sumama sa isang lalaki palabas ng club. No matter how hot and handsome he is." Aniya "Maliban na lang kung may gusto ka talaga sa lalaking yun kaya ka sumama." Hindi ako makasagot kay Sage dahil hindi ko alam kung ano dapat ang sasabihin ko. Kaya napabuntong hininga na lang ako. "Let me guess" tsaka niya nilagay ang isang kamay niya sakanyang baba "Mahal mo siya no?" may panunukso sa boses niya ngunit hindi ko magawang ngumiti sa harapan niya. "Yiee! Sa wakas mag kakaboyfriend na si Xyra." sabay sundot ng tagiliran ko. "Sage! Baka may makarinig." suway ko sabay lapit sa kinatatayuan niya para sa oras na may sasabihin siya ay madali kong takpan ang bunganga niya. "Eh ano naman kung may makarinig? Edi mamatay sila sa inggit." kita ko ang pag kislap ng mga mata ni Sage nung kumapit siya sa braso ko "Sa tingin ko mahal ka rin ni Cassian, ang suwerte mo girl." "Suwerte?" takang taka kong sinabi "Syempre! Si Cassian ang nag iisang tagapagmana ng Dy's Empire. Hindi na ma bilang ang mga hotels nila dito sa Pilipinas sa sobrang dami, idagdag mo pa na patuloy parin sila sa pag eexpand outside the country. Can you imagine the money that his family had?" "Sage, hindi ko naman minahal si Cassian dahil sa pera ng pamilya niya. I love him as Cassian Dy, a business management graduating student of East High. Not as a Cassian Dy who is the only heir of Dy's empire." seryoso kong saad. "At kahit mahal ko nga siya, kahit kailan hinding hindi ko aaminin sakanya ang tunay kong nararamdaman." "What?" gulat na sabi ni Sage "Gaga bakit? Paano kung mahal ka rin ng taong yun?" "Ayaw kong maging kumplekado ang buhay namin Sage. Atsaka hindi ba't malapit na siyang ipakasal ng mga magulang niya sa babaeng gusto nila para sa anak?" "Pano kung ipaglaban ka niya sa magulang niya? At hindi na matuloy ang kasal para sayo?" "Paano kung kahit na nag mamahalan kami pareho ay hindi parin papayag ang mga magulang niya sa relasyon namin? Paano kung itutuloy parin nila ang matagal na nilang kasunduan sa pamilya ng babae?" nakita kong lumungkot ang mga mata ni Sage. Alam ko na sa ganitong pagkakataon ay naiintindihan niya na kung bakit ganito ang naging desisyon ko. "Ayaw ko, na dumating ang panahon na hulog na hulog na ako kay Cassian ay yun din ang panahon na mawawala siya sa buhay ko Sage. Ayoko, no let me refrain it, i'm scared to take the risk Sage." Napabuntong hininga siya bago tumango "Ano ang plano mo ngayon?" "Iiwasan siya" maikling tugon ko "Bulag ka ba o sadyang manhid ka lang Xyra?" Alam niyo kung hindi ko lang to kaibigan kanina ko pa siya binatukan. Kung makapagsalita kasi walang preno. "Can't you see Cassian is crazy over you?" Tumaas ang isang kilay niya "Sige sabihin mo nga sakin, bakit siya pumunta dito na mag isa last week?" "He's doing his thesis reports kaya parati siya nandito sa campus." Humalakhak siya kaya takang taka ako nung tiningnan ko siya. "Thesis?" muli siyang tumawa "Intrams week yun, hello? Imposibleng gagawa siya ng paper works kahit na wala namang klase. Atsaka 4in1 kaya ang mag kaibigan, kung wala ang isa malamang wala din ang tatlo. So tell me, kung hindi ka nga mahal ng tao bakit niya ginawa ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa?" Natahimik ulit ako sa sinabi ni Sage dahil marami na ngang nagawa si Cassian na hindi niya kadalasan nagagawa, o kahit kailan man ay hindi pa niya nagawa. Katulad na lang nung namalengke kaming dalawa. Sumakay kami ng tricycle, pumunta sa maraming tao atsaka idagdag mo pa na kumain kami sa mumurahing karinderia. Naalala ko rin ang sinabi ng karamihan na kahit kailan hindi siya sanay may kasama sa isang sasakyan. Ngunit kung iisipin mo nakailang beses na akong nakasakay sa kotse niya. To think that I can freely touch his car means a lot. Nakaramdam ako ng kilabot sa mga iniisip ko. He likes me, no! He loves me. Hindi pwede to Agad akong umiling para mawala ang mga naiisip ko. Hinawakan ko bigla ang dalawang kamay ni Sage na ikinagulat niya "Please Sage tulungan mo ko." I pleaded He sighed "Paano mo siya iiwasan? Nasa iisang student org lang kayo." "I'll find an excuse kapag mag aaya ulit mag laro sina Dana." "At alam mo rin na hindi tatagal mahahalata rin nila na umiiwas ka sakanila." "I know" dismayado kong saad "But for now, as much as possible I need to stay away from him." "Sigurado ka ba dito Xyra? Dahil kung ako ang tatanungin mo, wala akong may nakikitang mali kung makikipag relasyon ka kay Cassian." "Buo na ang desisyon ko Sage." Muli siyang napabuntong hininga. "Alright, tutulungan kita kung yan ang gusto mo." "Thank you." nakangiting sabi ko. Pagkatapos namin mag usap ay bumalik na kami sa classroom namin. At dahil back to normal na nga ang klase, back to normal na rin mag bigay ng mga gawain ang guro. Kaya hectic na ulit ang schedule namin ni Sage, sa tingin ko matagal tagal pa bago kami ulit makapunta ng bar para mag party. Ilang linggo na ang nakalipas simula nung huli naming pagkikita ni Cassian, at laking pasasalamat ko kay Sage dahil sa tuwing na hahagip ng kanyang mga mata sina Dana ay agad niya akong hinihila papalayo. Kung minsan naman ay nag papaiwan siya at ako lang mag isa ang aalis. Hindi na kami tumatambay parati sa field ni Sage atsaka sa bahay mismo namin ako umuuwi dahil nga baka biglaan na pumunta doon si Cassian. Kahit malayo ang bahay sa campus ay okay lang sakin dahil may kotse na ako. "Bad news!" hingal na hingal si Sage nung lumapit siya sakin. Nandito kasi ako sa library ngayon may ginagawang paper works, habang siya naman ay dumerecho sa cafeteria pagkatapos ng klase. "oh anong nangyari? Ba't ganyan ang mukha mo?" umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Kunot noo ko siyang tiningnan. "He's here" "Sino?" "Cassian, papunta na sila dito. I'm sorry hindi ko sila napansin sa cafeteria---" "What!" gulantang na sabi ko sabay tayo na agad ko namang pinagsisihan dahil nakuha ko ang halos lahat ng atensyon ng mga estudyante dito. Pekeng akong tumawa sa mga matang na hagip ko at bahagya pang yumuko bago dahan dahan na umupo muli. Napakagat labi ako sa kahihiyang natamo "Pasensya ka na talaga Xyra." Sage pleaded I sighed "Okay lang, hindi mo naman kasalanan." ngumiti ako sakanya para ipahiwatig sakanya na okay lang. Tsaka pinatuloy ang naudlot kong gawain. Hindi na ako aalis dito dahil mas lalo lang nilang mapapansin ang pag iwas ko sa grupo nila kapag hindi nila ako mahanap dito sa library. When I heard some gasped and murmuring from the other students here I immediately concluded that they're here. Hindi ko na inabala ang sarili kong silipin kung anong meron sa paligid ko. Kunot ang noo ko habang paulit ulit na binabasa ang isang sentence dahil kahit anong pag basa ko dito ay walang pumapasok sa utak ko. "Hi nandito pala kayo." Sage as if he is not expecting them to come here. It was also my cue to look at them. At tama nga si Sage, apat talaga silang pumasok dito sa library. Kita ko ang mga estudyante na hindi na ulit makapag aral ng maayos dahil nasa kanilang apat na ang kanilang mga atensyon, tsaka ang iba ay kumukuha pa talaga ng litrato. Ngumiting kumaway sakin si Dana, ganun din ang ginawa ko. "Hi, thesis?" tanong ko pa ngunit umiling siya tsaka itinuro si Cassian na ang talim ng tingin sakin. "Hey" my normal greetings to him. "Can we talk?" he said seriously "Sure? what is it?" "Privately" "Sorry can we just do it here? You know I have a lot of things to do" Maliban sa ayaw ko nga siya makausap dahil sa iniiwasan ko nga siya ngayon, marami talaga akong ginagawa. Sinulyapan niya ang table namin ni Sage na sobrang daming librong nakakalat I saw him smiled as he licked his lower lip. "As expected" sagot niya bago hinarap ang mga kaibigan atsaka may ibinulong ito sakanila. I tried to stretched my neck, sinusubukan na marinig man lang ng kaonti ang sinasabi niya ngunit hindi ko nagawa dahil sa sobrang hina ng pagkakabigkas niya. Napaatras ako sa kinatatayuan ko tsaka pasimpleng tumingin tingin sa paligid nung muli silang humarap saakin. Naniningkit ang mga mata ko nung nakita kong kumaway si Dana saakin bago sila umalis na tatlo. Cassian didn't say a word when he pulled a vacant seat besides me. Nakaramdam ako ng takot dahil sa ginawa niya. "What do you think you're doing Cassian" suway ko nung tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko "What do you think?" may pag hahamon pa sa boses niya. Wala siyang dalang gamit o ballpen man lang, kaya imposibleng mag aaral siya dito o may gagawing report. "I told you, marami akong gagawin ngayon." "What is it? Tutulungan kita" sabi niya sabay tingin ng mga librong kinuha ko sa shelves. "Marketing?" sabay angat ng isang libro Napapikit ako ng mariin dahil naalala kong business student pala ang kaharap ko ngayon. Hindi na ata ako makakahanap ng magandag excuse para mapaalis ko siya ngayon. Tungkol sa marketing ang paper works na ginagawa namin ni Sage ngayon. Dahil connected daw ang culinary world sa business world. Dapat mo daw pag aralan kung paano mo ipapakita ang produkto mo sa tao. We should know how to attract our target consumers. Wala akong magawa kung hindi ang umupo na lang sabay bawi ng libro na hawak ni Cassian. "You need help?" "No thanks, I can handle" "Mas matatapos kayo ng maaga ni Sage kung tutulong ako." "I said I can handle this Cassian" I glared at him. "Alright then, don't hesitate to ask me if you need something." preskong sabi niya sakin "Hindi ka aalis?" I was expecting him to stand up but he didn't. He raised his brow "Why? Gusto mo ba akong umalis?" Napalunok ako dun sa sarili kong laway sa sinabi niya, idagdag mo pa na mukhang nasaktan ko pa siya sa sinabi ko. "I didn't say that" pag bawi ko "I was just thinking na baka may mas importante kapang gagawin." "There's nothing more important than this Xyra." he said huskily. Nanatili ang mga titig ko sakanya. Gusto ko sanang hintayin na bawiin niya yun ngunit hindi. Sa halip ay nakatitig lang din siya saakin. Mula sa aking mga mata pansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking mga labi. I pursed my lips unconsciously before avoiding his gaze. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko atsaka pag bilis ng t***k ng puso ko. Kahit anong tanggi ko sa sarili ay hindi maalis sa isipan ko na masaya ako dahil nandito siya ngayon sa harapan ko. I missed him. I missed our casual conversations. I must be crazy right? Missing him, kahit na ako mismo ang gustong umiwas sakanya. I sighed as I shake my head Binalik ko ang buong atensyon ko sa libro na nasa harapan ko. Paminsan minsan naririnig ko sila ni Sage na nag uusap, may tinatanong kasi si Sage sakanya tungkol sa librong binabasa niya. Habang ako naman ay hindi ko na siya ulit kinausap o hinarap man lang. Natatakot kasi ako na baka masayang lang na parang bula ang ilang linggo kong pag iwas sakanya. Sa sobrang dami na ng binabasa ko ngayon, hindi na ako sigurado kung may pumapasok pa ba sa utak ko o wala. Hindi ko na kaya, suko na ako. Pagod na ako mag basa. Ipinatong ko ang aking ulo sa mga libro. Pumikit pa ako habang nakayuko. Unti unti kong minulat ang aking mga mata nung may naramdaman akong marahan na pag haplos sa aking buhok. Isang Cassian ang sumalubong sa akin. Nakapatong rin ang kanyang ulo sa mesa habang nasaakin ang buong atensyon niya. He gently smiled at me, habang tinatanggal niya ang takas na buhok ko sa aking mukha. Nanatili akong nakatitig sakanya. Kung isa itong panaginip, hindi ko na gustong gumising pa. Itong mukha ni Cassian ang pinakamaamong mukha na nakita ko mula sakanya. Inangat ko ang aking kamay at dahan dahan ko hinawakan ang kanyang mukha. He didn't say a word, he just let me touch his face. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Then suddenly, tumunog ang telepono niya. I saw his brow furrowed as he muttered a curse. Umupo siya ng maayos sabay kuha ng kanyang telepono. Ang kamay ko naman ay nanatiling nakataas sa ere. Unti unti akong umayos ng upo habang nakatingin parin sakanya. Pinagmamasdan ang lahat na kinikilos niya. I blinked for a couple of times, and then I gasped and my eyes widden when I realize that it was not a dream at all. "I don't need to be there dad." Cassian. Tahimik kong niligpit ang mga librong nasa mesa habang busy si Cassian sa kausap tsaka agad na tumayo para makaalis na "Wait!" napayakap ako ng mahigpit sa hawak kong mga libro nung narinig ko ang pagtawag niya sakin. Huminga muna ako ng sobrang lalim bago ko siya hinarap. Magkasalubong ang kilay niya nung tiningnan ko siya. "Saan ka pupunta?" seryosong sabi niya. Ang mga titig niya sakin ay parang may nagawa akong kasalanan sakanya. "Uhh" iginala ko ang aking paningin sa paligid at dun ko napansin na kami na lang pala ang nandito sa library dahil 6pm na. Nakatulog pala ako ng matagal at panigurado nakauwi na ang ibang estudyante. Bakit hindi man lang ako ginising ni Sage? Arrgh! At hinayaan niya akong kasama ni Cassian. Kaibigan ko ba talaga ang taong yun? "Iiwasan mo na naman ba ako?" Parang umurong bigla ang dila ko, hindi makapag salita kaagad dahil nakita ko na lumungkot ang mukha niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, hindi ko kaya na makita siyang ganito. Mas gusto ko siyang nakikitang masungit kesa sa mukha na pinapakita niya saakin ngayon. Ngunit kung hindi ko ipagpapatuloy ang ginagawa ko, paano naman ako? Paano kung sa huli ay pareho kaming masasaktan? I am Xyra Venice, eversince I was young hindi ako natatakot sa kahit anong bagay kailanman, kung ano ang gusto ko kukunin at kukunin ko iyon. Ngunit simula nung nakilala ko siya nakaramdam ako ng takot, scared to take a risk for him, eventhough I love him. "Anong iniiwasan? Hindi kita iniiwasan Cassian. Bakit mo nasabi?" I lied He mockingly laugh and I can see anger on his eyes "Kung hindi pag iiwas ang ginagawa mo sakin ngayon, ano ang tawag mo dyan?" he sighed "May nagawa na naman ba akong kasalanan sayo?" he whispered. "Wala ah" sabay iling tsaka winave pa ang kamay ko sa harapan niya "Uhm, ano.. sadyang busy lang talaga ako sa klase kaya hindi mo ako gaanong nakikita sa campus." "Bakit? Sa tuwing dinadalaw kita sa unit mo wala ka naman dun?" "Ah ano kasi, umuuwi na ako sa mismong bahay namin" "Saan? I hahatid na kita." "Naku wag na!" pag tanggi ko, muli nagkasalubong ang kilay niya, then I saw him smirked "malayo kasi dito tsaka may kotse na ako ngayon." sabay angat ng susi ko "You already have a car?" Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat "Yeah, binilhan kasi ako ni mommy nung umuwi siya dito." "At hindi mo man lang nasabi sa akin" "Sorry, I was too busy to tell you." Tinangka ko pang lumapit sa kinatatayuan niya ngunit natigil ako sa kalagitnaan nung muli siyang nag salita. "Okay I get it, you're avoiding me. I don't know why but I respect it" nung nag tama ang mga mata namin ay sisingsisi ako sa ginawa ko "I'll give you time, I won't bother you, mag hihintay ako sa araw na kusa kang lalapit sa akin. But for the meantime when i'm away, please take good care of yourself Xyra." Tahimik ko siyang sinundan nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng library. Parang napako ang mga paa ko sa tinatayuan ko, hindi ko man lang siya kayang habulin. Bumalik ako sa tamang pag iisip ko nung biglang may tumawag sa akin. It was Sage "Hello Xyra? Where are you? Magkasama pa ba kayo ni Cassian?" bungad niya "Uhmm hindi na, umalis na siya bakit?" "May sinabi ba siya sayo?" Hindi ako maka sagot kaagad sakanya dahil sa marami ngang nasabi si Cassian sakin. At mukhang nasaktan ko pa talaga siya sa nagawa kong pag iiwas sakanya nitong nakaraang linggo. "Have you seen his ig story? Girl, Cassian is totally inlove with you. Ang swerte mo!" Aniya "wait nakita mo ba?" "Wala pa" "Hay nako! Iend ko na to. Tingnan mo ang story niya. Bilis!" pagkatapos nun ay inend niya na talaga ang tawag. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Sage. I immediately open my social media account and open Cassian's ig story. Laglag ang panga ko sa nakita ko. It was me Mahimbing akong natutulog sa picture na kuha niya. Wala akong make up kaya kitang kita ang freckles ng mukha ko. Tsaka may nakalagay pa na "*" sa litratong yun. _________ * means beautiful in mandarin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD