Hinhingal kami pareho ni Sage nung makarating na kami dito sa lounge ng NAIA. Paano ba naman kasi etong si Sage, late na nagising kanina dahil pumunta pa talaga ng bar kagabi.
Yan tuloy napatakbo kami kaagad pagkababa ng pagkababa namin ng kotse. Nag pahatid kasi kami kay kuya Joaquin papunta dito
Sinalubong kami pareho ni Dana ng yakap nung nakita niya kami.
"Akala ko hindi na kayo makakarating"
"Akala ko rin, hindi na namin kayo maabutan dito. Si Sage kasi eh." sabay sipat sakanya na agad naman siyang nag peace sign.
"Sorry na, sana mapatawad mo pa ko."
Dana giggled "anyway, Sage Xyra I want you to meet Leila Chua. Pinsan ni Gavin. Leila this is Sage and Xyra, member ng golf club atsaka kaibigan ko na rin."
Pakilala ni Dana sa isang mala porcelana na balat na babae samin. Dahil sa sobrang pag mamadali, hindi ko napansin na may katabi pala si Dana.
"Hello" nahihiyang bati niya
"Hi, i'm Xyra" sabay lahad ko ng kamay sakanya na agad niya namang tinanggap "nice to meet you" dugtong ko pa.
Ganun din ang ginawa ni Sage, nung iginala ko ang aking paningin sa buong lounge ay nakita ko kaagad si Sian. Nakaupo sa isang sofa katabi nins Gavin at Clint. May kinukuwento ang kaibigan niya sakanya ngunit hindi nga lang ako sigurado kung nakikinig pa siya, dahil saakin na siya nakatingin ngayon.
Nung mag tama ang mga mata namin, agad akong ngumiti pero siya mas lalong sumimangot at nag iwas pa ng tingin sa akin.
Laglag ang panga ko dahil sa naging reaksyon niya. May kutob na ako kanina na ganitong ganito ang pakikitungo niya sakin ngayon, pero hindi ko akalain na mag tatagal ang tampo niya sakin.
Paano ba naman kasi habang tinutulungan niya ako sa pagligpit ng mga gamit ko kagabi, pinag sabihan ko siya na wag na muna naming ipaalam sa iba ang kung ano man ang relasyon namin ngayon sa mga kaibigan.
"What?" binitawan niya ang hawak niyang banana chip sabay angat ng tingin niya sakin.
Nasa gitna namin nakalapag ang maleta ko.
"For the meantime" pag tama ko sa naunang sinabi. Kita ko kung paano umiba ang mukha ni Sian.
"Gusto mong mag kunwari tayo sa iba? We won't talk? Or I can't even go near you? Is that it Xyra?" nanatili ang matalim niya tingin sa akin.
Hindi ko naman talaga gustong gawin ito, ngunit naisip ko kasi na baka magulat at maging awkward sa lahat kapag malaman nila ang relasyon namin ni Sian. Lalong lalo na't hindi nila alam na matagal na kaming mag kaibigan ni Sian.
Tumango ako ng ilang beses bago yumuko.
"This is ridiculous, eventually they will know our relationship. So I can't really fathom why should we hide this." nanatiling mag kasalubong ang kilay habang patuloy na tinutulungan niya ako sa pag liligpit ng gamit ko.
"Hindi ko rin naman gustong itago ang relasyon natin sakanila. Pero syempre kahit kailan hindi nila tayo nakikitang mag kasama o nag kausap man lang. ayaw ko silang biglain." pag explain ko. Hinawakan ko ang kamay niya para makuha ang atensyon niya. Panay parin kasi ang iwas niya ng tingin sa akin, kaya hindi ako sigurado kung nakikinig ba siya o hindi.
Nung nahawakan ko na nga ang kamay niya ay dun lang siya nag angat muli ng tingin sa akin.
"Please Sian."
Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko siya tuluyang nakumbinsi sa gusto kong mangyari sa trip na ito.
Mas lalo pa ata siyang nagalit sakin nung tinanggihan ko pa lalo ang alok niya na sunduin niya ako sa bahay. Para sabay na kami pumunta ng airport kanina.
"Sa France kayo buong break?" Dana
Nakupo kami ngayon nina Dana,Sage at Leila sa isang sofa, katabi lang nung sofa kung saan nakaupo sila Sian. May maliit na round table sa gitna na mayroong macaroons, kaya panay ang kain ko dito. Masarap kasi
"Oo, isinama ko na si Sage."
"Sayang naman, akala ko makakasama na kayo parati sa pag gogolf." bagsak ang balikat ni Dana nung sinabi niya yun.
"You're leaving?" nasamid ako sa biglaang sagot ni Sian.
Oo, hindi nga malayo ang upuan namin sa isa't isa, ngunit dahil sa dami namin ngayon at may kanya kanyang usapan hindi pumasok sa isip ko na maririnig niya parin ang topic namin dito.
"Ah oo" I really tried my best to sound normal as possible. Kahit na nakaramdam ako ng pagkataranta sa biglaang sulpot ni Sian sa usapan namin.
"In France? I thought it was only in Cebu?" sina Gavin at Clint ay naging kuryoso na rin kaya napatingin sila sa akin.
"Uhmm" hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sakanya, dahil kahit na tinulungan niya nga ako sa pag liligpit ko ng maleta kagabi. Hindi ko ma tandaan na naikwento ko sakanya ang pag alis namin ni Sage.
"Pagkatapos namin sa Cebu derecho na kami ni Xyra papuntang France." napansin siguro ni Sage na natagalan ako bago makapag salita ulit kaya siya na ang sumagot.
"Until when?" seryosong tanong ni Sian habang nasaakin ang matatalim niyang tingin.
"Uuwi kami few days before opening of classes" parang sasabog na ata ang dibdib ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
"Tsk!" nanlaki ang mata ko nung biglang tumayo na lang si Sian tsaka umalis palabas ng lounge.
Gusto ko siyang tawagin para pigilan ngunit hindi ko magawa, dahil nga ito ang kagustuhan kong mangyari. Ang mag kunwari wala kaming relasyon sa harap ng mga kaibigan namin.
Kaya imbes na bigkasin ang pangalan niya ay napa hinga na lang ako ng sobrang lalim. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng nawala siya sa aking paningin.
Tama ba tong desisyon ko? Ilang oras pa lang ang nakalipas nung sinagot ko si Sian, mukhang may nabuo na kami kaagad na hindi pagkakaunawaan.
Kahit anong pilit ko sa sarili na makinig sa kwento nina Sage at Dana ay hindi ko magawa, dahil panay ang isip ko kay Sian.
He looks mad at me. Dali dali kong kinuha ang phone ko sa loob ng aking sling bag bago tumayo.
"Excuse me cr lang ako." paalam ko.
Sa katunayan lalabas ako para hanapin si Sian. Gusto ko siyang kausapin. Hindi ako mapapakali hangga't sa makausap ko siya.
Pagkalabas ko sa lounge ay agad kong dinial ang numero niya. Nakailang rings pa bago niya ito sinagot
"Hello" sa mababang boses niya.
"Na saan ka?" I asked while I stretched my neck as I tried to look for him.
"Bakit?" supladong tanong niya. Nahinto ako sa pag lalakad nung may nakita akong pamilyar na lalaki nakatalikod sakjn. Kahit likod pa lang niya ang naaaninag ko ay sigurado akong siya yun.
"Turn around." walang pasabi siyang sumunod sakin habang ako naman ay unti unting lumalapit pa lalo sa kinatatayuan niya.
Sa oras na nakita niya ako ay dun niya na binaba ang tawag. Hindi siya gumalaw, hinintay niya lang ako hanggang sa nakarating na ako sa harapan niya.
"Why are you here?" bungad niya sakin
"Hinahanap ka"
"Tsk"
"Galit ka ba sakin?"
"Kailangan pa bang itanong yan?" tumaas ang isang kilay niya. "I'm not allowed to sit besides my girlfriend, at nalaman ko pang kasama mo sa pag alis si Sage. Not just days, but weeks."
"I'm sorry, matagal na namin plinlano ni Sage na sasama siya sa oras na mag babakasyon ulit ako sa France. Kahit na wala pa tayo, nakabook na kami ng flight para dito." I paused for a while "Hindi ko nasabi kaagad sayo dahil akala ko okay lang na mawalay muna tayo ng ilang linggo sa isa't isa." Pinilit kong ngumiti para mabawasan sana ang init ng ulo niya.
Kaso na bigo pa rin ako. I even saw him clenched his teeth.
"Hindi ko akalain na buong sembreak ka pala mawawala, I even plan to introduce you to my parents on my birthday party."
Tikom ang bibig ko sabay yuko nung narinig ko ang sinabi niya. Na kunsensya ako bigla dahil, dapat nga talaga siyang magalit sakin. Bago lang kami sa relasyon namin, ngunit iiwan ko na siya dito na mag isa para umuwi.
Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman kasi inakala na hahantong sa ganito ang relasyon namin ni Sian. Tsaka simula pa lang, plano ko na talagang umuwi sa pamilya ko for my semestral break. I wouldn't just cancel it because of him. I miss my family, matagal ko na silang hindi nakakasama.
"I'm sorry" ang nasabi ko na lang habang nakayuko parin.
"Tsk" rinig ko.
Nung inangat kong muli ang aking paningin sakanya, nanatili ang naniningkit niyang mga mata sa akin.
Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya tsaka mas lalong lumapit sakanya. I interwined our hands.
"Wag ka nang magalit please. Hmmm?"
He didn't say a word but his face is much calmer now than before.
"Pangako pag uwi ko babawi ako sayo. Please?"
He sighed, mas lalo niyang hinigpitan ang pag kakahawak niya sa kamay ko kaya napangiti ako. "Can you resched your flight? An earlier arrival?" he pleaded
"My parents expected me to be there." bagsak ang balikat kong sabi
"With Sage" napatingin ako sakanya ngunit agad siyang umiwas
Wait?
Don't tell me he's jealous with Sage?
Mariin ko siyang tiningnan, hinuhuli ang mga mata niya. Trying to read his mind.
"What?" supladong sabi niya
"Wala" sabi ko sabay nguso para pigilan ang pag ngiti.
He's jealous. Naalala ko, hindi niya pa pala alam ang totoong kasarian ni Sage.
I think I should tell Sage about our relationship first, before telling Sian Sage's true identity.
"Ganito na lang gawin natin. Habang nasa France ako, kadalasan kitang iuupdate. Kung may pagkakataon we'll video chat."
"I'll adjust my time to your timezone. We should have a video chat everyday."
"Alright."
"Update me kahit saan kayo mag punta ni Sage dun." tumango ako bilang sagot "Even if it's late, i'll reply to you as soon as I read your messages."
Tumango ulit ako "Wag ka nang magalit"
"And lastly" pahabol niya kaya tahimik akong tumingin sakanya, hinhintay ang sunod na sasabihin
"Tabi tayo sa eroplano mamaya." Deklara niya na ikinagulat ko
"Pero Sian.."
"Babe" may pagbabanta sa boses niya.
Plano ko pa sanang tanggihan ang kagustuhan niyang mangyari ngunit pinili kong wag ipatuloy dahil alam kong galit siya at disappointed. Isang pagkakamali lang sigurado akong sasabog na siya.
"Alright, tatabi ako sayo mamaya." pag suko ko na ikinatuwa niya.
Kita ko kung pano niya kinagat ang kanyang pang ibabang labi para pag takpan ang ngiti.
"You should go first." sabi pa niya
Tumango ako tsaka ngumoso, dahil may pumasok bigla sa aking isipan. Humakbang ako lalo sa harapan niya kaya sobrang liit na ng distansya namin.
Sian is around six foot three inches kaya kahit matangkad na ako ay nag mumukha parin akong maliit kapag katabi ko siya.
I tiptoed and planted a shallow kiss on his lips. Pagkatapos nun ay nakangiting umatras ako kaagad papalayo sakanya, kita sa mukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko. Nanatili siyang nakatayo habang ako naman ay papalayo ng papalayo sakanya.
Hanggang sa makabalik na nga ako sa lounge ay hindi parin ma tanggal tanggal ang ngiti sa labi ko. Agad akong tumabi kina Sage at Dana, kung saan panay parin ang kwentuhan.
"How about this christmas break Xyra? Uuwi ka ulit ng France?" biglang tanong sakin ni Dana.
"Hindi ko pa alam" sabay kain ng macarons.
Hindi pa kasi nabanggit nina nanay ang plano nila for this year. Pero malaki ang chance na uuwi ulit ako ng France. Dun naman kasi parati kaming nag cecelebrate kasama sila lolo at lola.
Ilang minuto ang nakalipas ay ulit akong napaangat ng tingin dahil kakapasok lang ni Sian. Agad niyang hinanap ang mga mata ko, seryoso ang mukha.
Tumigil siya saglit para kunin ang telepono. He hurriedly type something on it and put his phone back on his pocket and sit besides Clint.
I immediately knew what he did on his phone when I felt my phone vibrated.
Pasimple kong binaba ng kaonti ang phone ko para incase na sumulyap si Sage dito ay hindi niya agad makikita kung kanino galing ang message na yun.
Kiss stealer
-from Sian
Nakaramdam ako ng pag kakataranta, tsaka pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko papunta saaking mukha dahil sa isang message na yun. Panigurado sobrang pula na ng mukha ko.
Agad kong binalik ang telepono ko sa aking sling bag. Nakangiting umiling ako sakanya nung nag tama ulit ang mga mata namin.
He smirked and raised his left brow. May panunukso sa mga mata kaya agad akong umiwas ng tingin.
Panay ang tawa ko habang kausap ko sina Dana at Sage hanggang sa tinawag na nga ang atensyon namin dahil handa na raw ang eroplano na gagamitin namin.
Humagikhik na nakakapit pa si Dana sa braso ni Sage papasok sa private plane. Nasa bandang likuran kami kaya huli kaming tatlo nakasakay sa private plane.
Pinigilan ko na lang talaga ang sarili kong mapanganga nung nakita ko na ang kabuuan ng eroplano na hahatid saamin papuntang Amanpulo.
Pagkapasok ko ay agad kong hinanap si Sian, para sana tabihan siya. Ngunit parang napako ang mga paa ko sa tinatayuan ko nung nakita kong may nauna na pala sa upuan na dapat ay akin. Nasa bandang likuran silang nakaupo.
Kita ko rin kung gaano kasama ang tingin ni Sian kay Leila, ngunit parang wala lang siyang pakealam dito. Sa halip ay inayos pa neto ang kanyang bag tsaka seatbelt.
Kahit ayaw ko mang aminin, may nararamdaman akong kirot sa aking dibdib dahil sa nakikita. Hindi ba't si Sian mismo ang nag sabing gusto niyang magkatabi kami?
"Xyra!" pag tawag ni Ken ng atensyon ko. Hindi ko namalayan na ako na lang pala ang natitirang nakatayo dito, nung nakita ako ni Sian ay dali dali siyang tumayo ngunit tinawag muli ako ni Ken. Napag alaman ko na tinuturo niya pala ang katabing vacant seat. Giving me a sign to sit besides him.
Ngumiting tumango ako sakanya, bago ko ulit sinulyapan si Sian na ngayon ay nakatayo parin at handang lapitan ako. Pero bago pa siya makaalis ay humgpit ang pagkakahawak ko sa dala kong sling bag tsaka tinalikuran ko siya para tumungo sa upuan na tinutukoy ni Ken.
Kinantyawan kaagad kami ng iba nung tuluyan na akong nakaupo katabi ni Ken.
"May mamumuong loveteam ata dito ah" rinig ko pa
"Kenra loveteam"
"Xyra wag kang mag alala, kapag lolokohin ka ng kapatid ko, ako na bahala mag higanti para sayo" bulyaw pa ni Kevin sa harapan namin.
"Aya!" suway naman ni Ken
"Ken bilisan mo ah! Baka maunahan ka pa." ani ng isang senior
"Bagay kayo" rinig ko ang boses ni Sage kaya agad akong napatingin sakanya.
Pati ba naman ikaw Sage?
"Oo nga oo nga! Bagay kayo" si Dana naman sabay palakpak.
"Sagu——-"
"CAN ALL OF YOU SHUT THE f**k UP!" Sian's voice thundered.
Napapikit ako ng mariin at bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot na naramdaman. Naging tahimik ang lahat dahil sa biglaang pag sigaw niya. Kahit ang mga cabin crew ay natigil sa ginagawa.
"One more noise I swear i'll make you regret it." pagbanta pa niya "One wrong move, i'll kick you out of here"
Kinalibutan ako sa boses niya. Kahit wala siyang sinabing pangalan, alam ko kung kanino niya sinabi yun.
It was for Ken, na wala namang ginawang masama. Sa katunayan siya pa ang may magandang loob na bigyan ako ng magandang mauupuan.
I gritted my teeth, sabay lingon sakanya. Mag kasalubong ang kilay niyang nakatingin kay Ken.
Agad kong dinampot ang telepono ko para mag tipa ng mensahe
To: Sian
What the f**k is wrong with you?
From: Sian
I told you to sit besides me
To: Sian
Sino bang naunang may katabi? Ako ba?
From: Sian
Sabihin mo kay Ken na palit kami
To:Sian
Are you crazy? After all what you did may lakas loob ka pang gawin yun? Tinakot mo lahat ng nandito ng dahil sa sigaw mo
From: Sian
At kasalanan ko pa ngayon? Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong itago ang relasyon natin Xyra.
To: Sian
They're just joking Sian.
From: Sian
And I don't like their jokes Xyra. It's not funny.
Napapikit ako ng mariin dahil unti unti na akong naiinis kay Sian.
To: Sian
Are you planning to ruin this trip or what? Guess what, you already succeeded.
From: Sian
Babe
To: Sian
Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Wag na wag mo kong kausapin.
From:Sian
Babe
Dali dali kong isinuot ang airpods ko, high volume, at padabog na pinasok ang cellphone sa loob ng aking sling bag. Tsaka pumikit para matulog.
Bahala siya jan, hinding hindi ko siya papansinin kung ganyan lang niya pala ako pakikitunguhan, ayaw kong masira ang araw na ito ng dahil lang sakanya.
________________________
Comment.Vote.Share.BeAFan
Belle❣️