[15]

3005 Words
"Anong ginagawa mo dito?" A familiar voice said. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti nung narinig ko ang boses niya. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam ko na kung sino siya. It was also that moment when I knew, talo ako. Talo ako dahil hindi ko mapaninindigan ang sinabi kong iiwasan ko siya, talo ako dahil simula nung huli naming pagkikita at hanggang ngayon, hinahangad ko na bumalik kami sa kung ano ang meron kami noon. Umupo ako ng tuwid at tinanggal ang ngiti ko sa mukha bago ko siya nilingon. Nag lalakad siya papalapit sa kung saan man ako nakaupo ngayon. "Galing kang meeting?" Tanong ko sakanya. He is wearing a all black suit, white inner dress shirt and a black necktie. "Uh huh" tinanggal niya ang suot niya suit tsaka walang pasabi siyang umupo sa tabi ko, umusog ako para bigyan siya ng espasyo. "Ikaw? Galing ka ng party?" Nagulat na lang ako nung ipinatong niya sa binti ko ang itim na coat niya. "Thanks" sabi ko na lang. "Bakit ka nandito?" patuloy niya. Yinakap pa niya ang kanyang tuhod sabay tingala sa buwan na ngayon ay sobrang ganda nito. His side feature looks majestic to me. Porcelain like skin, high nose, perfectly arched eyebrow and naturally pink lips. Idagdag mo pa ang malalim niyang dimples sakanyang pisngi na kahit kaonting galaw lang ng kanyang bibig ay makikita mo na ito. "Bakit? Bawal na ba ako pumunta dito?" biro ko, na agad niya naman akong nilingon. "I didn't say that Xyra." naniningkit ang kanyang mga mata at kunot ang kanyang noo nung tiningnan niya ako. Napangiti ako tsaka nilagay sa gitna ng kanya kilay ang pointing finger ko. Pansin ko ang pag pigil niya sakanyang sarili na hindi ngumiti dahil sa ginawa ko. Kagat ang kanyang labi kaya kitang kita ko ang dimples niya na matagal ko nang pinangarap na makita muli ito. Nung binaba ko ang kamay ko ay agad kong niyakap ang aking tuhod, katulad ng ginagawa niya. Tumingala rin ako sa buwan "Galing nga ako ng party, kaso mas namiss ko ata ang lugar na ito kesa sa club." "Tsk! Namiss mo pala ang lugar na ito, ba't ngayon ka lang pumunta?" Aniya "How are you?" pag iba niya sa usapan Nung hinarap ko siya ay dun ko lang nalaman na sa akin na pala siya nakatingin. Ang paraan ng pag titig niya sakin ay para bang mawawala ako sa paningin niya sa oras na tumingin siya sa iba. "I've been busy lately, mabuti na lang at tapos na ang semester makakahinga na ako kahit papano. Ikaw kamusta ka? Isang semester na lang gragraduate na kayo." nakangiting sinabi ko yun sakanya. Totoo naman kasi na masaya ako dahil malapit na silang grumaduate. Kahit na bago pa lang kami mag kakilala, alam kung gaano niya ito pinaghirapan. Actually according to Sage, malaki ang chansa na makukuha ni Cassian ang best thesis atsaka baka nga maging summa c*m laude pa siya ng kanyang batch. "I've been busy on my school works also. Sa katunayan ngayon lang din ako nakabalik dito. I'm glad that I found you here." Bumilis ang t***k ng puso ko nung ngumiti siya sa akin habang ang mga titig niya ay hindi niya parin inaalis. Agad ko namang sinuklian ang ngiting niyang yun. "I'm also glad that you're here Sian." pag amin ko sakanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya, sa katunayan napaatras pa siya ng kaonti at nawala ang ngiti niya dahil dito. "What did you just call me?" he asked me using his serious voice. Nakaramdam ako ng takot sakanya at agad na pinagsisihan sa kung paano ko tinawag ang pangalan niya. Nakalimutan ko, na ang mga malalapit niya lang pala na kaibigan ang tumatawag ng ganun sakanya. Ngunit napaisip rin ako, hindi ba't masasabi mo na ring isa ako sa close friend niya netong nakaraang buwan? O ako lang talaga nakaisip na naging close nga kami sa isa't isa. "Sorry, narinig ko kasi na ganun ka kung tawagin minsan nina Dana" pag bawi ko "Cass——" "You can call me Sian." hindi niya na hinintay marinig ang dapat kong sabihin nung muli siyang nag salita. Tikom ang bibig tsaka kunot ang noo ko nung tiningnan ko siya "Sian" he commanded "Sian" I whispered but it was enough for him to hear it. He looked satisfied by the way I called him. At parang lalabas na ang aking puso dahil sa sobra bilis ng pag t***k nito. Ganito na lang ba talaga kung maka react ang aking puso sa tuwing makikita ko siyang nakangiti o natutuwa man lang? After that we stayed there for a couple of minutes, talking about how we spent our days, nung mga panahong iniiwasan ko siya. "What's your plan for this break?" pag iba niya ng usapan namin. "Uhm, baka uuwi muna ako." I paused for a while and took a deep breath. May pumasok kasing tanong sa aking isipan. At sa tingin ko ngayon ang tamang panahon para itanong ito sakanya "How about you? What's your plan for this break? I heard you're marrying someone after you graduate?" Kahit masakit ang malaman ko ang totoo, alam kong kailangan ko itong harapin at marinig mula mismo sakanyang mga bibig ang kasagutan. His lips turned into a thin line, and he glared at me as if he was ready to kill someone "Saan mo narinig yan?" Kinalibutan ako dun dahil sa sobrang seryoso ng tono niya, idagdag mo pa ang galit na makikita sa mukha niya. "Why?" I gasped and my hand went immediately to cover my mouth when I realized something "Shouldn't I know about this? Sorry, is this supposed to be your family secret or something?" Hindi naman ako chismosang babae, ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na makarinig nang ganitong kwento. Si Sage ba naman ang kasama mo buong araw sa campus, araw araw may panibagong chismis na nalalaman yun. Kahit hindi ko kakilala ang tao pakiramdam ko matagal ko na silang kilala dahil kay Sage. Ikaw ba naman ang itotopic niya buong mag hapon, let's see if you can't feel any familiarity on them the moment you meet them. Tinampal tampal ko pa ang bunganga ko na agad niya namang pinigilan sa pamamagitan ng pag hawak ng aking kamay na ikinagulat ko. Huminga siya ng malalim, habang ako naman ay natataranta dahil sa dalawang rason. Unang una dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Pangalawa, dahil hanggang ngayon hindi niya parin binibitawan ang aking kamay. Ramdam ko kung paano pa niya hinigpitan lalo ang pagkakahawak niya neto. "It is not a secret that my parents wanted me to marry someone after my graduation. I just didn't expect you to hear this." mula sakanyang mga mata unti unting bumaba ang tingin ko sa isang kamay niya na kung saan tinatangka niyang kunin ang isa pang kamay ko para mahawakan niya rin ito. "Did you already meet her?" parang dinurog ang puso ko nung binitawan ko ang salitang yun "Is she chinese?" Ngunit mabuti na ito para isang usapan na lang ang gagawin namin ni Cassian, hindi ko na kasi ata kayang pag usapan ulit ang tungkol dito. Mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko pag nagkataon. "We haven't met yet, as far as I know she's chinese." "Oh.. that's great then." tumango tango pa ako tsaka ngumiti sakanya ngunit sumama ulit ang tingin niya sakin "What do you mean that's great? Do you want me to marry someone?" "Huh?" litong lito ko siyang tiningnan "Look" he paused for a while "It's true that my parents wanted me to marry someone after I graduate. Pero kahit kailan hindi ako sumangayon sa kagustuhan nila, lalong lalo na't hindi ko kakilala ang babaeng gusto nilang mapapangasawa ko." Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko pero aaminin ko natuwa ako dahil sa sinabi niya. Para bang nakahinga ako ng sobrang luwag dahil nabunutan ng tinik ang aking dibdib kahit papano. "If you're on my shoes Xyra, sabihin mo nga sakin. Mag papakasal ka ba sa lalaking hindi mo kakilala dahil lang sa gusto siya ng mga magulang mo para sayo?" "Of course not!" hindi ko mapigilan ang pag taas ng boses ko nung sinabi ko ito "Kahit pa na mahal na mahal ko ang mga magulang ko, kahit kailan hinding hindi ako mag papakasal sa taong hindi ko naman mahal." At sa tingin ko hindi naman ata magagawa nina nanay at tatay yun sa akin. "Exactly my point." "But what if that's the only way to save your company?" Hindi ba't ganun talaga ang unang rason kung bakit gusto nang dalawang pamilya ipakasal ang mga anak nila sa isa't isa. To have a stronger foundation, stronger company. "By what? Marrying someone for the sake of our company?" he chuckled as I shyly nod at him "I swear there's a lot of way on how to save a company rather than finding a way to save myself from totally drowning if they insist a loveless marriage to me Xyra" he firmly said I was so stunned because of what he said. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay naming magkahawak. "Do you want me to marry someone Xyra?" he calmly asked as he slowly draw an invisible circle in my palm using his thumb Pinagmamasdan ko siya sa ginagawa habang nanatiling nasa kamay namin ang kanyang mga mata. "I don't think I have the right to decide on this matter Sian." Sino ba naman kasi ako sa buhay niya hindi ba? "That's why i'm asking you Xyra." aniya sabay huli ng tingin ko "I am giving you the right to decide for me. Should I marry her?" sabi niya sa mababang tono. "No" I firmly said as I look at him straight to his eyes. "I don't want you to marry her" Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam nang lakas ng loob sabihin sakanya yun. It feels like if I won't answer him it would be death to me. Kita ko kung papano siya unti unting ngumiti nung narinig niya ang sinabi ko. "I won't marry her" pag uulit pa niya sa sinabi ko na may ngiti parin sakanyang labi tsaka pinisil niya ang pisngi ko "Tsk!" Inirapan ko siya pero nung humarap ako sa kabilang banda, hindi ko mapigilan na mapangiti. At ramdam na ramdam ko ang init na dumadaloy sa aking mukha. Pano ba naman kasi hanggang ngayon magkahawak kamay parin kami ni Sian. After that conversation, Sage called me. Tinatanong kung saan ako pumunta, at gusto niya na akong bumalik sa club dahil lahat ng mga kaibigan daw namin ay hinahanap na nila ako. Tsaka the party get's wilder now. So Sian and I both agreed to go back to the club together. Gusto niya kasi na siya mismo ang mag hahatid sakin pauwi sa bahay mamaya. Napag alaman ko rin na nandun pala sila Gavin sa mismong party na yun. Kaya habang kasama ko ang mga kaibigan ko dun lang daw siya muna kina Gavin para mabilis ko siyang mahanap kapag gusto ko nang umuwi. "A-B-C-D-E, F-U" sabay sabay naming sigaw dito sa dancefloor ni Sage kasama ng iba pa. Nung nakabalik ako dito sa club ay ilang shots na kaagad ng seagram ang inabot sakin nina Travis at Sage. Nawala kasi ang pagkahilo ko nung umalis ako kaya unfair daw kapag hindi ako lasing katulad nila. Nakaakbay ako kay Sage habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko. Hinubad ko narin ang black cover up ko dahil sobrang pawis na natamo ko. Hindi ko alam kung nasaan si Sian ngayon, nauna kasi akong pumasok kaya hindi ko na nakita kung saan banda ang table nina Gavin dito. "And your mom and your sister and your job And your broke-ass car and that s**t you call art" parang mauubos na ang boses ko dahil sa kakasigaw ng lyrics nung kanta. Isabay mo pa na tumabi na rin samin si Travis while holding an unknown lady on his other side. "May narinig ako" sigaw ni Sage sa tenga ko "Ano?" pasigaw ko ring tanong. Hindi na kasi kami magkakaintindihan dito dahil sa ingay ng music "I heard Cassian is also here. Magkasama kayong pumunta no?" I saw him grin when I looked at him "Tama ako no?" Biro pa niya "Shh! Bunganga mo Sage baka may makarinig sayo." suway ko Kita kong mag sasalita pa sana siya ngunit naudlot ito nung may biglang humawak sa kabilang braso ko. It was Simon. "Akala ko umalis ka na." he leaned closer to me when he said that. Napabitaw ako sa pagkakaakbay ko kay Sage para ilapit ang bibig ko sa tenga niya "Sorry may pinuntahan lang" "It's okay, mabuti na lang at bumalik ka." pagkasabi niyang yun ay ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako sakanya. Nanatili kami nina Sage, Travis at Simon sa dancefloor, ineenjoy ang lahat ng tinutugtog ng DJ. Hanggang sa makaramdam ako ng pananakit sa aking paa kaya inaya ko na silang maupo at mag pahinga na muna. "Cheeers!!" sigaw ko. Isa isa kaming nag angat ng glass para makipag cheers. Inaya ko nga sila mag pahinga mula sa kakasayaw hindi sa pag papahinga sa alak. Tuloy ang inuman!!! "Cheeers!" sabi ni Sage at ng iba pa. I am laughing out loud in all the things that they said to me. Kahit hindi naman totoong nakakatuwa, siguro dahil na rin sa alak sa buong sistema ko. Simon is sticking like a glue besides me, may binubulong bulong pa nga siya ng kung anu ano na hindi ko naman maintindihan dahil sa sobrang ingay ng paligid. Pawang ang pag tango at tawa lang ang sinasagot ko sakanya. Napaangat ako ng tingin nung may isang lalaki na tumayo sa harapan ko. White dress shirt folded until his elbow and black slacks looks familiar to me. My eyes narrowed when I tried to confirm who he was. "Oh hi there Sian" nagagalak kong sabi sabay wave pa sakanya. "Come join us." umusog pa ako ng kaonti para bigyan siya ng space sa sofa. Kahit lasing na ako ay pansin ko parin kung gaano kasama ang tingin niya kay Simon bago nag martsa papunta sa sofa kung saan ako nakaupo. "Simon this is Sian, Sian this is Simon" pag pakilala ko sakanilang duwa. Nakaupo ako ngayon sa gitna ng dalawang ito. Si Simon ang unang nag lahad ng kanyang kamay, tiningnan pa muna ng ilang saglit ni Sian ito bago tinanggap tsaka pinakilala ang kanyang sarili. Pagkatapos nun napunta ang isang kamay ni Sian sa bewang ko at unti unti niya akong hinila papalapit sakanya na naging dahilan ng pagkagulat ni Simon. Hindi ko na kayang pag laananan ng atensyon ang nararamdaman kong alitan na namamagitan sa dalawang ito dahil na rin sa kalasingan. Ang tanging pumapasok sa utak ko ay gusto ko pang uminom at mag enjoy. Kinuha ko ang isang shot glass na nasa table namin tsaka hinarap ko si Sian "Gusto mo?" I offered he then smiled as he shooked his head. Pagkatapos nun ay inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga "Mag dridrive pa ako mamaya" aniya "Don't mind me, just enjoy the night Xyra." He then slowly planted a soft kiss on my shoulder which made me shiver "Are you sure? We can just book a driver if you want" "I'm fine, I want to drive you home safetly later on." Hindi ko magawang lingunin siya dahil ipinatong pa niya talaga ang kanyang baba sa aking balikat. Tumaas ang balahibo ng buong katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi. Ganun siya kalapit sa akin, na isang galaw ko lang ay mahahalikan at mahahalikan niya na talaga ako. Napansin siguro ni Simon kung gaano kami kalapit ni Sian sa isa't isa kaya naisipan niya na lang na umalis sa sofa at iwanan kami dun. I felt guilty about it but on the other hand I can't blame Sian doing it. Sa katunayan mas natutuwa pa nga ako sa ginagawa niya ngayon. Nagulat na lang si Sian nung bigla akong napaupo ng maayos tsaka hinarap ko siya. Napasobra ata ang nainom kong alak dahil nagiging dalawang Sian na ang nakikita ko ngayon. Mariin kong pinikit ang aking mga mata tsaka agad na minulat itong muli. Ramdam ko ang pag alalay ng kamay niya sa aking bewang. Tahimik niya lang pinag mamasdan ang kung ano man ang gagawin ko. "Align" I softly said as I raised my index finger Kahit litong lito siya sa ginawa ko, inangat niya rin ang kanyang index finger. Dahan dahan ko nilapit ang index finger ko sa index finger niya ngunit hindi ito tumama. "Okay! Let me try it again" sabi ko bago umupo ulit ng maayos. Naduduling pa ako nung nasa kamay niya ang buong atensyon ko habang tinatangka kong ilapit muli ang index finger ko sakanya. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko nagawang tamaan ang index finger niya na nananatiling nasa ere. Nakapikit akong ngumiti "Lasing na ata ako." pag amin ko I heard him chuckled atsaka dahan dahan niya tinanggal ang mga takas na buhok ko sa aking mukha. "Uwi na tayo?" he asked I nodded and slowly opened my eyes so that I can look at him "Uwi na tayo." pag aya ko sakanya "Alright babe, let's go home." bago niya ako dahan dahang inalalayan papatayo ay pinasuot pa niya muna sakin ang dala kong cover up kanina Hindi ko narin nakayanan pang mag paalam kina Sage nung tuluyan na kaming nakatayo ni Sian. He's hands wraps around me as we walk until we arrived at the basement where he parked his car. Sinigurado pa niyang kumportable akong nakaupo sa shotgun seat niya bago siya tumakbo papunta sa driver's seat. He started the engine then he looked at me. "Sleep tight babe. I'm happy seeing you enjoying this night" he said before planted another kiss on my forehead __________ Comment.Vote. Share. BeAFan Thanks for reading Belle❣️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD