[16]

3069 Words
Kasalakuyan akong nasa mall ngayon nag iikot mag isang. Bibili kasi ako ng mga pasalubong ko para kila nanay. Kanina ang first day of enrolment namin kaya maaga kaming pumunta ni Sage sa campus para maaga rin kaming matatapos. Hindi na siya sumama sakin papunta ng mall dahil mag iimpake pa daw siya ng dadalhin niyang gamit para sa lakad namin bukas. We will be going to Amanpulo with Dana and the rest of golf club members tomorrow. Five days silang mag stestay dun habang kami ni Sage kailangan umalis para pumunta sa Cebu kung saan matatagpuan ang probinsya nila. Then we will be staying there for another two days, after that derecho na kami ni Sage papuntang France at dun na uubusin ang natirang araw ng bakasyon namin. Our schedule is hectic but i'm pretty sure this would be fun. Kaya sobrang excited ako sa mangyayari Habang abala ako sa kakahanap ng magandang bilhin ay biglang may tumawag sa akin. It was Sian. By the way after that party, hindi na ulit kami nagkita pero parati naman kami nag tetext sa isa't isa. Naging abala kasi kami ni Sage sa pag aasikaso ng travelling visa niya papuntang France habang si Sian naman ay tumutulong na ulit sa pag mamanage ng kumpanya nila. Kaya hindi na talaga namin magawa mag kita ulit. But i'm fine with that, dahil sa wakas ay nagkaayos na rin kami. "Hello" "Nandito ako sa EHU ngayon, ang sabi kasi ni Dana nakita ka niya dito kanina. Saang banda ka?" "Uhmm, naka alis na ako Sian. Tapos na kasi kami ni Sage." "Huh? Ang aga pa ah?" "Maaga kasi kaming pumunta kanina. Sa katanuyan, nung nagkita kami ni Dana palabas na kami ng campus ni Sage nun." "Alright, na saan ka na ngayon? Pupunta ako jan." "Uhmm nandito ako sa mall malapit sa campus, may binili lang." "Okay, i'll be there in five minutes. Wait for me, ihahatid kita sa condo mo." Tumango ako kahit alam kong hindi niya naman ito malalaman. Pagkatapos ng tawag ay agad kong inabala muli ang aking sarili sa pag hahanap ng magandang bilihin. Nahinto na lang ako sa pag lalakad sa tapat nang isang kiosk na puno ng mga lucky charms. Yung para bang feng shui stuff "Ma'am baka gusto niyo po itong bracelet" sabi pa ng saleslady sa akin sabay pakita ng isang red string bracelet na may maliit na bilog na kulay gold sa gitna. "The red strings of fate po ang tawag dito. Buy one take one po, pwede mo ibigay ang isa sa pamilya, kaibigan o kaya sa kasintahan niyo po. Para sa tuwing mag kalayo po kayo, maiisip niyo parin ang isa't isa dahil suot niyo ang bracelet na ito." Tiningnan ko ng maigi ang binibenta niya sakin, for me it was like a normal bracelet, nothing's special. "Magkano po?" Sabay abot ng bracelet para makita ng malapitan. "250 pesos lang po dalawa na. Bili na po kayo" "Sige bibili po ako ng isa." agad naman napangiti ang saleslady tsaka kumuha pa ng isang red string bracelet at nilagay ito sa loob ng isang supot. Kinuha ko naman ang pera tsaka inabot ito sakany. "Maraming salamat po" pagkatapos nun ay nakita ko pa kung paano niya pinahid pahid ang perang natanggap niya mula saakin sa iba pa niyang paninda. Pinasok ko na ang binili ko sa loob ng aking bag at muling nag paalam sa saleslady bago tuluyang umalis para makapag ikot ikot ulit. Hindi nag tagal ay may natanggap ulit akong tawag mula kay Sian ang sabi nandito na raw siya sa parking lot netong mall, kaya naman hindi na ako nag abala pang umalis sa kinatatayuan ko para hindi siya mahirapan na hanapin ako.  Grey polo, ripped jeans and sneakers. Agaw niya kaagad ang pansin ng mga taong nasa paligid niya, kita ko pa na may namumuong bulong bulongan sa mga babaeng na daanan niya. Mula sa tindig, ayos at sa paraan kung paano siya lumakad palapit sa akin ay hindi mo talaga makakaila he is really a headturner. Ngumiting inangat ko ang aking kamay para batiin siya. Habang nilalakad niya ang distansya namin ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Dun ko napag tanto na hindi pala sapat sakin ang text at tawagan namin ni Sian netong nakaraang araw. Kailanman hindi ito pumasok sa isipan ko, ngunit nung nakita ko na siya ngayon dun ko lang napagtanto kung gaano ko pala siya namiss. I miss his presence, I miss his scent, na miss ko rin ang kasupladuhan niya. "Hey" bati pa nito nung tuluyan siyang makalapit sa akin. "Hi! Wala kang meeting ngayon?" "Natapos ko na kahapon" pinasadahan niya ako ng tingin "Tapos ka nang mamimili?" Agad akong umiling "Hindi pa" Kaya ayun, nag ikot ikot pa nga kami ni Sian sa mall. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin. Sa tuwing tapos na ako mag bayad sa cashier ay inaagaw niya kaagad saakin ang mga pinamili ko para siya na raw mismo ang mag dala neto. Isang oras pa makalipas nung natapos ko nang bilhin ang mga dapat ko bilhin kaya nag aya na akong umuwi kay Sian. May dala akong kotse ngayon kaya nakasunod lang siya sa likuran ko buong biyahe. Kunot noo ko siyang hinarap tsaka inangat ang kamay ko papunta sa noo niya. I tilted my head, wala naman siyang lagnat ah. Bakit kaya niya naisipang mag luto ngayon? Sa mismong bahay ko. Simula kasi nung nakasanayan niya nang tumambay dito sa bahay ay ako parati ang nag luluto, dahil nga nag prapractice ako. Kaya laking gulat ko na lang nung makarating kami ng basement kanina ay may dala dala na siyang isang ecobag. At nag presenta pa na siya na raw ang mag luluto para sa dinner namin. He chuckled, habang pinapatong niya ang dala niyang ecobag sa counter. "Wala ka namang sakit Sian, ba't ka mag luluto?" "we need to celebrate." may saya sa boses niya ngunit mas lalo lang ata akong naguluhan sa sinagot niya sakin. Anong dapat icelebrate ngayon? Ang enrolment ko ba ang tinutukoy niya? Hindi naman ata karapat dapat icelebrate yun. Kung nursery pa lang siguro ako ngayon, baka nga kailangan icelebrate nag enrolment. Kaso hindi eh. Ginulo niya ang buhok ko sabay yuko para mag lebel ang mga mata namin. "It's my birthday today Xyra." Aniya tsaka ngumiti sakin. Habang ako naman ay parang naestatwa na sa kinatatayuan ko. Napakurapkurap habang nag sisink in ang sinabi niya. Ano raw? Birthday niya? Ngayon? As in? Ngayon? I gasped and my eyes widen. "Birthday mo?" pag ulit ko pa. Hindi makapaniwala sa sinabi? Baka kasi pinagloloko niya lang ako. Paanong birthday niya? Edi sana hindi siya dito sa bahay ko dumerecho? Dapat nandun siya sa isa sa mga hotels na pag mamay ari nila. May magarbong party. Hindi dito, tapos nag presenta pa talaga siyang mag luto. Ngunit imbes na bawiin niya ang sinabi ay tumango siya bilang sagot. Kaya naman agad ko siyang tinulak na ikinagulat niya. "Birthday mo pala ngayon. Ba't hindi mo agad sinabi?" habang patuloy ko parin siyang tinutulak palayo sa counter. Ngunit kahit ganun na ang pagtutulak ko sakanya ay hindi ko parin magawang tuluyan siyang mailalayo. "Surprise?" sabi niya habang nilalabanan ang pag tutulak ko sakanya. "Anong surprise? Birthday mo tapos ikaw mag susurprise?" tumayo ako ng maayos para maharap ko siya "It's just my birthday Xyra, nothing special." "Anong nothing special Cass—-" "Sian" pag tama niya sakin Napalunok ako ng wala sa oras at napapikit ng mariin ng ilang saglit "Fine Sian, anong nothing special? Isang araw ka lang kaya sa isang taon mag bibirthday." "Pero two weeks ko sinecelebrate ang kaarawan ko." Laglag ang panga ko at nanlaki ulit ang mata ko dahil sa sinabi niya "Anong two weeks?" "My parents is always organizing a party for me, then another one from my grandparents, and another one from my friends. Pero hindi mismo sa araw ng kaarawan ko ako nag cecelebrate noong nakaraang taon." "Huh?" Litong lito kong sabi "Anong hindi sa araw ng kaarawan mo kayo nag cecelebrate? Ba't parang baliktad ata." "Well my parents are always busy on my birthday. Katulad ngayon, wala sila sa bahay dahil nasa business trip. Kaya next week gaganapin ang party na inorganize nila para sa akin." aniya "Kaya ka nandito ngayon?" "Uh huh." "To celebrate?" Derecho ko siyang tiningnan sakanyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin sakin, alam kong malungkot siya. I even saw disappointment on his eyes. "To cook you dinner." "I'll cook" giit ko. Kahit gusto ko ngang matikman ang luto ni Sian, hindi ko naman ata matanggap na siya ang mag luluto ngayong gabi para samin. Okay lang sana kung sa ibang araw siya mag luluto kaso birthday niya kaya ngayon. "No, let me cook for tonight." "But it's your birthday. Ni wala nga akong regalo para sayo." Malungkot na sabi ko. Kung sana sinabi niya sa akin ng maaga edi sana nakabili pa ako ng ireregalo ko sakanya. "Hmmm" napaangat ako ng tingin sakanya "I didn't bought a cake. How about you bake one? While i'll cook our dinner." Cake!! Oo nga pala, wala siyang cake. Tama! Gagawa ako, mabilis lang naman gumawa ng cake. Nakangiting tumango ako sakanya. "Shall we start?" Agad kong dinampot sa isang counter ko ang extrang apron para ibigay sakanya. Pagkatapos nun ay tinali ko ang aking buhok tsaka nag hugas kamay. Habang si Sian naman ay abala sa paglalabas ng sangkap na dala niya sa ecobag. Pagkatapos kong mag hugas ay derecho na ako sa aking ref para tingnan kung anong cake ang pwede kong gawin. I remember Sian doesn't like sweets at all. "Sian, are you fine with tiramisu flavored cake?" tanong ko pa sabay sulyap sakanya habang ang kamay ko ay nanatiling nakahawak sa handle ng ref. Baka hindi siya makakatulog mamaya dahil coffee based ang gagawin kong cake para sakany. Pero naisip ko na lang na mas mabuti na to kesa sa chocolate, matamis yun! "I'm fine with anything Xyra." sagot niya. Isa isa niya nang nililinisan ang mga gulay. "Alright" tsaka isa isa ko nang nilabas sa ref ang gagamitin ko. Kailanman hindi ko pa na try gawin ito, kaya sana swertehen ako at hindi papalpak mamaya. Nag simula na kaming pareho sa pagluluto, pareho kaming tahimik. Natawa pa ako ng kaonti dahil nag mumukha pa ngang nasa isang cooking show kami ngayon ni Sian dahil preho kaming seryoso sa ginagawa. I even saw him tilted his head as he taste the food he cooked. "How does it taste?" Nasaakin ang buong atensyon niya, hinihintay ang isasagot ko. Tapos na kaming pareho sa pag luluto kaya kakain na kami. He made a chicken chausser. "Masarap" nakangiting puri ko sakanya. Sa katunayan, I didn't expect much on his cooking skills. Prinaktis ko pa nga sa utak ko kung ano ang isasagot ko sakanya kapag natikman ko na ito. Kahit hindi masarap to the point hindi na ito makain dahil pangit ang lasa , masarap parin ang isasagot ko sakanya sa oras na tanungin niya ako. It's the thought that counts ika nga nila. Pero laking gulat ko na masarap talaga ang niluto niya ngayon. Sa tingin ko nga mas magaling pa siya mag luto kesa sakin. "Are you sure?" kunot noo niyang sabi sabay tikim nung sakanya. "Oo, masarap nga" giit ko "Sinong nag turo neto sayo?" "Ah, nag paturo ako sa isang chef namin." He then touched his nose "Masarap" pag puri ko ulit sakanya sabay thumbs up. "Thank you, kain ka na." Nag simula na nga kaming kumain. Habang kumakain, may naikwento pa siya tungkol sa isang cruise line na gustong gusto niya sana makuha bilang business partner nila. Sa katunayan mula sa lolo niya hanggang sa daddy niya gusto na nila ito maging business partner. Nga lang hanggang ngayon wala pa rin silang nakukuhang reply mula sa cruise line na ito. Nagulat pa nga ako dahil kaya pa nilang gawin yun sa kumpanya nina Sian. It is their loss if they won't agree to have a collaboration. Dahil matagal nang maganda ang reputation ng mga Dy sa negosyo. Rinig ko pa nga ang ibang companya kahit ilang taon na ang nakalipas, kahit sub contractor lang nila Sian sa isang proyekto nilalagay parin nila ang pangalan ng mga Dy for a little exposure. Alam kasi nila na isa itong karangalan para sakanila. Kaya malaki ang pag tataka ko kung bakit tinatanggihan parin sila ng cruise line na iyun. "Teka! May kukunin lang ako" pag pigil ko sakanya bago tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nung nakuha ko na ito ay nakangiting tumakbo ako pabalik sa dinning table. Agad kong pinasuot sakanya ang birthday hat na hawak hawak ko. Umupo ulit ako sa harapan niya. Mag kasalubong ang kilay niya nung tumingin siya sakin, ngunit hindi niya naman tinanggal ang birthday hat na suot. Ngumisi ako sakanya dahil ang cute niya pala tingnan. Nilabas ko na ang lighter para sindihan ang candle. "Happy birthday to you" pag kanta ko. Nanatiling nakatingin siya sakin habang patuloy ako sa pagkanta. "Happy birthday Sian" pag bati ko "Hurry make a wish" He slowly closed his eyes to make his wish. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko para kunan siya ng litrato. Sian closing his eyes while wearing a birthday hat infront of his cake that I made. Pinatay ko ang ilaw kanina kaya ang tanging nag bibigay ilaw sa unit ko ay ang kandila, ang ilaw mula sa mga gusali sa labas at ang buwan. Nakangiting pumalakpak ako nung hinipan niya na ang kandila. Dali dali akong tumayo para i-on ulit ang ilaw. "Happy birthday!" pag ulit ko pa nung nakatayo na ako sa tabi niya kaya napatingala siya sa akin. Kinuha ko ang maliit na supot na nakatago sa back pocket ng pants ko tsaka inabot ko ito sakanya. "Sorry, ito lang kaya kong ibigay sayo ngayon." Walang sabi niyang kinuha yun sa kamay ko tsaka binuksan ito at pinagmasdan nang mabuti. Napakagat labi ako dahil sa kahihiyan. Paano ba naman kasi ang red string bracelet na binili ko kanina sa mall ang naisip kong ibigay sakanya as birthday gift. I didn't even bother to put it in a small paperbag at all. Literal na sa supot lang siya nakalagay. Halatang kakabili lang sa tabi tabi. "I like it, thank you" nakangiting sabi pa niya Mas lalo akong nakunsensya nung nakita ko ang reaksyon niya sa ibinigay ko sakanya. Okay lang sana kung mahal ang regalo ko, pero maliban sa mumurahin na nga ang bracelet na yun mukhang next week masisira na yun dahil sa sobrang nipis lang nung bracelet "Sorry talaga, hayaan mo next year babawi ako sayo." Tumayo siya atsaka yinakap ako na ikinagulat ko. "I really like it Xyra" aniya "You really made me happy" he whispered, at mas lalo niya akong yinakap. nung kumawala na siya sa pag yakap sakin ay dahan dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko, kung saan ko suot ang kaparehong bracelet na binigay ko sakanya. "Is this a couple bracelet?" may mapanglokong ngiti na gumuhit sakanyang mukha. At doon ko lang na realize na mukhang couple bracelet nga yun. Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil sa nagawa. Ba't hindi ko kaagad na isip yun? Agad kong binawi ang bracelet sa kamay niya "Hindi to couple bracelet. Sadyang hindi ko lang napansin" pag dadahilan ko. Pangit naman kasi kung sasabihin ko pa na buy one take one ko tong binili no? Idagdag mo pa na sa halagang 250 pesos ko lang siya nabili "Sian balik mo na sakin yan!" sabi ko pa habang tumatalon talon. Paano ba naman kasi mabilis niya namang nakuha ang bracelet sa mga kamay ko atsaka tinaas ito, kaya hindi ko mabawi bawi dahil sa sobrang tangkad niya hindi ko maabot kahit anong talon ko pa dito. "Alright this is not a couple bracelet." nandyan parin sa boses niya ang panunukso. "Calm down." "Friendship bracelet." Pagtama ko sa nauna kong sinabi. tumigil narin ako sa kakatalon kaya inayos ko na lang ang nagulo kong buhok. "Friendship bracelet?" nag taas pa talaga siya ng isang kilay niya "Hindi naman kasi yan couple bracelet" bumaba ang tingin ko sa kamay niya kung nasaan ang bracelet. At nung tinangka kong kunin yun ay mabilis niyang iniwas yun sa akin. Kaya napapikit ako ng mariin. Hindi talaga ata tama na yun ang binigay ko sakanya. "At bakit hindi couple bracelet?" "Bakit? Couple ba tayo?" matapang ko siyang tiningnan. "Aren't we Xyra?" seryosong sabi niya "Of course not!!" agap ko. "Oh really? Because as far as I know we are." Laglag ang panga ko at nanlaki ang mata ko, he just smirked. Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit lasing ako nung nasa bar kami at bumalik na nga kami sa kung paano kami makikitungo sa isa't isa. Alam kong hindi ko siya boyfriend. Crush ko lang siya. Yun lang yun! Crush lang ba talaga ang tawag dun? Ah basta!! Hindi ko siya boyfriend "Anong we are ang pinagsasabi mo?" I crossed my arms above my chest. Matalim ko parin siyang tinitingnan. "Bakit nanliligaw ka ba sakin?" taas noong sabi ko "Isn't it necessary?" he chuckled tsaka pa niya dinilaan ang pang ibaba niyang labi. "Of course! Paano kita sasagutin kung hindi ka nanliligaw hindi ba?" "You know I don't do courtship Xyra." "You know i'm not into relationship Sian" paghamon ko "If you're fine with this set up with me then...." I shrugged "Okay fine! I'll court you from now on" pag suko niya "I don't know how to do this stuff but i'll try." Napahawak pa siya sakanyang batok Ngumuso ako para pigilan ang pag ngiti ko. Ang cute niya kasi tingnan. Sobrang bilis ng puso ko, hindi ko pa atang magawang huminga ng maayos dahil dun. Hinintay kong tumingin siya ulit sakin nung nag salita ako. "Okay sinasagot na kita." I bit my lowerlip after saying it Nanlaki ang mata niya "what?" gulantang sabi pa niya "Bakit ayaw mo?" I chuckled pero sa halip na sagutin niya ako ay agad niyang hinila ang kamay ko para mayakap niya ulit ako ng sobrang higpit. "You can't take that back Xyra. Walang bawian" Nakangiting tumango ako atsaka dahan dahan na ring yumakap sakanya "f**k!! All my life, hindi ko akalain na sasaya ako ng ganito. Thank you, thank you for coming into my life Xyra." ________________ 1.24 Comment.Vote.Share.BeAFan Belle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD