"Hay mabuti na lang at na gustuhan ni chef ang ginawa ko kanina."
"Masarap naman talaga ang ginawa mo ah" sabi ko habang papalabas ng classroom.
"Hindi kasi ako katulad mo na nagugulat ang mga chefs sa tuwing may iprepresent ka sakanila."
"There is no doubt na magaling kang mag luto. Alam mo kung ano ang kulang sayo Sage?" huminto ako sa pag lalakad para maharap ko siya. Kunot noo siyang nakatingin sa akin "Confidence" patuloy ko
"Anong maitutulong ng confidence ko kung kulang naman ang pagkakalagay ko ng asin sa niluto ko?" sabay irap saaakin. Ngumiting napailing ako kay Sage nung nauna na siyang nag lakad sakin.
"Sage!" Pag tawag ko ngunit hindi niya ako pinansin, sa halip ay patuloy lang siyang nag lalakad palabas ng building.
Tinangka ko pang sabayan siya sa paglalakad ngunit huminto ako sa kalagitnaan dahil sa haba ng legs niya ay imposible ko siyang masabayan kung hindi siya mag dadahan dahan sa paglakad. Bahala siya, sigurado akong hihintay at hihintayin niyan parin ako pagkalabas na pagkalabas niya sa building namin dahil alam kong makikisakay siya sa kotse ko.
"Ba't ang tagal mo?" salubong niya kaagad sakin
See? Sabi ko na nga ba't hihintayin niya parin ako
"Sino ba ang nang iwan satin?" Taas ang isang kilay ko nung sinabi ko yun habang nag lalakad papalapit sa kinatatayuan niya.
"Sage! Xyra!" sabay kaming napalingon ni Sage nung may biglang tumawag samin.
It was Travis with Huebert walking towards us.
Agad na umakbay sakin si Travis nung tuluyan na silang nakalapit saamin.
"Ano sasama na ba kayo ni Sage samin mamaya?" Travis
"Anong meron?" Sage
"Magkakaroon ng malaking party sa isang club. Halos lahat ng mga kaklase natin pupunta mamaya." Travis talking to Sage. Nagulat ako nung bigla nakangiting hinarap ako ni Travis "At ikaw dapat kang nandun, matagal ka nang hindi sumasama samin sa tuwing gumagala kamj. Mag tatampo ako kapag hindi ka pupunta mamaya" tsaka niya ginulo ang aking buhok bago umayos ng tayo.
"Sasama na yan mamaya. Tapos na kasi ang semester kaya wala na siyang takas pa." Sage
Tiningnan ko ng masama si Sage ngunit isang mapanglokong ngiti lang ang iginawad niya sakin.
"Nice! Aasahan ko yan Sage ah" ani ni Travis "May irereto ako sainyo mamaya kaya kailangan niyong pumunta."
"Ay bet! Gusto ko yan" na eexcite na pahayag ni Sage sabay palakpak pa.
"Sigurado akong magugustuhan niyo ang kung sino man ang irereto ko sainyo" sabay wink pa ni Travis kay Sage.
Ay nga pala sa tagal na naming mag kakaklase nina Travis at Huebert, alam na nila kung ano ang mga tipo ni Sage. At yun ay ang mga lalaking kabarkada ni Travis.
"Oh papano yan? Alis na kami ha? Kita na lng tayo mamaya 10pm"
"Sige" maligayang sabi ni Sage
"Ikaw Xyra?"
Tumango ako "10pm" sabi ko
"Nice!" Travis sabay wave samin ni Sage habang si Huebert naman ay nakita kong tumango bago tuluyang umalis papalayo saamin.
Humagikhik pa si Sage nung kumapit siya sa braso ko "Alam mo bang halos lahat ng mga barkada ni Travis ay puro model? Take note international models. I heard one of them is from France, kaya sa tingin ko siya ang irereto sayo ni Travis mamaya."
Nakangiti ko siyang hinarap "Pogi ba?"
Mas lalong ngumiti si Sage sakin and he's giving me a signal. It feels like our old thing "Syempre naman, kapag sinabi kong pogi, paniguradong poging pogi yun."
"Paano kung pangit?" pag hamon ko sakanya
"Kung pangit, pangako hahalikan kita mamaya."
My jaw dropped when he said that "Are you serious?" natatawang sabi ko
"Of course I am!"
"Okay game! If I don't find them attractive I swear i'll kiss you Sage" pagbanta ko ngunit kahit kaonti ay hindi siya nakaramdam ng takot sa sinabi ko.
Pagkatapos nun ay dumerecho na kaming pareho sa parking area ng campus para kunin ang sasakyan ko.
Napagkasunduan namin ni Sage na dun na siya muna tatambay sa bahay namin para sabay na kaming pumunta ng party mamaya.
Ngunit bago pa kami makauwi ay dadaan pa muna kami sa isang mall para mamili ng susuotin namin mamaya. Wala kasi sa plano ang gala namin mamaya kaya hindi nakadala ng extrang damit si Sage.
"Xyra tama ba ang bahay na napasukan natin?" mula sa pagkakaupo niya sa shotgun seat ko ay pinagmamasdan niya ng maigi ang bahay namin sa labas. "Baka palabasin tayo dito ng wala sa oras ah"
Pagkapark na pagkapark ko ng aking sasakyan ay agad ko siyang hinarap. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha niya sa kung ano man ang nakikita niya sa labas.
"Uy ang laway mo tumutulo na oh" tsaka pabiro kong pinunasan ang gilid ng kanyang bibig na agad niya naman itong tinampal.
"f**k Xyra! Bahay niyo ba talaga to?" nanlaki pa ang kanyang mga mata niya nung sinabi niya ito
"Hindi Sage, makiki cr lang tayo dito" natatawang sabi ko sabay kuha ng suot kong seatbelt. Masama niya akong tiningnan pagkatapos kong sabihin yun "Ano ka ba? Bakit kita dadalhin dito kung hindi ko naman to bahay hindi ba? Tara na nga!" pag aya ko tsaka nauna na akong lumabas sa kotse.
Agad namang kaming sinalubong ni manang Clara ang matagal na naming house keeper dito. Sa tuwing wala kami dito sa Pilipinas sila ni kuya Joaquin ang kanyang mister ang nandito.
"Manang dito po kakain ng hapunan ang kaibigan ko" magalang kong sabi kay manang Clara.
"May gusto ka bang ipaluto sakin ija?" tanong niya habang unti unti niya kinukuha ang dala kong bag.
Nakasanayan niya na kasi itong gawin sa pamilya ko sa tuwing umuuwi kami dito kahit na hindi naman namin siya inuutusan ay pilit niya parin kinukuha kung ano man ang dala namin.
"Wala na po manang" nakangiting umiling ako "Kahit ano na lang po"
"Oh siya, umakyat na kayo ng kaibigan mo para makapag pahinga na kayo, hindi ba't kakatapos lang ng exams niyo kanina? Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang hapunan."
"Sige po manang, salamat" sabi ko sabay lingon ulit kay Sage na hanggang ngayon ay tulala paring pinag mamasdan ang buong bahay namin.
I snaped my fingers infront of his eyes to get his attention. He was spacing out, habang pinagmamasdan parin ang kabuoan ng bahay namin.
"f**k Xyra! Are you the hidden daughter of a tycoon?" He whispered as we entered our house. Laglag ang panga niya habang nakatingala sa chandelier na matatagpuan sa living room namin.
"Sa sobrang laki ng bahay niyo, sa tingin ko kung may plano ang buong section natin na mag sleep over dito ay kakasya tayong lahat."
"Sobra ka Sage ah, hindi naman. Maliit lang kaya ang bahay na to"
"Maliit pa ba ang bahay na ito para sayo? Bahay pa nga ba ang tawag mo dito? It is like a mansion to me you know?"
"You know what Sage" huminto ako sa kalagitnaan ng aking pag akyat sa hagdan para harapin ko siya "Parang gusto kitang dalhin sa France ngayong sembreak, gusto kong makita ang magiging reaksyon mo kapag nasa harapan mo na ang bahay namin dun" I chuckled when I saw his eyes widened again
"Bakit? May mas mailalaki pa ba ang bahay na ito?" gulantang niyang sabi
"Hmmm, who knows?" I shrugged as I said that. Gusto ko kasi mas lalo siyang maguluhan saakin.
Sa buong buhay ko, hindi kailanman pumasok sa isipan ko na ipagyabang ang kung anong meron man sa pamilya ko. As i've said before, i'm actually uncomfortable talking about it. But when it comes to Sage, simula nung nag kakilala kami he was really open to me. Sa katunayan pinagkatiwalaan niya nga ako kaagad sa totoong kasarian niya kahit na bago pa lang kaming magkakilala nun. Kaya sa tingin ko hindi naman ata tama na ilihim ko ang totoo kong pagkatao.
"That's why I told you Sage, you should work with me after our graduation."
Nandito kami ngayon sa loob ng aking kwarto, magkaharap na nakaupo sa aking kama. Naikwento ko na sakanya kung ano talaga ang negosyong pinapatakbo ng aking pamilya.
"Thanks but no thanks"
"What? Why?" hindi ko inaasahan ang naging desisyon niya. Paano ba naman kasi, I suggested him to work as a chef in one of our cruise ship after we graduate. But he declined it.
"Alam kong sobrang ganda ng offer mo at hindi ko maitatanggi na gusto kong ngang maging parte ng isa sa pinakamalaking cruise line sa Europe. Pero Xyra" aniya "I don't think I don't have the credentials that is fit on your luxury cruise line."
"What credentials that you're talking about Sage? Ako ang bahala sayo, kahit hindi kapa nakakapasa ng resume mo sa head office pasok ka na kaagad dun."
"Xyra, gusto ko na sa oras na makapasok ako sa companya niyo ay dahil yun sa kakayanan ko sa larangan ng pag luluto, hindi dahil sa kaibigan ko ang anak ng may ari ng companyang papasukan ko."
I sighed, Sage is right. Napaisip ako dun sa sarili kong offer sakanya. Ganitong ganito din ang magiging desisyon ko katulad ni Sage kapag may mag bigay sakin ng ganitong offer na trabaho. I don't want a easy access. I want to be a successful chef someday on my own pace. Eventhough it is just a baby steps for now, I know someday it would pay off.
"Pero ang trip to France this sembreak tatanggapin ko yun ah? Wala nang bawian."
I chuckled "Isasama kita sa France kapag isasama mo na rin ako sa pag uwi mo sa probinsya niyo."
"Sus yun lang ba?" Taas noo niyang sabi "Sa susunod na linggo fiesta sa bario namin, uuwi ako para tumulong sa pag luluto ng ihahanda namin sa bisita. Ano sama ka ba?"
"Aba syempre naman" nakangiting sabi ko.
I wore a black laced bralette, black cover up jacket and a black above the knee leather skirt for the party. I did my make up and curled my hair.
"Salamat po" nahihiyang sabi ni Sage kay kuya Joaquin nung makarating na kami isang high end building around BGC na tinutukoy ni Travis kanina. Sa tingin ko sa rooftop ng building na ito matatagpuan ang club. Nag pahatid nga pala kami kay kuya Joaquin dahil tinatamad ako mag drive ng kotse ko.
"Walang anuman" kuya Joaquin "Mag papasundo po ba kayo mamaya ma'am?"
"Ah hindi na po siguro" sabi ko sabay hakbang papunta sa gilid para ma close na ni kuya Joaquin ang pinto ng passenger seat ng kotse.
"Sige po ma'am. Pero kapag biglang mag bago ang isip niyo at gusto niyo pong magpasundo sakin wag kayong mahiyang tumawag. Hihintayin ko po ang tawag ninyo mamaya."
"Okay po. Salamat kuya" I smiled and waved at kuya Joaquin.
Pagkatapos nun ay hinila ko na si Sage papasok sa club.
Dancing neon light, smokes, clicking of glasses, laughing people and loud party music welcomed us when we went inside the bar. As i've expected this is an open space bar. Nasa pinakamaatas kami na palapag ng building ngayon.
"Ahhh! Na miss ko to" sigaw ko
It is the peak of the night kaya madami nang tao ang sumasayaw sa gitna ng dancefloor.
I've seen familiar faces from EHU, may iilan pang bumati saamin ni Sage ngunit hindi namin pinapatagal ang usapan dahil kailangan pa namin hanapin sina Travis.
"I guess both of us will be wasted later on" pasigaw na sabi ni Sage sa tenga ko, dahil sa ingay ng music ay hindi na kami gaanong marinig ang isa't isa. "Daming pogi! Mygash!" Pahabol niya sabi while banging his head.
Nahirapan pa kami ni Sage na hanapin ang table nina Travis dahil sa sobrang dami ng tao ngayon sa club. I guess everyone is also celebrating their last day of class for this semester.
"Cheeers!" Travis sabay abot samin ng tequila
"Cheeerr!" nakangiting sabi ko bago tinanggap ang inumin.
I immediately made a face nung naramdaman ko ang pag init ng lalamunan ko. Mabuti nalang at may inabot si Huebert na isang pirasong lemon saakin.
Nakailang shot pa ako ng tequila at coke rhum bago makaramdam ng pagkahilo.
"Xyra!" Travis sabay akbay sakin "I'd like you to meet Simon" pakilala niya sa isang lalaki sakin na nasa harapan ko. He looks like a foreigner to me, from his height, body built and face. He also has a stubble by the way that adds on his manlyness "Simon this is Xyra, she was the one that i'm talking about."
Siya ang naunang nag lahad ng kanyang kamay sa harapan ko na agad ko naman tinanggap.
"Travis told me that you're from France." umpisa niya
"Ah yeah, galing ka rin ba ng France?"
"My dad is french and my mom is filipina."
"Oh vraiment?"
"Oui"
Natuwa ako at nakaramdam ng excitement nung naintindihan niya ang sinabi ko. I mean after moving and living here in the Philippines, Simon is the first person that I met who knows how to speak french here. It was nostalgia to my ears.
Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako para mag kasya siya.
"Depuis combien de temps êtes-vous ici?"
"Six mois"
Habang lumalalim ang usapan namin ni Simon, nalaman ko na he's 25 years old, a professional model here in the Philippines. Hindi katulad ko, dito na siya lumaki at paminsan minsan na lang kung umuwi sa Bordeaux one of the city in France.
"Uy tama na ang landian!" biglang sulpot ni Sage "tara sayaw tayo!" pagkasabi niyang yun ay agad niyang hinawakan ang kamay ko para sapilitang patayuin atska hinila papuntang dancefloor.
"Mukhang maganda ang gabi natin ngayon ah" biro pa niya nung nasa gitna na kami. Tahimik na nakasunod si Simon sa aming likuran. "I guess he likes you" habol pa niyang sabi.
"Let's say he likes me, but I don't like him Sage." prangkang sabi ko
"What? Akala ko ba nakamove on ka na? Ang tagal ng hindi nagpakita sayo si Cassian ah."
After that conversation with him at the library, hindi na ulit kami nagkita pa ulit ni Cassian. Kahit sa cafeteria man lang o kahit sa corridor ng campus. Simula nun hindi narin kami nakatanggap ni Sage ng invitations na galing sa golf club. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pag iiwas ko kay Cassian o sadyang hindi lang talaga kami pinapapunta sa meet ups ng grupo.
Kahit na anong hectic ng schedule ko sa klase ay may mga oras talaga na pumapasok siya sa aking isipan. Kamusta na kaya siya? Kumakain ba siya sa tamang oras? Yan ang mga tanong na gusto ko sanang itanong sakanya ngunit hindi ko magawa.
"Isang semester na lang gragraduate na si Cassian ah. Ibig sabihin nun malapit na talaga siyang ikasal."
Nung narinig ko ang sinabi ni Sage ay parang tumigil ang mundo ko.
"Do you think, sa mga panahon na hindi siya nag papakita sayo ay yun yung mga araw na nagkita sila ng babaeng papakasalan niya? Or maybe they are now silently preparing for their wedding."
Sage words was like a dagger to me. Slowly stabbing my chest.
Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko kaya. I bit my lower lip before turning my back at him to stop myself from bursting.
"Xyra!" Sigaw ni Sage nung tuluyan akong tumakbo palabas ng club.
Tinangka pa niya akong habulin ngunit saktong pag labas niya ng club ay yun din ang pagsara ng pinto ng elevator.
Simula pa lang alam ko na na ikakasal si Cassian, kaya napili kong iwasan siya para masalba ang sarili ko. Ngunit sino ba ang niloloko ko dito? Bakit sa halip na masalba ko ang sarili ko ay mas lalo ko lang ata ipinamikha sa sarili ko kung gaano ko siya ka mahal. Kahit na ilang buwan na kaming hindi nag kikita ay mas minahal ko pa siya lalo.
Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng building, hindi ko na kayang manatili pa sa club. Dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko na maging masaya sa party na iyon ay hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na magiging masaya lang ako kapag nasa harap ko na siya.
Our casual conversations, our midnight roadtrips, him peacefuly eating the food that I made.
It may seemed as little things to other people but that makes me happy.
Tahimik akong umupo sa ilalim ng malaking puno nung makarating ako sa tuktok kung saan kami parating tumatambay ni Cassian. This was his secret place.
Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Mula dito ay matatanaw mo ang kagandahan ng buong lungson.
No wonder this is his favorite place.
"Anong ginagawa mo dito?" a familiar voice said